Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9

Total Chaos

Nandito po tayo ngayon sa isang lumang budega sa 125th street kung saan natagpuan ang bangkay ng dalawang lalake. Makikita sa kanilang leeg ang dalawang butas na para bang may kung anong kumagat sa kanila at umubos ng kanilang dugo. Ano nga kaya ang dahilan ng kanilang pagkamatay? Kagagawan ba ito ng ligaw na hayop? O totoo ang mga aswang at bampira? Atin pong tunghayan ang pahagay ng isang mamamayan na saksi sa pangyayari.

Tutok na tutok ako sa telebisyon dahil sa balitang ipinapakita nila. Dalawang bangkay na may kagat sa leeg. Kung hindi ko alam na totoo ang mga bampira, iisipin kong baka kung anong hayop lang ang gumawa nito sa kanila pero sa pagkakataong ito, alam kong mga bampira ang gumawa nito sa kanila. Halos gabi-gabi na lang ganito ang laman ng balita. Sigurado akong kagagawan iyon ng mga bampira dahil sa kagat sa leeg at nangungulubot nilang balat dahil naubusan sila ng dugo.

Naramdaman ko ang malamig na katawan na yumakap sa 'kin. Hindi na ako nagulat dahil alam kong si Van 'yon.

Hinalikan niya ako sa pisngi. "What are you doing?" Umupo siya sa 'king tabi.

"I'm watching the news." Pareho kaming tumingin sa telebisyon. "There are a lot of deaths recently. Ano nga palang sabi ng council about dito?"

He sighed and rubbed his forehead. The mere mention of the council made him look like this. How much stress is he getting from managing all of these? Sometimes I feel bad for him. Hindi rin madaling maging leader ng buong bampira lalo pa't may ilan na mahirap kontrolin. "Because of these deaths, we're getting a lot of paperwork. Bukod sa kailangan nila ng opinion at pirma ko, kailangan ko rin maging parte ng imbestigasyon. It turned out someone's creating chaos on purpose and we're not sure who is it yet."

Hindi na ako nagtanong pa dahil ayokong mas lalo siyang ma-stress. Nandito siya para magpahinga, hindi para pag-usapan ang tungkol sa trabaho niya.

"Date tayo?" He suddenly brought up.

Napangiti naman ako sa tanong niya. Ngayon ang unang beses na lalabas kaming dalawa kaya na-excite ako sa tanong niya.

"Alright!" masiglang sagot ko.

Natawa na lang siya sa naging reaksyon ko.

Kumuha ako ng susuotin sa closet niya kung saan nakalagay ang ilang mga damit ko. Sa sobrang laki ng closet niya ay hindi na namin kailangang ihiwalay ang mga damit na dinala ko rito. Ang banyo naman ay nandito rin sa loob ng kaniyang kwarto na halos kasing laki na ng kwarto ko sa bahay. Para talagang bahay ko na rin itong bahay ni Van dahil may mga gamit na rin ako rito.

Mabilisa kong naligo at pagkalabas ko ng kwarto ay naghihintay lang siya habang nakaupo sa kama.

Humarap ako sa vanity table at umupo para suklayan ang aking buhok. Ni hindi ko namalayan na nasa likod ko na siya. Nalaman ko na lang nang kunin niya ang brush sa 'king kamay at sinuklay ang aking buhok. Walang repleksyon ang mga bampira sa salamin kaya parang lumulutang lang sa ere ang hairbrush habang sinusuklayan niya ako.

"Is your hair naturally blonde?" tanong niya sa 'kin.

Ngumiti ako. "Nope. Kinulayan ko 'yan pagka-graduate ko no'ng highschool," sagot ko. "I wanted to try new things, like changing something on me. Hindi ko magawang pakulayan ang buhok ko dahil bawal pa no'ng highschool kaya pagka-graduate na pagka-graduate ko'y pinakulayan ko na 'to 'agad."

"It looks pretty on you," aniya habang patuloy sa pag-brush ng aking buhok. "I think every color will look pretty on you."

Napairap ako sa kawalan. "Bolero!"

Tumawa siya sa naging sagot ko. "Hindi kita binobola, nagpapakatotoo lang ako, Kisha."

Hindi na ako nakipagtalo sa kaniya dahil alam ko na kung saan lang 'yon mapupunta. Pinanood ko lang ang aking sarili sa salamin hanggang sa nakita kong ang kaninang gulo-gulo kong buhok ay maayos na.

Iniikot niya ang upuan para maiharap niya ako sa kaniya. Sinalubong niya ako ng matamis na ngiti habang hinahaplos ang aking buhok. Mukha siyang proud dahil sa pagsusuklay na ginawa niya sa buhok ko.

"Get dressed and I'll wait for you outside." He kissed my forehead before going out of the room.

Muli akong humarap sa salamin para maglagay ng kaunting lipstick at pulbo. Pag-alis ko ng aking kamay sa 'king mukha ay napasinghap ako nang makitang pumula ang paligid. Inilibot ko ang aking tingin sa buong kwarto ngunit wala namang naiba bukod sa pagbalot ng pulang liwanag sa kwarto.

Nakarinig ako ng mga boses na nagbigay ng matinding kilabot sa 'kin. May mga bumubulong, tumatawa, sumisigaw at umiiyak. May pagputok din ng baril at halo-halong ingay. Naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko, hinawakan ko ito at napapikit. Tinakpan ko rin ang aking tainga pero hindi pa rin tumigil ang mga boses.

Ano'ng nangyayari? Natatakot na ako. Nasaan na ba si Van?

Pilit kong iniintindi ang mga sinasabi nila pero paputol-putol ang kanilang salita at ilan lang ang naintindihan ko.

Insanes...

Mamatay ka na!

Magbabalik ako!

Papatayin kita!

Ang malagim na propesiya...

Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng mga naririnig ko. Pakiramdam ko'y may masamang mangyayari. Pilit kong pinakalma ang aking sarili hanggang sa humina na ang mga boses sa isip ko. Bago ito tuluyang nawala ay nakadinig ako ng boses ng isang babae.

"Magbabalik ako at babawiin ko ang tunay na akin."

Bigla akong tinamaan ng matinding sakit ng ulo. Bago ako mawalan ng malay ay nakita ko ang pigura ng isang babae na nakaharap sa salamin na parang siya ay ako.

BALISA at hindi mapakali si Van habang patungo sa council. Malayo siya sa mansyon pero ang isip at puso niya'y naiwan doon. Ang date na sana'y gagawin nila ni Kisha ay hindi natuloy nang makita niya ang dalagang nakahiga sa sahig at walang malay. Gustuhin man niyang samahan si Kisha ay sumakto namang pinatawag siya ng council.

May sampung Insanes na sumugod sa bulwagan. Nakakita sila ng isang pattern kung saan palaging ang council ang madalas nilang puntiryahin ngayon. May masama silang pakiramdam na padami na nang padami ang bilang ng mga Insanes. Kapag dumating sa punto na hindi na nila ma-control ang mga ito'y pati ang mga tao ay madadamay.

Kasama niya ang mga nobles maliban kay Farrah na siyang naiwan para bantayan si Kisha.

Tatlong myembro na ng council ang napatay at wala pa rin ang ibang bampira na kaanib nila para tumulong dahil may sari-sarili silang distrito na binabantayan at ang iba naman ay nasa ibang bansa.

Mas pinaharurot ni Van ang kaniyang kotse para mas mabilis sila makarating sa council.

Halos magkakasabay silang dumating sa harap ng council. Hindi na sila nag-aksaya ng oras at pumasok na sila sa loob. Tumambad naman sa kanila ang higit sa sampung mga Insanes na nakikipaglaban sa mga council. Kung normal na mga bampira lang myembro ng council ay hindi sila uubra sa mga Insanes na ito pero dahil hindi lang sila mga bampira na nakaupo at nagpapatupad ng batas sa buong clan, nagawa nilang makipagsabayan sa laban.

Sumipol si Van habang lumalakad palapit sa kanila. Natigilan silang lahat sa pakikipaglaban. Ramdam na ramdam niya ang bahagyang pagkatakot ng mga Insanes nang makita nila si Van. Kahit na wala sila sa kanilang sarili at mas masahol pa sila sa halimaw ngayon, alam pa rin nila kung sino ang dapat nilang katakutan. Sa aura pa lang na inilalabas ni Van ay alam nilang hindi sila mananalo.

"Huli na ba ako?" Humikab si Van para mas lalong asarin ang mga kalaban ngunit maging ang mga myembro ng council ay naasar sa kaniyang pagyayabang.

"Nandito ka na naman, Walker! Aling parte na naman ng bulwagan ang sisirain mo?" sigaw ni Claw, isang myembro ng council.

"You're welcome," sarkastikong sagot ni Van habang nakangisi. "Nandito ako para tulungan kayo pero mukhang ayaw niyo kaya sige, kayo na ang bahala. Kaya niyo na pala 'yan, eh."

Tumalikod siya at nagsimula nang maglakad paalis.

"Sandali!"

'Agad siyang humarap sa mga ito. Sinipa niya sa mukha ang isang Insane na sumugod sa kaniya.

"Sabi ko na nga ba hindi rin kayo makakatiis, eh." Ngumisi siya nang nakakaloko.

Nagsimula na silang makipaglaban. Ang mga nobles ay nagsimula na ring gumalaw nang makitang kumikilos na si Van. Ang mahirap lang sa mg Insanes ay hindi sila kaagad namamatay. Hindi ang kanilang puso ang weak spot nila kundi ang utak nila dahil sa lahat ay ang utak nila ang pinakanaapektuhan ng venom ng kung sinomang bampira ang kumagat sa kanila.

Natigil sa pakikipaglaban si Van nang makita ang isang batang babae na papalapit sa kaniya.

"Kuya," humihikbing pagtawag niya kay Van. "N-natatakot ako." Kumapit siya sa laylayan ng damit ni Van.

Tinabig ni Van ang kamay ng bata. Sinakal niya ito at itinaas sa ere na parang isang manika. Hindi siya isang tunay na bata, isa siya sa mga Insanes.

"Bitawan mo ako!" Unti-unting nagbago ang itsura ng bata.

Nabitawan ni Van ang leeg nito. Pinanood niyang magbagong-anyo ang bata hanggang sa maging isang Insane. Isa pa sa delikadong ginagawa ng mga Insane ay ang magpalit ng anyo sa kahit anong anyo na gusto nila. Puwede silang maging sanggol, bata, matanda, at kung ano-ano pa kaya kung normal na tao ang nasa harap nila ngayon ay madali silang malilinlang.

Sumugod ang Insane sa kaniya ngunit mabilis na nakaiwas si Van sa mga atake nito.

Tumungo siya upang iwasan ito at sa pagsugod niya'y nagpakawala siya ng isang malakas na suntok sa tiyan sanhi ng pagbagsak nito sa lupa. Tinapakan niya ang tiyan ng Insane, dinukot ang puso nito at sinuntok nang malakas ang noo nito na nasisigurado niyang nabasag ang bungo nito. Umawas ang dugo sa biak na noo ng Insane pababa sa dibdib niyang butas na at walang puso.

Inilibot ni Van ang tingin sa paligid. Maganda rin ang laban ng mga nobles. Naubos na ang mga Insanes na naabutan nila.

Nang matapos na sila ay isa-isa silang lumapit kay Van. Puro bahid ng dugo ang kanilang mga kamay at ilang mantsa ng abo mula sa mga Insanes na napatay nila.

"Sa tingin ko ay kailangan nating pag-usapan ang tungkol sa biglang pagsugod ng mga Insanes," sabi ni Zick habang pinupunasan ng panyo ang kaniyang kamay na puno ng dugo. Nakasimangot siya, bunga ng dugo na hindi maalis sa kamay niya.

"Tama ka. Nakakapagtaka ang pagsugod nila rito dahil noon pa man ay walang ni isang Insane ang tumutungtong dito," sagot ni Van sa kaniya.

"Seryosong bagay ito, Young Master, kailangan nating bigyang pansin ito. Napansin ko rin sa mga Insane ay may tattoo sila sa batok na hugis buwan," dagdag naman ni Kiel.

Lumapit ako sa isang katawan ng Insane na malapit pa lang maging abo at tiningnan ko ang batok nito. Meron ngang tattoo, ano kayang ibig sabihin nito?

May isang bagay na sumagi sa isipan ni Van. Isang bampira lang ay may tatak na ganyan at iisa lang ding pamilya ang gumagamit ng ganyang simbolo. Ang mga Cray ang nagmamay-ari nito.

Kung meron mang buhay pang may dugo ng Cray ay kailangan nilang maghanda dahil nabubuo na muli ang kalabang angkan ng mga Walker. Ang pamilyang Cray ay lahi rin ng mga bampira, hindi sila Pure Blood, Royal Blood ang tawag sa kanila. Naging espesyal lamang sila dahil sa mga naunang bampira na nagdadala ng dugo nila.

Ang mga Royal Blood ay ang mga bampirang naging kilala dahil sila ang mas matagal na namuno noon kahit hindi sila Pure Blood. Pero kahit gano'n ay hindi rin puwedeng maliitin ang kakayanan nila dahil malakas din sila.

Posible kayang may buhay pang isa sa kanila?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com