Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Chapter 12

The Party

"Sigurado ka bang bagay talaga sa 'kin 'yan?" tanong ko kay Farrah habang nakatingin sa isang pulang evening dress na nakalatag sa kama. Ngayon lang ako magsusuot ng ganito kagarang dress. Noong junior prom naming noong high school ay hindi ako um-attend.

"Oo nga sabi, eh." Sinimulan niyang ayusin ang buhok ko. "Isang tanong mo pa kakalbuhin na talaga kita." Alam kong hindi siya seryoso sa sinabi niya pero hindi na ako muling nagtanong. Nakakatakot pa rin si Farrah minsan kahit na nag-iba na ang pakikitungo niya sa 'kin. "Mas bagay pala sa 'yo ang nakalugay na lang."

Hindi ako nagsalita at pinanood ko na lang ang aking buhok mula sa salamin. Sana nakikita rin ni Farrah ang itsura niya sa repleksyon dahil napakaganda niya sa suot niyang dress.

"Hindi ko na itataas ang buhok ko, sisimulan ko na lang na lagyan ka ng makeup."

Halos maluha ako nang lagyan niya ako ng eyeline. Magaan naman ang kamay niya pero dahil hindi ako sanay, masyado akong naninibago. Kung ano-ano pa ang inilagay niya sa mukha ko hanggang sa sabihin niya sa 'king puwede ko nang tingnan ang sarili ko sa salamin.

Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa 'king sarili. "Wow, ang galing mong mag-makeup, Farrah!"

She smiled and gently tapped my shoulder. "You're naturally beautiful. No doubt that Young Master loves you so much." Nag-init naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Alam mo, Farrah, 'wag niyo na lang tawaging Young Master si Van. Masyadong pormal, eh. Ang baduy!"

Natawa siya sa 'king sinabi. "He'll kill me if I call him by his name. Simula no'ng magka-isip na kami ay Young Master na ang tawag namin sa kaniya."

Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya. "Pwes ngayon mag-iiba na."

Hinila ko na siya papunta sa baba para puntahan si Van. Pagbaba namin ay naabutan naming siyang nakaupo sa couch habang umiinom ng dugo sa wine glass. 'Yung dugong iniinom niya, dugo lang naman ng hayop 'yun kasi ayaw daw niya ng dugo ng tao kasi oras na makatikim siya hindi na niya mapigilan hanggang sa maubos na ang dugo ng tao kaya dugo na lang ng hayop ang iniinom niya.

Tumayo si Van at lumapit sa akin. Hinila niya ako papalapit sa kanya.

"You're so beautiful."

Nginitian ko lang siya. "Oo nga pala, may sasabihin ako."

Kumunot naman ang noo niya. "Ano naman 'yun?"

"Gusto ko lahat ng Noble Vampires ay hindi ka na tatawaging Young Master, dapat Van na lang."

"What?! Hindi puwede 'yun! Paggalang nila sa 'kin 'yun, eh!"

Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Papayag ka o hindi?" I gave him my death glare. Kung nakakatakot ang tingin niya. Hah! Mas matakot siya sa tingin ko!

"Okay, fine." He sighed. "Why do I feel like I'm under you?"

"Bakit? Hindi ba?" Nginisian ko siya.

He just chuckled and kissed my forehead. "Paano na lang kaya pag mag-asawa na tayo? Ako magluluto, maglalaba, maglilinis?"

"Oo, kung gusto kong ipagawa 'yun sa 'yo."

NAKASAKAY na ako ngayon sa kotse ni Van. Papunta na kami sa party at mas lalong nadagdagan ang kaba ko dahil iba't-ibang bampira ang nandoon at take note! Iba't-iba pang nationality! Pero karamihan na nandoon ay mga taga-Europe pa! Sosyal! Naikwento lang naman sa 'kin 'yun ni Van kanina at 'yung thought na ako lang ang tao? Balak ba nilang i-out of place ako?

Wala pang trenta minutos ay nasa paggaganapan na kami ng ball. Madaming bampira ang nagsisipasok sa loob at madami ring magagarang sasakyan sa parking lot! Halos lahat ay milyones ang halaga! Saan kaya ako makakahanap ng mahirap na bampira?

Napatingin naman ako sa suot kong damit at ibinaling ko ang tingin sa suot na damit ng mga babaeng bampira. Kumpara sa suot ko sa suot nila para basahan 'yun akin. Ang gaganda nilang lahat!

Pinagbuksan pa ako ni Van ng pinto at inalalayan niya ako pababa ng kotse niya. Ikinawit ko ang kamay ko sa braso niya at sabay kaming pumasok sa loob ng hall. Aware ako na lahat ng mata ngayon sa hall ay sa amin nakatingin. Diretso lang ako at hindi sinasalubong ang mga tingin nila. Gano'n kasi ang sabi ni Van bago pa kami pumunta rito dahil oras na tingnan ko sila sa mata baka kung anong spell ang mapunta sa akin kaya talagang kinakabahan ako.

Dumiretso kami kaagad sa stage at itinutok sa amin ang spotlight kaya mas lalo naming nakuha ang atensyon nila. Inilibot ko ang tingin ko sa buong hall at puro mapuputlang mukha at magaganda at gwapong nilalang ang nandito ngayon. Ngayon napatunayan ko na nga talagang hindi uso ang panget sa mga bampira. May iba't-iba ngang nationalism ang mga nandito, may British, may Japanese, may mga Black American at iba pa. Kung ganoon ay kalat pala ang mga bampira hindi lamang dito kundi sa ibang bansa rin.

"Good evening everyone," panimula ni Van kaya natahimik ang buong hall at lahat ng atensyon ay nasa amin. "I just want to introduce you the woman I love, Kisha Louise Madrigal."

Nagsimula namang magbulung-bulungan ang lahat ng bampira ngayon sa hall, 'yung iba ay para natutuwa pero ang iba ay hindi.

"Alam kong tao siya at mahigpit itong pinagbabawal sa batas natin but you all know me, kailanman ay hindi ako sumusunod sa batas, pero itong paglabag ko ngayon sa batas na bawal magmahal ng tao ang pinakamasayang paglabag ko dahil kahit ano pang masasamang tingin at masasamang salita ang ibato niyo sa aming dalawa, hindi namin kayo papansinin dahil alam kong siya na talaga kaya kung sino man ang magtatangkang hawakan ang kahit na dulo man lang ng daliri niya, hindi ako magdadalawang-isip na patayin kayo."

Lumabas na naman ang itim na aura sa katawan niya kaya bago pa siya mawalan ng kontrol ay hinawakan ko na 'agad ang kamay niya.

"Ako na lang ang magpapaliwanag sa kanila," bulong ko sa kanya. Kahit ayaw ko man, gusto kong magsalita, hindi para sa 'kin kundi para sa aming dalawa. "Magandang gabi sa inyong lahat. Alam kong ang iba sa inyo ay hindi natutuwa na nandito ako. Alam ko rin na may iba't-iba kayong opinyon tungkol dito pero isa lang ang masasabi ko, hindi ko siya iiwan kahit ano pa'ng mangyari."

Tiningnan ko si Van at ngumiti siya sa 'kin. Kinuha niya ang mikropono sa stand. "Nadinig niyo siya." Ngumisi siya sa mga bisita. "At may isa pa kaming dapat sabihin, isa akong Legendary Vampire. Katutuklas ko lang nito at nasa proseso pa lang ako sa pagkontrol dito."

Habang pinapanood ang pagbabago sa ekspresyon ng mga bampira ay nagawi ang aking tingin sa babaeng nakatayo sa gilid. Nakaitim siyang evening dress, mapula ang kaniyang labi, kulot ang brown niyang buhok at kitang-kita ko mula rito ang pula niyang mga mata. 'Agad kong iniiwas ang tingin ko sa kaniya dahil nakaramdam ako ng kilabot at hindi ko alam kung bakit.

Bumaba na kami ni Van sa stage nang matapos kami sa pagsasalita. Nagulat na lang ako nang bigla silang magpalakpakan.

"Isang napakagandang binibini!"

"Lubos naming ikinagagalak ang maging parte ka ng clan."

"Maghihintay ako hanggang sa ikaw ay maging kalahi na naming."

"Tama lang na ikaw ang napili ni Young Master."

Bawat papuri at magandang salita na ibinibigay nila sa 'kin ay sinusuklian ko lang ng isang ngiti. Hindi ko inaakalang ganito ang mangyayari. Ini-imagine ko kasi na kukuyugin nila ako at uubusin ang dugo ko pero ganito pala.

Umupo na kami sa isang table kasama ang mga Nobles. Hinanap ko 'yung babaeng nakita ko kanina pero hindi ko na siy makita. Sino kaya 'yun? Kakaiba kasi ang aura niya, eh. Si Van naman ay nakikipagkwentuhan sa ibang mga bampira.

Habang naghihintay kay Van ay may lumapit sa 'king isang bampira.

"Hi Kisha! Ako nga pala si Klint" Inilahad niya ang kamay niya na tinanggap ko naman.

Naramdaman ko na lang na may nakatitig sa 'kin at napatingin ako kay Van na parang minu-murder na si Klint sa isipan niya. 'Agad naman siyang lumapit sa amin ni Klint at inakbayan niya ito.

"Pinsan, ano'ng ginagawa mo rito?" sabay ngiti kay Klint at kita kong pinanggigigilan na ni Van ang balikat nito.

Tumawa naman si Klint na parang ninenerbyos. "Pinsan! Kumusta? Syempre naman hindi ko puwedeng palagpasin ito."

Nanlaki ang mata ako at napatingin ako kay Van na alam kong nagagalit na. "Pinsan, baka gusto mong pabalikin kita ng Korea sa isang suntok lang?"

Nagulat ako ng tawanan lang siya ni Klint. "Gago ka talaga, pinsan. Hindi ka pa rin nagbabago. 'Wag kang mag-alala, may girlfriend na ako sa Korea." Tinapik niya sa Van sa balikat at tumingin sa akin. "Sige Kisha, nice meeting you. Bilib na rin ako sa 'yo at napagtiyagan mo ang gagong 'to."

Nginitian ko lamang siya at pinanood na makaalis.

Tumingin naman ako kay Van na nakatingin din sa akin. Inilahad niya ang kamay niya na para bang nahihiya pa.

"Let's dance?"

Inabot ko naman ang kamay niya at pumunta na kami sa dance floor. Tumugtog ang isang romantikong kanta. Naghuramentado ang aking puso nang ilagay niya ang kaniyang kamay sa 'king baywang at ang isa naman ay nakahwak sa 'king kamay.

Halos magkayakap kami habang sinasabayan ang tugtog. Mabuti na lang maalam akong magsayaw, bunga ng P.E. namin noong high school. Napangiti ako at mas inilapit ang aking sarili sa kaniya. Ipinulupot ko ang aking mga braso sa kaniya para yakapin siya.

Naramdaman ko ang marahan niyang paghalik sa aking ulo. Sa pagkakataong ito, parang kami lang nasa gitna. Wala akong makitang iba kundi siya lang. Ramdam na ramdam ko ang malakas na pintig ng aking puso at naisip ko, kung pumipintig kaya ang puso niya'y kasing lakas din kaya nito ang akin?

Tumigil ang lahat sa pagsasayaw nang mamatay ang ilaw sa buong hall. Ang tanging spot light lang ang bukas. Nakatutok ito sa stage kung saan nandoon 'yung babaeng nakita ko kanina.

"Nagulat ko ba kayo?" m=Malamig ang tono ng boses ng babae at kinilabutan ako sa paraan ng pagtingin niya.

"Why is she here?" bulong ni Van.

"It's been a long while. Namiss niyo ba ako?" Umalingawngaw ang malakas niyang pagtawa sa buong hall. Tumingin siya sa direksyon namin. "Nagulat ka ba, Van Rei Isaac Fenier Walker?" Itinuro niya si Van at binigyan ito ng nakakalokong ngiti.

"Victoria Cray," ito lang ang tanging nasambit ni Van. Lumapit si Van sa stage. "Ano'ng kailangan mo at nagbalik ka pa? Akala ko patay ka na!"

Victoria put her hand on her chest dramatically. "Did I upset you? I'm sorry, Van, pero ang masamang damo ay hindi a'gad namamatay. Natanong mo lang din naman kung ano ang kailangan ko ay ipapakita ko sa inyo! Magsilabas kayo!"

Nabasag lahat ng salamin at bintana sa hall at madaming bilang ng mga Insanes ang nagsidatingan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sinisigawan ako ni Van na umalis na pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Tanging sa mata lamang ni Victoria ako nakatingin.

Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa 'kin at inilayo sa lugar na iyon.

NAGKAGULO sa buong hall dahil sa biglaang pagsugod ng mga Insanes. Dumagsa sila na parang alon sa dagat. Halos hindi na mabilang sa sobrang dami. Lahat ng bampirang dumalo sa party ay walang nagawa kundi ang makipaglaban. Kalmot dito, kagat doon, sipa dito, sipa doon, suntok dito, suntok doon. Pero si Van ay nananatili lamang na nakatayo at nakatingin kay Victoria.

"Tatayo ka na lang ba riyan, Van?" tanong ni Victoria na may ngiti sa kaniyang mga labi.

Isa lang ang naisip ni Van, ang tanggalin ang ngiting 'yon.

"Akalain mo nga namang nabuhay ka pa. Dapat hindi ka na nagpakita, ma-a-out of place ka lang kasi ikaw lang ang Cray dito," mapang-asar na sabi ni Van.

Napatawa na lamang si Victoria. "My, my, hindi mo pa rin makuha? Nandito ako para agawin ang pwesto mo, Van, at sa ayaw at sa gusto mo mapapasaakin ka."

"Still head over heels for me, huh? Don't worry the feeling is not mutual."

Napangiti si Victoria at may naisip siyang ikagagalit ni Van. Gusto niya itong galitin para mailabas ang tunay nitong kapangyarihan. Now, she's getting envious of what's Van have now. Gusto rin niya ng labis na kapangyarihan pero wala siya nito dahil hindi naman siya Legendary kaya gagawin niya ang lahat makuha lang niya si Van at pagsamantalahan ang kapangyarihan nito.

"Nakakalungkot naman kung hindi mo ako lalabanan. Paano ba 'yan? Mauuna na ako kasi hinihintay na ako ng babaeng mahal mo. Nakalimutan kong balaan ang mga Insanes sa hide-out ko baka ubos na ang dugo ni Kisha." Tinalikuran na niya si Van.

"Ano'ng sabi mo?"

Napatigil siya sa paglalakad at hindi niya mapigilang mapangiti.

Ganyan nga, Van, magalit ka. Ipakita mo sakin ang tunay mong kapangyarihan.

"Ang sabi ko baka pinagpipiyestahan na ng mga Insanes ang katawan ng babaeng mahal mo."

Hindi na muling nagsalita si Van kaya naglakad na siya palayo pero napatigil siya sa paglalakad nang makaramdam ng isang malakas na pwersa na para bang pinipigilan siyang huminga. Gano'n din ang epekto nito sa lahat ng bampira sa hall, mapa-Insane man o hindi.

Dahan-dahan niyang nilingon si Van at napapalibutan ito ng malaking aura.

"Anong ginawa mo sa kaniya?!" sigaw nito at mas lalong nabasag ang mga salamin at nilipad ang mga gamit sa loob ng hall dahil sa malakas na pressure nang pagsigaw nito.

Hindi alam ni Victoria ang gagawin. Kahit ang boses ni Van ay nag-iba, na parang ibang tao ang kumokontrol sa katawan niya.

Naglakad si Van papalapit sa kaniya at bawat madaanan ni Van na gamit at tumalsik, maging ang tinapakan niyang simento ay nagkakaroon ng crack at crater. Naglalabasan na rin ang mga ugat sa mga kamay niya dahil sa sobrang pagkakakuyom ng kamao. Bumabaon ang mga kuko niya sa palad hanggang sa magdugo ito.

Nilapitan siya ng ibang mga bampira para pigilin siya pero isang tabig lamang nito gamit ang kamay niya ay tumatalsik na ito. May ibang nasusugatan, ang iba ay namatay. Nakakatakot si Van ngayon kaya wala na ulit nagtangka pa para pigilan siya.

Hindi niya inaakalang ganito kalakas si Van lalo na kapag nagagalit.

"V-Van, hindi namin kinukuha si Kisha!" Umatras si Victoria ngunit mabilis na nakalapit sa kaniya si Van.

"Sinungaling ka!"

Sinampal niya si Victoria at tumalsik ito na halos umabot na sa mataas na kisame ng hall at bumagsak siya sa isa sa mga lamesa. Bago pa siya makatayo ay hinawakan na ni Van ang leeg niya at ibinitin siya sa ere habang sakal ang leeg niya. Hindi niya inaakalang magiging ganito ang kahihinatnan ng pagbabalik niya.

"Papatayin kita!" Ang malalim at mala-halimaw nitong boses ay siyang nagpadagundong sa buong hall. "Dudurugin kita!"

Itinaas ni Van ang isa niyang kamao at handa na niyang suntukin si Victoria. Gusto niyang ipalasap dito ang tunay na sakit. Handa na si Victoria sa kung anong mangyayari kaya ipinikit na lamang niya ang kaniyang mga mata.

Hinantay niya ang masakit at makabasag bungong suntok ni Van pero hindi iyon dumating. Sa halip, may narinig siyang pag-iyak ng isang babae. Nakita niya si Kisha na nakayakap mula sa likudan ni Van at unti-unti siyang binibitawan nito na para bang isa siyang lion na napaamo ng kanyang amo.

"Tama na, please. Madami nang nasasaktan," pagmamakaawa nito. "Please, Van, calm down."

HINDI ko man lang namalayan na hinila na ako ni Klint palabas sa hall nang magsimulang magkagulo. "Si Van!" Tatakbo na sana ako pabalik sa loob pero pinigilan ako ni Klint.

"Delikado sa loob, Kisha! Hindi ka puwede roon!"

Nagpumiglas ako sa hawak niya. "Pero si Van! Hindi mo alam kong paano siya magalit! Kailangan ko siyang puntahan!"

Umiling si Klint, kitang-kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha. "Kaya na niya 'yon at isa pa, malakas si Van. Hindi mo na kailangang makisali sa gulo dahil masasaktan ka lang. Kanina pa nga lang ay hindi ka na makagalaw, paano pa kung magpunta ka roon?"

Hindi na ako nakipagtalo pa at naghintay na lang. May punto siya. Kapag pumasok ako muli sa loob na puno ng Insanes at mga bampira na naglalaban ay baka mas lalo lang akong mapahamak. Siguradong mas lalong mag-aalala sa 'kin si Van.

Makalipas ng ilang minutong paghihintay ay dumating si Jack. Hingal na hingal siya at mukhang takot kaya mas lalo akong kinabahan.

"Kisha, si Van! Hindi na naming siya mapigilan! Madami na siyang nasasaktan at napapatay na kalahi namin. Wala kaming magawa para patigilin siya."

Tumakbo na ako kaagad papasok sa hall at hindi ko na pinakinggan pa ang bawat pagsigaw nina Jack at Klint para pigilan ako. Ang mahalaga ngayon ay ang mapigilan si Van sa kung anomang kaya niyang gawin.

Nang pumasok ako sa loob ng hall ay sinalubong ako ng isang malakas na pwersa na para bang humaharang sa aking paghinga pero pinilit ko pa ring makapasok. Tumingin ako sa buong paligid at sira-sira na nga ito na halos wala nang natira. Kagagawan lahat ito ni Van? Butas ang mga sahig, ang daming bubog na nakakalat sa sahig galing sa mga basag na bintana at ang mga gamit ay nakatilapon kung saan-saan. Napatingin naman ako sa direksyon kung saan nakatayo si Van habang sakal sakal si Victoria.

Nanlaki ang mata ko ng itinaas ni Van ang isa niyang kamao at handa nang suntukin si Victoria pero bago pa niya magawa iyon ay tumakbo na ako papunta sa kaniya at niyakap ko siya mula sa likudan niya. Hindi ko na mapigilang umiyak dahil ibang-iba siya sa Van na kilala ko.

"Tama na, please," pagmamakaawa ko sa kaniya. "Madami nang nasasaktan. Please, Van, calm down."

Naramdaman kong humina na nang humina ang pwersang nanggagaling sa kaniya. Bumagsak ang kamay niya sa kaniyang tagiliran nang bitawan niya si Victoria.

Hindi ko inalis ang pagkakayakap ko sa kaniya hanggang sa mapaupo kami sa sahig. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. Nang humarap siya sa 'kin ay siya naman ang yumakap sa 'kin nang mahigpit.

"I'm sorry. I made you see that side of me again. I'm really sorry."

Humikbi lang ako sa kaniyang balikat habang pinapanood na umalis si Victoria.

"Si Victoria..."

Tatayo na sana siya pero kaagad ko siyang pinigilan. "Hayaan mo muna siya, please? Intindihin natin ang mga nadamay at nasaktan, Van."

Tumango lamang siya at hinalikan ako sa noo.

"You still owe me an explanation," I want to know what happened between him and Victoria. Bakit gano'n na lang ang galit niya kay Van at sa buong vampire clan.

"I'll tell you everything kapag naayos na ito."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com