Chapter 56
Chapter 56
One Step Closer
Nagsisimula nang maghanda sina Van, Jick at Jack para sa paghahanap kay Gregory Archer. Hindi na dapat sila mag-aksaya ng oras dahil alam nilang nalalapit na ang pagsugod ng mga Vampire Hunter. Pakiramdam ni Van ay may hindi magandang mangyayari kung hindi sila magmamadali.
"Saan tayo magsisimula?" tanong ni Jick.
Nandito ngayon silang lahat at nagtipon-tipon para pag-usapan ang mga susunod nilang hakbang. Magiging mahirap para sa kanila ang paghahanap kay Gregory Archer dahil paiba-iba ito ng lugar na tinitirahan. Kailangan nila ng mga bampira sa iba't-ibang lugar upang mai-update sila kung sakaling nandoon si Gregory Archer o wala. Mabuti na lamang at nandito pa rin ang mga bampira mula sa iba't-ibang lugar at bansa kaya makakatulong ito upang mapadali ang paghahanap kay Gregory.
"Mas mabuting ipagbigay-alam ninyo sa inyong mga clan members o sinomang kilala niyong bampira sa inyong lugar upang magbantay kung sakaling makikita nila si Gregory at kung sakaling makita nila ito sa isang partikular na lugar ay gumawa sila ng paraan para hindi ito makaalis," paliwanag ni Van.
"Pero meron pa bang makakapigil sa kaniya? Sa pagkakaalam ko kasi ay walang sinoman ang nakakapigil sa kaniya. Kung gusto niya talagang umalis ay aalis siya at oras na pigilan mo siya siguradong kamatayan ang haharapin mo," sabi ng isang miyembro ng Frost Clan.
Lahat kasi ng miyembro ng buong clan ay nandito na para handa sila sa mga susunod na labanan na mangyayari, kahit malayo pa ang bansang pinanggalingan nila ay mas minabuti na lang nilang manatili muna rito.
"Para saan pa ang pagiging bampira mo at pagiging miyembro ng clan mo kung matatakot ka sa kamatayan? Nakasalalay dito ang buhay ni Kisha at gagawin ko ang lahat para lang mailigtas siya dahil hindi naman ito mangyayari sa kaniya kundi dahil sa 'kin."
Kundi dahil sa 'kin tahimik na sana ang buhay niya ngayon at masaya siyang namumuhay.
Mabilis na inalis ni Van ang kaniyang naisip. Hindi ito ang oras upang mag-isip ng mga ganoong bagay. Hindi niya kayang mahiwalay si Kisha sa kaniya kaya kahit mamatay man siya, kahit pa makatanggap siya ng malalalim na sugat o kung ano pa man, haharapin niya ang lahat ng 'yun para sa babaeng pinakamamahal niya.
" 'Yun na nga ang iniisip ng iba sa amin, Van. Ginagawa mo ang lahat ng ito para sa babaeng iyon? Na siyang dating tao? Mas pinaiiral mo ang pag-ibig kaysa sa tungkulin mo?"
Marahas na inilingon ni Van ang kaniyang ulo at tinuon ang atensyon sa isang bampira na naglakas loob upang sabihin ang mga salitang ito sa kaniya. "This may sound cheesy but if there's no love, there will be nothing in this world."
Van smiled that shock all of them. Inaasahan kasi nilang magagalit ito sa pagiging pangahas ng bampirang iyon.
"Like you, why are you still living in this world? Naisip mo ba kung bakit gusto mong gumising tuwing umaga? May magulang ka ba? Kapatid? Kaibigan? Kasintahan? Kung meron ka mang isa sa sinabi ko o nakakapiling mo man lahat ng tao na nabanggit ko, hindi ba mahal mo sila? Gano'n din ako kay Kisha. Kapag nawala siya, para na rin akong nawalan ng buhay. Kapag nawala siya, hindi ko na kaya pang ipagpatuloy ang lahat ng meron sa akin ngayon."
Lahat sila ay natahimik sa sinabi ni Van at ni isa sa kanila ay walang nagsasalita.
"Well, are you all in? Pumapayag ba kayo sa plano ko?" Nanatili silang tahimik pero maya-maya ay unang tumaas ng kamay ang bampirang kumwestyon sa kaniya kanina na sinundan pa ng iba pang bampira hanggang sa lahat na sila ay nakataas ang kamay at nakangiti sa kaniya. Napuno ng pag-asa ang puso ni Van at napangiti na lamang din siya. "So it's set then. We should start searching for Gregory Archer now."
Nagsimula na silang tumayo at umalis para sabihan ang mga bampira sa iba't-ibang parte ng mundo upang ipaalam ang plano ni Van. Sa ngayon, wala na silang pakealam kung anomang klase ka ng bampira o kung ano mang clan ang kinabibilangan mo, ang mahalaga na lamang ngayon ay ang pagtutulungan nila para maresolba ang problema.
"Teka lang, Van." Napalingon si Van kay Israel na palapit na ngayon sa kaniya. "May kailangan kang malaman."
"Ano 'yun?" Mukhang importante ang sasabihin ni Israel dahil na rin sa pagiging seryoso ng mukha nito. Bigla namang kinabahan si Van, may kutob siyang hindi magandang balita ang sasabihin ni Israel. "Good news or bad news?" pahabol pa niyang tanong.
Huminga ng malalim si Israel at mariing tumingin sa kaniyang mga mata. "Bad news." Natahimik si Van at hinintay ang susunod na sasabihin ni Israel. "The child might be in hunter's hands now. May natanggap kasi akong balita sa tauhan ko na nandoon pa rin sa headquarters ng Vampire Hunter na nakita niyang dinala roon ang katawan ni Cross na wala ng buhay."
Natigilan si Van at pinroseso lahat ng sinabi ni Israel. "Patay na si Cross?" Hindi makapaniwalang sabi niya. "Kung ganoon nasa kamay na nga nila ang anak ko." Napahigpit ang hawak ni Van sa susi ng kaniyang sasakyan na nakakulong sa kaniyang kamao.
"Yes, and we should get her before they do something bad. Nasisigurado kong gagamitin nila ang bata para sa eksperimento nila."
Napaisip nang malalim si Van dahil sa balitang sinabi ni Israel. Naiipit siya sa dalawang desisyon ngayon, alin ang uunahin niya? Ang hanapin si Gregory Archer upang maibalik ang dating si Kisha o ang sumugod sa headquarters ng mga hunter upang bawiin ang anak niya? Parang binibiak ang isip at puso niya dail sa malaking desisyon na haharapin niya. Sino ang pipiliin niya sa dalawang babaeng mahalaga sa kaniya?
Nagbalik na lamang siya sa realidad ng marahang tapikin siya ni Israel sa kaniyang balikat. Tumingin siya dito at binigyan lamang siya nito ng isang ngiti.
"Don't think too much. Kami na ang bahala sa anak mo. Umalis ka na para hanapin si Gregory para pagdating mo rito ay makikita mo na ang anak mo."
"Salamat." Tumango lamang si Israel sa kanya at pinanood lamang siyang lumakad palabas ng mansyon at sumakay sa kaniyang kotse.
"Have a safe trip."
I flipped the page of the magazine I'm reading and sipped my orange juice when I heard a loud scream outside. I set the magazine down and stood up from my seat. Kanino naman kayang boses 'yun? Lumakad ako papunta sa pinto at bubuksan ko na sana ang nang makarinig na naman ako ng sigaw mula sa isang babae. Who the hell is that? I'll kill her for ruining my quiet day.
Marahas kong binuksan ang pinto at lumabas ng aking kwarto. At sa isang iglap lamang ay natilapon ako sa sahig. Napangiwi na lang ako sakit ng pang-upo ko dahil sa kung sinomang walanghiya ang bumunggo sa 'kin.
Napatingin ako sa isang babaeng nakaupo rin sa harapan ko. Hawak niya ang pang-upo niya at nakangiwi dahil na rin siguro sa sakit. Napatitig ako sa mukha niya, mukha siyang pamilyar pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita. Ang ganda niya. May itim at mahaba siyang buhok katulad ng sa akin. Napahawak ako sa buhok ko, dati blonde ang buhok ko pero nagbago ito noong maging bampira ako.
"Sorry! Tinakbuhan ko kasi 'yung mga maid kasi aalisin nila 'yung balahibo ko sa legs. Hindi naman ako balbon! Masakit kaya 'yun!" Dire-diretso siyang nagsasalita habang nakatungo at inaayos ang damit niya at nang tumunghay siya ay nagtaka ako kung bakit siya natigilan. Matagal siyang tumitig sa mukha ko at hindi ko alam kung bakit may kung anong sumikip sa dibdib ko. "Teka, ikaw 'yung babae sa mall!"
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. What the hell is she saying? Babae sa mall? She's familiar but I'm pretty sure I've never seen her before.
Gumapang siya palapit sa akin at nagulat ako nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Nakangiti siya ng malapad at kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong mapangiti. What is with this kid? She's so adorable. And there's one person that crossed my mind, the little girl I met at the mall. Savannah. I wonder what is she doing now? Is she okay? I pushed the thoughts away and looked at the girl in front of me. She looked like 16 years old or so.
"Can't you remember me?" She beamed at me and moved closer to me.
Napaatras naman ako habang nakaupo kasi palapit siya nang palapit. Who is she? And why is she here in our mansion? "I don't know you. Please move away."
Marahan ko siyang hinawakan sa balikat at itinulak palayo sa akin. Tumayo ako at naiwan siyang nakaluhod sa sahig at nakangusong nakatingala sa akin. She looked like a lost puppy. I restrained myself from pinching her cheeks.
"Yeah. How can you remember me? I changed a lot. I met you when I'm only 10 years old and now that I look like 16 years old, you didn't recognize me."
Mas lalo akong naguluhan dahil sa sinabi niya. Anong sinasabi niya na nakilala ko siya noong sampung taong gulang siya?
"Wait. Can you explain to me what the hell is happening here? And who are you? Why are you here in my f*cking house? One moment I'm at peace and now some stranger bumped at me in my own house."
She bit her lower lip and lowered her head.
"You don't need to be angry you know?" The girl looked at me with tears brimming in her eyes. "That freaking old hag brought me here! He killed the only person who cared for me and brought me to his freaking laboratory! Balak pa niyang kuhanan ako ng dugo para magtagumpay siya sa experiment niya. Good thing na takot ako sa karayom at hindi niya naituloy ang binabalak niya. Nagpapasalamat talaga ako sa magulang ko dahil nagkaroon ako ng kapangyarihan na katulad ng ipinamalas ko kanina. At ang nakakainis pa, imbis na pakawalan ako, pinadala pa niya ako rito! Pakiramdam ko nabawasan ang ganda ko ng 1%!"
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiirita sa paraan niya ng pagsasalita. Ang bilis niyang magsalita na buti na lang ay naintindihan ko naman lahat ng sinabi niya. Nakakatuwa rin ang facial expression niya na pabago-bago kapag nagsasalita siya.
"I'm sorry sa mga pinagdaanan mo. Pero pinatay talaga nila ang taong nag-alaga sa 'yo?"
Biglang lumungkot ang itsura niya at patuloy sa pagtulo ang luha niya. "Yeah. They killed Cross. The only person that made me feel that I'm special. Even though I never met my parents, he stood as my parent, my bestfriend, my ally, and my best buddy. Why did they do that? We never did something wrong. Tahimik naman kaming namumuhay at masaya naman kami tapos bigla na lang silang dumating."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang pinipiga ang puso ko dahil sa nakikita ko. Punong-puno ng luha ang kaniyang mata at ramdam ko ang lungkot na nararamdaman niya.
Lumapit ako sa kaniya at umupo sa harapan niya. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at iniabot sa kaniya. Kinuha naman niya ito 'agad at pinunasan ang luha niya. Napangiwi na lang ako ng siningahan niya ang panyo ko.
"Why did they need you?" Kailangan kong kausapin ang matandang iyon tungkol dito. Wala namang may ibang pakana nito kundi siya, eh.
"I don't know. Sabi niya may alam siya kung nasaan ang mga magulang ko pero ayaw niyang sabihin sa akin. Kailangan ko silang mahanap. Gusto ko na silang makilala."
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at niyakap ko na lamang siya. I shouldn't be acting this way. I shouldn't care about her. Why do I feel this way? I shouldn't be feeling anything. I shouldn't show her any affection. But why did my heart didn't listen to my brain?
"Pwede bang malaman kung anong pangalan ng mga magulang mo? Baka sakaling kilala ko sila at matulungan kita."
Hinawakan ko siya sa kaniyang balikat. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa 'kin at mabilis niyang pinunasan ang kaniyang luha. Muling nagbalik ang matamis na ngiti sa kaniyang labi na siyang nag-alis ng bigat sa puso ko.
"Kisha Louise Madrigal and Van Rei Isaac Fenier Walker."
My hands slowly slipped down from the grip on her shoulders and stared at her. My eyes widened in shock.
What did she say?
"Natagpuan daw si Gregory Archer na paalis sa France at hindi na nila ito naabutan. Sa ngayon ay nakasakay na ito sa eroplano papunta naman sa Japan."
Mahigpit na napakapit si Van sa kaniyang manibela at mabilis na pinaharurot ang sasakyan papunta sa airport. Nagpahanda na rin siya ng plane ticket para pagdating niya roon ay aalis na lamang siya. Sakto pa namang ang susunod na oras na ang flight. Makakarating siya ng Japan na mas maaga pa kay Gregory. Umpisa pa lamang ay gumagana na ang kaniyang plano kaya nagkakaroon siya ng malaking pag-asa na matatagpuan na rin niya si Gregory.
Wala pang ilang minuto ay nakarating na siya sa airport at sinalubong naman siya nina Jick at Jack na handa na rin sa pagsama sa kaniya papunta sa Japan. Nakahanda na rin ang mga gamit nila kung sakaling magtatagal pa sila roon. Na-contact na rin nila ang mga bampira sa Japan upang tulungan sila sa paghahanap kay Gregory.
"Ayos na ang lahat. Tatlumpung minuto na lang ang hihintayin natin para makasakay tayo sa eroplano," sabi sa kaniya ni Jick. Tumango lamang siya at naghintay sila sa waiting area.
"Jack, nagugutom na ako, bili mo akong pagkain," sabi ni Jick habang hindi inaalis ang tingin niya sa kaniyang cellphone at walang tigil na pumipindot. Malamang ay katext niya si Farrah kaya sobrang lawak din ng ngiti niya.
"Ayoko nga! Porket kausap mo si Farrah ako na ang uutusan mo?"
Tiningnan naman siya ni Jick nang masama at binatukan ito. "Libre ko pati kakainin mo."
"Anong ipabibili mo?"
Napailing na lamang si Van dahil sa dalawa. Mabuti na rin siguro na ang kambal ang sinama niya dahil kahit naman puro kalokohan ang dalawa ay nakakatuwa pa rin silang kasama. 'Yung tipong pagod na pagod ka na ay kaunting punch lines at kung anong kabaliwan na ginagawa nila, matatagtag ang stress niya. Naiinis tuloy siya sa sarili niya na hindi niya narealize ito noon pa lang. Kundi pa niya nakilala si Kisha baka hanggang ngayon ay wala pa ring halaga sa kaniya ang mga Nobles.
Lumipas na ang tatlumpung minuto at nagsimula ng tawagin ang mga pasahero para sa eroplanong papunta sa Japan. Tumayo na ang tatlo at nagsimula ng lumakad.
Pagkalipas ng ilang minuto ay nakasakay na sila sa eroplano. Magkatabi ang kambal sa likudan ni Van at mag-isa naman siya sa harapan. Sumandal na lamang siya at ipinikit ang kaniyang mga mata.
Maya-maya pa ay naramdaman niyang may umupo sa kaniyang tabi at nang tingnan niya ay isang lalakeng nasa edad 40 pataas. Pamilyar ang lalake sa kaniya pero wala na siyang oras para isipin kung saan niya ito nakita. Masyado siyang napagod sa paglilibot para lang hanapin si Gregory at ngayon babiyahe na naman siya.
"Mukhang pagod yata tayo, ah?"
Muli niyang inimulat ang kaniyang mga mata para tumingin sa lalake sa tabi niya na nakangiti sa kaniya. Mukhang palakaibigan ang lalake at may maamong mukha. Ngumiti naman si Van.
"Oo, eh," sagot niya.
Pinanood lamang niya ang lalake na kumuha ng magazine sa kaniyang bag at ng tingnan niya ito ay tungkol sa mga pagluluto at pagkain. Tinitigan niya ang lalake at mukha talaga itong pamilyar pero ayaw na gumana ng ayos ang utak niya ng dahil sa pagod.
"Ano nga palang gagawin mo sa Japan?" muli nitong tanong sa kaniya.
Kung hindi lang siya pagod baka nabulyawan na niya ang lalake. Ano bang pakealam niya at tanong siya ng tanong? O sadyang mahilig lang siyang makisalamuha?
"May hahanapin lang akong importanteng tao."
Hindi na muling nagsalita ang lalake kaya kinuha ni Van ang pagkakataong iyon para makatulog.
NAGISING na lamang si Van nang maramdaman niyang may umuuga sa balikat niya at mga boses na nanggigising sa kaniya. Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay napatingala siya, nakasilip mula sa likudan ang kambal na sila Jick at Jack. Ang mga ibang pasahero ay nagbababaan na at nang mapatingin siya sa kaniyang gilid ay nandoon pa rin 'yung lalake.
"Tara na?"
Napatingin silang tatlo sa misteryosong lalake na nakatayo na ngayon at nakangiti sa kanila. Kinuha nito ang kaniyang gamit at nagsimulang lumakad. 'Agad naman silang sumunod dito hanggang sa makababa na sila sa eroplano.
"Ngayon lang ba ang unang beses niyo rito sa Japan?" tanong nito sa kanila habang naghihintay naman ng masasakyan.
"Oo kaya kung pwede, kakailanganin namin ng tulong mo," sabi ni Van dito.
Mukha namang mapapagkatiwalaan ang lalake at wala naman siyang nararamdamang kakaiba. Malakas kasi ang kutob niya, nalalaman niya kung masama o hindi ang mangyayari o kung masama man o hindi ang isang tao.
"Walang problema. Kukuha lang ako ng cab at dadalhin ko kayo sa isang hotel na alam ko para makapagpahinga kayo."
Sumang-ayon naman silang tatlo at naghintay ng kanilang sasakyan. Ilang minuto lamang ang lumipas ay pumarada ang isang taxi sa kanilang harapan. Lumabas ang driver at binuksan ang compartment ng sasakyan, kinuha nito lahat ng dala nilang gamit at inilagay sa loob nito. Pinagbuksan pa sila nito ng pintuan kaya pumasok na sila. Nasa unahan 'yung lalake at silang tatlo naman ay nasa likudan.
"Maaari ko bang malaman ang pangalan niyo?" Tumingin ang lalake sa rear view mirror para tingnan ang tatlo sa likudan.
"Van Walker," maikling pagpapakilala ni Van gayondin ang kambal na pagkatapos magpakilala ay tahimik lamang. Napangisi naman si Van dahil kina Jick at Jack, kaya siguro hindi nagsasalita ang dalawa ay masakit ang ulo dahil sa biyahe. Tahimik lang naman sila kapag may iniindang sakit, eh.
Matapos ang biyahe ay nakarating na rin sila sa isang hotel. Simple lamang ang hotel at hindi gaanong kalakihan pero sapat na para tulugan nila ng isang araw o ilang araw pa kung sakaling hindi 'agad nila mahanap si Gregory Archer. Lumapit sila sa receptionist at nagcheck-in na. Sama-sama na silang tatlo sa isang kwarto na may tatlong kama at ang lalake naman ay kinuha ang kwartong katapat lamang nila. Sabay-sabay na silang pumunta sa kanilang kwarto at bago pa makapasok si Van ay may muling itinanong ang lalake sa kanya...
"Sino nga bang hahanapin mo sa Japan? Maaari mo bang sabihin sa 'kin?"
"Si Gregory Archer. May importante kasi akong kailangan mula sa kaniya. Hindi mo naman siya kilala kaya–" Hindi na natapos ni Van ang kaniyang sasabihin nang muling magsalita ang lalake.
"Akalain mo nga namang ako pala ang hinahanap mo?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com