Chapter 13
Chapter 13
The Vampire Hunter
Sunod-sunod ang pagputok mula sa baril ni Cross Falcon, ang Vampire Hunter. Kasalukuyan niyang hinahabol ang Insane na nambiktima na naman. Hating-gabi na pero nasa madilim na kalsada pa rin siya na halos wala ng tao at sasakyan na nadaan. Humahangos siya sa pagtakbo dahil sa paghabol sa Insane hanggang sa ma-corner niya ito sa isang madilim na eskinita.
Itinapat niya ang kaniyang baril dito at 'agad itong pinaputok pero nakailag ito. Nagulat na lamang siya nang sumugod ito sa kaniya at iniwasan niya ang kaniyang kamay para kalmutin si Cross. Hindi niya namalayan na nasugatan pala siya sa pisngi at tumulo ang dugo mula rito.
"Shit!" Maaamoy ng ibang Insane ang dugo at siguradong magpupuntahan sila ngayon dito. Kapag minamalas nga naman, iisang baril pa man din ang dala niya. Akala niya ay magiging madali lang ang gabing ito para sa kaniya pero nagkamali siya. Nagsisisi siyang hindi siya nakapagdala ng madaming armas.
Gaya ng iniisip niya, nagsidatingan na nga ang mga Insane at sa hindi inaasahang pangyayari ay hinawakan siya nito sa magkabilang braso. Nagpupumiglas siya pero lalong dumami ang mga Insane sa paligid at humawak sa kaniya. Wala na talaga siyang kawala.
"Get off me! Fuck it!" He growled pero hindi naman naiintindihan ng mga Insane ang sinasabi niya. Kahit ano'ng gawin niya ay hindi siya nito pakakawalan.
Nagpumiglas siyang muli at naalis ang pagkakahawak ng mga ito sa isa niyang braso at ginawa niya itong pagkakataon upang kuhanin ang kaniyang dagger. Sinaksak niya ito sa ulo ng Insane na nakasampa sa likudan niya pero bago pa niya masaksak ang iba ay nahawakan na naman ang braso niya kaya sa huli ay siya na rin ang sumuko.
Sa ilang minutong pagpupumiglas niya ay naramdaman niya ang paglamig ng paligid na hindi naman niya naramdaman kanina lang. Narinig niya ang yabag ng sapatos na para bang nakasuot iyon ng high heels hanggang sa tumapat ang ilaw sa mukha ng isang babae.
"Vampire Hunter." Malamig ang boses na ito na nagdala ng kilabot sa buo niyang katawan.
"Victoria Cray," nasambit na lamang niya. Hindi niya inaakala na buhay pa ito. Ang alam niya ay patay na nga ito. "Anong kailangan mo sa 'kin?"
Tinapatan niya ang intensidad ng tingin nito sa kanya. Para bang nabalot ng yelo ang buong paligid dahil sa lamig ng titigan nilang dalawa.
Ngumiti ito sa kanya. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, gusto kong makipagtulungan ka sa akin. Patumbahin natin si Van Walker."
He smirked. Ganoon pala ang gusto niya? Bakit pa kailangang makipagtulungan sa kaniya? Kayang-kaya na niyang talunin si Van na hindi humihingi ng tulong kahit kanino. Hindi niya kailangan ng tulong sa isang bampira. Hindi siya tanga para makipagtulungan sa halimaw na kinamumkuhian niya.
"Isang bampira humihingi ng tulong sa isang Vampire Hunter?" Tumawa siya na may halong pang-uuyam. "Hindi ako makikipagtulungan sa 'yo dahil kaya kong gawin iyon mag-isa. Kung natatakot ka kay Van, gumawa ka na ng sarili mong hukay at doon ka na lang habangbuhay."
Mas lalong lumamig ang paligid at nakita niyang pumula ang mga mata nito dahil sa galit.
"Lapastangan ka! Sinong natatakot?! Hindi ako natatakot sa bampirang iyon!" dumagundong ang boses ni Victoria sa buong lugar. "Kung ayaw mong makipagtulungan sa 'kin, hayaan mong bigyan kita ng maliit na parusa." Lumapit siya kay Cross at unti-unti nitong ibinaba ang mukha niya sa leeg nito.
Pinagpapawisan si Cross at nagsimula muli siyang magpumiglas pero mas madaming Insane ang pumipigil sa kaniya. Hindi niya alam ang gagawin hanggang sa maramdaman niya ang pagbaon ng matatalas at mahahabang pangil nito. Sinisipsip na ni Victoria ang kaniyang dugo. Akala niya ay katapusan na niya pero 'agad na lumayo si Victoria at pinunasan ang bibig niyang may dugo.
"Masiyahan ka sana sa munti kong regalo, Vampire Hunter."
Biglang nagdilim ang kaniyang paningin at bumagsak siya sa malamig na semento. Ang huli lang niyang narinig ay ang pagtawa ni Victoria.
NAGISING ako sa sarili kong kwarto at naabutan ko si Felix at Harry na nakabantay sa akin. Sila ay mga vampire hunter din na katulad ko. Napahawak ako sa leeg ko at meron na ito ngayon benda. Nakagat nga pala ako ni Victoria, ang pinagtataka ko lang ay kung bakit hindi niya ako pinatay.
"Mabuti at nagising ka na," sabi ni Felix at lumapit sa kama. "Buti na lang at nakita ka namin ni Harry kaninang madaling araw habang naglilibot kami. Ano ba'ng nangyari?"
Inalala ko lahat-lahat ng nangyari sa akin kagabi. Sinabi ko sa kanila lahat ng nangyari. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko maintindihan si Victoria. Naguguluhan ako sa kaniya at hindi ko alam pero nababagabag ako sa kagat niya.
"Hindi mo ba alam ang isang abilidad ng mga Cray?" Napatingin ako kay Harry na seryoso na ngayong nakatingin sa akin. I don't know but I felt something different in me. Something has changed.
"I don't know," sagot sa kaniya.
"Baka ngayon ay kalat na ang venom sa buo mong katawan Cross pero ipagdasal nating hindi ka maapektuhan. Ang isa sa mga abilidad ng mga Cray ay ang gawing bampira ang mga taong nakakagat nila kaya natatakot kami para sa 'yo."
Parang nabuhusan ng malamig na tubig ang buo kong katawan. Kaya ako nanatiling buhay ngayon ay para ubusin ang lahi ng mga bampira tapos malalaman ko na lang na magiging isa ako sa kanila?! That's bullshit!
"Hindi 'yun pwedeng mangyari! That's...imposible!" Tinanggal ko ang kumot ko at tumayo. Hindi puwede 'to. Pumunta ako sa banyo at tiningnan ang sarili ko sa salamin. I don't want to be one of them! Kapag nangyari man 'yun, si Victoria ang una akong papatayin! I'll wring her neck and cut her head off!
Tinanggal ko ang bandage sa leeg ko at nagulat na lamang ako ng unti-unting nawala ang sugat sa leeg ko hanggang sa parang walang nangyari.
This....can't be happening to me.
PUMASOK pa rin ako sa eskwelahan kahit lutang ako. All I want is to cuss and cuss and cuss and–
"Hi, Cross!"
"What the hell?!" Napatalon ako sa gulat nang may biglang sumigaw sa tainga ko.
Nakita ko ang isang babae na nakangiti sa akin na akala mo'y mapupunit na ang pisngi niya. It's Kisha. She's the only one who can pester me early in the morning.
"Magugulatin naman nito!" Pabiro niyang sinuntok ang balikat ko.
"Smidget," mariing sabi ko sa kanya. Wala akong ganang maging kaibigan niya ngayon kaya mas maigi nang malaman niya nang mas maaga.
"Giant." She smirked. "Ang sungit mo na naman sa 'kin, Cross!"
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad habang nakasabay lang sa 'kin ang smidget na 'to. Ang lakas-lakas ng boses ang liit-liit naman.
Nauna siyang maglakad papuntang cafeteria habang nagha-hop pa. Himala yata at hindi nakabuntot sa kaniya si Van na parang aso. Naiirita talaga ako sa pagmumukha ng lalakeng 'yun. Magagantihan ko rin siya dahil sa ginawa ng mga magulang niya sa mga magulang ko at sa nag-iisa kong kapatid. Ang tanging gagawin ko muna ay makuha ang loob niya.
Sumunod naman ako kay Kisha at sumabay sa kaniya sa pila. Mukhang hindi niya ako napapansin at napansin niya lang ako nang umupo ako sa tapat niya.
Nanlaki naman ang mata niya sa gulat. Nakakagulat na ba ang pag-upo ko sa tapat niya? Am I that good-looking that it's so shocking?
"C-Cross? Bakit ka nandito?"
"You tell me we're friends, birdbrain," I said to her. Wala siyang kasabay kumain kaya sasabayan ko na. And this is a part of having her back...to us.
" Talaga? Friend na kita?" Napangiti na lang ako ng palihim nang makita ang reaksyon niya. She's still the same and it's a good sign.
"I don't want to repeat it. You heard it right," masungit kong sabi sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko siya patutunguhan dahil mga bata pa lang kami nang huli kaming nagkasama kaya hindi na niya ako matandaan.
She pouted. "Ang sungit talaga nito." Kalaunan ay ngumiti rin siya. "Uhmm...Cross? Vampire Hunter ka ba?" pagtatanong niya sa 'kin.
"Yes," walang alinlangang sagot ko sa kaniya.
Natahimik siya at hindi na muling nagsalita. Hindi ko na siya tiningnan dahil alam kong nag-iisip siya. Alam ko namang hindi ako ang kakampihan niya kapag sakaling magkatapat-tapat na. At 'yun ang isang bagay na dapat kong tanggapin ngayon pa lang.
"Puwede pa rin ba kitang maging kaibigan kahit...." kahit na may mahal kang bampira?
"Ikaw na rin ang nagsabi, kaibigan mo na ako kaya ano pa ang gusto mong sabihin? Bakit? Ayaw mo ba akong maging kaibigan?"
"H-Hindi naman sa gano'n! Masaya nga ako, eh. Alam ko naman kasing mabait ka at saka mapapagkatiwalaan, wala ka naman sigurong gagawing bagay na ikasasama ko at ang ikasasama ng pakiramdam ko di ba?"
Ikasasama niya at ng pakiramdam niya? Hah. Ang tinutukoy niya yata ay si Van. Ang akala niya yata'y hindi ko alam na bampira si Van. Hindi ko maipapangako sa kaniya na hindi ko sasaktan si Van kahit pa magkaalaman na. Magbabayad ang kailangang magbayad. Hindi puwedeng habangbuhay na lang silang may utang at kailangan ko ring maningil. Walang libre sa mundong 'to kaya kailangan nilang magbayad.
Napatingin ako kay Kisha na nakangiti habang kumakain. I know that I'm not the one who's making her smile like that and it's sad because I used to be her savior. And now it ends up that bastard vampire is the one that's making her happy.
Kailan kaya dadating ang panahon na ako naman ang magpapangiti sa 'yo?
Tumayo na ako at umalis nang hindi nagpapaalam sa kaniya. Nadinig kong tinatawag niya ako pero hindi ko siya nilingon.
Mababawi rin kita. Hindi man sa ngayon pero sa ibang pagkakataon.
ANG hirap talagang ka-bonding ni Cross! Inubos ko na lang ang pagkain ko at pumunta na sa parking lot kung saan naghihintay sa 'kin si Van. Nabanggit niyang muli naming pupuntahan si Lolo Gallian kaya pagkatapos ng klase ko'y napagdesisyunan naming magkita.
Nakasandal siya sa kaniyang kotse habang hawak ang cellphone. Seryoso ang kaniyang mukha pero nang iangat niya ang kaniyang tingin at nang makita ako'y lumiwanag ang kaniyang mukha. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.
Nang makalapit ako sa kaniya'y niyakap niya ako nang mahigpit.
"Matagal ka bang naghintay?" tanong ko sa kaniya.
Pinaulanan naman niya ng halik ang aking pisngi. "Nope, kadadating ko lang. At kung hindi man, I don't mind waiting. Alam kong kumakain ka pa sa ganitong oras, eh."
"Let's go?" pagyaya ko sa kaniya para hindi kami abutin ng dilim sa daan. Mahaba-habang biyahe rin ang tatahakin namin para makarating sa bahay ni Lolo Gallian.
Habang nasa biyahe ay sumagi sa isip ko si Victoria. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako binibigyan ng eksplenasyon ni Van. Bahagya akong humarap sa kaniya. "Van, you said you'll explain what happened between you and Victoria."
Nakita kong humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Hindi ko alam kung anong namagitan sa kanila noon at alam ko ring hindi ako ang unang babaeng minahal ni Van pero ang malamang may mas nauna sa 'kin ay nagbibigay sa 'kin ng 'di ko maipaliwanag na pakiramdam. Naninikip ang aking dibdib. Ito ba ang tinatawag nilang selos?
"There wasn't anything going on between me and Victoria before, believe me," sagot niya. "Gusto niya lang ako dahil mabibigyan ko siya ng magandang posisyon sa vampire clan. She wanted to reclaim her standing in the hierarchy. And now she's back for revenge. Gusto niyang palitan ang pagiging leader ko. Gusto niyang magharing muli ang Cray."
Nakahinga ako nang maluwag sa naging sagot niya. Akala ko'y may namagitan sa kanila noon.
Nadinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Don't worry, I never liked her."
Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa labas ng bintana.
For some reason, I can feel pity for her. Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mukha nang makita ko siya. Pero hindi ko magawang kaawaan siya ng tuluyan dahil ilang beses niyang pinagtangkaan ang aking buhay. Kung anoman ang gusto niyang mangyari, sana'y hindi siya magwagi. Napakadami nang nadadamay dahil sa ginagawa niya.
Sa haba ng biyahe at sa ilang oras na pag-iisip, nakatulog na lang ako.
NAKARATING na rin kami sa wakas ni Kisha sa bahay ni Lolo Gallian. As usual, naabutan na naman namin siyang nanonood ng porn. Syempre, sino ba naman ako para hindi makinood?
"Lo, tingnan niyo 'yang lalake, mas magaling ako dyan!" sabi ko kay Lolo habang pareho kaming namumula dahil sa pinapanood namin. Buti na lang at nasa kusina si Kisha at nagluluto kundi kanina pa ako nabatukan no'n.
"Ang yabang mo naman, apo! Aba! Nu'ng kapanahunan ko, madami ring nagkakandarapa sa 'kin!" pagmamayabang niya sa 'kin. Lolo ko talaga siya, manang-mana sa 'kin. "Alam mo bang ang tatay mo naman ang tirador ng mga virgin na bampira noon? Ayaw niya raw kasi ng mga may experience!"
Napahagalpak ako ng tawa dahil sa kaniyang sinabi.
"Pero isang babae lang talaga ang nagpatibok ng puso niya, ang Mom mo na may experience naman sa mga ganyang bagay. Ang nanay mo naman ang pinaka-attractive na bampira noon at na-challenge ang ama mo kasi akala niya pa-hard-to-get na virgin ang mom mo pero nu'ng may nangyari na sa kanila saka niya nalaman na hindi na pala ito virgin pero imbis na magalit ay mas lalong nahulog ang loob ng Dad mo sa Mom mo."
Pinakinggan ko lang si lolo habang nagkekwento. Wala akong gaanong alam sa mga magulang ko kaya natutuwa ako na makarinig ng kwento tungkol sa kanila.
Narinig ko na lang na papalapit na si Kisha kaya 'agad kong pinatay ang TV at humarap kami ni Lolo sa lamesa na parang walang nangyari. Patay malisya lang.
"Nakapagluto na ako, kumain muna kayo bago kayo magsanay."
Kumain lang kami at hindi namin napansin na nakalapit na pala si Kisha sa TV.
"Ano kayang palabas ngayon?"
" 'Wag!" sabay na sabi namin ni Lolo pero huli na ang lahat, nabuksan na niya ang TV.
Muling nagplay 'yung pinapanood namin kanina at pareho kaming natigilan ni Lolo. Dahan-dahang lumingon sa amin si Kisha na kulang na lang ay mag-apoy ang mga mata sa galit. Mas nakakatakot pa siya kaysa mga Insane na kumakalat tuwing gabi.
"Van Rei Isaac Fenier Walker! Ano'ng sabi ko sa 'yo?!"
"N-Na hindi na ako manonood niyan." Napakamot na lang ako sa aking ulo at napaiwas ako ng tingin sa kanya. Lagot. Si Lolo kasi, eh!
She sighed. "It runs in the blood nga naman, bahala nga kayo riyan. Mag-training ka na at oras na mahuli pa kitang nanonood ng ganito lagot ka talaga sa 'kin. At saka 'pag manonood ka ng ganito siguraduhin mong hindi ko mahuhuli ha?" Tumango na lang ako at nagsaludo sa kaniya.
Tumawa naman si Lolo nung nakaalis na si Kisha papunta sa kwarto.
"Wala ka pala eh!"
"Tara na nga!"
NASA labas na kami ngayon at magkaharapan kami ni Lolo. Akala ko maglalaban kami pero nagulat ako nang umupo siya roon sa malaking bato habang naka-cross sitting position. Pumikit siya habang magkadaop ang kaniyang palad. Tiningnan ko lamang siya habang humihinga nang malalim na sunod-sunod.
Inimulat niya ang isa nyang mata at tumingin sa 'kin.
"Ano pa'ng ginagawa mo riyan? Umupo ka na sa bato sa likudan mo at gayahin mo ang ginagawa ko."
"Huh? Hindi ba tayo maglalaban?"
"Hindi madadaan sa pagmamadali ang lahat, Van. Kailangan nating magsimula sa simula hindi sa gitna kaya sumunod ka na sa gusto ko kung gusto mong mas lumakas lalo."
Sinunod ko na lang ang sinabi niya kaya umupo ako sa batuhan. Tinanggal ko muna ang damit ko at ginaya ang mga ginagawa niya. Ipinikit ko ang aking mata at huminga nang malalim ng paulit-ulit pero parang wala namang nangyayari kaya inimulat ko ang aking mga mata.
Nagulat na lang ako na nasa harapan ko na si Lolo at pinitik ng malakas ang noo ko na halos tumumba na ako sa kinauupuan ko. Hindi nga halata sa itsura niya pero ang lakas pa rin niya. Isang pitik lang sa noo ko parang titilapon na ako. Paano pa kaya kapag isang tampal lang? Baka kung saan na ako napunta.
"Bakit po ba?!"
"Hindi ganyan! Pakinggan mo ang sasabihin ko. May limang bahagi kung paano mo magagawang kontrolin ang kapangyarihan mo. Una, ang Gate of Felicity. Pangalawa, Gate of Melancholy. Pangatlo, Gate of Affection. Pang-apat, Gate of Agonizing. At panglima, Gate of Power"
"Para saan naman 'yang mga gate na 'yan?"
" 'Yan ang mga gate na bubuksan mo gamit ang isip mo. Lahat 'yan ay konektado sa pagkatao mo at kapag nabuksan mo ang limang gate ay ikaw na ang magiging pinakamakapangyarihan na bampira sa lahat kaya kung gusto mong makuha ang kapangyarihan na iyon ay kailangan na nating simulant."
Muli kong ginawa ang pinagawa niya sa 'kin kanina.
"Sundan mo lang ang sasabihin ko, isipin mo ang isang bagay na nagbibigay saya sa 'yo. Isipin moa ng mga panahong nakaramdam ka ng labis na kasiyahan at ang taong nagparamdam sa 'yo na may karapatan kang maging masaya kahit bampira ka."
Sinunod ko ang sinabi niya at unang pumasok sa isip ko ay si Kisha. Biglang may ay isang imahe ang lumabas sa aking utak. Nakita ko ang sarili ko na naglalakad patungo sa isang gate. Sobrang liwanag nito at ramdam ko ang saya na bumabalot dito. Ito na ba 'yung gate na sinasabi ni Lolo?
"Ngayon, Van. Isipin mo kung bakit ka masaya, sabihin mo ito ng malakas."
Nag-isip ako at tanging naisip ko na naman ay si Kisha.
"Masaya ako dahil kasama ko ang babaeng mahal ko. Masaya ako dahil kahit isa akong bampira na hindi nabibilang sa mundo ng mga tao ay nagkaroon ng dahilan kung bakit ako masaya. Si Kisha ang nagbibigay saya sa puso ko at dahil sa kaniya mas lalong tumatatag ang isip at puso ko. Sa kaniya ko natutunan kung ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng masaya at siya ang kaisa-isang dahilan kung bakit nandito ako sa mundong ito."
Pagkatapos kong magsalita ay nakita ko ang sarili ko na pumasok sa loob ng gate na iyon at biglang naging itim ang paligid. Inimulat ko ang aking mata at pakiramdam ko ay may nadagdag sa akin. Hindi ko lang alam kung ano pero parang may kung anong dumagdad sa katawan ko at gumaan ang puso ko.
Napatingin ako kay Lolo na halos lumaglag ang panga sa lupa at lumabas ang eyeballs niya. Bakit parang gulat na gulat siya? 'Di ba dapat masaya siya kasi natapos ko na 'yung isang gate? O mali ang nagawa ko? Hindi ba ako nagtagumpay?
"Lolo? Okay ka lang?"
"Hindi ako makapaniwala, Van, nagawa mong makapasok sa isang gate sa loob lamang ng isang oras?" hindi makapaniwalang sabi ni Lolo. "Alam mo bang halos lahat ng Legendary Vampire na nagsanay ay umabot ng isang taon bago makapasok sa isang gate?"
"Isang taon?!" Ngayon ay pati ako ay hindi na rin makapaniwala. "Bakit ang bilis lang sa 'kin?"
Napangiti si Lolo. "Marahil sa dalagang iniibig mo. Siya ang iniisip mo nu'ng mga panahong nagsisimula ka nang mapalapit, hindi ba?"
"Opo, siya nga lang po."
"Napakalakas ng impluwensya niya sa 'yo, marahil ay mahal mo nga siyang talaga," nakangiting sabi ni Lolo. "Binabati kita dahil nagawa mong buksan at pasukin ang Gate of Felicity, ang pinakaunang gate ng iyong pagkatao."
Napangisi ako. Gano'n lang naman pala kadali 'yon, eh. Akala ko naman mahihirapan ako.
"Ano na ang sunod?"
"Bukas na lang ulit dahil pahirap nang pahirap ang gate na papasukan mo kaya kailangan mong ihanda ang sarili mo." Tumalikod na siya at lumakad palayo.
"Teka, sagutin mo muna ang tanong ko. Ano pong sunod na gate ang papasukin ko bukas?" pahabol na sigaw ko kay Lolo.
"Gate of Melancholy," sabi niya at pumasok na sa loob ng bahay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com