Chapter 60
Chapter 60
The Great War
"Adamant No. 2 is ready, Supreme Commander."
Tumayo si Nicolas at kinuha ang telepono na nakapatong sa lamesa pagkasabi ng scientist ng balita. Kung hindi mapapakinabangan sa ngayon si Adamant No. 1, oras na para gamitin ang pangalawang Adamant na fully developed na. Napangisi si Nicolas dahil tamang-tama ang pagkadevelop ng Adamant dahil ito na ang tamang oras para sumugod sa mga bampira.
Nakangisi pa rin si Nicolas habang nakahawak sa telepono at hinihintay ang pagsagot sa kabilang linya. Tinatawagan niya ngayon ang Communication Team sa headquarters upang ipaalam na magsisimula na ang laban ngayong araw. Hindi na siya makapaghintay at gusto na niyang durugin ang buong Vampire Clan. Nang may sumagot na sa kabilang linya ay hindi niya na ito hinayaang magsalita.
"Maghanda na kayong lahat. The Great War is about to begin."
Dahil sa linyang iyon ni Nicolas ay hindi na nagaksaya pa ng oras ang mga hunter. Kumilos na silang lahat upang maghanda. Tumunog ang alarm sa buong headquarters at mabilis na kumilos ang mga hunter. Ang bawat isa ay patungo sa isang malaking kwarto kung saan nakalagay ang kanilang mga armas – mga matataas na kalibre ng baril at mga matutulis na dagger. Kanya-kanya na rin silang suot ng kanilang makakapal na gears upang maprotektahan nila ang kanilang sarili.
Kasalukuyan namang inihahanda na rin Adamant No. 2 kung saan nasa loob pa rin siya ng isang glass cylinder. Abala ang mga scientists at lahat sila ay nakatutok sa malaking screen. Bigla namang lumabas ang isang window kung saan may nakalagay na 'Downloading...56%', indikasyon na kalahating porsyento na lamang ay handa ng lumabas si Adamant No. 2.
"He's the only one we're waiting for."
"5% remaining and his done," nakangiting pahayag ng scientist at gaya ng sinabi niya, nang maging 100% na ang nasa screen ay lahat sila ay tumingin sa glass cylinder kung saan nakatayo sa loob ang Adamant.
Dahan-dahang iminulat ng Adamant ang kaniyang mga mata at makikita rito na kulay pula na ito. Ang kaniyang buhok ay kulay abo at ang kaniyang katawan ay napapalibutan ng pulang usok. Pinindot ng scientist ang pulang button at bumukas ang glass cylinder. Lumabas ang Adamant at sa isang iglap ay nasa harapan na nila ito.
"It's nice to see you, your Majesty." Tumingin naman si Nicolas sa scientist para humingi ng kasagutan sa mga tanong sa kanyang isipan. Ibang-iba ang Adamant na ito doon kay Adamant No. 1. Si Adamant No. 1 ay walang pakealam sa kaniya at hindi sinusunod ang gusto niya pero mukhang kaiba sa kaniya si Adamant No. 2. Tumayo na ito at nanatiling nakatingin sa kaniya. "Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?"
"Bago namin siya binuo ay nagprogram kami sa kaniyang utak. Lahat ng sasabihin niyo ay susundin niya at tinuturing niya kayong tagapaglikha niya. Handa niyang sundin lahat ng kagustuhan mo at handa siyang mamatay para lang sa 'yo. Anong masasabi mo, Supreme Commander?"
Namamangha namang tumitig si Nicolas sa Adamant sa kaniyang harapan. Kumpara sa unang Adamant na nalikha nila, mas gusto niya ito dahil mapapasunod niya ito sa kahit anong bagay na gusto niya. "He's fantastic. Now dress him up and we'll go."
With a triumphant smile on his lips, he walked out of the laboratory having confidence that he will be able to defeat the Vampire Clan on this day.
ISRAEL fished his phone in his pocket when he heard it ringing and was surprised to get the news that the Vampire Hunters are ready for the fight. He ran towards the living room where everybody was waiting and he found Kisha and Van hugging each other. He slowed down his pace and walked towards the others. Kisha went back to normal. It seems that the problem is officially solved but the worse problem is the Great War is about to begin.
"May kailangan kayong malaman."
Lahat sila ay napatingin sa humahangos na si Israel. Hindi maipagkakailang kinakabahan siya sa maaring mangyari. Pagkatapos ng libo-libong taon ay mangyayari na naman ang Great War at siguradong madaming buhay ang maibubuwis.
"Nakahanda na ang mga Vampire Hunter na sumugod sa atin."
Sa mga salitang 'Vampire Hunter' pa lamang ay 'agad na pumula ang kanilang mga mata at lahat sila ay naging alerto. Napatayo pa ang iba at para bang hinahantay pa ang maaaring sabihin ni Israel.
"Kailangan niyo ng maghanda dahil ito na ang Great War."
"Tawagin niyo na lahat ng mga kabilang sa iba't-ibang Vampire Clans at sabihin niyong kakailanganin namin ang pwersa nila."
Sa sinabi ni Van ay agad na silang kumilos, pati ang mga representatives ay nauna na ring umalis. Tanging natira na lamang sa mansyon ay sina Van, Kisha, Savannah, Israel, Jullia, Wade, Victoria, Lolo G, Jiji at ang mga Nobles. Ibinaling naman ni Van ang kanyang tingin sa kanyang mag-ina.
"Stay here, okay? Kami na ang bahala sa lahat ng 'to."
Both of them pouted their lips and crossed their arms. Hindi naman mapigilang mapangiti ni Van dahil sa pagkakapareho ng mag-ina. "No, I'm coming with you. I'll fight with you and I will never leave your side no matter what," Kisha said stubbornly.
"Me too. I'll kick their asses and I will avenge Cross," dagdag naman ni Savannah.
Napabuntong hininga na lamang si Van. Sa itsura nila Kisha at Savannah ay hindi naman niya ito mapipigilan sa kanilang gusto.
"What? Payag ka na ba, Dad? I hate waiting though," sabi ni Savannah habang ineexamine ang kaniyang mga kuko. Napapoker face naman si Van dahil sa kaniyang anak. Linya na yata nito ang 'I hate waiting'. Hindi niya inaakalang sa kaniya pa talaga magmamana ito.
"Fine. As if I have a choice." Van heaved out a deep sigh and turned his attention to the others. "Are you all ready?"
"Of course. Jullia will be staying here." Sinamaan ng tingin ni Jullia si Israel. "Jullia will go with us." He rolled his eyes and Jullia just smirked at him. Napatawa naman silang lahat dahil sa dalawa.
"Mga under pala kayo, eh," pang-aasar ni Jick at binatukan siya ni Farrah. "Sorry na naman po. Hindi na mauulit. Kung anoman ang ginawa kong kasalanan, patawarin mo na ako."
"Hindi na dapat tayo nag-aaksaya pa ng oras dito. Kailangan na nating kumilos."
Napagdesisyunan na nilang umalis na at magpunta sa isang lugar kung saan alam nilang balak dumiretso ang mga Vampire Hunter, sa isang malawak na field kung saan magiging isang perpektong battle field para sa dalawang panig na walang madadamay na inosenteng tao.
Pagkarating nila doon ay nagtitipon-tipon na ang lahat ng mga bampira mula sa iba't-ibang bahagi ng mundo at sa kabilang panig naman ay mga hunter na dala ang kanilang mga armas. Pumunta sa unahan sina Van, Kisha at Savannah at katapat nila si Nicolas Raven.
"What a beautiful family. Fancy seeing you here, Kisha," nakangising sabi ni Nicolas. "And Savannah."
"Shut the hell up. You look ugly in that outfit anyway," nakangising sabi rin ni Savannah. "What are we waiting for? Let's start."
"Because you hate waiting?" natatawang sabi ni Van. Ginulo-gulo niya ang buhok ni Savannah at lumakad pauna. "Kayo ang nagsimula nito pero kami ang magtatapos. Sisiguraduhin kong sa labang 'to, kayo ang matatalo."
Nicolas smirked and gave Van a thumbs down. Nagulat na lamang sila ng biglang sumugod ang nasa front line na mga hunters kaya wala na silang nagawa kundi ang sumugod na rin. Naiwan namang nakatayo sina Van, Kisha at Savannah habang pinapanood ang pagsugod ng dalawang panig, ganoon din si Nicolas Raven.
"Who'll handle that old hag? I'll handle that one," turo ni Van sa isang hindi pamilyar na itsura ng lalake sa tabi ni Nicolas. May kulay abo itong buhok at may mapupulang mga mata.
"I'll handle that old hag," pagpresinta ni Savannah. "I'll make him pay for killing Cross."
"Who will I handle then?" tanong ni Kisha. "How about we'll handle that man together?" mungkahi naman niya kay Savannah.
Ngumiti si Savannah at hinawakan ang kamay ng kaniyang ina. Kapag magkasama sila, maaari niya itong protektahan dahil sa kapangyarihan niya.
"It's settle then. Alam kong kaya niyo 'yan. Hindi ko kayo pipigilan sa kung anong gusto niyong gawin kaya mag-iingat kayo. Alam kong kaya niyo siyang talunin." Van gave them a kiss on the forehead before running towards the Adamant.
"Let's go Mom?" tanong ni Savannah kay Kisha. Tumango lamang siya at ngumiti rito bago tumakbo papalapit naman kay Nicolas.
YATRV smashed the bones of the Vampire Hunters using his powerful kick. Dave was burning them with his fire. Jenessa froze them to death using her ice. Noi and Brett pierce their swords and daggers through the enemy's flesh until they run out of blood. Carl and Grey were messing with their brains alongside the Archer Brothers and Gregory Archer. Cole was burning their flesh using his power of electricity. Marius was using his voice and his guitar to make them sleep and kill them afterward. Damien and Victor were showing their skills in using bombs and making the enemies explode into bits. Zydrich was using his brand new gun, exceeding the power of the hunter's guns. Jett was using his power to manipulate liquid by stopping the blood from running in their veins. Other vampires were doing their best to defeat the hunters. But others risk their lives and they know that it's part of this Great War.
"Mag-iingat ka, Dave! Kapag natamaan ka ng bala ng baril nila, magiging tao ka and worst, pwede kang mamatay!" sabi ni Jenessa habang nakikipaglaban. Magkatalikudan sila ni Dave at kasalukuyang napapalibutan ng mga hunter. Kumpara sa dami nila, mas madami ang mga hunters. Hindi nila aakalaing madami pala ang makakalaban nila.
"So concerned ka na pala sa 'kin ngayon?" nakangising tanong ni Dave kay Jenessa. Patuloy pa rin siya sa pagbato ng bola ng apoy sa kalaban. "Ano? Nainlove ka na ba sa 'kin?"
"Ang kapal naman ng mukha mo, Dave Phoenix. Pasalamat ka at madaming kalaban ngayon kundi binalot ko na ng yelo 'yang puso mo. Hindi ako concern sa 'yo, sayang naman kung mamamatay ka lang ngayon kung hindi mo pa ako natatalo. Gusto mo bang mamatay ng talunan? Tatawanan pa kita kung sakaling mangyari 'yon."
Napailing na lamang si Dave habang nakangisi kay Jenessa. Nang maubos na nila ang mga nakapalibot sa kanila ay humarap si Dave kay Jenessa at mabilis na hinalikan ito sa labi.
"Kung mamatay man ako ngayon, mamamatay naman akong masaya dahil nahalikan kita."
Kinindatan niya si Jenessa bago tumakbo palayo upang tulungan ang iba pang mga bampira. Naiwan naman si Jenessa na tulala at nakahawak sa kaniyang bibig na hinalikan ni Dave.
"How's the bomb? Is it ready?" tanong ni Damien kay Victor. Tinaniman nila ng bomba ang katawan ng sinomang hunter ang makita nila. Ang bombang ginamit nila ay kasing-liit lamang ng 25 cents pero kapag sumabog ito ay kayang lasug-lasugin ang kahit kanino mang katawan.
"Yes. It's ready," sagot naman niya rito. At sa isang pitik lamang nilang dalawa ay sabay-sabay na sumabog ang mga bomba sa katawan ng mga hunter. Kung hindi nila ito gagawin ay hindi mapapadali ang pagpatay nila sa kalaban. Madami-dami na ring mga bampira ang namamatay dahil sa dalang sandata ng mga hunter. Madami rin ang kanilang bilang kaya hindi magiging madali ang labang ito para sa kanila.
Papasabugin pa sana nina Damien at Victor ang iba pang bomba ng makita nilang basa ang katawan ng mga hunter na tinaniman nila ng bomba. Napatingin naman sila kay Jett at saktong napatingin din ito sa kanila. Binigyan lamang sila nito ng piece sign at kinakabahang ngumiti sa kanila.
"Late ko ng narealize na tinaniman niyo pala sila ng bomba. 'Wag kayong mag-alala, mamaya patay na sila," ito lang ang sinabi nito sa kanila bago tumakbo paalis.
Gaya nga ng sinabi nito, pagtingin nila sa mga hunter ay nakahandusay na ito sa lupa at maputla ang buong katawan. Pinatigil kasi ni Jett ang pagdaloy ng dugo sa kanilang katawan kaya tumigil na rin sa pagtibok ang kanilang mga puso.
"Humanap na lang tayo ng ibang target. 'Yung malayo kay Jett para hindi masayang ang mga bomba natin."
"Ah! My face!" sigaw ng isang hunter matapos hagisan ng asido ni Wade ang kaniyang mukha.
Ngumisi naman si Wade ang pinaglaruan ang kulay berdeng asido. Nagsilayo naman ang mga hunter sa kaniya pero bago pa sila makatakbo ay hinarang naman sila ni Victoria. Nagbigay si Victoria ng isang matamis na ngiti at halos malimutan na ng mga hunter ang tunay na pakay nila rito dahil sa ganda ng dalaga.
Lumapit ang dalaga sa isang hunter at dinukot ang puso nito at hinila palabas. Nanlaki ang mga mata ng ibang hunter at bago pa sila makatakbo sa kabilang direksyon ay binalot na ng asido ang buo nilang katawan.
Lumapit naman si Wade kay Victoria at binigyan ito ng matamis na halik.
"Nice one, babe. But don't try to flash them your beautiful smile or else I'll punish you."
Victoria bit her lip and nodded her head. After that, they continued to fight.
"Grabe talaga maglandian ang dalawang 'yun!" reklamo ni Farrah habang nakikipaglaban kasama sina Jick, Jack at Zick. Nasa tabi naman niya si Jick at gamit nila ang kanilang kamay para madukot ang puso ng mga hunter.
"Gusto mo maglandian din tayo para quits lang?" nakangising sabi ni Jick. Sinamaan naman siya ng tingin ni Farrah kaya wala na siyang nagawa kundi ang manahimik.
"Ang dami pa nating kalaban. Madami na ring namamatay sa panig natin," sabi naman ni Jack.
Si Zick naman ay walang imik na nakikipaglaban na para bang focus na focus siya sa kanyang ginagawa. Sa ngayon ay tanging hinihiling nila ay 'wag silang matamaan ng bala ng mga hunter dahil magiging mortal sila.
"Kaya natin 'to. Basta wag lang tayong matatamaan ng mga bala nila, magiging maganda ang takbo ng labang ito. Mas mabuti pa ay puntahan natin ang kinukuhanan nila ng mga bala para hindi na sila makapambiktima pa."
Tumango lamang sa kaniya ang mga ito at tumakbo na sila papunta sa kabilang bahagi kung saan nakaparada ang malalaking truck na kinalalagyan ng mga sandata at iba pang gamit ng mga hunter. Kapag sinira nila ito ay hindi na nila magagawa pang magkarga ng panibagong bala at makagamit ng iba pang sandata.
TUMAKBO si Van palapit sa misteryosong nilalang na katabi ni Nicolas pero bago pa siya makarating sa kinaroroonan nito ay tumakbo ito paalis. Sinundan ni Van ng tingin kung saan papunta ang lalaki at nanlaki ang kaniyang mga mata ng papunta ito kay Lolo G na nakasakay sa malaking form ni Jiji.
Tumakbo siya papalapit kay Lolo G upang tulungan ito dahil napapalibutan na rin siya ngayon ng kalaban. Habang patakbo siya ay unti-unting nagbago ang kanyang anyo at ng tingnan niya ang kanyang braso ay napapalibutan ito ng tattoo at kung ano-anong simbulo. Naramdaman niyang mas bumilis siya at mas lumakas ang kaniyang kapangyarihan pero nang makarating siya doon ay hindi niya inaasahan ang kaniyang nakita.
Ang lalaki ay nasa harapan na ngayon ni Lolo G at ang kamay nito ay nakasuot sa kaniyang dibdib. Hawak niya sa ere si Lolo G habang binutas niya ang dibdib ng matanda. Si Jiji naman ay nakahiga na sa lupa at para bang hindi na humihinga. Nanginig sa galit ang buong katawan ni Van at sumugod dito. Napatingin sa kaniya ang lalaki at binitawan si Lolo G. Nagpakawala si Van ng isang malakas na suntok na nakapagpatalsik sa lalaki. Tiningnan niya si Lolo G na para bang nahihirapan ng huminga, mabagal na rin ang paggaling ng sugat niya, indikasyon na nanghihina na siya.
Muling tumakbo si Van papalapit sa lalaki at hindi na niya ito hinayaan pang makabangon. Inupuan ni Van ang tiyan nito at paulit-ulit na sinuntok ang mukha nito. Ibinuhos niya ang lahat ng kaniyang galit sa nilalang na nasa harapan niya.
"Walanghiya ka! Kapag namatay si Lolo, pupulbusin kita! Hindi kita hahayaan pang mabuhay!"
Galit na galit si Van at halos lahat sila ay naramdaman ang sobrang kapangyarihan na lumalabas sa kaniya. Lahat sila ay napatigil sa kanilang ginagawa at natuon ang atensyon kay Van na nababalutan ng pulang aura. Ibang-iba ang anyo ni Van kumpara sa dati. Tumutulo ang kaniyang luha habang walang tigil na sinusuntok ang lalaki at napatigil lamang siya nang makitang wala man lamang itong galos sa mukha. Ibinaling nito ang tingin sa kaniya at nginisian lamang siya.
"Tapos ka na ba?" Laking gulat ni Van ng itulak siya nito at siya naman ngayon ang nakahiga sa lupa. Nakatapak ang isang paa ng lalake sa kaniyang dibdib. "Hindi man lang ako nakapagpakilala. Ako nga pala si Adamant No. 2, ang tatalo sa 'yo," nakangising sabi nito at itinaas ang kaniyang kamay.
Sa pagbagsak ng kamay nito ay tumama ito sa tiyan ni Van at napasuka naman siya ng dugo. Sobrang lakas ng suntok nito na para bang nadurog ang mga buto niya. Mabuti na lamang at mabilis siyang gumaling at 'agad na nakabangon. Pinunasan niya ang dugo sa kaniyang bibig at masamang tumingin sa nilalang sa harapan niya.
"Isa kang Artificial Vampire," maikling pahayag niya.
Hindi na sumagot pa ang Adamant at muling sumugod kay Van. Mabilis namang iniilagan ni Van ang bawat pag-atake sa kaniya pero nagkakaroon siya ng pakaunti-kaunting sugat dahil sa lakas ng impact ng mga atake nito kahit na hindi naman tumatama sa kaniya. Mabilis din itong gumalaw na halos hindi na niya ito masabayan.
Pinagsama-sama ni Van lahat ng kaniyang kapangyarihan sa isang bola sa palad at ibinato sa Adamant pero nakailag ito. Si Van naman ang sumugod at ginamit niya ang iba't-iba niyang kapangyarihan - yelo, tubig, kuryente, apoy at iba pang katangian ng mga representatives. Nasusugatan niya ang Adamant pero mabilis din itong naghihilom.
Sisipain niya sana ang Adamant pero nasalo nito ang kaniyang paa at bigla na lamang siyang hinila nito. Naramdaman niyang tumakbo ng mabilis ang Adamant habang hawak siya nito sa paa kaya nakaladkad siya sa lupa. Hindi niya magawang bumangon dahil sa bilis ng pagtakbo nito, napuno ng gabok ang buo niyang katawan at pakiramdam niya ay nagkasugat na siya sa kaniyang ulo.
Tumigil lamang sa pagkatakbo ang Adamant ng makarating sila sa isang lugar. Bumangon si Van at inilibot ang tingin sa kanyang paligid.
Nandito sila sa syudad kung saan nakatira ang mga taong walang alam na may nabubuhay na bampira at hunter sa mundo.
"Bakit dito mo ako dinala?" tanong niya sa Adamant.
Ngumisi ito. "Para madamay sila."
INILABAS ni Nicolas ang baril nang makita sina Savannah at Kisha na patakbo palapit. Nang makarating ang dalawa sa kaniyang harapan ay napangisi siya. Hindi niya aakalaing dadating sa punto na makakalaban niya ng harapan ang mga sarili niyang kadugo. Dahil ipinila nilang kumampi sa mga bampira, wala na siyang magagawa kundi ang kalabanin ang mga ito.
"Here to kill me?" tanong niya rito habang ineexamine ang baril na hawak niya. Tumingin siya kina Kisha at Savannah at binigyan sila ng nakakalokong ngiti. "How sweet of you two."
"Hindi kami nandito para makipaglokohan, Nicolas. Nandito kami para patayin ka upang maipaghiganti namin ang pagkamatay ni Cross!" galit na sabi ni Kisha.
Hindi niya lubos maisip na kamag-anak niya ang walang pusong lalake sa harapan niya. Nagawa nitong patayin ang sarili niya anak, kaya rin nitong kalabanin siya na sarili niya kadugo para lang mapamunuan ang buong sangkatauhan at para maubos ang mga bampira sa mundo. "
Wala ka ng karapatan pang mabuhay sa mundong 'to dahil isa kang basura na dapat sinusunog sa impyerno!"
"Woah, hold your horses down, my granddaughter. Aren't you being too harsh on me?" nakangising sabi nito sa kaniya.
Ikinuyom ni Kisha ang kamao dahil sa galit sa lalakeng nasa harapan niya. Tanging gusto niya lamang gawin ay ang alisin ang nakakalokong ngiti sa labi nito at tapusin ang buhay nito.
"Stop your babbling, old hag. Just prepare to die," walang emosyon na sabi ni Savannah at humara sa harapan ni Kisha.
Itinutok naman ni Nicolas ang baril kay Savannah na siya namang ikinatawa ng dalaga.
"Sigurado ka bang ipuputok mo 'yan? Ikaw din, baka magsisi ka sa huli." Napaisip si Nicolas sa sinabi ng dalaga. "Go ahead. Shoot."
Ibinaling niya ang baril kay Kisha at pinaputok ito pero mabilis na gumalaw si Savannah at inihara ang kaniyang sarili. Tumalbog ang bala sa kaniyang katawan dahil sa kaniyang kapangyarihan at nanlaki ang mga mata ni Nicolas nang tumama sa kaniyang noo ang bala. Bumaon ito hanggang sa kalagitnaan ng utak dahil sa bilis at lakas nito. Nabutas ang kaniyang noo at patuloy na lumabas ang dugo mula rito. Dahan-dahan siyang napaluhod sa lupa hanggang sa padapa siyang humiga rito.
Hindi naman makagalaw si Kisha sa kaniyang kinatatayuan dahil buong akala niya ay matatamaan siya ng bala pero mabuti na lamang ay nakahara si Savannah. Unti-unti na niyang nagagamit ng maayos ang kaniyang kapangyarihan at mabuti na lamang ay gumana ito sa oras na kinakailangan niya ito.
"Is he dead?" tanong ni Savannah.
Lumapit si Kisha at pinulsuhan ito. "Yes, he is."
"Already?! Boring!" Nagcross arms si Savannah at umirap.
Napatawa na lamang si Kisha kahit na may lungkot pa rin sa puso niya. Kung sana naging mabuting tao si Nicolas, sana may Lolo siya ngayon pero mas pinili nitong maging masama at nagpalamon sa ganid at sa kagustuhang magkaroon ng kapangyarihan.
"It's not boring, Savannah. You're just too strong."
UNTI-UNTI nang nauubos ang mga hunter dahil sa kadahilanang nasira na ng mga Nobles ang mga truck na lalagyan ng kanilang mga armas at napapagod din sila dahil tao lamang sila, hindi tulad ng mga bampira na hindi agad-agad nakakaramdam ng pagod. Mas lalo silang nawalan ng pag-asa nang makita nilang mamatay ang Supreme Commander pero nagpatuloy pa rin sila sa pakikipaglaban. Bigla namang dumating ang Woodland Tribe at sinalubong naman sila ni Israel. Panandalian niyang iniwan si Jullia na kasalukuyang nakikipaglaban.
"Mabuti at dumating kayo," sabi niya kay Queen Teresse.
"Hindi niyo sinunod ang aming sinabi. Binigyan namin kayo ng isang paraan para tawagin kami pero hindi niyo ginamit. Mabuti na lamang at nakaabot sa amin ang balita na nagaganap na ang Great War," sabi nito sa kanya.
"Hindi na importante 'yon, nagpapasalamat pa rin ako dahil dumating kayo." May sasabihin pa sana si Israel nang biglang dumilim ang kalangitan at nakita nila ang mga nilalang na nalipad sa langit. Ang mga Fiends.
Hindi nila inakalang mayroon pa pala nito. Sa panig naman ng hunter ay bigla silang nabuhayan ng dugo, mas pinag-igihan nila ang pakikipaglaban ng dumating na ang mga reinforcements.
"Magsimula na tayo," utos ni Teresse sa mga kasama niya at nagsimula na silang kumilos. Bumalik naman si Israel kung nasaan si Jullia upang matulungan ito pero napako siya sa kaniyang kinatatayuan nang makita ang isang hunter na may hawak na dagger at nakasaksak kay Jullia.
INILABAS ni Van ang kaniyang pakpak at nagbalak na ilipad pabalik ang Adamant kung saan naglalaban ang mga hunters at mga bampira pero binigyan siya nito ng isang malakas na suntok na nagpatalsik sa kaniya sa isang kabahayan.
Nagsigawan ang mga tao, ang iba naman ay lumapit pa para masaksihan ang nangyayari, ang iba naman ay nagsitakbuhan dahil sa takot. Napangisi ang Adamant at itinapat niya ang kaniyang palad sa isang bahay, may lumabas na ilaw rito at sa isang iglap ay sumabog ang buong kabahayan.
Muling nagsigawan ang mga tao, ang iba ay tumatakbo na at hindi malaman ang gagawin. Hindi nila alam kung anong klaseng nilalang ang nasa lugar nila ngayon at wala silang magawa kundi ang tumakbo at lumayo sa lugar. Bumangon si Van at sumugod sa Adamant. Hindi dapat nadadamay ang mga inosenteng tao rito, walang dapat madamay sa kanila dahil wala silang kalaban-laban at wala silang magagawa sa mga nangyayari.
"Bakit kailangan mo silang idamay?!" Hinawakan ni Van ang kwelyo nito at itinaas sa ere.
Ngumisi sa kaniya ang Adamant at idinura ang dugo mula sa bibig niya. "Dahil 'yun ang iniutos sa akin. Wala kang magagawa. Sa ayaw at sa gusto mo, idadamay ko sila."
Isinipa ng Adamant ang kaniyang paa at natamaan si Van sa tiyan kaya nabitawan niya ito. Sumugod ito at nagpaulan na naman ng sunod-sunod na suntok at hindi na nagawang makailag ni Van dahil pakiramdam niya ay pabilis nang pabilis ang galaw nito.
Nagawa ni Van na makabawi sa mga atakeng binibigay sa kaniya ng Adamant at siya naman ang umatake. Lahat ng klase ng kapangyarihang puwede niyang ilabas ay ibinigay na niya sa Adamant. Isa lang ang kaniyang napansin, kahit na hindi ito nasusugatan o parang hindi naapektuhan, napansin niyang napapagod ito. Naisip niyang kaunting pag-atake na lamang niya ay malalaman na niya ang kahinaan nito.
Ilang minuto silang nagpalitan ng mga atake at pareho na sila ng kalagayan. Gutay-gutay na ang kanilang damit at pareho na nilang hinahabol ang kanilang paghinga.
"Hindi matatapos 'to kung palagi na lamang tayo magpapalitan ng suntok at anomang klase ng kapangyarihan. Bakit hindi na lang natin daanin sa paggamit ng espada?" mungkahi ni Van.
Binunot niya ang espadang dala niya na pinagawa pa ni Noi at kinuha naman niya 'yung isa na ginagamit niya sa pagpapractice na regalo rin ni Noi. Ibinato niya ang isang espada sa Adamant at nasambot naman nito kaagad.
"Magandang ideya 'yan, Van Walker," nakangising sabi sa kaniya ng Adamant.
Inilabas na nila ang espada at sabay silang sumugod sa isa't-isa. Nagsalubong ang kanilang espada at nagform ng cross. Nagtutulakan sila habang magkalapat ang espada nilang dalawa. Sabay silang humakbang palayo at naunang sumugod si Van. Tumalon siya at lumipat sa likudan ng Adamant, hiniwa niya ang likudan nito at hindi man lamang ito nagbigay ng kung anomang reaksyon.
Humarap ito sa kaniya at nagsimula umatake, nagkaroon siya ng maliit ng hiwa sa mukha dahil sa espada nito. Muling sumugod si Van at tanging paglapat ng espada nila sa isa't-isa ang naririnig. Halos wala ng tao sa buong lugar dahil sa takot sa kanilang dalawa. Ginawa naman itong pagkakataon ni Van upang gumalaw ng mas maayos dahil alam niyang walang madadamay.
Nagpalitan sila ng atake sa bawat isa at halos pantay lamang ang sugat na natatamo nila hanggang sa dumating sa punto na sabay silang sumugod at nang magkalapit silang dalawa ay pareho silang napatigil. Nanatiling hawak nila ang kanilang espada pero nakatusok ito sa pareho nilang katawan. Ang espada ni Van ay nakatusok sa tiyan ng Adamant at ang espada naman nito ay nakatusok sa tiyan ni Van.
Mas idiniin pa nila ang pagkakasaksak sa bawat isa at sabay din nilang hinila ito. Pareho silang humihingal at hindi ininda ang sugat sa kanilang katawan. Muling sumugod si Van ngunit naging mas mabilis sa pagkakataong ito na gumalaw ang Adamant at muli siyang nasaksak sa bandang tagiliran. Napaluhod si Van sa lupa at tuluyang napahiga. Nabitawan niya ang espadang hawak niya at unti-unting bumagsak ang talukap ng kaniyang mga mata.
DUMATING man ang daan-daang mga Fiends ay hindi ito naging hadlang upang matalo ng buong Vampire Clan ang mga Vampire Hunters. Naubos ang kanilang bilang at karamihan sa kanila ay sugatan, hindi na makagalaw at ang iba naman ay nabawian na ng buhay. Ang ibang mga bampira ay sumugod na sa headquarters ng mga hunter para matapos na ang kasamaan nilang lahat. Marami ring namatay sa panig ng mga bampira at wala silang magawa kundi ang tanggapin na lamang ito. Naging maikli man ang oras ng labanan, marami pa ring namatay dahil sa nangyari. Hindi rin basta ang kakayahan ng mga hunter kaya nahirapan din sila.
"Nasaan si Van?" tanong ni Victoria kay Kisha.
"Hindi ko Rin alam. Sa pagkakaalam ko ay kalaban niya 'yung Adamant na kasama ni Nicolas kanina–"
Hindi na natapos ni Kisha ang kaniyang sasabihin nang biglang umihip ang malakas na hangin at naalerto silang lahat nang dumating ang Adamant na punong-puno ng dugo ang katawan. Ibinagsak niya sa lupa si Van habang may ngiting demonyo sa kaniyang mukha.
"Magpaalam na kayo sa kaniya." Tumawa ito ng malakas pero maya-maya pa ay bumagsak na rin siya sa lupa at mas tumagas ang dugo niya mula sa kaniyang katawan. Unti-unting nagbago ang kulay ng katawan ng Adamant, naging mas maputla ito hanggang sa naging abo na at tinangay na ng hangin.
Napaluhod naman si Kisha sa tabi ni Van na kasalukuyang hindi na humihinga. Umagos ang luha sa kaniyang mga mata at hindi niya alam ang kaniyang gagawin.
"Van, I know you're alive. Wake up, Van! Hindi mo ako pwedeng iwan! Hindi mo kami pwedeng iwan ng anak mo!" Inalog-alog ni Kisha ang katawan ni Van pero wala siyang nakuhang response mula rito. Nakatayo naman si Savannah sa tabi ni Kisha habang nakatingin sa katawan ng kaniyang ama. Patuloy sa pag-agos ang kaniyang luha at nanginginig ang buo niyang katawan.
"WWe just met, Dad. Why? Bakit kailangan mo 'agad umalis?"
Napaluhod na rin si Savannah at paulit-ulit na tinapik ang pisngi ni Van pero hindi man lang ito umiibo. Sumakto namang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng pagbuhos ng kanilang mga luha. Binuhat ni Jick at Jack ang bangkay nina Lolo G at Jiji at dinala malapit sa kinaroroonan ni Van. Mas lalong bumigat ang kanilang mga dibdib at hindi nila maipaliwanag ang sakit na nararamdaman nila. Si Israel naman ay nananatiling nakaupo sa lupa habang kandong ang katawan ni Jullia. Patuloy rin sa pagtulo ang kaniyang luha at wala siyang magawa kundi ang umiyak.
Nabalot ng mabigat na atmosphere ang buong kapaligiran. Tanging pag-iyak lamang nila at ang pagbuhos ng ulan ang maririnig.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com