Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

Chapter 10

Kidnapped

Strange things kept on happening to me. I can still hear noises, voices of people screaming, crying and begging before I go to sleep. Pero hindi ko ako puwedeng magpadala sa mga nangyayari sa 'kin. Alam kong umpisa pa lang 'to. Pinili kong ipagpatuloy ang koneksyon kay Van kaya kailangan kong tanggapin ang mga nangyayari sa 'kin.

It's been three days since Van and the nobles stopped attending the class. Masyado silang abala sa pag-aasikaso sa dadating na ball. Sigurado naman akong uupo lang si Van doon at hindi tutulong. Siya na rin ang nagsabi sa 'kin na pupunta lang siya sa paggaganapan ng ball para lang masabi na nando'n siya. Like a boss talaga, eh. Sabagay, boss naman talaga siya.

"Cross!" pagtawag ko sa lalakeng nakasimangot kahit ang aga-aga pa. Naglalagay siya ng gamit sa locker niya.

Tiningnan niya lang ako at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit. Ang suplado talaga nito! Ni isang beses ay hindi ko pa siya nakikitang ngumingiti.

Hinintay ko siyang matapos. Nang isara niya ang locker niya ay muli siyang tumingin sa 'kin.

"What do you want?"

"Sabay tayo mag-lunch!"

Wala rin naman akong makakasabay dahil wala sina Van at ang mga nobles, magaling pang siya na lang ang kulitin ko. Wala rin naman siyang nakakasama, eh. Ang lungkot kayang kumain mag-isa. Dati nasanay akong mag-isa lang pero dahil ayaw pumayag ni Van na hindi kami sabay-sabay kumain, nasanay na ako na kasama ko sila.

"Do what you want."

Nagsimula na siyang maglakad kaya sinundan ko siya. Hindi ko mapigilang ngumiti dahil kahit na mukha siyang galit ay hinayaan niya lang ako sa gusto ko.

"Cross, bakit ang tahimik mo?" Nagha-hop pa ako ng bahagya habang naglalakad sa tabi niya.

"Less talk, less mistakes," maikling sagot niya.

"Bakit ka naka-poker face palagi?"

"What?"

"Gaya nito."

Ginaya ko ang madalas na ekpsresyon sa mukha niya. Hindi nakaligtas sa matatalas kong mga mata ang saglit niyang pagngiti. Pakiramdam ko'y nanalo ako sa lottery nang makita ang ngiti niyang 'yon. Ang guwapo niya lalo kapag ngumiti, eh.

"Uy! Ngumiti na siya! Isa pa nga!" Sinundot-sundot ko ang tagiliran niya.

Tiningnan niya ako nang masama. "Stop that."

Napanguso na lang ako at hindi na siya kinulit pa. Tahimik kaming nakarating sa cafeteria. Sabay rin kaming um-order at humanap ng lamesa. Nakakamangha na halos lahat ng estudyante na madaanan naming ay napapatingin sa kaniya. May mga bumabati sa kaniya pero hindi niya pinapansin. Siguro'y ang kasupladuhan niya ang mas lalong nakapagpapasikat sa kaniya.

"Ang dami mong fan girls!" Kumuha ako ng isang pirasong fries at kinain ito.

Napairap siya sa kawalan. "I don't care. I hate loud girls like that. I hate girsl wearing a lot of makeup to the point that they look like clowns."

Napanganga na lang ako sa sinabi niya at hindi ko mapigilang mapalakpak. "Wow!" I gasped and clapped my hands with matching pag-iling pa ng ulo. "Longest na sinabi mo! Amazing!"

Ipinagpatuloy niya lang ang pagkain at hindi ako pinansin. Minsan ang panget niya talagang ka-bonding.

"Cross, how about we become friends?"

"I don't make friends."

"But I want you to be my friend."

"I don't want to."

"But I want to."

Naisabunot na lang niya ang kamay sa kaniyang buhok dahil sa inis. Hindi talaga siya uubra sa kakulitan ako. At saka ano ba'ng masama sa pagiging magkaibigan namin? Gusto ko lang naman siyang maging kaibigan. At isa pa, minsan na niyang sinagip ang buhay ko. Gusto kong makilala pa siya nang lubos.

"So stubborn as always, Ki."

Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain ko ng marinig ko ang itinawag niya sa akin. Ngumisi ako sa kaniya para mas lalo siyang asarin. "Naks, bestfriend ang datingan. May sarili na kong nickname? Ang bilis mo naman, Cross."

Mas lalong kumunot ang kaniyang noo. "Kisha is so common and I want to call you Ki."

Napangiti ako nang malapad dahil sa sinabi niya. Ang cute naman ng "Ki"!

"We're friends then!"

"Calling you Ki doesn't mean we're friends."

Sasagot pa sana ako sa kaniya nang biglang may lumapit sa 'min. Tatlong babae na pamilyar sa 'kin. Sila 'yung pinagbantaan ni Farrah sa hallway noon. Mukhang hindi pa rin sila natuto. Wala akong ibang kasama bukod kay Cross kaya nagkaroon sila ng lakas ng loob na lapitan ako.

"Naagaw mo na nga si Van, nilalandi mo naman si Cross!" sigaw niya sa 'kin.

Tumayo ako at hinarap siya. "Hindi ko nilalandi si Cross at mas lalong hindi ko inaagaw si Van dahil hindi naman siya pagmamay-ari ng iba. For your information, wala akong inaagaw dahil umpisa pa lang, akin na siya." Nginisian ko siya.

Aktong sasampalin niya ako pero bago pa ito lumapat sa pisngi ko ay may sumalag na rito. Dalawang kamay ang nakahawak sa kaniyang braso. 0

"V-Van?" Nanlalaki ang mata ng babae habang nakatingin kay Van at ibinaling naman niya ang tingin niya kay... "C-Cross?"

" 'Wag na 'wag mo siyang pagbubuhatan ng kamay dahil hindi ako magdadalawang-isip na putulin 'yan," sabi ni Van na puno ng galit ang makikita sa mga mata niya.

Hinawakan ko ang kamay ni Van at tiningnan ko lamang si Cross na nanonood na lamang sa amin. "Tama na Van. It's okay." Unti-unti siyang kumalma at binitawan na ang namumulang braso ng babae. 'Agad siyang tumakbo palayo sa amin habang umiiyak kasama ang mga alipores niya.

"Ikaw, Kisha, bakit mo kasama ang lalakeng 'yan?" Itinuro niya si Cross.

"Nagsabay lang kami kumain. Wala namang masama roon."

Hindi na nakipagtalo si Van dahil unang-una, kung nandito siya siguradong siya ang kasabay kong kumain pero mukhang kahit na inis siya kay Cross ay hindi naman siya gaanong tutol kapag magkasama kaming dalawa.

Tumingin ako kay Cross na naglalakad na palabas ng cafeteria. "Cross! Salamat sa pagsama sakin!" Itinaas niya lang ang kamay niya at nag-wave na hindi humaharap sa 'kin.

"Kahit na sinamahan ka pa niyang kumain, hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko sa lalakeng 'yon." Marahas niyang sinubo ang fries na kinuha niya mula sa 'king tray.

"Jealous?" Ngumisi ako.

"Hindi 'no! Mas guwapo naman ako sa kaniya! Tingin ko nga mas malaman ang abs ko kaysa sa kaniya, eh! Layuan mo nga ang Cross na 'yon!"

Napatawa ako sa naging outburst niya. "Mabait si Cross, bigyan mo lang siya ng chance." Tumayo ako at tumabi sa kaniya. Hinalikan ko siya sa pisngi. "Promise me, you'll give him a chance."

Hindi niya ako sinagot. Nakasimangot lang siya habang kumakain.

Muli ko siyang hinalikan sa pisngi.

"I'll give you a reward after the ball if you give him a chance."

Unti-unting sumilay ang pilyong ngiti sa kaniyang labi.

"Chance lang pala, eh. Madami akong ganyan."

Sinapak ko siya sa ulo at ginantihan niya lang ako ng malakas na pagtawa.

MULI na namang naghanda si Van para umalis. Ang gabing dapat ay katabi niya si Kisha na natutulog ay napalitan ng napakadaming trabaho. Kumakalat na sa buong bayan ang mga Insanes at madami na rin silang nabibiktima. Buong akala ng mga tao ay ligaw na hayop lang ang kumagat sa mga ito o kaya ay aswang pero hindi nila alam, mas malala pa sa mga ito ang nangyayari.

"Young Master, may nakuha kaming impormasyon na sa isang lumang building sa kabilang distrito ang pugad ng ilang mga Insanes," sabi ni Farrah.

Ang mga nobles ang kasama ni Van sa paghahanap sa mga Insanes. Kailangan nilang ubusin ang mga 'to o kaya'y mapababa man lang ang bilang nila. Natatakot din siya sa kaligtasan ni Kisha ngayong alam na ng karamihan kung ano'ng koneksyon nito sa kaniya.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Van. Kaagad nilang pinuntahan ang lugar kung saan nasasabing pugad ng mga Insanes ngunit pagpasok nila sa loob ay wala silang nadatnan kahit isa man lang sa mga halimaw.

"Y-Young Master!"

Ang maputlang balat ni Kiel ay mistulang lalong namutla. May hawak siyang kapirasong papel at inabot niya ito kay Van.

Ang mga mata ni Van ay biglang pumula. Ang aura na lumabas sa kaniyang katawan dahil sa galit ay talaga namang nakapanghihina. Nanginig ang kaniyang kamay habang nakahawak sa papel hanggang sa malukot ito.

Walang imik na umalis si Van sa lumang building. Nalaglag ang papel sa sahig na may nakasulat na, Bilisan mo, Van Walker. Baka hindi mo na maabutang buhay ang pinakamamahal mo.

HUMALAKHAK ang dalaga habang hawak ang isang malaking kupita na punong-puno ng dugo habang nakatingin kay Bliss, ang bampirang inutusan niya para dukutin ang babaeng nauugnay kay Van. "Magaling, Bliss," aniya. "Hindi ako nagkamaling buhayin kang muli."

Taas-noong tumignin si Bliss sa bampirang nagbigay sa kaniya ng pangalawang buhay.

"Ikaw na ang bahala rito, Bliss. Aalis na muna ako dahil pakiramdam ko'y paparating na siya." Sa isang iglap ay nawala na ang dalawa at naiwan sa ere ang nakakahumaling na amoy ng pabango nito.

Naramdaman ni Bliss ang paghanginm, senyales na nandyan niya ang hinihintay niya. Hinarap niya ito at binigyan ng mapanlokong ngiti na alam niyang mas lalong magiging sanhi ng galit nito sa kaniya. Hindi nga siya nagkamali.

"Mag-isa ka yata, Van," aniya habang nakangisi.

"Matagal nga palang mamatay ang masamang damo, Bliss. Sino'ng bumuhay sa 'yo?"

"Sigurado ka bang 'yan ang aalalahanin mo kaysa sa babaeng mahal mo?" Sinundan ni Van ang tingin nito. Nakita niyang nakasabit na patiwarik si Kisha. Isang hilahan lang ng tali ay mahuhulog ito sa malalim na hukay sa ilalim nito.

Nag-igting ang panga ni Van dahil sa galit. Ni hindi niya magawang makapagsalita habang nakatingin kay Kisha na walang malay ngayon.

Nag-uumapaw ang galit ni Van. Hindi inaasahan ni Bliss ang paglabas ng itim na aura sa katawan nito. Hindi niya 'agad namalayan na sumugod na sa kaniya si Van. Sa sobrang bilis nito'y nakita na lang niya ang gasgas sa kaniyang katawan.

Hindi tumigil si Van sa pagsugod kay Bliss. Hindi niya inasahan na ganito pala talaga kalakas ang isang Walker. Sinubukuan niyang sumuntok at sumipa pero para lang siyang nakikipaglaban sa hangin, tinatamaan pero hindi tinatablan. Nasuntok siya sa sikmura na nakapagpaluhod sa kaniya pero 'agad siyang tumayo para pumunta sa kung saan nakatali ang lubid.

Mahigpit siyang humawak sa dulo ng lubid na parang nakalaan ang buhay niya roon. "Sige! Subukan mong lumapit! Bibitawan ko ang taling ito at mamamatay ang babaeng mahal mo!"

Epektibo ang ginawa niyang 'yon dahil tumigil sa pagsugod si Van. Habang tumatagal ay mas lalong pumupula ang mga mata nito. Ang palibot ng lense ng mga mata niya ay nagiging itim. Ang aura na nakabalot sa kaniyang katawan ay mas lalong lumalaki.

"Huwag mong gawin 'yan kung ayaw mo pang mamatay!"

Nagulat si Bliss sa pag-iiba ng boses ni Van. Para itong boses ng isang halimaw. May isang bagay siyang ikinakatakot. Kung totoo ang hinala niya, siguradong hindi siya makakaalis ng buhay rito. Pero hindi siya puwedeng sumuko. Binigyan siya ng pangalawang pagkakataon para makipaghiganti, gagawin niya ang lahat magawa lang 'yon.

Sumugod muli si Van sa kaniya. Dahil sa gulat ay nabitawan niya ang lubid. Pareho silang napatingin kay Kisha na nahuhulog pababa sa hukay.

"Kisha!" Tumakbo si Van para sagipin ang dalaga.

Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa ring umaahon mula sa hukay.

Tumawa nang malakas si Bliss. "Napatay ko siya! Napatay ko–" Hindi niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang maramdaman niyang may dumukot sa kaniyang dibdib.

"Ikaw ang dapat na mamatay."

Dahan-dahang inilingon ni Bliss ang kaniyang ulo. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Tama nga ang kaniyang hinala.

"Isa kang...isa kang... Legendary Vampire."

DAHAN-DAHANG inilapag ni Van si Kisha sa sahig. Talaga namang nakakapanindig-balahibo ang itsura niya ngayon. Binabalutan siya ng malaking itim na aura, pulang-pula ang lense ng kaniyang mga mata at ang paligid naman nito'y itim. Mapadampi lang ang pangil niya sa kaniyang labi ay nagdurugo ito pero kaagad ding naghihilom, mas mabilis kaysa noon. Hindi niya alam kung ano'ng nangyayari pero dahil sa karagdagang lakas niya ay nagawa niyang iligtas si Kisha.

Nakakita siya ng drum ng tubig at tiningnan ang repleksyon niya roon. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Huminga siya nang malalim habang nakapikit at pilit na pinakalma ang kaniyang sarili. Nang imulat niya ang kaniyang mga mata ay bumalik na ulit siya sa normal.

Tanging galit lamang ang naramdaman niya kanina at takot nang makita niya si Kisha na nakabitin patiwarik at halos nasa bingit na ng kamatayan. Hindi niya alam ang nangyari sa sarili niya na para bang may ibang nagco-control sa katawan niya pero ang puso at isip niya ay nakatuon lamang sa babaeng mahal niya.

Binuhat niya si Kisha at isinampa sa kanyang likudan. Mabilis siyang tumakbo pabalik sa mansyon. Wala pang ilang minuto ay nakarating na siya at sinalubong 'agad siya ng mga Nobles.

"Kailangan ko ng lahat ng impormasyon na puwede niyong makuha tungkol sa mga Legendary Vampires," sabi niya sa mga ito. Ibinigay niya si Kisha kay Zick para dahil sa kwarto.

"Bakit po?" nagtatakang tanong ni Jack.

"May kailangan lang akong malaman sa pagkatao ko."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com