Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 57

Chapter 57

Adamant

The whole laboratory was reduced to rubble. All the alarms were on and everybody was panicking because of the sudden outburst of the creature that they created. The Adamant lose control.

"What is happening here? Bakit kayo nagtatakbuhan?" tanong ng scientist na si Thalia kasama sina Finnick at Roger. Hindi nila alam ang nangyayari dahil kararating lamang nila. Napansin nilang sira lahat ng gamit sa loob ng laboratory at ang ibang bahagi pa nito ay nababalutan na ng apoy.

"Hindi namin alam! Basta na lang nakawala 'yung Adamant at nagwala rito!" takot na takot na sabi ng isang scientist. "Nandoon siya ngayon sa Main Laboratory at siguradong doon naman siya nanggugulo."

Tatanungin pa sana nila ito pero mabilis na itong tumakbo para sagipin ang buhay niya. Madami na ring scientist ang nakahandusay sa sahig at sugatan.

Ito na nga ba ang kinatatakutan nila. Gumawa sila ng isang halimaw na magdudulot ng kapahamakan hindi lamang sa ibang tao kundi sa kanila rin. Labag sa kalooban nilang tatlo ang mga ginagawa ng mga Vampire Hunter simula pa lamang nu'ng pag-eksperimentuhan nila si Kisha pero hindi naman nila kayang umalis dito dahil dito lamang sila kumukuha ng pampinansyal na pangangailangan.

Hindi nila mabubuhay ang kanilang pamilya kung aalis sila rito kaya mas pinili nilang manatili at maging sunud-sunuran sa mga baluktot na paniniwala ng mga Vampire Hunter. At isa pang mabigat nilang dahilan kaya hindi sila makaalis ay kapag naging trabahador ka na nila, hindi ka na makakaalis. Kung balak mo maging scientist o maging tagasunod man nila, siguraduhin mong hindi ka na aalis dahil oras na umalis ka, hindi ka pa nakakalabas ng headquarters ay babawian ka na nila ng buhay. Nasa isip kasi ng mga hunter na baka ipagkalat ang mga ginagawa nila oras na may umalis sa puder nila kaya hindi nila pinapayagang umalis ang sinoman na nagtatrabaho dito, lalo na sa loob ng mga laboratory.

"Ano bang pwedeng gawin para pigilan ang nilalang na iyon?" tanong ni Thalia sa dalawa niyang kasama.

"Dapat pa ba tayong mangealam? Hindi naman tayo naging parte ng paggawa ng nilalang na 'yun kaya hindi na dapat tayo nanghihimasok. Mapapahamak lamang tayo," wika naman ni Roger.

"Pero kung hindi natin 'yun pipigilan, anong mangyayari sa buong lugar na 'to?" sabi naman ni Finnick.

"Naging parte tayo sa paggawa ng nilalang na 'yun dahil katulong nila tayo upang magplano sa magiging kalalabasan ng experiment kaya kahit anong sabihin mo, sangkot tayo sa lahat ng nangyayari ngayon."

Hindi nila aakalaing aabot sa ganito ang lahat. Noon ay pangarap lamang nilang magtrabaho sa isang laboratory at makatuklas ng iba't-ibang bagay pero hindi sa ganitong paraan. Ang buhay nila noon ay normal lang kasama ng mga pamilya nila pero simula nu'ng pinasok nila 'to, gumulo na lahat at ni hindi na nila nabibigyan ng oras ang pamilya nila.

Napapitlag naman sila nang makarinig sila ng malakas na pagsabog sa kabilang bahagi ng laboratory. Lumakad si Thalia patungo sa kabilang laboratory kaya walang nagawa ang dalawa kundi ang sundan siya.

Nang makarating sila ay madami na ring hunter ang pumipigil sa Adamant pero hindi nila ito kayang pigilan. Binabaril na nila ito ng kung ano-anong chemical para mapatigil pero hindi man lang ito tinatablan. Ang ilang hunter ay nakaratay na sa sahig at walang malay, ang iba naman ay wala ng buhay.

"Finnick, kuhanin mo 'yung tranquilizer. 'Yun lamang ang makakapigil sa kaniya," utos ni Thalia kay Finnick.

"Sigurado ka? Sa daming chemical na ginamit nila tranquilizer lang?" hindi makapaniwalang tanong ni Finnick.

"Oo. Hindi lahat ng bagay ay mapapatigil mo gamit ang matataas na kalidad na chemical, minsan mas magaling pa ang simpleng paraan lang."

Tumango naman si Finnick at lumabas ng laboratory para kumuha ng tranquilizer. Kakaunti na ang hunter na pumipigil sa Adamant. Wala namang ginawa si Thalia kundi ang tumayo at maghintay sa pagdating ni Finnick. Tinitigan niya ang Adamant na walang sawang nakikipaglaban sa mga hunter. Mukha talaga itong tao at kung hindi lamang nito pinapakita ang tunay nitong lakas, hindi mo aakalaing isa siyang Artificial Vampire – bampirang ginawa sa paraan ng experiment.

Maya-maya pa ay dumating na si Finnick at sinalubong siya ni Thalia. Iaabot na sana niya kay Thalia ang tranquilizer pero laking gulat niya nang makita ang Adamant sa likudan ng babae.

"Thalia!"

Huli na ang lahat. Binutas ng Adamant ang dibdib ni Thalia at kinuha ang puso nito. Nanlaki ang mga mata ni Thalia at isinuka na niya ang sariling dugo at umagos ito pababa sa butas niyang dibdib. Nabitawan naman ni Finnick ang tranquilizer dahil sa gulat sa nangyari. Hindi siya makagalaw sa kaniyang kinatatayuan at binalot ng takot ang buo niyang katawan dahil sa nilalang na nakangisi na ngayon sa harapan niya.

Akmang susugod na ang Adamant sa kaniya nang makuha ni Roger ang tranquilizer at itinurok dito. Napatigil ang Adamant at masamang tumingin dito. Tatakbo na sana si Roger pero naharangan siya ng Adamant at kagaya nang ginawa nito kay Thalia ay binutas din ang dibdib nito. Dahil sa nangyari kay Roger ay nagkaroon na ng lakas si Finnick na tumakbo at hindi pa rin iyon pinalampas ng Adamant. Kahit na nahihilo na siya dahil sa tranquilizer na naiturok sa kaniya hindi pa rin niya pinatakas si Finnick at pinatay niya rin ito.

Naubos ang lahat ng tao sa laboratory at tanging ang Adamant lang ang natira. Nakaramdam na siya ng matinding pagkahilo at hindi rin nagtagal ay napahiga siya sa sahig na puno ng dugo at nakatulog.

"Akalain mo nga namang ako pala ang hinahanap mo?"

Gulat ang rumehistro sa mukha ni Van dahil sa sinabi ng lalake sa harapan niya. Matagal niyang tinitigan ang mukha nito at napamura na lamang sa kaniyang isipan ng unti-unti niyang maalala ang mukha ni Gregory Archer. Hindi niya kasi gaanong tanda ang mukha nito dahil hindi naman niya ito madalas nakikita at nakakasalamuha. Sino nga namang mag-aakala na ganito niya lang ito kabilis na mahahanap? Buong akala pa naman niya ay aabutin siya ng ilang araw mahanap niya lamang ito. Iba talagang maglaro ang tadhana.

"Ikaw si Gregory Archer?" tanong niya rito para makumpirma niya ito. Baka kasi ginugoodtime lamang siya nito.

"Ako nga," nakangising sabi ni Gregory sa kaniya. "Anong kailangan mo sa akin Van Rei Isaac Fenier Walker?"

Bago sagutin ni Van ang tanong nito sa kaniya ay mas pinili niyang magtanong muli.

"Sabi nila paalis ka pa lang sa France pero bakit kasabay ka na naming sumakay ng eroplano mula sa Pilipinas hanggang dito sa Japan?"

Masyadong malayo ang France sa Pilipinas kaya ilang oras din ang biyahe bago siya makalapag dito. Kung tutuusin, dapat mauuna pa sina Van sa Japan kaysa kay Gregory.

"Naramdaman ko kasing parang may nagmamatiyag sa akin kaya nilito ko ang kanilang isipan para isipin nilang paalis pa lang ako sa France. Ang totoo bago pa nila i-report sa 'yo na paalis pa lang ako sa France ay nandoon na ako sa airport papunta rito sa Japan," paliwanag nito sa kaniya. "Tungkol sa tanong ko kanina, anong kailangan mo sa akin?"

"Alam mo naman siguro ang nangyayari ngayon sa pagitan ng Vampire Hunter at mga bampira, hindi ba?" Hindi sumagot si Gregory at nakatingin lamang sa kaniya kaya nagpatuloy lamang siya. "Si Kisha, ang babaeng mahal ko, may dalawa siyang katauhan, 'yung isa ay masama at 'yung isa naman ay ang tunay na siya. Gusto kong humingi ng tulong sa 'yo. Baka kaya mong ibalik siya sa dati."

"Paano ka nakakasiguradong kaya ko siyang tulungan?"

"Ikaw ang pinakamalakas sa buong Archer Clan. Alam kong kaya mo kaming tulungan. Kahit ngayon lang."

Matagal na hindi sumagot si Van at kahit pa mapagdesisyunan nitong hindi siya tulungan, gagawin niya ang lahat mapapayag lamang ito.

"I can help you but in one condition."

"What is it?"

"Fight me and show me your power."

"Kisha Louise Madrigal and Van Rei Isaac Fenier Walker."

I stared at her like she has grown five heads. I'm Kisha Louise Madrigal and Van Rei Isaac Fenier Walker is the vampire that I hate the most. Imposible namang kapangalan namin ang mga magulang niya. How? Hindi ko maintindihan.

"What are you saying? My name is Kisha Louise Madrigal. Imposibleng ako ang iyong ina."

Mukhang natigilan din siya sa sinabi ko at maya-maya pa ay namuo na naman ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi ko naman alam ang gagawin ko dahil nababagabag ako kapag nakikita ko siyang umiiyak.

Bigla-bigla na naman niya akong niyakap at wala na akong nagawa kundi ang yakapin din siya. What is with this girl? Imposible talagang ako ang kaniyang ina dahil wala naman akong natatandaan na nagbuntis ako at mas lalo namang hindi niya magiging ama si Van dahil imposible ring may nangyari sa aming dalawa. Iniisip ko pa lang ay kinikilabutan na ako. Mamamatay muna ako bago mangyari 'yon.

"Hindi kita maintindihan. Sigurado ka bang sila ang mga magulang mo? Posible bang talagang magkapangalan kami?" tanong ko sa kaniya.

Muli siyang humiwalay sa pagkakayakap sa akin patuloy pa rin siya sa pag-iyak. "Sinasabi ko na nga ba kaya magkamukha kayo nung nasa litratong pinapakita sa akin ni Cross noon."

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya... "Savannah, can you explain everything to me? Magkapangalan kami ng Mommy mo?"

"Hindi kayo magkapangalan dahil sigurado akong ikaw ang Mommy ko!" sigaw niya na siya namang ikinagulat ko. "Hindi ko alam kung shunga ka o ayaw mo lang talaga akong tanggapin pero sa ayaw at sa gusto mo, ako ang anak mo!" Tumayo siya at marahas na pinahid ang luha sa mga mata niya. "Hindi mo man lang ba maalala na may anak ka? O kinalimutan mo talagang isinilang mo pa ako?"

Tumayo ako at nilapitan siya. Gusto kong magalit sa kaniya at sigawan din siya kasi nga hindi ko siya kilala tapos sasabihin niyang anak ko siya? Ni wala nga akong maalala tungkol sa nangyari noon, eh. Gustuhin ko mang alalahanin lahat tungkol sa akin hindi ko naman magawa.

"Wala talaga akong maalala. Simula noong maging bampira ako ay wala na akong maalala sa mga nangyari sa akin noon. Imposible ako ang iyong ina dahil magkalaban kami ni Van Walker. Baka nagkakamali ka lang."

"Hindi. Paniniwalaan ko ang gusto kong paniwalaan. Kung ayaw mo akong maging anak, ayaw na rin kitang maging ina."

Lumakad na siya palayo sa akin at naiwan naman akong nakatayo sa harapan ng pinto ng aking kwarto. Hindi ko alam kung bakit kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya at hindi ko rin alam kung bakit may isang butil ng luha ang kumawala sa aking mata. Hindi dapat ako makaramdam ng kung ano, hindi ko dapat hinayaang makaramdam ako, pero bakit nasasaktan ako?

"Pakawalan mo ako! Kailangan ako ng anak ko!"

"Gusto ko siyang makasama! Pakawalan mo na ako rito!"

"Nagmamakaawa ako sa 'yo!"

Napahawak ako sa aking ulo ng biglang may boses na naman sa aking utak. Sarili kong boses ang aking naririnig at hindi ko alam kung bakit nangyayari sa akin 'to. Parang binibiak ang aking ulo sa sobrang sakit at napaupo na lamang ako sa sahig. Hindi pa rin tumitigil ang boses sa aking utak at paulit-ulit lamang ang kaniyang sinasabi. Pakawalan ko raw siya. Bakit? Paano? Sino ba siya? Bakit boses ko lamang din ang naririnig ko?

"Madam Louise? Ayos lang po ba kayo?" Pinilit kong tumunghay at nakita ko naman ang isa sa aming katiwala sa aking harapan. Hindi ko siya pinansin at nanatili lamang akong nakaupo sa sahig.

"Parang awa mo na. Kailangan niya ako"

"Gusto ko ng makaalis dito!"

"Tama na please." Pero hindi pa rin nawala ang boses. Umiiyak siya, sumisigaw, nasasaktan. "Tama na!"

Hindi ko na kaya ang sobrang sakit sa aking ulo. Parang binibiak ang nasa loob pati na rin ang nasa labas sa sobrang sakit. Pakiramdam ko ay mamamatay ako sa sobrang sakit. Ano bang nangyayari sa 'kin? Nangyari na sa akin ito noon pero hindi ko alam kung anong ginawa ko para maalis ito.

"Madam Louise! Ano pong nangyayari sa inyo!" Naramdaman kong hinawakan niya ang balikat ko. "Tulong! Tulungan niyo kami!"

Narinig ko ang mga nagpapanic at pasigaw na boses at mas lalo lamang itong nakadagdag sa sakit ng ulo ko. Naramdaman ko na lamang na may nagtayo sa akin at hindi ko na alam kung saan nila ako dinadala. Basta nakahawak lamang ako sa aking ulo at nakapikit ng mariin ang aking mga mata.

"Anong nangyayari sa kaniya?"

Narinig ko ang boses ni Savannah. Sa sobrang daming boses na naririnig ko, hindi ko na alam kung kung ano ang una kong pakikinggan.

"Hindi ko po alam, Madam Savannah. Naabutan ko na lang po siyang nakaupo sa sahig at nakahawak sa ulo niya."

A soft hand held my shoulder and I knew it was Savannah. She pulled me into a tight hug and I don't know why I suddenly felt secured but the pain in my head was still there.

"Mommy, it's okay. I'm here. Don't cry please."

Hindi ko namalayan na tuluyan ng bumuhos ang luha ko. Dahil sa yakap niya, 'yung mga emosyon na nakatago sa puso ko ay para bang nakawala.

Parang may kung anong nagbukas sa puso ko at habang nakapikit ako ay sari-saring memorya ang umagos sa aking isipan. Para bang pinapaalala sa akin kung ano at kung sino ako noong hindi pa ako nagiging bampira. Lahat ng alaala ko tungkol noon ay rumagasa sa aking isipan na parang baha. Parang sasabog ang aking utak dahil sa napakadaming alaala na nagbalik sa aking isipan.

Unang pumasok sa aking isipan ay noong naglalakad akong mag-isa pauwi ng aking bahay. Noong unang beses na nakita ko si Van. Para akong nanonood ng pelikula sa aking isipan dahil nakikita ko ang mga nangyari. Iniligtas ako ni Van at doon na nagsimula ang lahat.

Sumunod naman ay noong may nangyari sa aming dalawa, noong sinabi kong mahal ko rin siya, at noong nagsimula ng magkaroon ng gulo sa pagitan ng Vampire Hunter Clan at Vampire Clan.

Nakita ko rin ang mga panahong masaya ako kasama ni Van at ng mga Nobles. Ang panahon na nakilala ko ang mga representatives at lahat-lahat ng nangyari hanggang sa naalala ko na lahat.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at tinanggal ang aking kamay sa aking ulo.

"Ako na ba talaga 'to?" tanong ko sa aking sarili.

Humiwalay si Savannah sa pagkakayakap sa akin. Tiningnan ko ang aking kamay. Natatakot ako. Babalik pa kayo ako sa isa ko pang bahagi o nagbalik na talaga ako sa tunay na ako?

"Okay ka na ba, Mommy?" Tumingin ako kay Savannah at hindi ko mapigilang mapaluha. Ang laki-laki na ng anak ko at hindi ko man lang nagawang alagaan siya. Hindi ko man lang nakita at masubaybayan ang paglaki niya. "Iwan niyo muna kami," utos niya sa mga katiwala namin at 'agad naman silang sumunod. Muli naman siyang tumingin sa akin. "Anong nangyari sa 'yo, Mommy?"

"Anak ko." Napahagulhol na lamang ako. Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman. Masaya ako dahil nagbalik na ako sa dati kahit na hindi ko alam kung panandalian lang 'to, malungkot dahil nga hindi ko man lang nakita ang paglaki niya at nasasaktan ako dahil nangyayari sa amin 'to. Lumaki si Savannah na hindi man lang niya naramdaman ang aruga ng isang ina at pagpoprotekta ng isang ama. "Sorry, Savannah. I'm really sorry."

"You remember everything?"

I nodded my head and a smile formed on her lips.

"It's okay, Mommy. At least naaalala mo na ako. Bakit nawala ang mga alaala mo? Bakit ka naging bampira? Sabi kasi sa akin ni Cross noon ay isa kang tao at bampira naman si Daddy"

Si Cross. Namatay siya ng hindi ko man lang siya napapasalamatan sa lahat ng bagay niya para sakin. Kung nasaan man siya ngayon, sana masaya na siya.

"Pinag-eksperimentuhan nila ako at itinurok sa akin ang pinagsama-samang dugo ng bawat Vampire Clan. Pinagbubuntis kita noong ginawa nila 'yon. Nang magbago ako ay wala na akong maalala. Nakatanim lamang sa aking isipan noon na kalaban ko ang iyong ama at kailangan ko siyang patayin." Hinawi ko ang buhok niya na nakahara sa kaniyang mukha. "Hindi ko man lang alam kung ano ang buo mong pangalan dahil sa dami ng mga nangyayari. Tell me please."

Hinawakan niya ang aking kamay at ngumiti sa akin. "Savannah Kier Walker. Cross gave me this beautiful name, Mom."

Muli akong napaluha. "Then I'll thank Cross forever for everything he did for us. He loves us so much, Savannah." She nodded and I know she's holding back her tears. Napatayo ako nang maalala kung nasaan nga pala kami ngayon. Kailangan na naming umalis at puntahan si Van ngayon. Siguradong nagsisimula na siyang hanapin si Savannah. "I will tell you everything that you need to know but before that, we should get out of here."

"Why Mommy? Saan tayo pupunta?"

"Lahat ng tao rito ay kalaban at oras na malaman nilang nagbalik na ako sa dati ay gagawa sila ng paraan para paghiwalayin tayong dalawa. Mapapahamak ka sa kamay nila, lalo na sa sarili mong Lolo kaya umalis na tayo dito hanggat maaga pa."

Hindi na siya nagtanong pa at sumunod na lamang sa gusto ko. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at aktong lalabas na sana ng pinto ng aking kwarto nang humara samin si Nicolas Raven. Hindi ko na siya tatawagin pang Lolo dahil masama siyang tao, kapangyarihan lang ang mahalaga sa kaniya. Wala siyang puso.

"Saan kayo pupunta?" Nakangisi siya na nagbigay naman ng kilabot sa akin. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Savannah. "Hindi kayo pwedeng umalis."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com