Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Chapter 11

Who am I?

"May nakuha na po akong impormasyon, Young Master," sabi sa akin ni Zick. 'Agad akong napaangat ng tingin sa kaniya. Hindi ko man lang napansin ang pagpasok niya dahil abala ako sa pag-iisip at pagtitig sa natutulog na si Kisha.

Hindi ko mapigilang sisihin ang aking sarili sa nangyari sa kanya. Inaamin kong sobra akong nakaramdam ng takot ng makita siyang nahuhulog sa hukay. Noon lamang ako nakaramdam ng takot sa buong buhay ko. Ayoko na muling mangyari sa kaniya iyon at simula ngayon ay mas lalo kong pag-iigihin ang pagbabantay at pagpoprotekta sa kaniya.

"Ano ang mga nalaman mo?" Itiinuloy ko ang paghaplos sa pisngi ni Kisha habang hinihintay siyang magpatuloy.

"Sa isang malayong kabundukan, sa bandang Norte ng bansa. Doon nakatira ang nag-iisang tao na nakakaalam ng lahat."

Napatingin ako sa kanya. Ngayon ko lamang iyon narinig. "Anong sinasabi mo? Sa pagkakaalam ko ay wala nang nakakaalam pa ng buong historya ng mga bampira."

"Kung gayo'y nagkakamali kayo, Young Master. Ang matandang ermitanyo sa mahiwagang Bundok ng Tersiyara, doon daw naninirahan ang matandang may alam ng lahat. Maaaring alam niya rin ang tungkol sa isang Legendary Vampire na noon pa lang ay naibaon na sa limot."

Tama siya. Kahit kailan ay hindi na napag-usapan pa ang tungkol sa Legendary Vampire. Sabi nila ay isinisilang ang Legendary Vampire kada-limang-daang taon at napaka-rare ng kaso na may Legendary Vampire. Isa lang ang kilala kong Legendary Vampire at matagal na siyang patay. Lagi siyang laman noon ng balita, ayon sa sabi-sabi ay isa siyang magiting na bampira. At sabi rin nila ay may dugong Walker ang Legendary Vampire na iyon kaya maaaring isa siyang Walker pero wala pa ring nagpapatunay sa teoryang iyon hanggang sa nalimot na ito ng panahon.

Tumayo ako at hinalikan ko si Kisha sa kaniyang noo bago lumabas ng kwarto na kasunod si Zick. Kailangan kong subukan na palabasin ulit 'yung dark aura sa paligid ng katawan ko. Paano kaya? Pumunta ako sa garden at huminga ako ng malalim. Inisip ko ang mga ginawa at naramdaman ko kahapon.

Galit at takot.

Paano naman ako magagalit at matatakot ng walang dahilan?

"Kailangan mo ng tulong namin Young Master?" tanong ni Jick kasama ang iba pang Nobles.

"Galitin niyo ako," sabi ko sa kanila.

Bigla namang nawala ang kulay sa mga mukha nila. "Baka naman sa sobrang galit mo mapatay mo na kami Young Master!" sabi naman ni Jack.

"Gagawin niyo o hindi?" Masama ko silang tiningnan. Pinatunog ko pa ang mga buto ko sa aking kamao at dahan-dahang lumapit sa kanila. Dahan-dahan naman silang napaatras at kitang-kita ang takot sa kanilang mukha. Gano'n na ba ako nakakatakot sa kanila?

"Gagawin na namin!" sabay-sabay nilang sabi kaya napangiti na lang ako nang malapad

Humilera sila sa harapan ko at unang nagsalita si Zick.

"You're so hot-tempered and bossy. I don't like you sometimes. Wait. Let me rephrase that. I don't like you ALL the time."

Naikuyom ko ang aking kamao. "You–" Handa na sana akong sumugod dahil sa sinabi ni Zick pero 'agad na humarang sa harapan ko si Jick.

"Op! Op!" sabi ni Jick na nakataas pa ang dalawang kamay. "Young Master! Chill ka lang! Gusto pa naming mabuhay nang matagal! Walang mananakit! Remember, we're trying to make you angry para lumabas 'yung dark aura na sinasabi mo," paliwanag sakin ni Jick kaya hinayaan ko na silang magpatuloy at pinakalma ang aking sarili.

Sunod namang nagsalita ay si Kiel.

"Ang tingin mo sa 'min ay parang wala lang. Sa tagal na nating magkakasama, ni hindi mo ma-realize na turing namin sa 'yo ay parang kapamilya at kapatid. Napakaignorante mo!"

Sunod na nagsalita si Farrah, "Napakadali sa 'yong saktan kami! Akala mo kung sino ka, Pure Blood ka lang naman! Bampira ka lang din! Isa ka lang din sa amin! Nagkataon lang na mas malakas ka kaysa sa 'min!"

"Sa tingin mo ba mahal ka ni Kisha? Siguro balang araw iiwan ka rin niya kasi magsasawa na siya sa 'yo!" sigaw ni Jack.

Unti-unting uminit ang dugo sa katawan ko nang mabanggit ni Jack ang mga sinabi niya tungkol kay Kisha. Hindi niya ako iiwan, alam kong hindi niya magagawa 'yun. Pilit kong kinalma ang sarili ko. Sa lahat ng sinabi nila, 'yung kay Jack ang pinakatumatak sa akin.

"Napapahamak si Kisha ng dahil sa 'yo! Balang araw iiwanan ka rin niya dahil magsasawa na siya sa buhay na puno ng pasakit at kapahamakan dahil sa 'yo! Kahit kailan ay hindi nababagay ang bampira sa isang tao!" Parang punyal na bumaon sa dibdib ni Van ang sinabi ni Jick.

"Ang tao ay para lang sa tao!" dagdag ni Zick.

"At ang bampira ay para lamang sa mga bampira!" sabi naman ni Kiel.

"Hindi kayo nababagay sa isa't-isa!" pagtatapos ni Farrah.

Napatungo ako at naikuyom ko ang mga palad ko. Parang may kung anong namumuo sa loob ng katawan ko. Parang binibiak ang ulo ko pero hindi ko maramdaman ang sakit. Ramdam na ramdam ko ang pag-agos ng dugo sa katawan ko at pagbilis ng tibok ng puso ko. Biglang tumalas ang pandinig ko na kahit ang paghinga ni Kisha ay naririnig ko mula rito at kung ano-ano pang tunog, ingay at boses galing sa iba't-ibang lugar.

"Y-Young Master!" Narinig kong sigaw ng isang babae. May limang bampira sa harapan ko. Isa lang ang nasa isip ko: KALABAN. Kalaban sila na dapat patayin.

Hindi ko alam ang nangyayari sa 'kin. Para bang may nagsasabi sa 'king sugudin sila, patayin sila, pira-pirasuhin. Para akong nawawala sa sarili. Hindi ko maintindihan. Nararamdaman ko ang sobra-sobrang lakas na naipon sa katawan ko at kailangan ko itong lumabas. Sa sobrang lakas na nararamdaman ko, para bang sasabog ang katawan ko.

Sumakit na muli ang ulo ko pero ramdam ko na ngayon ang sakit. Napahawak ako sa ulo ko. Hindi ko na mapigilang sumigaw nang malakas. Inimulat ko ang aking mga mata at sira-sira lahat ng halaman at nagpira-piraso ang fountain kaya umagos lahat ng tubig. Nakita ko naman ang limang bampira na puno ng takot at nangininig na nakaupo sa lapag at basang-basa ng tubig galing sa nasirang fountain.

"Y-Young Master! K-Kami ito!"

Lumapit ako sa lalakeng bampira. Kumunot ang noo ko at pilit inisip kung sino siya ngunit hindi ko siya makilala. Hinawakan ko ang kwelyo niya at itinaas ko siya hanggang sa maangat na siya sa lupa. Muli kong tinitigan ang kaniyang muka pero wala talaga akong natatandaan na kilala ko siya.

"M-Master..." Napaubo na lamang siya dahil sa mahigpit na pagkakahawak ko sa kaniyang kwelyo sanhi ng pagkahirap niya sa paghinga. "A-Ako to...s-si...K-Kiel"

"Hindi kita kilala." Nagtataka ako sa boses ko. Malaki ito...pati ako ay natakot...parang hindi akin ang boses na ito...pero hindi ko pa rin makilala ang lalakeng hawak ko.

"Bumalik ka na sa dati Young Master! Nagawa mo na! May aura na sa paligid mo! Bitawan mo na si Kiel!" napatingin ako sa babaeng bampirang nakahawak sa braso ko. Pabagsak kong binitawan ang lalake at siya naman ang sinakal ko. Napasigaw siya sa gulat at makikita sa mukha niya ang sobrang takot.

"Sino ka?!"

"A-Ako...s-si...F-Farrah....M-Master....P-Please..." May butil ng luha ang tumulo sa pisngi niya...

Mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa leeg niya. Hindi ko siya kilala kaya ibig sabihin ay kalaban siya pati na rin ang mga kasama niya.

"Van!"

Napalingon ako sa boses ng isang babae. Hindi ko alam kung ako nga ba ang tinatawag niya. Ako nga ba? Ako ba si Van? Bakit parang hindi ko kilala ang sarili ko? Bakit wala akong maalala sa pagkakakilanlan ko?

Humarap ako sa kaniya habang hawak pa rin ang babaeng bampira sa kaniyang leeg. Rumehistro naman ang pagkagulat sa babaeng bagong dating. Isa siyang tao. Naaamoy ko ang sariwa niyang dugo at nararamdaman ko ang bawat pagbilis ng tibok ng kaniyang puso pati na rin ang pagdaloy ng kaniyang dugo sa kanyang mga ugat.

Lumapit siya sa akin. Nabitawan ko ang babaeng bampira at napapikit ako nang haplusin ng babae ang pisngi ko. Hindi ko namalayan na ang bilis ng tibok ng puso ko. Pero may parte sa isip ko na nagsasabing kalaban din siya kaya hinawakan ko ang dalawang braso niya nang mahigpit.

"V-Van! Masakit!" sabi niya sa akin. "Ako 'to! Si Kisha! Ano bang nangyayari sa 'yo?!"

"Kalaban ka...isa kang kalaban...dapat sa 'yo ay mamatay."

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa kaniya pero parang piniga ang puso ko nang makita kong namasa ang mga mata niya at nagpaunahang pumatak ang maliliit na butil ng luha mula sa mga mata niya. Nakaramdam din ako ng sakit para sa kanya. Gusto kong punasan ang luha sa mga mata niya na ako ang gumawa. Unti-unti kong iniangat ang kamay ko para punasan ang luha sa mga mata niya.

"V-Van...bumalik ka na sa dati please." Tumingkayad siya at naabot ang aking mga labi. Ang init ng mga labi niya at ang sarap sa pakiramdam. Parang may kung anong bagay na lumiyab sa aking puso, parang maliit na apoy na nagkaroon ng buhay at mas lalong lumaki at kumalat sa buo kong sistema.

Hindi ko maipalawanag ang nararamdaman ko. Muli na namang sumakit ang ulo ko at unti-unting umagos ang lahat ng alaala na para bang isang baha.

Niyakap niya ako at dahil doon ay nagawa kong kumalma. Naliwanagan na ako, ako pala si Van, at itong babaeng nakayakap sa akin ay ang babaeng mahal ko. Umiyak siya dahil sa 'kin. Dapat pala ay hindi ko na ipinilit na ilabas ang kapangyarihan ko gayong alam ko naman na hindi ko ito kontrolado.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. "Nawala na ang itim sa eyeballs mo at pagkapula ng mga mata mo, wala na rin yung dark aura mo." Napahinga siya nang malalim at tiningnan ako sa aking mga mata. "Anong nangyari sa 'yo, Van? Pinag-alala mo ako ng sobra."

"Pumasok muna tayo sa loob" Bago 'yun ay ibinaling ko ang tingin ko sa mga Nobles. "Sorry sa nagawa ko sa inyo. Naiintindihan ko na ang lahat, nakatulong din pala ang galitin ako dahil nalaman ko ang karamihan sa saloobin niyo." Nginitian ko sila na sa tingin ko ay una kong beses na ginawa simula nung nakilala ko sila.

Iginaya na ako ni Kisha papunta sa loob ng mansyon dahil medyo nanghihina pa ako. Umakyat na kami sa kwarto at umupo sa couch malapit sa malaking bintana kung saan kitang-kita ang bilog na buwan

"Kisha."

NAPATINGIN ako sa kaniya nang tawagin niya ako at tanging sakit at pag-aalala ang nababasa ko sa mga mata niya. Hinawakan ko ang pisngi niya at mas lumapit pa ako sa kanya. Alam kong malaki ang pinagdadaanan niya ngayon lalo na't may kakaibang nangyayari sa kaniya.

"Anong problema?"

Huminga siya nang malalim at hinawakan niya ang kamay ko. "Sorry kung nasaktan kita." Hinawakan niya ang braso kong namumula dahil sa mahigpit niyang pagkakahawak kanina. "Sorry kung natakot kitak." Ngayon naman ay pinaulanan niya ng halik ang braso ko. "I'm so sorry if I made you cry. Naiinis ako sa sarili ko dahil napapahamak ka ng dahil sa akin, puro na lang kapahamakan ang dala ko sa 'yo." Idinikit niya ang noo niya sa noo ko at ipinatong naman niya ang kamay ko sa dibdib niya. "I'm sorry, Kisha. I'm a monster. I'm a beast. You shouldn't love me. You shouldn't be here. I don't deserve someone like you."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at hindi ko na mapigilan pa. Sinapak ko siya sa pisngi.

"Aray! Bakit mo ko sinapak?!"

I crossed my arms and glared at hm. "Anonng sinasabi mong hindi mo ako deserve?! Na hindi dapat ako nandito? Na hindi dapat kita mahalin? Ano'ng gusto mong iparating, na umalis na ako rito?!" Hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng aking luha. "Matapos mo akong papasukin sa mundo mo, bigla mo na lang sasabihin na hindi ako dapat nandito?! Hindi ba't ikaw naman ang pumasok sa buhay ko at hinila ako sa buhay mo, at ngayong hindi ko na kayang wala ka, sasabihin mong hindi dapat kita mahalin?!

Pinaghahampas ko siya ng unan dahil sa inis.

"Kung kailan may nararamdaman na ako sa 'yo saka ka naman nagkakaganyan?! Baka naman ginagawa mo lang 'to para iwanan kita!"

"Of course not!" Hinila niya ako at niyakap niya ako nang mahigpit. "Ayoko kasing matali ka sa relasyon na ito na puro kapahamakan lang ang dala sa 'yo. Ayoko namang mapagod ka dahil sa kung ano-anong hindi ordinaryong bagay ang nangyayari sa atin. Akala ko naman kasi ang makipaghiwalay sa 'yo ay isang way para hindi ka mahirapan, matakot at mapahamak ng dahil sa 'kin. Ayaw ko lang makita kang umiiyak at nasasaktan dahil sa mga kakaibang nangyayari sa 'kin." Halos pabulong na lang ang pagkakasabi niya pero rinig ko pa rin, pero ang pinakanarinig ko sa lahat ay ang sakit at lungkot sa tono ng boses niya.

"Sa lahat ng bampira, ikaw na ang pinakabaliw sa lahat. Nakakabaliw ka pa sa mga Cullens, alam mo ba 'yun? Kahit pa nasa bingit ako ng kamatayan hindi pa rin ako titigil sa pagmamahal sa 'yo. Kahit tubuan ka pa ng sampung pangil, limang mata o kahit maging rainbow color man 'yang aura sa paligid ng katawan mo wala akong pakealam, basta para sa 'kin, ikaw pa rin si Van ko, okay?" Naramdaman ko ang pagtango nya kaya nagpatuloy lang ako. "Masaya ako sa kung anoman ang meron sa atin at kung ano mang kapahamakan ang dumating, sasalubungin natin 'yun nang magkasama at walang bibitaw. Umiyak man ako, matakot man ako, masaktan man ako, mahal pa rin kita kaya 'wag ka ng mag-inarteng hindi mo deserve ang isang katulad ko dahil para sakin, ang magmahal ng isang bampira ang pinakamasayang experience sa buhay ko, sa sobrang saya nga pwede na akong mamatay, eh."

Napasigaw naman ako nang maramdaman ko ang pagbatok niya sa 'kin. "Aray ha!" Gantihan na ba 'to ngayon? Matapos kong maubusan ng laway sa ultimate kilig to the bones spiel ko, batok lang ang natamo ko? First time ko pa namang magsabi ng gano'ng ka-cheesy na lines.

"Anong mamatay na sinasabi mo d'yan?!" Napatawa na lang ako. Magsasalita pa sana ako kaso naunahan niya ako. "I love you, Kisha." Bago pa ako makasagot ay siniil na niya ng halik ang labi ko.

MAMAYA na nga pala ang Grand Ball! Kanina lang nagpapalitan kami ng nakakadiri at nakakakilabot na cheesy lines ngayon naman kinakabahan na ako para mamaya. Hindi ko namalayan na sabado pala ngayon at naubos ang oras namin ni Van dahil sa kabaduyan at ka-cheeey-han niya. Pero paalis na kami ngayon ni Van. Guess kung anong oras pa lang? 12 PM po. Yep. Midninght. Talagang pahirapan ako sa

paggising kanina. Bakit kasi kailangang ako pa ang kasama di ba?! Natakot yata dahil baka ma-kidnap ulit ako. Papunta raw kami sa Mount Tersiera. Bago raw kami umattend ng Grand Ball mamaya ay kailangan muna naming puntahan 'yung matandang ermitanyo sa may bundok para maitanong ni Van kung ano ba talaga siya.

Sabi raw kasi ni Bliss bago ito tuluyang mamatay ay si Van daw ay isang Legendary Vampire kaya para mas makakuha siya ng maraming impormasyon tungkol sa Legendary achuchu na 'yun, kailangan naming puntahan ang matandang ermitanyo na naninirahan sa magical na bundok.

At sa 4 na oras naming byahe ay nakarating na din kami sa bundok! Ang taas ng hagdan! May sign pa na nakasulat na Mt. Tersiera. Inakyat namin ang hagdan at wala pa kami sa kalahati nang buhatin ako ni Van at walang ka-effort effort na inilagay sa likod niya at tumakbo ng sobrang bilis! Dinaig niya pa ang ang race car! Para siyang si Edward at ako si Bella doon sa Twilight na kung saan nakasampa rin si Bella sa likod ni Edward at mabilis din ang pagtakbo ni Edward noon!

Wala pang ilang minuto ay nandito na kami sa tapat ng isang kubo. Puwede naman palang gano'n kadali, pinaakyat pa ako ng ilang baitang sa hagdan kanina.

Walang katok katok na pumasok si Van sa loob at naabutan namin ang isang matanda na nanonood ng kung ano.

Namula ang aking pisngi nang makarinig ng ungol mula sa pinapanood niya. Nakatalikod siya sa 'min kaya hindi niya kami napapansin. Humahagikhik pa siya habang nanonood ng porn. Napansin niya lang kami nang humarap siya sa lamesa para kuhanin ang tasa na nakapatong sa ibabaw no'n.

Tumingin lang siya sa 'min at talagang itinuloy lang niya ang panonood na para bang wala siyang pakealam na may ibang tao sa pamamahay niya!

"Patayin niyo na muna 'yan!" Hindi ko na mapigilan. Sasabog hna ang mukha ko sa kahihiyan kahit hindi naman ako 'yung nahuling nanonood ng porn.

Ito na ba 'yung matandang sinasabi ni Van na makakatulong sa kaniya. Baka naman nagkakamali lang siya 'no! Malay mo drug addict pala 'to! O kaya naman criminal?

"Oh, may bisita pala ako." Pinatay niya na ang TV at ngumiti sa amin. "Sandali lang, ah?" Tumayo siya at niligpit muna ang mga magazine na nakakalat sa sahig. Napangiwi ako nang makita mga men's magazine ito na ang mga cover ay halos mga hubad na babae.

Inilibot ko ang tingin sa knaiyang bahay. Japanese style ito. Ang daming posters na nakadikit sa dingding ng mga babaeng nakasuot ng bikini. Sa bandang kanan naman ay may malaking bookshelf. Hindi ko na kailangan pang tingnan kung anong klaseng mga libro ang nandoon.

Ngumisi siya sa 'min. "Pasensya na kayo, ah? Ito na lang kasi ang libangan ko." Nang mailigpit niya ang mga magazine ay muli siyang humarap sa 'min. "Ang sesexy 'no?"

Hinablot ni Van ang magazine at masamang tumingin sa matanda. "Our time is precious, old hag."

Ngumuso ang matanda. "Ito naman, masyadong mainipin. Teka nga lang, mga kabataan talaga." Inilagay na niya ang mga magazine na hawak niya sa bookshelf.

"Sigurado ka bang siya yung matandang tinutukoy niyo?" bulong ko kay Van habang nakatingin doon sa matanda.

"Yup, it's him."

Umupo ang matanda sa harapan namin at tumingin ng seryoso. Biglang nag-iba ang expression ng mukha niya. Kanina ay mukha siyang masayahin, ngayon ay nagbibigay siya ng nakakakilabot na aura.

"Alam kong dadating ang panahon na pupunta ka rito, Van, at hind ako nagkamali."

"Kilala mo ako?" kunot-noong tanong ni Van sa matanda.

"Ako? Kilala mo ba ako?" Nagpakawala ng malakas na tawa ang matanda. "Ako ang taong alam lahat ng nangyayari sa paligid, binatang bampira. Nandito ka para itanong ang tungkol sa Legendary Vampire, hindi ba?"

Hindi na ako nagsalita. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa para mas maintindihan ko ang pinag-uusapan nila. Hahayaan ko na lang silang mag-convo at hindi na ako sisingit. Mukha kasing seryoso na talaga itong usapan at sa itsura naman nung matanda ay parang madami siyang alam.

"Sabihin mo sakin ang tungkol doon."

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, bata." Hinawakan niya ang tasa sa kaniyang harapan gamit ang dalawa niyang kamay. "Ang Legendary Vampire ay kadalimang-daang taon lamang nabubuhay. Ang kapangyarihan nito ay naiiba sa lahat. Ito ay itinuturing na hari at sinasamba na parang Diyos dahil sa lakas ng kapangyarihan nito na sa isang pitik lamang ay kayang pumatay ng daan-daang tao. Sa iyong lagay, nagkataon na ika'y isinilang sa panglimang daang taon kaya ikaw ang napili na humawak sa ganoong titulo at oo, ikaw ay isang Legendary Vampire."

"Isa akong Legendary Vampire?"

Paulit-ulit, Van? Hindi na talaga ako maka-relate kaya hahayaan ko na lamang silang mag-usap.

"Oo, Van Rei Isaac Walker. At kailangan mong i-control ang kapangyarihan mo kung ayaw mong makasakit ng mga inosenteng tao."

Hinawakan ko ang kamay nang makita ang pangamba sa kaniyang mukha. Maging ako ay kinabahan pero mas kailangan niya ang suporta ko. Humigpit ang hawak niya sa 'king kamay pero napansin ko ang paghinga niya nang maluwag na para bang kumalma siya kahit papaano dahil sa ginawa ko.

"P-Paano?"

"Bukal sa loob kong tulungan ka kung mamarapatin mo."

"At paano mo nga gagawin 'yun?"

"Sasanayin kitang kontrolin 'yang kapangyarihan mo."

Tinitigan ni Van nang matagal ang matanda. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Para silang nagpapaligsahan gamit ang kanilang mga titig.

" 'Wag mo nang subukan na basahin ang isip ko Van dahil handa naman akong sabihin sa 'yo ang lahat."

Van sighed. "Bampira ka ba?"

Hindi niya derektang sinagot ang tanong ni Van. Pumula na lang ang kaniyang mga mata at humaba ang kaniyang pangil. Itinuon niya ang kaniyang siko sa lamesa at ipinarong ang baba sa dalawa niyang kamay. Tumitig siya kay Van na para bang may inaalala siya. "Kamukhang-kamukha ka ng tatay mo." natatawang sabi niya ngunit ang tono ng kaniyang boses ay malambot at puno ng pagmamahal.

"Kilala mo si Dad?"

"Kilang-kilala, Van, higit pa sa pagkakakilala mo sa kaniya. Madami ka pa talagang hindi nalalaman. Siguro nga ay dapat ko ng dagdagan ang laman niyang utak mo," mapang-asar na sabi nito.

"Sino ka ba talaga?"

Ngumiti ang matanda sa 'ming dalawa ni Van. "Ako si Gallian, ang tagapagturo sa pagkontrol ng kapangyarihan ng mga Legendary Vampires, ang Master ng lahat ng Legendary Vampires, ang nabubuhay na alamat na si–"

Nagtaka ako nang biglang magsalita si Van. Siya na mismo ang nagsabi sa pangalan ng matanda.

"Gallian Walker."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com