Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 58

Chapter 58

Messing with your Mind

"Fight me and show me your power."

Van smirked and felt the excitement building up inside him. It will be a great honor to fight with the most powerful member of the Archer Clan. Hindi niya puwedeng basta-basta maliitin ang kapangyarihan ni Gregory Archer dahil ayon sa mga naririnig niya, sobrang lakas nito. Kaya nitong ungkatin lahat ng mga bagay sa loob ng isipan mo. Kaya ka niyang gawing baliw, kaya ka niyang bigyan ng hallucinations at kaya niyang putulin lahat ng ugat sa ulo mo.

"Sino ba ako para tanggihan ka?" nakangising sagot niya kay Gregory. Sakto namang lumabas ang kambal na sina Jick at Jack na nakaporma niya. Ibinaling naman ni Van ang tingin niya sa dalawa na kung makaporma ay parang mga model. "At saan naman kayo pupunta?"

"Magshoshopping!" sabay na sabi ng dalawa at napailing na lamang si Van. "Sasama ka ba?" tanong naman ni Jick.

"I found Gregory Archer," sabi niya sa dalawa at imbis na gulat ang makuha niyang reaksyon mula rito ay napatawa na lang ang kambal na ipinagtaka naman ni Van. "I'm serious, you dorks!"

"Akalain mong maalam ka palang magjoke? Paano mo mahahanap si Gregory Archer, eh, kasasabi lang nila na nasa France pa lang ito at papunta rito?" natatawang sabi ni Jack.

"Gutom lang 'yan, Van. Kain muna tayong ramen."

Hinawakan ng kambal ang magkabilang braso ni Van at hinila na palayo na hindi man lang napansin ang presensya ni Gregory na tahimik lamang na nanonood sa kanila. Hindi rin naman lubos maisip ni Gregory na matatagpuan niya si Van dito. Hindi rin niya alam na hinahanap pala siya nito. Wala talaga siyang pakealam sa mga nangyayari sa angkan niya. Ang gusto lang niya ay malibot ang buong mundo at magpakasaya para kapag nagsawa na siya, siya na mismo ang kikitil sa sarili niyang buhay. Ayaw niyang mabuhay habangbuhay kaya ngayon pa lang inaaksaya na niya ang oras niya sa mga bagay na alam niyang ikasasaya niya.

Bumitaw naman si Van sa pagkakahawak ng dalawa at binigyan sila ng tig-isang malakas na batok sanhi ng pag-aray nila.

"Bakit mo kami binatukan?!" reklamo ng dalawa habang hinihimas ang parte ng ulo nilang binatukan ni Van.

"That guy over there is Gregory Archer! Umayos nga kayong dalawa! Gusto niyo bang mapatapon ng maaga pabalik ng Pilipinas?!"

Sumimangot lamang ang kambal sa kaniya at tiningnan ang itinuturo ni Van. Nang matitigan nilang matagal ang lalake ay nanlaki ang kanilang mga mata at 'agad na tumakbo papalapit dito.

"Ikaw nga si Gregory Archer!" sigaw ni Jick at tiningnan si Gregory mula ulo hanggang paa. "Wow. Hindi ko aakalaing ganito ka namin kabilis mahahanap."

"Payag ka bang tulungan kami?" tanong naman ni Jack.

"Oo, pero kailangan muna naming maglaban ni Van."

Lumapit si Van sa mga ito. Hinawakan ni Van ang bandang likudan ng damit nina Jick at Jack at hinila papalayo kay Gregory. Nag-iisip tuloy siya kung nararapat lang bang ang makulit na kambal pa ang isinama niya rito. Dapat pala si Zick ang isinama niya, tahimik si Zick at magsasalita lang kapag kailangan hindi katulad ng dalawang ito na makulit na nga, maiingay pa.

"Sisimulan na ba natin ngayon?" tanong ni Van dito. Ngumisi lamang si Gregory at nauna ng maglakad sa kanila. "I guess that's a yes."

MALAMIG pa rin ang panahon dito sa Japan pero hindi kasing lamig noong buwan ng Enero. Naglalakad sina Van, Gregory, Jick at Jack papunta sa isang bakanteng lote kung saan walang makakakita ng laban na magaganap sa pagitan nina Van at Gregory. Isa pang dahilan kung bakit pumayag si Van na makipaglaban dito ay hindi lamang dahil kailangan niya itong mapapayag na tulungan sila kundi para malaman din ang kakayahan ni Gregory Archer. Nang makarating sila sa bakanteng lote ay pumwesto ang dalawa. Nasa gilid naman ang kambal at tahimik lamang na nakikiramdam sa mga susunod na mangyayari.

Nagpapakiramdaman din sina Van at Gregory kung sino ang unang susugod sa kanilang dalawa. Dahil hindi gusto ni Van na masyado siyang pinaghihintay ay siya na ang unang sumugod. Habang tumatakbo siya papalapit kay Gregory ay inilabas niya ang kaniyang pakpak kasabay ang pagpapalit niya ng bagong anyo. Hindi pa rin gumagalaw si Gregory sa kaniyang tayo at nakahalukipkip lamang na pinapanood si Van na papalapit sa kaniya.

Pero nang ilang hakbang na lamang ang pagitan nilang dalawa ay para bang tumigil ang oras at hindi makagalaw si Van. Ang buong paligid niya ay naging itim at sa harapan niya ay hindi si Gregory kundi si Kisha na may nakapulupot na malaking ahas sa buo nitong katawan. Nakatingin sa kaniya si Kisha habang lumuluha ng dugo at ang dila ng malaking ahas ay nakalapat sa pisngi nito.

"Van, tulungan mo ako."

Mas lalong humigpit ang pagkakalingkis ng ahas sa kaniya at hindi naman makagalaw si Van sa kaniyang kinatatayuan. Gusto niyang sumigaw pero walang lumabas na boses sa kaniyang bibig, gusto niyang tulungan si Kisha pero wala siyang magawa at gusto niyang lapitan ang dalaga pero parang napako siya sa kaniyang kinatatayuan.

Pinagpapawisan siya ng malamig at paulit-ulit siyang lumunok para mabawasan ang kaba sa dibdib pero hindi ito nakakatulong. Parang lalabas ang puso niya dahil sobrang lakas ng tibok nito. Pumikit si Kisha at mas lalong umagos ang dugo mula sa mga mata nito. Unti-unti namang bumukas ang bibig ng malaking ahas at sa mismong harapan niya, kitang-kita ng dalawa niyang mga mata kung paano sinakmal ng ahas si Kisha.

"Kisha!"

Saka lamang siya nagkaroon ng boses ng nawalan na ng buhay si Kisha pero nanatili pa rin siyang nakatayo sa kaniyang kinatatayuan. Nanginginig ang buo niyang katawan at napaluhod na lamang siya. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at naramdaman niya ang mainit na likido na umagos galing sa mga mata niya pababa sa kaniyang pisngi.

Maya-maya pa ay naramdaman niya ang paglamig ng paligid. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at nakaluhod na siya sa lupa habang hawak ang kaniyang ulo. Basa rin ang kaniyang pisngi ng luha. Inilibot niya ang tingin sa paligid at nandito pa rin siya sa bakanteng lote. Si Gregory ay nandoon pa rin sa pwesto niya kanina at ang kambal naman ay nakatayo na pero hindi makalapit kay Van dahil sa takot.

"Anong nangyari sa 'kin?" Hindi na naituloy ni Van ang kanyang sasabihin ng mapasuka siya. Pakiramdam niya ay inilabas niya lahat ng kinain niya simula kanina. Ang sama ng pakiramdam niya na para bang lalagnatin siya. Tumingin siya kay Gregory na pinapanood lamang siya. "Anong ginawa mo sa 'kin?"

"I just showed you one of my powers. I brought fear to you. Ang nakita mong imahe sa iyong isipan ay ang bagay na kinatatakutan mong mangyari at 'yun ay ang mamatay ang babaeng mahal mo, hindi ba?" Ngumisi sa kaniya si Gregory at lumapit. "Patikim pa lang 'yun pero halos hindi mo na kayanin. Paano pa 'yung mga balak ko pang gawin sa 'yo?"

Pinilit na tumayo ni Van kahit na hinang-hina siya. "Tsumamba ka lang."

Biglang nawala si Van sa paningin ni Gregory na siya namang ikinagulat niya. Sobrang bilis na nawala ni Van at nang ilibot niya ang tingin sa buong lugar ay hindi niya ito mahanap. Humangin ng malakas at napatingin siya sa itaas kung saan mabilis na lumilipad si Van pababa sa kaniya. Hindi siya makapaniwala sa aura na nakapalibot sa katawan ni Van. Ang aura ni Van ay kulay pula, asul, itim at puti. Ngayon lamang niya nakita ang ganitong klaseng anyo at ramdam na ramdam niya ang sobra-sobrang kapangyarihan na umaapaw sa katawan ng binata. At dahil sa pakpak nito na sobrang lapad, nagmukha siyang anghel na bumubulusok pababa sa lupa.

Sa sobrang bilis ni Van ay hindi na nagawa pa ni Gregory na kontrolin ang isip nito. Tumalsik siya ng ilang metro ng lumapat ang kamao ni Van sa kanyang pisngi pero agad din siyang nakabawi at sinimulang pasukin ang isip ni Van.

Kagaya ng nangyari kanina ay hindi naituloy ni Van ang pagsugod niya kay Gregory ng bigla na namang nabalot ng itim ang buo niyang paligid. Nahugot niya ang kaniyang hininga nang makita naman ang mga Nobles, si Lolo G at si Jiji na may mga tali sa leeg at nakabitin. Wala na silang buhay at namumutla na ang kanilang mga mukha. Gaya ni Kisha kanina ay may tulo ng dugo mula sa kanilang mga mata at ang kanilang katawan ay naliligo sa sarili nilang dugo. Tanging naririnig ni Van ay ang pagtulo ng dugo mula sa kanilang mga katawan pababa sa sahig.

Tumakbo siya papalapit sa mga ito pero kahit anong takbo o kahit anong bilis ng takbo niya ay hindi siya makalapit. Pinilit niya pa ring tumakbo pero nanghina na ang kaniyang mga tuhod at nadapa. Pinilit niyang tumayo pero hindi niya magawa. Hindi na naman siya makasigaw dahil sa kawalan ng boses at wala na siyang magawa kundi ang lamunin na lamang siya ng dilim.

Kagaya ng nangyari kanina, nakita na lamang ni Van ang kaniyang sarili na nakaluhod sa lupa at hawak niya ang kaniyang dibdib. Hinahabol niya ang kaniyang hininga at basang-basa siya ng pawis. Parang totoo ang mga nakita niya. Takot na takot siya.

"You fell on my trap again, Van." He looked up only to see Gregory Archer smirking at him. "Iyan lang ba ang kaya mong ipakita sa akin? Ikaw ba talaga ang huling Legendary Vampire? Bakit hindi mo ipakita ang tunay mong kakayahan? Kapag hindi mo ako natalo, hindi ko matutulungan ang babaeng mahal mo"

Mariing pumikit si Van at ikinuyom niya ang kanyang kamao. Ginamit niyang muli ang kanyang bilis para mawala sa paningin ni Gregory. Kailangan niyang matalo si Gregory para maibalik na si Kisha sa dati. Hindi niya puwedeng palampasin pa ang pagkakataong ito.

Lumayo siya ng ilang metro kay Gregory at nagconcentrate. Susubukan niyang palabasin at kontrolin ang lahat ng kapangyarihan ng Vampire Clan sa kaniyang katawan. Kapag nagawa niya 'yun ay malaki ang tyansa niyang matalo si Gregory. Kung ang sandata ni Gregory ay ang pagmamanipula niya sa kaniyang isip, ang sandata naman ni Van ay ang iba't-ibang kapangyarihan. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at pinakiramdaman ang sobrang kapangyarihan na nakatago sa kaloob-looban ng kaniyang katawan at hindi rin nagtagal ay unti-unti na itong nalabas.

"Nag-iba ang itsura ni Van!"

"Bakit siya naging ganyan? Ang astig!"

Iminulat ni Van ang kaniyang mga mata at iniangat niya ang kaniyang kamay. Nakita niya na ang kaniyang braso ay nagkaroon ng tattoo, mga pakurbang linya na nakapalibot dito. Ang buo niyang katawan ay nababalutan ng malawak na aura na kulay pula na may halong itim at puti. Ang pakpak na dating itim ay may kahalo ng puti. Ibang-iba na ang kaniyang itsura kumpara noong una niyang nakamit ang form ng isang Legendary Vampire.

"You are indeed the last bloodline of the Legendary Vampire. You are the last Legendary Vampire. How astonishing–" Naputol ang kaniyang sasabihin ng sa isang segundo ay nasa harapan niya si Van, isang segundo para ihiga siya nito sa lupa at isang segundo para magpakawala si Van ng isang malakas na suntok sapat na para hindi makagalaw si Gregory Archer.

"Hindi kayo pwedeng umalis."

Hinawakan ni Kisha nang mahigpit ang kamay ni Savannah at itinago niya ito sa kaniyang likudan. Hindi niya hahayaang saktan ni Nicolas ang anak niya. Nagawa na niyang saktan si Kisha, na sarili niyang apo at sariling kadugo, siguradong hindi siya magdadalawang-isip na saktan si Savannah. Dahil sa galit at muhi ni Kisha rito ay mabilis na lumabas ang kaniyang kapangyarihan. Pumula na ang kaniyang mga mata at naging aktibo na lahat ng kaniyang senses.

"Hindi mo kami mapipigilan."

Nilagpasan niya lamang si Nicolas at hinila na si Savannah palabas pero pababa pa lamang sila ng hagdan nang harangin sila ng nasa higit sampu na hunter. Napatigil ang dalawa sa paglalakad dahil lahat sila ay armado pero laking pasalamat na lamang ni Kisha na hindi ang baril na may chemical ang dala nila. Ang dala nila ay mga normal na baril lamang. Ngunit hindi pa rin dapat minamaliit ang kakayahan ng mga hunter sa harapan niya, siguradong puspusan na training ang pinagdaanan nila bago sila maging ganap na hunter at hindi lang din basta-basta ang mga baril na dala ng mga ito, karamihan sa kanila ay mataas na kalibre ng baril ang dala.

" 'Wag niyo na akong takasan pa dahil hinding-hindi niyo iyon magagawa."

Napalingon sila sa kanilang likudan at nakita si Nicolas na papalapit sa kanila.

"Bakit naman hindi?"

Ngumisi si Kisha at naglabas siya ng pulang aura sa katawan. Itinaas niya ang kaniyang kamay at naggawa ng bolang apoy. Inihagis niya ito sa mga hunter sa harapan niya. Si Savannah naman ay hindi alam ang kanyang gagawin para tulungan si Kisha. Nagsimulang sumugod ang mga hunter at nagpaputok ng baril na mabilis namang naiiwasan ni Kisha.

Binalot ni Kisha ng yelo ang buong hagdanan na sanhi naman ng pagkadulas ng ibang hunter pero maya-maya pa ay madami pang hunter ang dumating na armado rin. Tahimik lamang na nanonood si Nicolas at hindi mapigilang mamangha sa ipinapakita ni Kisha na galing sa pakikipaglaban. Nakatulong din sa kaniya ang maikling pagsasanay niya noon kasama si Cross at malaki ang pasasalamat niya na nagkaroon siya ng ganoong kapangyarihan dahil kung wala siyang kapangyarihan ngayon ay baka hindi niya mapoprotektahan ng maayos si Savannah.

Kinakabahan naman si Savannah habang pinapanood ang kaniyang ina na makipaglaban. Nagawi ang tingin niya sa isang hunter na naglalagay ng bala sa kaniyang baril at nang tapos na siyang magkarga ng bala ay itinutok niya ito kay Kisha na walang alam at abala pa rin sa pakikipaglaban. Nanlaki ang mga mata ni Savannah sa gulat at tumakbo papunta kay Kisha.

Nang paputukin ng hunter ang kaniyang baril ay humara si Savannah kay Kisha na siyang ikinagulat nito. Itutulak pa sana ni Kisha si Savannah para hindi matamaan ng bala pero huli na. Tumama kay Savannah ang bala pero sa hindi inaasahang pangyayari ay parang may kung anong shield ang bumalot sa dalaga. Tumalbog ang bala sa kaniyang katawan at bumalik ito sa hunter na mas mabilis pa sa kanina. Tinamaan ang hunter sa dibdib at 'agad na nabawian ng buhay.

"Savannah." Hinawakan ni Kisha ang balikat nito at iniharap sa kaniya. "Paano mo nagawa 'yun? Hindi ka ba nasaktan? Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako, Mom. That's my ability. Ituloy mo lang ang pakikipaglaban at poprotektahan kita."

Ngumiti naman si Savannah sa kaniyang ina at pinagpatuloy lamang ni Kisha ang pagtalo sa mga hunter. Si Savannah ang nagmistulang shield para kay Kisha at kahit paulanan man siya ng bala ay babalik at babalik pa rin ito sa pinanggalingan nito.

Naubos na ang mga hunter na sumugod sa kanila. Muling hinawakan ni Kisha ang kamay ni Savannah at bumaba na sila sa hagdan pero bago sila tuluyang umalis ay tumigil sa paglalakad si Savannah kaya wala nang nagawa si Kisha kundi ang tumigil na rin. Nasa kalagitnaan sila ng hagdan ng humarap si Savannah kay Nicolas Raven na nakatayo sa may tuktok ng hagdan. Wala itong emosyon na nakatingin sa kanila pero sa loob-loob niya ay gusto na niyang patayin ang mag-ina dahil sa pagsuway nito sa kaniya.

" 'Wag kang mag-alala babalik kami rito..." Ngumisi si Savannah at ipinakita ang kulay pula niyang mga mata kagaya ng kaniyang ina. "...para patayin ka."

Tuluyan na silang bumaba ng hagdan at lumabas ng mansyon. Dumiretso si Kisha sa garahe ng kaniyang kotse at sumakay na silang dalawa para pumunta sa mansyon ng mga Walker.

NAPUNO ng sigaw ng paghihirap at hinagpis ang isang bahagi ng headquarters ng mga Vampire Hunter – ang kulungan. Tanging maririnig lamang ay ang bawat paghampas ng latigo at kasunod ang sigaw ng isang lalake.

"Traydor ka! Nararapat lang na maparusahan ka!" Muling hinataw ng hunter ang lalake na nakadapa sa malamig na sahig. Punong-puno ng sugat ang kaniyang likudan at halos hindi na makilala ang kaniyang mukha dahil sa bugbog na natamo nito. "Isa kang kahihiyan sa ating angkan, Venz Hungria."

Walang sawa siyang hinataw ng makapal na latigo ng isang hunter na nakaschedule ngayon para pahirapan siya. Nalaman nilang katulong siya sa pagtakas ni Cross kay Savannah. Hindi nila nagawang hulihin si Patrick dahil nakaalis na ito ng bansa at hindi nila alam kung saan nila ito unang hahanapin.

"Patawad. Hindi na mauulit."

Halos hindi na siya makapagsalita dahil sa sobrang panghihina. Hindi na kaya ng katawan niya ang mga susunod na pahirap sa kaniya. Lahat na lang ng hunter na pumasok dito sa loob ng kulungan niya ay may iba't-ibang pagpapahirap ang ginagawa sa kaniya.

Ganito ang pamamalakad ng mga Vampire Hunter, kapag isa sa mga hunter ang nagtraydor, at wala ka namang gaanong papel sa mga trabahong ginagawa nila ay ikaw ang pagbabalingan nila ng sama ng loob o kaya ng galit nila kapag may misyon silang hindi nagawa ng maayos. Siya ang pinaglalabasan ng mga ito ng galit.

Halos lahat ng klase ng torture ay kaniyang naranasan. Hindi siya tinitigilan nito hanggang sa hindi na niya maimulat ang kaniyang mga mata. Nakakaawa ang kaniyang kalagayan at wala ng makakapagligtas pa sa kaniya. Tanggap na niya ang kamatayan niya dahil alam niyang wala na siyang papel dito. Nagpapasalamat siya kay Cross dahil kahit papaano ay nagkaroon ng halaga ang buhay niya. Lahat ng bagay ay may katapusan at ito na ang katapusan niya.

"Patayin niyo na lang ako," pabulong na sabi niya dahil tuyong-tuyo na rin ang kaniyang lalamunan. Ilang araw din siyang hindi pinakain kaya nakadagdag ito sa panghihina niya.

"Hindi mo na kailangang sabihin samin 'yan dahil talagang papatayin ka na namin para mabawasan ang basura sa lugar na 'to."

Paulit-ulit niyang hinataw ng latigo si Venz sa kaniyang likudan at para matapos na ang buhay nito ay bumunot siya ng baril. Itinutok nito ang baril sa ulo ni Venz at sa isang kalabit ng gatilyo ay natapos na ng tuluyan ang buhay ni Venz Hungria at bago niya ipinikit ang kaniyang mga mata ay nakita pa niya ang pagbubukas ng pinto at may isang lalake ang itinapon sa kaniyang tabi.

"Patrick," Yun na ang huli niyang sinabi at binawian na siya ng buhay. Sa tabi niya ay ang malamig na bangkay ni Patrick Falcon. Napatingin naman ang hunter na pumatay kay Venz sa kasamahan niyang nagdala kay Patrick sa loob.

"Akala ko ba nasa ibang bansa 'to?" tanong niya rito.

"Ang sabi na-trace raw kung nasaan siya at sinundan siya doon para patayin. Kauuwi lang ng bangkay niya kanina at naisip kong mas maganda kung makita niya ang kahahantungan niya pero sa nakikita ko ay tinapos mo na siya." Itinapon niya ang hawak niyang sigarilyo sa malamig na katawan ni Venz at muling tumingin sa kaniyang kasamahan. "Ano pang ginagawa mo riyan? Hayaan mo na silang mabulok d'yan."

Lumabas na silang dalawa at iniwan ang dalawang bangkay sa loob ng selda.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com