Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 55

Chapter 55

Destiny's Side

"Is he prepared?" asked the Supreme Commander to the scientist while looking intently at the Adamant who's now awake. He really looks like a human. His hair is ash gray and his eyes are shinning gold.

The scientist just nodded his head and pressed a green button. In the middle of the room, a glass wall emerges from the floor up to the roof creating a border between them and the Adamant. They stepped back and watched as the tubes are getting removed from the Adamant's body one by one, the green liquid was sucked off and the huge glass cylinder opened. The Adamant stepped out from the huge glass cylinder and looked at his surroundings.

"What are the things he can do?" asked Nicolas.

The scientist walked towards the glass border. "Adamant No. 1, show us your power."

Adamant No. 1 looked at him and in their surprise, it smirked and in just a blink of an eye, the glass border was cracked in the middle. The Adamant's knuckles connected to it and the moment it removes its hand, the glass broke down leaving them gaping in shock.

Hindi sila makapaniwala sa ginawa ng Adamant. Dalawampung pulgadang kapal ang bubog na iyon at kahit ilang truck pa ang ibunggo roon ay hindi ito basta-basta mababasag pero sa isang suntok lang nito ay nabasag niya ito ng buong-buo. Ni hindi man lang nagkaroon ng kaunting galos ang kaniyang kamao dahil sa kaniyang ginawa.

Nicolas laughed which reverberated to the whole room.

"What else can you do?"

He was burning with excitement. This Adamant was indeed a masterpiece. It's greater than the Fiends. Iniisip niya pa lang na may ilang daan pang nabubuong Adamant sa kaniyang laboratory ay hindi niya na mapigilang matuwa dahil nararamdaman na niya ang kanilang pagkapanalo. Oras na madevelop ang iba pang Adamant, they will have the most powerful weapon in the world.

The Adamant walked towards them and in each of his steps, his hair and eyes turned to black.

"What if I said, I don't like to do it?" The Adamant smirked and again, walked towards the scientist, and in a blink of an eye, the scientist laid lifeless at the cold tiles. Its eyes are wide open but he's dead. Nicolas stepped away from the Adamant, in just a second; the Adamant can kill with his bare hands.

Nicolas can't do anything but watch the Adamant's next move. It removes the scientist's clothes and wore them to his naked self.

"Who are you and where the hell am I?" the Adamant asked to him.

Nicolas smirked at the Adamant's question.

"I'm Nicolas Raven. I'm the one who created you."

KISHA woke up in a jolt; sweats are all over her body. She was with her real self again. She looked around her to found herself lying in her own bed, staying in her own room, living with this empty house of Raven.

"Kailangan kong puntahan si Van," sabi niya sa kaniyang sarili nang maalala na talaga niya ang lahat.

Nagmamadali siyang umalis para puntahan si Van para sabihing naalala na niya lahat at para sabihin ang isang magandang balita na nasisigurado niyang makakapagpasaya sa minamahal niya. Mabilis niyang pinatakbo ang kaniyang sasakyan at habang nagmamaneho siya ay hindi niya mapigilang maglabas ng luha dahil sa naalala niya at kundi dahil sa paniginip niya, hindi niya maaalala lahat.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras para madaliin ang pagpunta niya kay Van dahil natatakot siya na baka mamaya ay bumalik na naman siya sa isa niyang bahagi na masama. Sana, bago man lang mangyari 'yun ay masabi niya kay Van ang mga gusto niyang sabihin.

When she was in front of the Walker's Mansion, she didn't hesitate to climb up the gate at full speed and run towards the mansion. She was about to open the door but someone's opened it first.

"Ksiha?!" gulat na gulat si Jick na makita si Kisha sa harapan niya na pwede ng pasukan ng langaw ang bibig niya.

"Ano'ng sabi mo?! Kisha?!" Dinig pa niya ang isa pang pamilyar na boses na nanggagaling sa loob.

"Trey! Nandito na raw si Kisha!"

Nakarinig naman siya ng lagabag sa loob at ang pag-aray ng lalakeng huling sumigaw. Maya-maya pa ay may narinig naman siyang yabag ng mga paa na para bang tumatakbo at bago pa muling makapagsalita si Jick ay naitulak na siya ng Archer Brothers papasok sa loob sanhi ng pagkahiga niya sa sahig.

"Kisha, we miss you–"

Nakadinig sila ng pagtikhim. Napalingon naman sila nang makita si Van na masamang nakatingin sa kanila. Yayakapin na sana nila si Kisha kaso naabutan sila ni Van. 'Agad naman silang umalis ng hindi man lang lumilingon sa nalilitong mukha ni Kisha. Takot na lang nila kay Van, baka mailibing sila ng buhay.

"Van." Tumakbo papalapit si Kisha kay Van at niyakap ito ng mahigpit na sinuklian naman ni Van ng mahigpit ding yakap. Ilang minuto silang nanatiling magkayakap bago ikinalas ni Kisha ang sarili niya rito. "May importante akong sasabihin. Kailangan ko na 'tong sabihin 'agad bago pa ako bumalik sa isa ko pang bahagi," nagmamadaling sabi niya.

Damang-dama ni Van ang pagkakaba ng dalaga at takot na kahit anong oras ay maging masama siya. "What is it, Kisha? Tell me." Hinawakan niya ang pisngi nito at pinagdikit ang kanilang noo.

A tear escaped from her eyes and with a shaky breath she said, "May anak tayo, Van."

Different emotions passed through him that he doesn't know what to feel. He stared at Kisha. He's out for words. "W-what?" Napangiti siya ng sobrang lapad na halos mapunit na 'yung pisngi niya. Ang daming tanong sa isip niya na kung paano? Kailan? At higit sa lahat, nasaan ang anak nila? "Kailan pa? Nasaan siya?"

Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Kisha at namumuo na naman ang luha niya sa kaniyang mga mata.

"Buntis na ako bago pa iturok sa akin ang Elixir Blood." She covered her face with her hands and sobbed. "This is my fault. Hindi ko alam kung nasaan siya, Van. Pero ramdam kong buhay siya, ramdam na ramdam ko."

Van bit his lower lip to stop his tears from falling. Kita niya sa mukha ni Kisha na sobrang nasasaktan ito at hindi niya kayang makita ang babaeng mahal niya na nagkakaganito. Hinila niya si Kisha palapit sa kaniya at niyakap ito nang mahigpit habang hinahaplos ang ulo nito.

"We'll find our child," he reassured her. "We didn't even know if she's a boy or a girl."

"She's a girl." Inihiwalay ni Van si Kisha sa pagkakayakap sa kaniya at tiningnan ito ng may pagtataka sa mukha. "I dreamed of her kaya nalaman kong may anak tayo. Naalala ko na lahat."

Halo-halong emosyon ang nararamdaman nilang dalawa ngayon. Masaya dahil may anak na sila, malungkot dahil hindi nila alam kung saan nila ito hahanapin at nagagalit sa kanilang sarili dahil hinayaan nilang mangyari ang lahat ng ito. Kung hindi nangyayari ito sa kanila, baka may masayang pamilya na sila ngayon.

"You don't know how happy I am right now, Kisha." He gave her a peck on the lips and stared fondly in her brown eyes that he used to love every second, every minute, and every hour of his life.

"But we need to find her. I want to see my baby. I want to know what she's doing. If she's eating well, if she's sleeping well and who's the one that took care of her."

"Alam namin kung sino."

They turned their heads in unison and saw Victoria and Wade walking towards them.

"Hindi ko alam na buhay pala ang anak niyo kaya hindi ko na sinabi pa ang nalalaman ko," panimula ni Victoria

"What do you mean, Victoria?" tanong ni Van.

"Si Cross Falcon. Siya ang tanging alam naming maaring may hawak sa anak niyo."

Nagkatinginan sina Van at si Kisha sa isa't-isa. Maaari ngang na kay Cross ang anak nila dahil matagal na itong nawawala at hindi nagpapakita. Baka nagtatago siya kasama ang kanilang anak para hindi ito mapahamak. Sa ngayon, nananalangin silang sana na kay Cross ang anak nila dahil kung ganoon, mapapanatag ang loob nila.

"Pero saan natin siya hahanapin?" tanong ni Kisha.

Kaunti na lang ang oras na meron sila, sa pagkakaalam niya ay may panibagong iniimbento na naman ang Supreme Commander at 'yun nga ang Adamant. Kailangan nilang mauna sa paghahanap sa anak nila dahil baka maunahan sila ng mga Vampire Hunter. May posibilidad na alam na nila na may anak sila ni Van.

"Anong meron dito?" Dumating si Farrah kasama sina Israel at Jullia. Napatigil silang tatlo sa paglalakad nang makita si Kisha sa kanilang harapan.

"Kisha," naluluhang sabi ni Farrah. "Ikaw na ba 'yung dati naming Kisha?" nag-aalangang tanong niya dito. Nakangiti namang tumango si Kisha at nagulat siya ng bigla siyang yakapin ni Farrah habang umiiyak sanhi ng pagkabasa ng kaunting parte ng damit niya. "Gaga ka. Akala ko hindi ka na babalik sa amin."

"Hindi rin ako magtatagal, Farrah, dahil babalik din ako sa pagiging masama mamaya." Nagtataka naman silang tumingin sa kaniya maliban kay Van na alam na ang lahat. Nagsimula naman siyang ikwento lahat ng nangyayari sa kaniya at ang magandang balita na dinala niya rito. "Malaki ang pag-asa naming na kay Cross ang anak naming."

Tumingin naman sila kay Jullia na tahimik lamang na nakikinig sa kanila.

"May alam kung saan pwedeng dalhin ni Kuya ang anak niyo."

SAVANNAH stared at the stagnant body of Cross, lying on the cold surface. There are no tears falling from her eyes but her heart is still aching. She doesn't know what to do. She doesn't know where to go. All she knows now is that Cross is dead. He leaves her. She has nowhere to go.

But something hits her.

"Go find your Mom and Dad. I bet Kisha and Van will be very happy to see you."

Kisha and Van. Her Mom and Dad. How will she suppose to find them if she doesn't know where to start? She doesn't know what she will gonna do next. Not having Cross now was like not having foot to walk, an eye to see, lips to talk and a heart to keep you alive. To make it short, not having Cross was like not having a life at all. She felt empty; she didn't even feel anything now. It's as if her heart became numb because of what happened.

For the nth time, her tears started to fall again. She held Cross's hands tightly in her chest and closed her eyes tightly.

"Why it has to be you?" She sobbed. Binuksan niya ang kaniyang mga mata at bumuhos ang malakas na ulan na para bang nakikiluksa sa kaniya ang langit. She laughed bitterly. "I don't want to blame You, God. But why did You let him die? Of all people, why him? I have done nothing wrong. Bakit kailangan Mong gawin sa 'kin 'to?"

She doesn't want to question God now but she can't help herself. She knew that it's not a good idea to blame God for all of this but can somebody comfort her? She's in pain; she feels so much pain that after she cried a bucketful of tears, she can't feel anything.

Ayaw niyang iwan ang katawan ni Cross pero anong gagawin niya? Hindi siya pwedeng manatili pa rito. Hindi na rin niya mahihintay pa sina Patrick at Venz dahil sa pagkakaalam niya ay sa isang linggo pa ang balik ng mga ito. Muli niyang tiningnan ang katawan ni Cross at wala pa ring tigil ang kaniyang mga luha.

"I'll find Mom and Dad for you, Cross. We will get revenge for you. I promise." With one last kiss on his forehead, she walked towards the house and packed all the things she'll need. When she was finished, she covered Cross with thick white linen. "Goodbye, Cross."

Magsisimula na sanang lumakad si Savannah paalis ng biglang may nagsidatingan na sasakyan at may mga bumabang mga lalake na may hawak na baril. Mga hunter. Napatigil siya at nagsimula na siyang kabahan. Anong gagawin niya? Nandito ba sila para kuhanin siya? Malamang ay ganoon na nga. Kaya naman nila pinatay si Cross ay dahil sa kaniya.

"Sumama ka na lang sa amin kung ayaw mong masaktan."

Napahawak siya ng mahigpit sa strap ng backpack niya. Paano niya lalabanan ang mga ito? Hindi niya alam kung paano muling gagawin ang mga nagawa niya kanina para talunin ang mga taong nasa harapan niya ngayon.

"Ayoko!" sigaw niya at nagsimulang tumakbo pero dinakot ng isa nitong kasama ang backpack niya at binuhat siya. Nagpupumiglas siya pero hindi na niya kaya. Para bang naubos ang kaniyang lakas dahil sa ginawa niya at isama na rin ang pagkawala ni Cross sa kaniya. "Bitawan niyo ko! I said put me down! Put me–" Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang may kung anong itinurok ang mga ito sa kaniyang braso at unti-unting bumagsak ang talukap ng kaniyang mga mata.

"Supreme Commander." Sinalubong siya ng isang hunter at napatigil naman siya sa kaniyang paglalakad.

"What is it?"

"Naubos po ang grupo nila Jem at natagpuan namin ang katawan ni Cross Falcon na wala ng buhay." Lihim namang napangisi si Nicolas at hinintay na magpatuloy ang hunter sa kung anomang ibabalita nito sa kaniya. "Pero may maganda po akong balita, hawak na natin ang anak ng Legendary Vampire."

Makikita ang pagkagulat sa mukha ng Supreme Commander. Hindi niya pa alam na nabuhay pala ang anak ng Legendary Vampire.

"Dalhin mo ako sa kaniya."

Lumakad sila papunta sa silid kung saan mahimbing pa ring natutulog si Savannah. Lumapit si Nicolas sa gilid ng kaniyang kama at tinitigan ito. Hindi niya kailanman matatanggap ang batang ito dahil anak ito ng lahing kinamumuhian niya. Kahit pa nanalaytay pa rin dito ang pagkakaroon ng dugo ng isang tao, ang dugo niya, hindi pa rin niya ito matatanggap. Pero kagaya ni Kisha, napakaganda ring babae ni Savannah, at naisip niyang kasing ganda ng dalawa ang anak niya.

Pero kahit ganoon, maganda pa ring pagkakataon ito para gamitin si Savannah laban kay Van.

"Mukhang sa akin kampi ang tadhana."

"Wala bang paraan para tuluyang ibalik si Kisha sa dati?" tanong ni Jullia. Nandito pa rin kami ngayon sa mansyon at nag-uusap tungkol sa paghahanap sa anak namin ni Kisha at sa kung paano siya maibabalik sa dati. Nagmamadali siyang umalis kanina dahil naramdaman niyang babalik na ulit siya sa kabilang side niya. Wala na akong nagawa para pigilan siya at hinayaan na lamang siyang umalis.

"I don't know," sagot ko.

Hindi pa nagsisink in sa 'kin na may anak na pala kami ni Kisha. Pinaghalong saya at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Gustong-gusto ko siyang makita pero hindi ko alam kung paano.

"Can Archers mess with her brain? They are the experts about mind and brain. There's a possibility that they can help her," sabi naman ni Victoria. Lahat ng atensyon namin ay napunta sa kaniya. May punto siya sa kaniyang sinabi. Maaari ngang ang mga Archers ang makatulong kay Kisha.

"Pero sa pagkakaalam ko, wala sa clan namin ang nakapagpagaling ng ganoong kaso," sabi naman ni Trey. "Ang kaso kasi ni Kisha ay nahati siya sa dalawang katauhan, 'yung isa ay 'yung tunay na siya at sa kabilang banda naman ay 'yung siya na masama. Madalas na nakakulong ang tunay na siya sa kalooban niya."

"Meron kaming kilala na siyang pinakamagaling pagdating sa pagmanipulate ng utak, sa aming mga Archers, siya ang pinakaangat sa lahat," mungkahi naman ni Tred. "Pero matagal na siyang walang koneksyon sa amin. Mahihirapan tayong mahanap siya"

"Wala na akong pakealam pa kung mahirap man siyang hanapin o hindi, ang mahalaga gagawa pa rin ako ng paraan para matunton siya at mapagaling niya si Kisha."

Desperado na ako. Gusto ko ng makasama ng matagal si Kisha. Hindi ko na kaya pang nakikita siyang nahihirapan dahil sa mga nangyayari sa kanya at sa amin.

"Kung ganoon, kailangan na nating siyang hanapin," sabi naman ni Tres.

"Sino ba kasi 'yang tinutukoy niyo na makakatulong sa pagbalik kay Kisha sa dati?"

Napatingin naman kaming lahat sa kadadating lang na si Jick kasama si Farrah habang may dalang tray na may lamang juice. "Si Gregory Archer ba?"

Gregory Archer.

Bakit nga ba hindi ko naisip na nabubuhay pa nga pala ang pinakamalakas sa angkan ng Archer Clan?

"Oo, siya nga. Kailangan na natin siyang mahanap dahil NPA si Gregory Archer. Kung saan niya gustong tumira o pumunta, aalis na lang siya bigla kaya mahirap siyang hanapin. He can be in Paris now, or in Japan, or in Western Countries. We didn't know baka nasa dulo na pala siya ng mundo."

Napaisip naman ako sa sinabi ni Tred. Hindi ko personal na kilala si Gregory Archer dahil nga hindi siya napipirmi sa isang lugar. Bilang na bilang din ang mga panahon na nakausap ko siya at hindi rin siya gaanong malapit sa ibang clan ng mga bampira.

"Ano pang hinihintay natin? Hanapin na natin siya para matapos na 'to." Lumakad si Zick papunta sa may lamesa at kumuha ng juice. Ngayon ko lang siya narinig magsalita. Hindi naman masyadong mahilig magsalita itong si Zick, siya 'yung tipong nakikinig lang.

"So, sinong maghahanap sa kaniya?" tanong naman ni Farrah.

Sino pa ba?

"Of course it's me. Mas maipapaliwanag ko sa kaniya ang sitwasyon kung ako mismo."

"Then I'll come with you." Wade stepped out.

"Kung kasama ka, dapat kasama rin ako!" Victoria linked her arms to Wade's.

I sighed. "Maglalandian lang kayong dalawa sa biyahe kaya 'wag na lang." Sinamaan naman ako ng tingin ni Victoria at ngumisi naman si Wade.

"Ako na lang ang sasama!" Nakataas pa ang dalawang kamay ni Jick at maya-maya ay umakbay naman si Jack dito. "Kaming dalawa pala!" dagdag pa niya. They both looked at me expectantly.

"I guess it's settled then. You both will come with me."

"Yes!" sabay na sigaw nilang dalawa. Kahit naman pigilan ko ang dalawang ito ay gagawa at gagawa pa rin sila ng paraan para sumama kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa na piliin sila. At saka kahit naman puro kalokohan ang mag-kambal na ito ay malaki rin ang maitutulong nila sa akin.

"Anong magandang pangalan ng team natin?" tanong ni Jack.

"Banana Team!" sigaw naman ni Jick.

"Oo nga, 'no?! Tapos ang kanta ng team natin ay ang Banana Song!"

Napailing na lang ako dahil sa dalawa. This will be a long journey.

SAVANNAH woke up with confusion written all over her face. She stood up and roamed her eyes around the room. The walls were painted white, there was no window but the fluorescent light gives light over the room. She walked towards the door but stopped halfway through the room when she saw a mirror on the wall. She slowly put her hands in her face.

She no longer looks like a 10-year old now.

"Woah," the only thing she said. "Ang ganda ko yata lalo."

She smirked in front of the mirror and admired herself. Ilang minuto rin niyang tinitigan ang sarili niya sa salamin bago niya napagdesisyunang lumabas na ng kwarto pero bago pa niya mabuksan ang pinto ay may nauna ng nakapagbukas dito at nakaharap niya ang isang matandang lalake na nasa 40 o 50 na ang edad. Pormal ang kasuotan nito at may hawak na gintong tungkod na ang hawakan ay ulo ng isang dragon.

"Who are you?!" The man shouted at her. She bit her lower lip to contain herself from laughing.

Mukhang hindi niya alam na ako 'yung batang kinuha nila. What an idiot.

"Hulaan mo." She smirked and put her hands on her hips, not intimidated by the man's look.

The man stared at her for about a minute and the realization hits him.

"How come..." but the man smirked afterwards, matching hers. There was something familiar with the man in front of him. She wasn't feeling well about this man but she felt like she has known him before. "Of course, of course, you're the kid of that bastard vampire. Mabilis nga pala ang development ng mga bampira," sabi ni Nicolas Raven na para bang wala man lang na dugo niya ang nananalaytay din sa dalaga.

"What do you want from me?" she asked.

"Well, before I answer you, I'll introduce myself first–"

"No need, I actually knew your name." Savannah flashed him a sweet smile but turned into a smirk afterwards. "You're Son of a B*tch D*uche Old Hag! Now let me outta here!" She screamed.

Hindi pwedeng maubos ang oras niya sa lugar na ito. Kailangan niyang hanapin ang kaniyang ama at ina para makahingi ng tulong sa mga ito. At isa pa, gusto na niya silang makilala. Kahit na sabihin niyang naging masaya siya na si Cross lang ang kasama, iba pa rin kapag inaaruga ka ng magulang mo. Gusto niyang maramdaman ang aruga ng magulang at ito na ang pagkakataon niya.

Surprised by the girl's outburst, Nicolas laughed and Savannah looked at him in confusion.

"You're quite interesting, young lady. But I'm not Son of a B*tch D*uche Old Hag. I'm Nicolas Raven, the Supreme Commander of the Vampire Hunter Clan." Nicolas was expecting the frightened look at the girl's face but he saw nothing.

Savannah snorted in anger and rolled her eyes. "Well, I'm Savannah Kier Walker, the girl that will kick your balls if you don't step out of my way."

"Do they even taught you the word manners?" Unti-unti ng nauubusan ng pasensya si Nicolas pero imbis na hayaan na lamang si Savannah ay mukhang naging interesado na ito sa mga sakaling sasabihin nito sa kaniya. She's tough like her mother.

"Sorry, absent ako ng itunuro 'yan." She smiled and stuck her tongue out. "Oops, hindi nga pala ako napasok sa school kaya hindi ko alam 'yan lalo na kapag isang taong katulad mo ang kaharap ko." Gustong-gusto na talaga niyang umalis pero dahil may kalakihang lalake din si Nicolas ay wala siyang madadaanan palabas ng pinto. "Ano ba talagang kailangan niyo sa 'kin? Pinatay niyo na nga si Cross, eh!"

"Kaya nga namin pinatay si Cross ay dahil sa 'yo. Ikaw talaga ang kailangan namin at hindi siya. Malaki ang maitutulong mo sa aking angkan." Nicolas lifted his hand and stroke Savannah's cheek using his index finger. "You want to know where your parents are?"

Savannah stepped back, her eyes gazing intently at Nicolas. "What do you know about them?"

"I know everything about them, in fact, kaya kitang dalhin sa kanila kung gugustuhin ko."

"W-Where are they?"

"I won't tell you. Papanatilihin ko muna 'yung sikreto kaya kailangan mong maghintay." Nicolas smirked.

Savannah froze when three man in gears barged into the room and walked towards her. Hindi na niya nagawang tumakbo dahil wala rin naman siyang matatakbuhan. Hinawakan siya ng dalawa sa magkabilang braso at hinila siya palabas.

"Saan niyo ako dadalhin?! Let me go! Ano ba?!" she shouted.

Nagpupumiglas siya pero hindi pa rin siya makawala. Gusto niyang gamitin ang kapangyarihang ipinakita niya nang namatay si Cross pero hindi niya alam kung papaano. Sa huli ay wala na siyang nagawa kundi ang magpahila na lamang sa kanila.

Maya-maya pa ay nakarating na siya sa isang malaking laboratory kung saan punong-puno ng malalaking monitor, iba't-ibang kulay ng chemical na kumukulo sa loob ng beaker at iba't-ibang laboratory apparatuses. Nakakalat din ang mga taong nakasuot ng puting damit at puting mask, lahat sila ay abala sa kani-kanilang ginagawa na halos hindi na nila napansin ang pagdating nila. Nagpatuloy lamang sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa isang malaking bakal na pintuan. Ang isa sa kasama niya ay may kung anong pinindot sa dingding at nagbukas na ang malaking pinto.

Pumasok sila sa loob. Inilbot niyang muli ang paningin sa isa pang laboratory pero iba ito sa unang laboratory kanina. Kung kanina ay maliwanag doon, dito naman ay nababalot ng kadiliman at tanging ilaw lamang sa mga glass cylinder na may lamang berdeng tubig ang nagbibigay liwanag sa loob ng laboratory. Tinitigan niya ang laman ng mga glass cylinder at may mga parang fetus na nakalagay sa loob at lumulutang.

"Do you see these things? These are my masterpiece that will surely obliterate all the Vampires living in this world."

Savannah ignored what Nicolas said. She just stared at the thing inside the glass cylinder. It looks like a baby that still developing; the difference was that it was in a glass cylinder not in its mother's womb.

Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa marating nila ang isang bahagi ng laboratory kung saan may malalaki ring screen at sa gitna ay may isang kama na nababalutan ng puting kumot. May tatlong scientist na abalang nakatingin sa monitor at nag-uusap-usap marahil ay tungkol sa mga nilalang na tinawag ni Nicolas na masterpiece.

"What will you do to me?"

Nicolas looked at her coldly. Savannah started to get nervous. The beeping of the machines around her, the bubbling noise coming from the glass cylinders and the ticking of the clock hanging on the wall made her drown in anxiety.

"Don't worry, Young Lady. We will need a small amount of your blood to make them perfect"

SOMETHING hits Jullia hard that she scarcely breathes.

"He's dead?" she asked almost a whisper.

Israel pulled Jullia closer to him and hugged her tightly.

"Ppaano mo nalamang patay na siya?"

Pinapanalangin ni Jullia na sana panaginip na lamang ang lahat ng ito. Hindi pwedeng mamatay ang kaisa-isang kadugo niya. Isa ito sa mga dahilan kung bakit niya tinanggap ang pangalawa niyang buhay, gusto niya pang makasama ang kapatid niya pero huli na, wala na siya. Hindi man lang niya ito nakasama ng matagal sa pangalawa niyang buhay, hindi man lang niya ito nayakap o nakausap man lang muli.

"Hanggang ngayon mayroon akong asset sa loob ng headquarters ng mga Vampire Hunter. May isang nakapagbalita sa akin na sinugod daw ng mga Vampire Hunter ang lugar kung nasaan si Cross. At sa pagbalik daw ng mga iyon ay dala na nila ang katawan ni Cross na walang buhay."

Mas lalong napahagulhol si Jullia. Halos hindi na siya makahinga dahil sa sobrang pag-iyak. Gusto niyang makita si Cross, gusto niya itong mayakap.

"Gusto kong makita si Kuya."

Hindi na nagsalita pa si Israel at nanatili na lamang na nakayakap kay Jullia.

"Anong nangyayari rito? Did I interrupt something?" Napatingin si Israel sa pinto ng kwarto nila at nakasandal sa amba nito ay si Victoria. Nanatili pa ring nakayakap si Israel kay Jullia nang tumugon siya rito.

"No, you didn't. I have bad news actually." He sighed and stroke Jullia's hair to calm her down. "Cross is dead."

Victoria's eyes widen and her hand clenched in anger. Hindi man sila nagkasama ng matagal ni Cross, malaki pa rin ang naitulong nito para makalabas siya sa pagkakakulong sa headquarters ng mga hunter.

"So it means, Savannah might be in the enemies' hands."

Lumakad si Victoria palapit sa kanila. Humiwalay naman si Israel sa pagkakayap kay Jullia dahil hinawakan ni Victoria ang kamay nito.

"Ako na ang bahala kay Jullia. Kailangan nilang malaman ang balita mo."

Tumingin si Victoria kay Jullia at ngumiti rito. Mapait naman siyang ngumiti rin dito. Hindi niya aakalaing pagkatapos niyang kamuhian noon si Victoria ay magiging kakampi at kaibigan niya ngayon. Sa ngayon, nagpapasalamat na siya dahil binuhay siya nito.

"Okay. I'll do it." Hinalikan ni Israel ang noo ni Jullia bago lumabas ng pinto.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com