Chapter 14
Chapter 14
The Second Gate
Para akong binugbog sa sakit ng aking katawan. Hindi ako kailanman natutulog pero dahil sa sobrang pagod ay hindi ko namalayan na buong gabi akong walang malay. Nagising na lang ako nang maramdaman kong marahan akong tinatapik ni Kisha para gisingin ako.
"Five more minutes, hm?" I whispered as I took her hand and kissed it.
"Okay pero sumunod ka na kaagad sa 'kin sa labas."
Muli akong pumikit pero hindi ko pinalampas ng five minutes dahil siguradong magagalit si Kisha. Strikto siya pagdating sa oras kaya hindi ako nahuhuli sa scheduled time na ibinigay ni Lolo para sa ensayo.
Lumabas na ako at hinanap siya. Nakita ko na lang siya sa likod ng bahay at nagdo-drawing na kung ano sa lupa gamit ang stick. Hindi muna ako lumapit sa kaniya, panonoodin ko muna siya. Napangiti na lang ako sa ginagawa niya.
Hindi rin ako nakatiis. Nilapitan ko na siya at tinabihan. Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang balikat. "Nakapagpahinga ka ba nang maayos?" tanong niya habang sapo ang aking pisngi. Ang lambot ng kamay niya at ang sarap sa pakiramdam.
Tumango ako. "Thank you for waking me up everyday." I appreciate all the things she's doing for me. 'Yung suporta niya sa lahat ng ginagawa ko ay abot hanggang langit. Wala na akong makikitang iba na katulad niya.
Nakadinig kami ng pag-meow ng pusa. Napatingin kami sa ibaba at nakakita kami ng isang pusa na grey ang kulay. Lumapit siya sa akin at ikiniskis ang katawan niya sa paanan ko. Binuhat ko siya at inilagay sa hita ko.
"Kanino kayang pusa ito?" Hinaplos ko ang malambot niyang balahibo at nilalaro naman niya ang isa kong kamay.
"Ang cute naman niya!" bulalas ni Kisha.
Ibinigay ko siya kay Kisha na tuwang-tuwa na ngayon. Pinagmasdan ko lang siya habang nilalaro 'yung pusa. Ang cute niya. Parang ngayon lang siya nakakita ng pusa dahil kitang-kita ko sa kaniya kung paano siya nag-e-enjoy.
"Jiji! Nasaan ka na?" Narinig namin si Lolo mula sa loob ng bahay na may tinatawag. Jiji? Sino si Jiji? May iba pa bang kasama si Lolo rito? At babae pa, ha. Naks naman si Lolo nagawa pang mang-chicks!
Iniwan ko muna si Kisha kasama 'yung pusa at pinuntahan ko si Lolo sa loob.
"Lo! Sino si Jiji ha? Chicks mo?" sabi ko habang sinisiko ang tagiliran niya at tinaas-baba ko pa ang kilay ko.
"Anong chicks? 'Yung pusa ko? Nasaan na?" Highblood naman 'tong si Lolo.
"Pusa? 'Yun bang medyo grey ang kulay?"
"Oo 'yun nga! Nasaan siya?"
Bago ko pa siya masagot ay nadinig namin ang sigaw ni Kisha.
"Lagot na!" sabi ni Lolo.
Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari pero nagmadali kaming lumabas para puntahan si Kisha. Nagulat ako nang makitang nakayakap siya sa pusa.
"Lolo! Van! Hindi kayo maniniwala rito!" sigaw niya at mukhang tuwang-tuwa pa siya. Ano bang nangyayari sa kanya?
"Gallian, ilayo mo ako sa babaeng ito bago ko pa makalmot ang mukha niya."
Nalaglag ang panga ko at nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Nagsasalita 'yung pusa? Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Lolo at doon sa pusang nagngangalang Jiji.
Kinuha na ni Lolo si Jiji at inilapag sa lupa. Mukha namang nalugi si Kisha dahil inilayo kaagad sa kanya si Jiji.
"Teka, Lolo, bakit nakakapagsalita 'yang pusang 'yan?!"
Imposible talaga, eh! Ngayon lang ako nakakita ng pusang nagsasalita. What the hell?! Tiningnan ko muli 'yung pusa na dinidilaan na ngayon ang kamay niya. Mukha naman siyang normal na pusa. Nagulat na lang ako ng tumingin siya sa 'kin at nag-iba ang kulay ng mata nito. Naging kulay violet.
"Si Jiji. Jisherei ang tunay niyang pangalan. Siya ang guardian ng mga naging Legendary Vampire. Naninirahan siya sa kagubatan at nagbalik siya rito para maging guardian mo. Ilang libong taon na siyang nabubuhay at siya ang kaisa-isang guardian ng mga legendary. Kung titingnan mo ay parang normal lang siyang pusa pero nagkakamali ka, may isa siyang kapangyarihan at 'yun ay ang protektahan ka," mahabang paliwanag ni Lolo.
"Seryoso ka ba, Lolo? Yang pusang 'yan? Proprotektahan ako?"
"Huwag mong maliitin ang kakayahan ni Jiji."
"Hayaan mo, Galiian, ipapakita ko sa kaniya ang kaya kong gawin."
Pinanood lang namin si Jiji. Muling naging kulay violet ang mga mata niya. Inilabas na rin niya ang mga kuko niya na kulay violet din at humaba ang pangil niya pero ang mas nakakagulat ay ang paglaki niya. Akala ko magiging kasing-laki siya ng aso pero mas malaki pa, sing-laki na siya ng isang full-grown na oso at may violet din na aura na pumaligid sa kanya.
Itinapak niya ng malakas ang isa niyang paa at naggawa ito ng isang malalim na hukay.
"Ano? Naniniwala ka na?"
"Wow! Pwede ba kita sakyan Jiji?" amaze na amaze na tanong ni Kisha.
Hindi ko alam kung ngumingiti ba ang pusa pero ngayon alam ko na kasi kita ko kung paano tumaas ang magkabilang gilid ng labi ni Jiji na mas lalong naging daan para lumabas ang mahaba at matulis niyang pangil.
"Oo naman."
"Yes!" Sumampa na si Kisha kay Jiji at lumakad na siya palayo. Pinanood ko lang sila hanggang sa makalayo sila sa amin.
Tahimik lang ang paligid at ina-absorb ang lahat ng nangyari ngayon lang. Pusa...lumaki...may aura...may violet na mata...
"Lolo naman!" sigaw ko nang batukan ako ni Lolo.
"Kung ano-ano pa ang iniisip mo. Simulan na natin ang training."
MALAYO ang aming tinahak makarating lang sa talon. Dito kami magte-training dahil sa bawat gate ay may specific na lugar ng pag-e-ensayuhan namin. Ngayon pa lang nag-iisip na ako ng mga bagay na nagpalungkot sa 'kin pero wala talaga akong naisip. Mga mabababaw na bagay lang naman ang dahilan ko kapag nalulungkot, eh, isa na doon kapag nauubos ang moisturizer ko. 'Yun lang.
At isa pa pala, kapag hindi ako nakaka-score kay Kisha. Hindi kasi puwedeng hindi alagaan ang mukha ko, eh, alam niyo naman na madalas akong mapasabak sa labanan kaya hindi talaga puwedeng magasgasan ang makinis kong mukha kaya kailangang pangalagaan.
Nakarating na kami sa falls pero wala pa rin akong maisip. Doon sa tubig na bumabagsak mula sa itaas, sa gitna noon ay may malaking bato. Para ang sarap umupo roon.
Hinubad ko na ang damit ko pati na rin ang pantalon ko kaya naka-boxer na lang ako. Mas masarap maligo kapag ganito. Tatalon na sana ako nang pigilan ako ni Lolo.
"Teka,"pagpigil niya sa 'kin. "Hinay-hinay lang." Akala ko kung anong importante ang gagawin niya pero naghubad siya. 'Yung hubad talaga na halos wala ng natira sa kaniya!
"Lolo naman! Magbrief ka nga man lang! Kadiri 'to!"
"Bakit ba? Anong masama rito? Maganda naman ang figure ng katawan ko," sabi niya habang pinapakita ang muscles sa braso niya.
Nilimot ko ang brief niya at ibinato sa mukha niya. "Magbihis ka na, Lolo. Kahit ano'ng gawin mo, wala kang muscles."
Lumusong na ako papunta roon sa malaking bato at umupo ulit ng nakacross leg. Tumatama na ngayon sa 'kin ang tubig mula sa itaas. Malakas man ang impact sa 'kin pero masarap sa pakiramdam. Ipinikit ko ang aking mata at nag-concentrate.
"Tama 'yan, Van. Hayaan mong lamunin ng kapayapaan ang puso at isip mo. Ngayon, may nakikita ka na ba?"
Hindi ako sumagot at muling nag-concentrate. Lumabas na ulit ang imahe ko na kaharap ang isang gate. Kulay violet ito at hindi gaya ng unang gate na mararamdaman mo ang saya. Sa gate na ito, ramdam mo 'yung lungkot na bumabalot dito na para bang pati ako ay nahahawa sa kalungkutan nito.
"Isipin mo lang ang mga bagay na nagdala ng kalungkutan sa 'yo. Kailan ka ba nalungkot? Sino ang may dahilan kung bakit ka nalulungkot?"
"Paano kung wala naman talagang bagay na nagpalungkot sa 'kin noon?!" tanong ko kay Lolo habang hindi pa rin inimumulat ang mga mata ko.
"Van, bampira ka man o tao, nakakaramdam tayo ng lungkot. Hindi ka bampira kapag hindi ka nalulungkot. Isipin mong mabuti at pakiramdaman mo ang sarili mo, siguradong nakatago lamang 'yan sa puso mo."
Ginawa ko nga ang sinabi niya at maya-maya pa ay may isang alaalang nagbalik sa akin.
"Van, mahal kita," sabi sakin ng kaisa-isang babae na nag-alaga sa 'kin.
Bata pa lang ako ay namatay na ang mga magulang ko na hindi man lang sila nakikila. Siya na ang nag-alaga sa 'kin at nagpalaki sa 'kin. Para siyang anghel. Maganda siya, parang musika ang boses niya at higit sa lahat ay napakabait niya. Siya na ang tumayong ina sa 'kin.
"Mahal din kita, Mama." Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti sa kaniya.
Isa siyang tao. Delikado para sa kaniya na mapalapit sa isang katulad ko pero hindi niya iyon pinansin. Sa halip ay nanatili pa rin siya sa tabi ko at hindi niya ako iniwan. At nasisigurado kong hindi niya 'yun gagawin kasi mahal niya ako.
"Kapag nawala ako, 'wag kang iiyak, ha? Lagi mong tatandaan na kapag napalayo ako sa 'yo, mananatili pa rin ako sa puso mo."
Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. Sa isang 7-year old na katulad ko, ano'ng magagawa ko para protektahan siya?
"Bakit ka naman ganyan magsalita, Mama? Hindi mo naman ako iiwan, 'di ba?"
Parang may kumirot sa dibdib ko. Nakaramdam din ako ng lungkot. Nalulungkot ako dahil parang pinapahiwatig na niyang iiwanan niya ako. Ayoko siyang mawala sa 'kin. Siya na lang ang tanging kakampi ko sa malungkot na mundong 'to. Siya ang nagparamdam sa 'kin na ang isang bampirang katulad ko ay may karapatan pang mamuhay ng payapa at masaya. Siya ang unang taong nagturo sa akin na masarap mabuhay kahit pa naiiba ako.
Tumulo ang luha sa mga mata niya. "Van, walang permanenteng bagay sa mundo. May umaalis, may dumadating. Sa pagkakataong ito, kailangan kong–"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil bigla na lamang lumabas ang dugo sa bibig niya at bumagsak siya sa bisig ko. Napuno ng dugo ang kamay ko. Tiningnan ko kung sino ang gumawa nito sa kanya.
Isang lalake na may hawak na baril. Isang Hunter.
"M-mama..." Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha ko. Nakatingin lang ako sa lalakeng gumawa nito kay Mama. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam ang gagawin ko. Lumakad palayo ang lalake pero may isa akong nakitang palatandaan. Magagamit ko iyon para balikan siya, isang rose tattoo sa batok niya.
"Magaling Van," rinig kong sabi ni Lolo at nakita ko ang aking sarili na pumasok sa loob ng gate na iyon pero hindi ko maintindihan dahil hindi pa rin ako bumabalik sa realidad. Hinihintay kong magdilim ang paligid pero nananatili pa ring malungkot ang atmosphere.
"Van, hindi mo malalagpasan ng tuluyan ang gate kung hindi mo pakakawalan ang lungkot sa puso mo. Matagal itong nakatago sa puso mo at ngayong sariwa pa rin ito, kailangan mo itong pakawalan. Hindi puwedeng habangbuhay mong dala 'yan sa puso mo."
"Paano ko gagawin 'yon?"
Pakakawalan ang lungkot? Pakakawalan ko si Mama? Paano? Iniisip ko pa lang na iniwan na niya ako, sobra na akong nalulungkot. Mahal na mahal ko si Mama kahit hindi ko siya kadugo at kahit tao man siya. Ang hindi ko lang matanggap ay ang pagpatay sa kaniya ng isang hunter na sa alam naman nating lahat ay tao rin kagaya niya.
"Isipin mo siya, isipin mo ang mararamdaman niya kapag nalulungkot ka."
"Mama, bakit ganu'n? Parang natatakot sa 'kin 'yung mga kalaro ko? Bampira din naman sila, 'di ba?" tanong ko sa kaniya.
Lahat na lang ng lalapitan ko ay nilalayuan ako. Nalulungkot talaga ako kasi wala akong makalaro. Sinubukan kong maging mabait sa kanila pero hindi pa rin nila ako matanggap. Ano ba'ng masama sa 'kin? Wala naman akong ginagawang masama, ah?
Tumawa si Mama. "Kasi kapag nakikipaglaro ka sa kanila lalo na sa physical na laro pinapatalsik mo sila. Tanda mo ba noon noong naglaro kayo ng tulakan? Sobrang layo ng naabot ng kalaro mo dahil sa lakas ng tulak mo."
I pouted... "Mama, mahina pa nga 'yun, eh! Kasalanan ko bang malakas ako?" Kumandong ako sa kaniya at niyakap naman niya ako. "Nalulungkot ako kasi pakiramdam ko ayaw nila sa 'kin"
"Van, anak ko, 'wag kang malungkot. Hindi mo ba alam na kapag malungkot ka nalulungkot din ako? Minsan nga doble pa ng lungkot na nararamdaman mo ang lungkot na nararamdaman ko para sa 'yo kaya promise mo sa 'kin 'wag kang malulungkot dahil masasaktan ako. Hindi ako magiging happy kapag malungkot ka. Kahit ayaw nila sa 'yo. Nandito naman ako. Iwanan ka man o ayawan ka man ng lahat ng bampira at tao sa mundo, lagi mong isipin na may isa ka pang kakampi at ako 'yun."
"Mama, ibig sabihin dapat hindi ako malungkot?"
"Oo kasi nalulungkot din ako. Dapat palagi kang naka-smile."
Huminga ako nang malalim pagkatapos kong maalala ang lahat ng sinabi sa 'kin ni Mama. Ngayon alam ko na, handa na ako.
"Mama, sorry kung hindi ko natupad ang promise ko sa 'yo na hindi na ko malulungkot. Ngayon, tutupadin ko na para sa 'yo. Magiging masaya na lang ako para sa 'yo. Hindi man ako naniniwala sa Diyos ng mga tao, alam ko namang hindi ka Niya pababayaan. Ipapaubaya na kita sa Kanya. Pakakawalan na kita pero hindi ibig sabihin nu'n na iaalis na kita sa puso ko. Mananatili ka dito habangbuhay."
Nagdilim na ang paligid at naririnig ko na ang lagaslas ng tubig. Iminulat ko na ang aking mga mata at pakiramdam ko ay gumaan ang pakiramdam ko. Napangiti na lang ako at napatingin ako sa langit, alam kong nandoon lang siya at nakabantay sa 'kin.
"Salamat, 'Ma."
"Binabati kitang muli Van! Hindi ko talaga akalaing tapos na natin ang pangalawang gate sa isang araw lamang!" bulalas ni Lolo.
Tumayo na ako at nag-inat. Hindi ko namalayan na hapon na pala. Buong araw na pala kami rito.
"Van!" dinig kong sigaw ni Kisha na sakay pa rin sa likod ni Jiji. Mukhang enjoy na enjoy talaga siya. Umahon na ako at nilapitan siya. Inabutan naman niya ako ng tuwalya at napansin kong nakatitig lang siya sakin.
Ay, hindi pala. Nakatitig siya sa katawan ko.
"Enjoying the view?"
Nakita ko naman ang pamumula ng mukha niya. "M-Magbihis ka na nga!" Aalis na sana siya pero hinawakan ko ang braso niya at hinila ko siya palapit sa 'kin. Hinalikan ko siya sa kanyang labi.
"Aalis ka na kaagad na hindi man lang ako binibigyan ng vitamins?"
Ngumiti lang siya sa 'kin at siya naman ang humalik sa 'kin. Hinawakan ko ang ulo niya at pinulupot ko ang isang braso ko sa baywang niya. I bit her lower lip to have a full access on her mouth. Napatigil na lang kami nang magsalita si Jiji.
"Gross. Get a room please," sabi niya sabay walk out.
Nagkatinginan kami ni Kisha at sabay na napatawa. Sabay-sabay na kaming bumalik sa bahay para kumain ng hapunan.
"Anong sunod na gate, Lolo?" tanong ko habang pinagsasandok ng kanin at ulam si Kisha.
"Gate of Affection."
"Affection? Parang love?" tanong ko.
"Oo," simpleng sagot ni Lolo.
Mukhang mapapadali lang ang pagbubukas ng gate na 'yun. Tiningnan ko si Kisha na hinahaplos ang balahibo ni Jiji habang natutulog sa hita niya.
Gate of Affection, huh?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com