Chapter 59
Chapter 59
The End is Coming
Gregory Archer laid unconscious on the ground with Van on top of him while choking his neck. Jick and Jack ran towards Van who was now out of control and moved them apart. It took a minute until Van came back to normal and realized what he has done.
"Buhay pa ba siya?" Hinahabol niya ang kaniyang hininga habang nakatingin kay Gregory Archer na nakahiga pa rin sa lupa.
Naikuyom niya ang kaniyang kamao sa galit sa sarili niya. Hindi puwedeng mamatay si Gregory dahil ito lang ang tanging paraan para maibalik si Kisha sa dati. Hindi niya alam ang nangyari sa kaniya kanina, ang tanging alam niya lang ay nakaramdam siya ng sobra-sobrang kapangyarihan na para bang hindi na kayanin ng katawan niya. Nawala siya sa kaniyang sarili at nagising na lamang siya nang makita si Gregory na nakahiga sa lupa.
Lumapit si Jick kay Gregory at lumuhod sa tabi nito.
"Buhay pa siya."
Nakahinga naman ng maluwag si Van nang marinig ito mula kay Jick. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag napatay niya ito. Naglakad si Van papunta kay Gregory at binuhat ito para muling dalhin sa hotel. Kailangan nila itong gamutin para madala na nila ito kay Kisha. Medyo malala ang natamong sugat ni Gregory, paga ang kaniyang kanang pisngi at nagkaroon din siya ng ilang gasgas sa katawan.
"Akala ko matatalo ka niya Van pero nagulat ako ng ilabas mo 'yung kapangyarihan na ipinakita mo kanina. Paano mo nagawa 'yun?" Napatingin siya kay Jack na kasalukuyang nauunang maglakad sa kanila...
"Hindi ko rin alam. Noong una ay sinubukan kong kontrolin ang kapangyarihan ko. Gaya ng ginagawa ko sa pagtetraining ay nagfocus lamang ako at nagconcentrate. Pagkatapos noon ay hindi ko na alam ang nangyari sa akin. Nakaramdam ako ng sobrang kapangyarihan at nalaman ko na lang na natalo ko na si Gregory," paliwanag niya sa mga ito. Pumara na sila ng taxi at sumakay na silang tatlo.
Maikli lamang ang biyahe nila pabalik sa hotel dahil hindi naman kalayuan sa bakanteng lote ang hotel na tinutuluyan nila. Nang makarating sila sa hotel ay 'agad nilang dinala si Gregory sa kanilang kwarto upang gamutin. May mga natamo ring ilang sugat si Van pero unti-unti na rin naman itong nagaling. Inihiga ni Van si Gregory sa kama at kumuha ng first-aid kit para mapadali ang paggaling ng sugat nito. Wala itong malay kaya matatagalan bago gumaling ng kanya ang mga sugat niya.
"Ang galing mo talaga Van kanina! Alam mo bang nagkaroon ka pa ng tattoo sa mga braso mo! Hindi naming alam kung anong klaseng simbolo 'yun pero ang astig talaga! Ibang-iba ang form mo kanina kaysa sa normal na Legendary form mo!" Manghang-mangha si Jick habang nagkekwento ng mga nasaksihan nila kanina. Hindi sila makapaniwala na may ganoon pang lakas si Van at natutuwa sila dahil mas lalong lumakas ito ngayon.
"Anong oras pa siya magigising? Kailangan na nating magmadali. Nasa panganib ang buhay ng anak mo ngayon," nag-aalalang sabi naman ni Jack.
Lahat sila ay may halong saya at kaba. Saya dahil kaunti na lang ay masisilayan na nila ang anak ni Van, ang batang nagdadala ng dugo ng isang Walker at kaba dahil hawak siya ngayong ng mga Vampire Hunter. Hindi nila alam kung anong puwedeng gawin ng mga Vampire Hunter sa bata. Umpisa pa lang, akala ng karamihan, kahit sa ibang piksyonal na palabas sa telebisyon, ang mga bampira ang kalaban at salot sa lipunan pero ang totoo, hindi naman lahat sila ay masasama. Natanim na sa isipan ng karamihan na sila ang masama pero ang totoo, ang mga tao naman talaga ang mga walang puso.
"Gano'n na ba kahina ang tingin niyo sa 'kin para abutin pa ng ilang oras ang pagtulog ko?" Napatingin silang tatlo kay Gregory na nakaupo na ngayon sa gilid ng kama at halos wala na ang mga sugat niya. Ang bilis nitong naghilom pati na rin ang pasa niya sa pisngi.
"Mabuti at gising ka na. Nagmamadali na talaga kami, kailangan pa naming bawiin si Kisha at ang anak ko sa mga Vampire Hunter."
Tumayo naman si Gregory mula sa kaniyang pagkakaupo at nag-inat. Pinatunog pa niya ang mga buto niya sa kaniyang kamao bago ngumisi kay Van.
"Madali naman akong kausap. Tutal natalo mo naman ako, pumapayag na akong tulungan ka."
PUMARADA ang pulang kotse sa harapan ng mansyon ni Van at lulan noon sina Savannah at Kisha. 'Agad silang bumaba sa sasakyan at lumakad papasok sa loob ng mansyon. Sinalubong naman sila ng mga Nobles, representatives, sina Lolo G at Jiji at iba pang mga bampira galing sa iba't-ibang panig ng mundo. Lahat sila ay napatitig sa mag-ina at hindi makapaniwala sa kagandahang taglay ni Savannah. Hindi na sila nagtatakang ganoon kaganda ang dalaga dahil isa siyang Walker at maipagmamalaki din ang ganda ni Kisha.
Nakahanda na rin sila sa pagsugod sa headquarters ng Vampire Hunter upang iligtas si Savannah pero nagulat dahil sa biglang pagdating ng dalawa.
"Kisha, siya na ba si Savannah?" tanong ni Farrah na nakatingin pa rink ay Savannah.
Nakuha nito ang mga mata at ilang features ni Kisha. Hindi maipagkakailang anak siya ni Van. Sana nandito na si Van para makita niya kung gaano kaganda ng kanilang anak.
"Oo, siya nga," nakangiting sabi ni Kisha habang may namumuong luha sa kaniyang mga mata. Mas lumapit pa silang dalawa sa mga ito.
"Kinagagalak ko kayong makilala, ako nga pala si Savannah Kier Walker."
Ngumiti naman siya na siyang nakapagpagaan sa kanilang mga loob. May kung ano sa ngiti ni Savannah na kayang pagaanin ang loob mo, isama pa ang mga mata niyang ngumingiti rin kasabay ng matamis niyang ngiti sa labi. Para siyang anghel na bumaba sa langit. Nagulat na lamang ang dalaga ng lahat ng mga bampira ay nag-bow sa kaniyang harapan. Hindi naman niya alam kung anong gagawin at nagtataka siya kung bakit nag-bow ang mga ito sa kaniya.
"Hey, you don't need to do that. I'm not a royal or something." She laughed awkwardly and turned to Kisha to ask some help but her mother just smiled at him.
Lahat sila ay tumunghay na at kita sa mga mata nila ang kasayahan dahil ito ang unang beses sa buong kasaysayan ng mga bampira na magkaroon ng kalahating bampira at kalahating tao.
"Ang apo ko sa tuhod! Napakagandang bata!" Lumapit si Lolo G kay Savannah at niyakap ito.
Hindi naman alam ni Savannah ang kaniyang gagawin.
"Who are you, old hag?"
Parang nabato silang lahat sa kanilang kinatatayuan dahil sa tanong ng dalaga. Bukod kay Van, wala ng iba pang bampira ang nakakapagsalita ng ganyan kay Lolo G. Para sa kanila, isa iyong paraan ng hindi paggalang. Dahil si Gallian Walker ay isang maalamat na bampira na madami na ring nacontribute sa kasaysayan ng buong Vampire Clan, mataas ang respeto sa kaniya ng mga bampira maliban na lamang kay Van na walang habas kung sagutin siya at sumunod naman itong si Savannah.
Napatawa naman sina Israel, Jullia, Farrah, Zick, Jiji at Kisha maliban sa mga representatives at iba pang bampira dahil sa tanong ni Savannah.
Maluha-luha namang humiwalay si Lolo G sa pagkakayakap kay Savannah. Mas lalong napangiwi si Savannah nang titigan ang mukha ni Lolo G na mas lalo namang ikinatawa nina Kisha. "Tinawag akong old hag ng apo ko! Anak ka nga ni Van!"
Umakbay naman si Kisha kay Savannah at pinigilang matawa dahil sa itsura ni Lolo G.
"Siya ang Lolo mo, Savannah, apo ka niya sa tuhod kasi Lolo siya ng Dad mo," paliwanag ni Kisha na 'agad namang naintindihan ni Savannah. Lahat sila ay nagpakilala kay Savannah na halos mailto na siya sa dami ng mga bampirang nandito ngayon sa mansyon. Nakahanda na talaga sila sa kung anomang mangyayari.
"Teka, paano 'yan, Kisha? Babalik ka ulit mamaya sa pagiging masama mo, anong gagawin mo?" nag-aalalang tanong ni Jullia. "Nakatanggap kami ng tawag kay Van kanina. Ang sabi niya ay pauwi na raw sila rito at ang magandang balita pa ay kasama na nila si Gregory Archer. Kaya mo pa ba silang hintayin?"
"Siguro naman hindi ako kaagad babalik sa kabila kong side. Hindi naman gaanong matagal ang biyahe nila kaya ipanalangin na lamang natin na makarating sila rito bago ako magpalit."
Hindi pa sigurado si Kisha kung babalik pa siya sa kabilang side niya matapos ang nangyari kanina. Pero kung babalik man siya, hindi na siya mangangamba dahil kasama na nila Van si Gregory. Kaunti na lamang at matatapos na ang lahat ng gulong nangyayari sa kanila. Mabubuo na rin silang pamilya.
"Puwede bang malaman kung anong ability ni Savannah?" tanong ni Israel.
Si Savannah ay kasalukuyang nakaupo sa couch at nilalaro si Jiji. Tuwang-tuwa siya sa nagsasalitang pusa lalo na nang ipakita ni Jiji ang tunay niyang form. Kaparehong-kapareho niya si Kisha pero may mga ugali siyang nakuha niya kay Van.
Naiwang nakasabit sa hangin ang tanong ni Israel nang biglang magsalita si Savannah. "Nauuhaw ako."
Hindi naman magkaintindihan ang ibang bampira para ikuha ng maiinom si Savannah. Limang bampira ang lumapit sa kaniya at nag-alok ng inumin. Ang isa ay may dalang tubig, ang isa ay soft drink, at 'yung tatlo ay juice. Tinitigan lamang ni Savannah ang lima at muling nilaro si Jiji.
"Hindi ka ba pipili kung anong gusto mong inumin?" naglakas-loob na magtanong ang isang bampira. Tahimik lamang namang nanonood ang iba sa kanila.
Pinagpawisan ng malamig ang bampira ng tingnan siya ni Savannah. Walang expression ang mukha nito pero sa lamig ng kaniyang titig, parang biglang nabalutan ng yelo ang buong kwarto.
"Ang sabi ko nauuhaw ako. Wala akong sinabing ikuha niyo ako ng inumin. May kamay at paa ako para gawin 'yon," mataray na sagot niya sa mga ito.
Napailing na lamang si Kisha habang nangingiti dahil sa inasal ng bata. Indeed, she's Van's daughter. Pero dahil si Cross ang nakasama niya nang matagal, na-adopt na din ni Savannah ang cold at masungit na katangian ni Cross.
"Walang duda. Isa ka ngang Walker," sabi ni Israel at lumapit kay Savannah. "Gaya ng tanong ko kanina, anong ability mo?"
Tumigil siya sa pakikipaglaro kay Jiji at tiningnan niya si Israel. "Punch me."
Nagulat naman silang lahat dahil sa sinambit ng dalaga. Alam na ni Kisha ang mangyayari kaya hindi na niya pinigilan pa ang anak niya. Gusto rin namang malaman ni Israel so might as well i-demo na lamang sa kaniya. Alam ni Kisha na masasaktan si Israel kapag hindi niya pinigilan ang anak niya sa gagawin nito pero gusto niyang makita ang magiging reaksyon ng mga bampira sa loob ng mansyong ito. Siguradong hindi sila makakapaniwala.
"What? Are you serious?" natatawang tanong ni Israel. "I will punch you? Hard?"
"Kung gusto mo 'yung pinakamalakas mong suntok pa. Okay lang sa 'kin." She turned her head to the side and showing her right chick. "Punch me and you'll see."
Tumingin si Israel kay Kisha para humingi ng permiso at tumango lamang ito sa kaniya na siya namang ipinagtaka ni Israel. Hahayaan na lamang niyang masuntok ang napakagandang mukha ni Savannah?
"What are you waiting for? Just do it. I hate waiting," Savannah said impatiently.
Israel stepped back and massaged his knuckles. "Sigurado ka ba talaga?"
" 'Wag mong sabihing natatakot ka? Ako na mismo ang nagsabi, suntukin mo ako," sabi niya na para bang wala lang sa kaniya ang masuntok.
Walang nagawa si Israel kundi sundin ang gusto ng dalaga. Wala naman siyang balak na lakasan ang suntok, baka mapatay siya ni Van kapag nakitang may malaking pasa sa mukha ang anak niya.
Bumwelo si Israel at nagpakawala ng isang suntok patungo sa pisngi ni Savannah at isang pulgada na lamang ang pagitan ng kamao niya sa pisngi ni Savannah nang biglang may bumalot na parang force field sa buong katawan ni Savannah. Nanlaki ang mga mata ni Israel nang kumonekta ang kamao niya sa bagay na nakabalot kay Savannah ay tumalsik siya at tumama ang likod niya sa matigas na dingding. Napaupo siya sa sahig at hinahabol niya ang kaniyang hininga. Parang bumalik sa kaniya ng sampung beses suntok na ibinigay niya kay Savannah. Nagkaroon siya ng malaking pasa sa kaniyang pisngi pero unti-unti na rin namang naghihilom. Tumingin siya sa dalaga na prente pa ring nakaupo sa couch at nakangising nakatingin din sa kaniya.
"What an interesting ability." Tumayo si Israel at pinunasan ang dugo sa gilid ng kaniyang labi. "The Tenfolds."
PABABA na ng kotse si Van nang makarinig sila ng parang nagkakagulo sa loob ng mansyon. Tumakbo sila sa loob para alamin ang nangyayari. Binalot ng takot ang puso ni Van sa kung anomang puwedeng nangyayari. Kasama na nila ngayon si Gregory at nu'ng oras na gumising ito ay 'agad na silang bumiyahe pabalik para maibalik na si Kisha sa dati. Wala pang ilang segundo ay nasa tapat na ng pinto si Van at mula sa labas ay naririnig niya ang mga bulungan at sari-saring pag-uusap sa loob. Binuksan niya ang pinto at unang nabalingan niya ng tingin ay ang isang babaeng nakaupo sa couch habang nakatingin din sa direksyon niya.
Napakunot ang noo ni Van dahil hindi niya kilala ang babae pero may kung ano siyang naramdaman sa kaniyang dibdib. Para bang kilala niya ito pero parang hindi naman. Magulo. Sobrang gulo na ng utak niya ngayon.
Napatingin naman siya sa katapat ng dalaga kung saan nakatayo si Israel malapit sa dingding. May mga nabasag na muwebles sa kaniyang tabi at may malaki ring crack sa may dinding na para bang may bagay na tumama roon.
"Van!" Sinalubong siya ni Kisha ng isang mahigpit na yakap na sinuklian niya rin ng mas mahigpit pang yakap. Tamang-tama lamang ang pagdating nila dahil bumalik si Kisha sa tunay na siya pero mamaya ay maaaring bumalik na ulit siya sa kabila niyang side.
Humiwalay sa pagkakayakap sa kaniya si Kisha at napansin niyang nasa harapan na nila ngayon 'yung babaeng nakaupo sa couch kanina. Nagtaka naman si Van kung bakit umiiyak ang babae at nagulat na lamang siya ng biglang umiyak ito na parang bata.
"Ikaw pala ang daddy ko. Kung alam ko lang, sana hindi na kita pinaalis sa park noon!"
Patuloy pa rin sa pag-iyak si Savannah at tumingin naman si Van kay Kisha na may pagtatanong sa mukha. Ngumiti naman si Kisha sa kaniya na may namumuo ring luha sa kaniyang mga mata.
"Van, siya ang anak natin. Si Savannah Kier Walker."
Parang tumigil ang oras para kay Van at tanging naririnig lamang niya ay ang parang batang pag-iyak ni Savannah. Nasa harapan na niya ang kaniyang anak at dalagana ito. Nanghihinayang siya ng hindi man lang niya nasaksihan ito mula pagkabata hanggang sa pagiging dalaga. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Van, ipinatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ni Savannah at ginulo-gulo ang buhok nito.
"Ang panget mong umiyak, anak. Para kang ang Mom mo." Tumawa si Van pero may luhang kumawala sa kaniyang mga mga mata. "Dalaga ka na. Hindi ko man lang nasubaybayan ang paglaki mo."
"Hindi mo ako nga ako natatandaan kasi bata pa ako no'n. Tanda mo pa po ba nu'ng nasa park ka, may nakita kang batang babae at bago siya umalis tinawag ka niyang Dad?"
Inisip ni Van ang sinabi ni Savannah at naalala niya ang batang babae na kumakanta noon sa may park at nagpaalam pa kung pwede siyang tawagin nitong dad. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat ng marealize niya lahat.
"Ikaw ang batang 'yon?!" Savannah nodded her head and walked towards her father to give him a tight hug. Van hugged her tightly and kissed the top of her head. "I bet Cross taught you how to cuss."
They both laugh and a bitter tear because of Cross's death escape from Savannah's eyes.
"Yeah. Not only that, he taught me everything. Let's avenge him, Dad. I want them to pay for Cross's death. I want to give him justice."
"Everything for my princess. We will do everything to make them pay." Bahagyang inilayo ni Van si Savannah mula sa pagkakayakap sa kaniya at tiningnan siya sa mga mata. "Ano nga palang masasabi mo sa 'kin? Gwapo ng dad mo, 'no?" Van smirked and wiggled his eyebrows.
Israel, Wade and other representatives rolled their eyes. Ang drama ng atmosphere kanina na halos maluha-luha na sila dahil sa magandang reunion ng mag-ama pero bigla namang bumanat ng gano'n si Van. Napatawa naman si Kisha dahil sa sinabi nito at nakisali na rin sa mag-ama.
"Dahil sa dahilang kundi dahil sa 'yo wala ako, papayag na akong gwapo ka." Savannah laughed and Van pouted. "Hindi naman kita kamukha, eh. Are you really my Dad? Or is it someone else?" pang-aasar pa nito.
Tumingin naman ng masama si Van kay Kisha na pinipigil ang tawa. "Kisha, are you sure this kid is our child?" matalim na tanong ni Van.
"What do you think?" Kisha answered playfully and they both laugh that made Van frown.
Lahat naman ay nanonood lamang sa kanila na para bang isa iyong teleserye sa telebisyon. Ang saya-saya tingnan na magkakasama sila dahil kitang-kita sa mga mata nila ang saya.
"Kailan pa ba matatapos ang mga 'yan?!" sigaw ni Nicolas Raven habang nasa loob ng laboratory kung saan nakalagay ang mga hindi pa nadedevelop na Adamant.
Dahil sa kasiraang ginawa ni Adamant No. 1 ay hindi 'agad sila nakapagpatuloy sa pagtatrabaho sa mga laboratory. Ang masama pa nito ay ang may pinakamalaking pinsala ay sa Main Laboratory kung saan isinasagawa ang mas importanteng eksperimento.
"Umaabot pa po ng isa hanggang limang buwan bago madevelop ang isang Adamant. Iisa pa lamang po ang matatapos ng madevelop sa kanila. Si Adamant No. 1 naman po ay kasalukuyang magpapahinga kaya kung matutuloy man po ang malaking labanan ay hindi rin siya mapapakinabangan," paliwanag sa kaniya ng isang scientist na kasama sa paglikha ng Adamant.
"Kung ganoon, siya na lang ang isasama natin sa laban. Madaliin niyo na ang pagdevelop sa kaniya dahil malaki ang maitutulong niya sa amin."
Tumango lamang sa kaniya ang mga scientist at nagmamadali na siyang lumabas ng laboratory upang pumunta naman sa kaniyang opisina. Ngayong wala na sa kaniyang panig sina Kisha at Savannah ay kailangan na niyang magdesisyon. Malaki naman ang tiwala niya sa kaniyang angkan kaya pagkatapos ng ilang libong taong pananahimik ay magsisimula na ang Great War.
Pagdating niya sa kaniyang opisina ay nakatipon na ang mga hunter na may mataas ding katayuan sa kanilang clan at nahihintay na lamang sa kaniyang pagdating upang simulan na ang pagpupulong. Galing pa sila sa iba't-ibang bansa at gaya ng mga bampira ay kalat din ang mga Vampire Hunter sa buong mundo. Kung may bampira sa isang lugar, siguradong may Vampire Hunter din doon para maging balanse ang lahat.
Kasama sa may matataas na katayuan sa clan ay ang Lieutenant ng District 5 na si Margaret Cobia, Cinna Prim ng District 4, Octavia Rishette ng District 3 at Caster Hermes ng District 2.
"Ano bang layunin ng pagtitipong ito?" Nagsimula na si Caster na basagin ang katahimikan.
Lahat naman sila ay napatango dahil palaisipan din sa kanila ang pagtitipon na ito. Hindi kasi madalas na tumatawag ng pagtitipon si Nicolas kaya ganoon na lamang ang kanilang pagtataka.
"Tinipon ko kayo rito upang ipaalam sa inyo na nalalapit na ang Great War. Gusto kong ipunin niyo na lahat ng Vampire Hunter sa buong mundo para makapaghanda at makatulong sa atin. Nasisisgurado kong magiging isang malaking laban ang mangyayari sa pagitan ng mga bampira at mga hunter."
"Sigurado na po ba kayong Great War na talaga ang mangyayari?" tanong ni Octavia.
Naglakad si Nicolas patungo sa glass wall at tumingin sa lumulubog na araw.
"Oo, sigurado na ako. Ito na ang tamang oras para ubusin ang lahi nila kaya kailangan niyo ng maghanda. Hindi lamang basta labanan lamang ang mangyayari. Ang labanang iyon ay maitatala sa kasaysayan ng mga bampira at mga hunter at sa pagkakataong ito, tayo na ang mananalo."
"Ano pa ang iba mong plano?" tanong naman ni Cinna.
"Bukod sa ubusin silang lahat, wala nang iba pa."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com