Chapter 15
Chapter 15
Digging the Past
"Kisha." Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Van sa 'king baywang.
Humarap ako sa kaniya. "Bakit?"
"Kisha," pagtawag niyang muli sa 'king pangalan na parang nagpapaawa.
"Bakit nga?" iritadong tanong ko sa kaniya.
Umupo ako sa kama at tiningnan siya. Bumangon na rin siya at tiningnan ako na parang tuta.
"Ano ba'ng gusto mo?" tanong ko kahit may pakiramdam na ako sa gusto niyang mangyari.
Mas lalo pa niyang nilungkutan ang itsura niya. Ang bampirang 'to talaga! Hindi ba siya napagod sa pagte-training niya?
"Hindi mo ba alam..."–pumikit siya nang mariin at humawak sa leeg niya bago muling magsalita–"...na parang sinasakal ako kapag napalagpas ko 'tong gabing 'to na hindi ka pa rin nagiging akin?"
Bakit ba kailangan niyang maging guwapo palagi?! He's too handsome to ignore! Ano ba'ng magagawa ko sa nilalang na 'to? Siya 'yung tipong hindi mo talaga matitiis. Tumingin ka lang sa mata niya para bang nakaka-hypnotize. Kapag naman tumingin ka sa mukha niya hindi mo na kaya pang ialis ang tingin mo sa sobrang guwapo niya at higit sa lahat, kapag nakita mo na 'yung katawan niya, hindi na uso ang salitang self-control!
Umupo na siya sa kama at nakatingin pa rin siya sa mga mata ko with his puppy dog eyes still on. So cute that I wanna pinch his cheeks!
"I'm not cute," seryosong sabi niya. "I'm hot." Binasa na naman niya ang isip ko. Buti na lang hindi niya nabasa 'yung una kong inisip.
"Okay, fine! Pero ayaw ko pa rin." Humiga na ako at nagtalukbong ng kumot.
Naramdaman ko na rin siyang humiga at yumakap mula sa likudan ko. Inalis niya ang kumot na nakabalot sa 'kin at hinalik-halikan niya ang batok ko. Ang lamig ng labi niya at nakakakiliti. Why are you making this hard for me? Damn it.
"If you don't want to do it then I understand," he said huskily. "But at least let me do this." Patuloy pa rin siya sa paghalik sa batok ko. He's making me crazy! Hinayaan ko lang siyang humalik sa batok ko pero maya-maya na naramdaman ko ang malalim na paghalik niya sa 'king balat. I'm afraid that it will bruise!
"W-What are you doing?" Hindi niya pinansin ang pagpa-panic ko at patuloy lang siya sa paggawa no'n. Iniharap niya ako sa kaniya at sa leeg ko naman niya 'yun ginawa. Hindi ko tuloy mapigilang mapaungol sa ginagawa niya. Ang landi talaga ni Van!
"Oh, my masterpiece is so appealing," sabi niya pagkatigil niya at talagang parang kumikinang pa ang mga mata niya. Ano kayang ginawa niya sa leeg ko?! Nakatingin pa rin siya sa leeg ko na para bang nakagawa siya ng isang napakagandang bagay. Teka, napahawak ako sa leeg ko. Masterpiece. Sucking my skin equals...hickey?!
Napabangon ako bigla at dumiretso sa banyo. Tiningnan ko ang leeg ko sa salamin.
"Van!"
Narinig ko ang tawa niya mula sa labas. Punong-puno ng hickey ang leeg ko at baka pati batok ko! Paano ko ngayon ito itatago? I wanna strangle him to death!
Lumabas na ako ng kwarto at nakaupo na siya ngayon sa kama na tawa pa rin nang tawa. He found this very amusing, huh? Lagot ka sa 'kin. May naisip akong magandang plano at sigurado akong sa planong 'yun makakaganti ako sa kaniya.
Lumapit ako sa kaniya at inilapit ko ang mukha ko sa kaya napatigil siya sa pagtawa. I smiled at him sweetly and he smiled back.
Inilapit ko ang mukha ko sa leeg niya at ginaya ko 'yung ginawa niya sa 'kin kanina. I heard him moan. I can't help but smirk. Sige, mag-enjoy ka. Tingnan lang natin.
Nilagyan ko pa siya ng marami sa leeg niya at lumayo na ako sa kaniya bago pa niya ako tuluyang mahalikan. Alam kong oras na mahalikan na niya ako sa labi baka hindi na ako makapalag. I smirked at him at 'yun mukha niya? Mukhang nalugi! Nabitin siguro.
I stick my tongue out and run towards the door pero bago pa ako makalabas ay nahawakan na niya ang braso ko.
Napasigaw na lamang ako at hinila niya ako palapit sa kaniya. Ang tanga ko talaga! Nakalimutan kong ang bilis nga pala niya! Arrgh! Fail.
"Not so fast." He fully claimed my lips.
The kiss was about to get deep when we heard a knock on the door.
"Apo! Tama na ang paglalampungan! Kakain na!" si Lolo G pala, na siya mismong nag-request na tawagin siyang Lolo G imbis na Lolo Gallian.
Hindi 'yun pinansin ni Van at binuhat niya ako papunta sa kama. Isang segundo pa lang nakahiga na ako at nakikipaghalikan sa kaniya. Patuloy pa rin sa pagtawag si Lolo G at pagkatok niya sa pinto pero ayaw pa ring papigil ni Van na para bang wala siyang naririnig.
"V-Van, si Lolo," sabi ko habang tinutulak-tulak siya. "Van!"
He cursed under his breath and stood up. Binuksan na niya ang pinto. Iniluwa no'n si Lolo G na kay lapad ng ngiti.
"Ano 'yang nasa leeg mo, apo? Chikinini? Kailan kaya ulit ako magkakaroon nyan? Alam mo bang noong kabataan namin ng lola mo nilagyan niya ako ng chikinini sa–"
"Shit!" Tinakpan ni Van ang bibig ni Lolo G. "Kailangan pa bang ikwento sa 'min? It's gross!"
Humagalpak ng tawa si Lolo G. "Ito naman, 'di mabiro! Ayaw mo bang malaman ang love story namin? Baka sakaling kiligin ka!"
Hindi pinansin ni Van ang sinabi ni Lolo. "Susunod na kami ni Kisha."
Hinampas-hampas niya ang balikat ni Van. "Nabitin ka 'no?"
"Isa pa, kukutusan na kita. Talagang kakalimutan kong kamag-anak kita."
"Oo nga pala, may niluluto pa ako! Ktnxbye!" Mabilis pa sa alas kwatrong umalis si Lolo. Ang kulit talaga niya.
Para hindi na kami kulitin nang kulitin ni Lolo ay sumunod na kami sa kaniya sa kusina. Naabutan namin si Jiji na nakasampa sa lamesa at kumakain sa isang bowl. Si Lolo naman ay nakaupo na at wagas na nakangiti sa 'min.
"Bago tayo kumain, may ipapakilala ako sa inyong bisita," excited na sabi ni Lolo.
"Sino naman 'yun, Lo?" tanong ni Van.
Ibinaba niya ang hawak niyang kutsara. "Cross! Pasok ka na!"
Cross? Hindi naman siguro si Cross na–
"Lolo! Ano'ng ginagawa n'yan dito?!" gulat na tanong ni Van. Nakaturo pa siya kay Cross na walang reaksyon na nakatingin kay Van. Maski ako ay nagulat. Bakit siya nandito? Vampire Hunter siya at bakit nga ba hindi ko naisip na baka alam na niya ang pagkato ni Van? Pinuno si Van ng mga bampira kaya may posibilidad na may alam siya tungkol dito.
"Nakita ko kasi siya kanina sa ibaba ng bundok habang nagjo-jogging ako. Balak niya yatang mamasyal kaya niyaya ko na lang siya rito para naman hindi na siya mahirapan sa tutulugan niya," paliwanag ni Lolo na parang walang clue kung sino si Cross.
"Hindi pa natin masyadong kilala ang lalakeng 'yan at bawal ang freeloader dito," mariin na sabi ni Van.
"Bakit? Ikaw ba hindi?" tanong ni Lolo. Kahit ako naiirita sa mukha ni Lolo, parang palagi na lang siyang nang-aasar.
Naihilamos na lang ni Van ang kamay niya. "Nandito ako kasi may mas malaki akong dahilan." Ibinaling niya ang tingin niya kay Cross. "Ikaw? Anong ginagawa mo sa bundok na 'to? Sinusundan mo ba kami?"
"I'm not following you. I even don't know this place so don't flatter yourself too much."
Nagtiim ang panga ni Van kaya 'agad kong hinawakan ang kamay niya. Hindi puwedeng magalit si Van sa harap ni Cross, baka makita niya ang kapangyarihan ni Van.
"Anong ginagawa mo sa lugar na 'to?" he said through gritted teeth.
"It's none of your business," sabi ni Cross at tuluyang umupo at kumuha ng pagkain niya, again wearing his poker face. Hindi na siya muling nagsalita at nagsimula na lamang siyang kumain.
Vanb clicked his tongue. Kumain lang kami ng tahimik at hinayaan na lang naming dumaldal si Lolo ng kung ano-ano. Natapos naman nang maayos ang pagkain namin. Well, maayos means sinasamaan ng tingin ni Van si Cross at palitan nila ng mga salita na masahol pa sa pakikipagbubugan.
Nauna na si Van papunta sa ibaba ng bundok kasama si Jiji dahil doon ang kaniyang training. Naiwan ako, si Cross at si Lolo. Lumabas muna ako ng bahay para puntahan si Lolo na nakaupo doon sa may bench. Kailangan ko siyang makausap tungkol kay Cross.
Tumingin lang siya sakin at ngumiti. Nakatingin lang siya sa malayo.
"Si Cross po kasi," panimula ko. "Vampire hunter po siya kaya parang mali pong nandito siya, natatakot ako para kay Van."
"Alam kong Vampire Hunter siya, hija. Kaya lang naman siya nandito ay para sa isang bagay na hindi ko puwedeng sabihin sa 'yo."
"Hindi ko kayo maintindihan."
Alam naman pala niyang Vampire Hunter si Cross, bakit hinayaan pa niyang mag-stay siya rito? Alam kong kaibigan ko si Cross pero hindi ko naman puwedeng i-risk ang kaligtasan ni Van kahit na mas lalo siyang lumalakas ngayon.
"Ang lahat ng nangyayari ngayon ay dahil sa propesiya, Kisha. Alam mo naman siguro ang tungkol doon, hindi ba? Kung anoman ang mangyari, wala na tayong magagawa dahil nakatakda na ang lahat at wala ng sinoman ang makakapagpabago pa rito."
Hindi na ako sumagot pa. Propesiya? Kung ganoon kabilang si Cross sa propesiyang sinasabi nila? Siguro nga tama si Lolo. Wala naman sigurong masamang balak si Cross ngayon. Alam kong mabait siya kahit na masungit siya.
"Hija, bababa na ako ng bundok para magtraining," paalam ni Lolo. Tumango na lamang ako bilang sagot.
Hinintay ko na lang si Cross na makalabas dahil nag-volunteer siyang maghugas ng pinggan.
Nang makalabas si Cross ay umupo siya sa tabi ko.
"Bakit ka nga pala nandito?" pagbasag ko sa katahimikan.
"Watching over you," sagot niya na hindi man lang tumitingin sa 'kin. He said it with a serious expression on his face that I didn't have time to think if he's joking or not.
"Why?"
Matagal bago siya nakasagot pero hindi 'yon ang sagot na gusto kong makuha mula sa kaniya. "You won't understand even if I told you."
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko na siya pinilit pa dahil alam kong wala akong makukuhang matinong sagot mula sa kaniya. Hindi siya katulad ni Van na mabilis magpadala sa mga gusto ko.
"Ouch!" Napahawak ako sa noo ko nang tapikin niya ito gamit ang malapad niyang palad. "Bakit ba?!" sigaw ko habang hindi inaalis ang aking kamay sa noo.
Kumunot ang kaniyang noo. "You're spacing out. We better go to your vampire boyfriend."
"A-Alam mo?"
"What do you expect? I'm a Vampire Hunter and that guy is the head of the Vampire Clan. Syempre kilala ko siya at alam ko ang pagmumukha niya."
Tumayo na siya at lumakad paalis. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. Hindi talaga imposibleng hindi niya alam na bampira si Van. Pero umasa ako na wala siyang ideya kahit papaano. Ngayong nagkaalaman na, ipinagdadasal ko lang na walang mangyaring masama sa pagitan nilang dalawa.
"Don't think too much. I won't do anything stupid to that bastard."
I'm pretty I heard him say for now at the end of his sentence but I chose not to pay attention to it. Wala na akong energy para magtanong pa. Napakadaming nangyayari sa isang araw, isa lang ako.
Pagkadating namin sa ibaba ng bundok ay 'agad naming nakita si Van na nakaupo sa damuhan at parang nahihirapan siya. Bakit kaya? 'Yung una at pangalawa namang gate hindi ganyan ang itsura niya.
Lumapit pa kami para marinig namin ang pinag-uusapan nila.
Iminulat ni Van ang mga mata niya at nagulat ako ng may mamuong luha rito at kita ko sa mata niya kung paano siya nasasaktan. Bakit? Ano'ng nangyayari? Gusto ko siyang puntahan at itanong kung ayos lang ba siya pero alam kong hindi puwede. Ayokong maging istorbo sa pagsasanay niya.
"Kailangan mo na siyang pakawalan, Van. Paano mo nasasabing may mahal ka ng iba kung sa loob ng puso mo may isa pang taong nakatali?" narinig kong sabi ni Lolo.
Sino ang tinutukoy nila?
Tuluyan nang naluha si Van. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak. "Hindi ko kaya. Hindi ko kayang pakawalan si Jullia. Mahal ko siya."
Parang biniak ang puso ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Pauli-ulit din ang mga katagang sinabi niya at ang pangalang binanggit niya na para bang naka-record na 'yun sa isipan ko.
"I can't let go of her," dagdag pa niya.
Ayaw kong makinig pero hindi ako makaalis. Ano ba'ng nangyayari sa 'kin? Nagpapakamasokista ba ako?
"Kung ganoon bakit mahal mo si Kisha? Minahal mo ba siya o panakip-butas lang?"
Napahawak si Van sa noo niya. "I don't know. What I know is...they are very similar and she reminds me of her."
She reminds me of her...
Minahal niya lang pala ako dahil sa kung sinoman ang babaeng 'yun? Dahil pareho kami? Kung ganoon sa lahat ng araw na magkasama kami hindi pala ako ang nakikita niya kundi ang babaeng sinasabi niya. Noong panahong ibinibagay ko ang sarili ko sa kanya, hindi ako ang iniisip niya? Panakip-butas lang pala ako. Ano pa'ng ginagawa ko rito?
Kinagat ko ang ibaba kong labi para hindi ako mapahikbi pero ang tanga lang kasi napahikbi ako. Nakita niya tuloy ako.
"K-Kisha," gulat na gulat na sabi niya. "N-Narinig mo?"
Tumitig lang ako sa kaniya. Ni hindi ko magawang umiyak sa sobrang sakit. Naipon lang ang luha sa 'king mga mata pero hindi ito pumapatak. Hindi ako nagsalita. Tumalikod na lang ako sa kaniya at tumakbo palayo hanggang sa mapagod ako.
Nang alam kong malayo na ako sa kanila'y saka ko ibinuhos ang lahat. Halos hindi ako makahinga sa paghikbi. Humawak ako sa aking dibdib. Gusto kong alisin na lang ang puso ko para maalis na lang din ang sakit.
"Stop crying. You look like shit," nadinig kong sabi ni Cross habang marahan niyang hinahaplos ang aking buhok.
Mas lalo akong napaiyak dahil sa sinabi niya.
"You didn't let him explain and now you're crying your eyes out. If you talk to him about what you heard, then you'll know the truth."
"Ano ba kasi ang totoo? May alam ka ba? Sino si Jullia?"
I tried to think about different scenarios but it all led to heartbreak. Kahit ano'ng isipin ko'y bumabalik lang ako sa sinabi ni Van na ibang babae ang naaalala niya 'pag ako ang kasama niya.
"Jullia," panimula ni Cross. He looked like he was also in pain but he masked it right away. "She was a human like us. Van fell in love with her but Jullia died because..."–umiwas siya ng tingin at huminga nang malalim bago nagpatuloy–"...because of him."
"What happened?"
Iniiling niya ang aking ulo. "It's better if he's the one who'll tell you all of this." Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa 'king ulo. "Kausapin mo siya kapag kumalma ka na." Bago siya umalis, hinalikan niya ang noo ko.
Pinanood ko na lang siyang lumakad palayo.
Naiwan akong nakatulala sa kawalan.
How should I deal with all this pain?
NAKAUPO ako habang nakatingala kay Lolo G. Naghihintay ako ng instructions para sa susunod kong training. Gusto ko na 'agad matapos ang training na 'to para makapunta na ako kay Kisha. Hindi puwedeng maiwan siya kasama ng Cross na 'yun.
"Ano ng aba ang sunod na gate, 'Lo?"
"Gate of Affection," sagot niya at umupo sa tapat ko.
Pumikit na ako at nag-concentrate gaya nang ginagawa ko noon. Nang makita ko na ang gate, iba na naman ang kulay nito. Kulay pula na ito ngayon.
"Ngayon, Van, isipin moa ng taong mahal mo at kung bakit mo siya nagustuhuan."
Napangiti na lang ako at una kong naisip si Kisha. Inisip ko 'yung una naming pagkakakilala, mga gabing nakakasama ko siya at nu'ng sinabi niyang mahal din niya ako. Unti-unti akong lumakad papalapit sa gate hanggang sa abot-kamay ko na ito.
"May kulang pa, Van, bakit mo siya nagustuhan?"
Biglang nagtalo ang isip at puso ko. Bakit ko nga ba siya nagustuhan? Dahil mabait siya, maganda siya, at iba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko. Pero bakit parang hindi ako kumbinsado?
Biglang may imahe ng babae ang lumitaw sa harapan ko. Noong una ay medyo blur ito pero unti-unti siya luminaw. Isang babae na kasingtangkad lang din ni Kisha, kapareho din ng kulay ng buhok niya, at nakangiti sa akin. Naalala ko na siya. Ang isang taong ibinaon ko na sa limot. Ang isang taong ayaw ko ng maalala pa.
Jullia...
Parehong-pareho sila ni Kisha. Mahal na mahal ko siya dahil kakaiba siya, tanggap niya kung ano ang katauhan ko pero pinatay ko siya. Ako ang may kasalanan kung bakit siya namatay.
"Ano ang dapat kong gawin?"
Hindi ko alam ang gagawin ko. Paano si Kisha? Ano 'tong nararamdaman ko? Mahal ko si Kisha dahil parehong-pareho sila ni Jullia.
Sinubukan kong hawakan ang kamay ni Jullia pero nabubura siya at muling babalik. Para siyang kaluluwa na hindi ko mahawakan.
Inimulat ko ang aking mata para pigilan ang mga alaalang nagbabadyang bumalik sa 'king isipan. Ayoko na ulit iyong maalala. Papatayin ako no'n sa sakit.
"Kailangan mo na siyang pakawalan, Van. Paano mo nasasabing may mahal ka ng iba kung sa loob ng puso mo may isa pang taong nakatali riyan?"
Pakawalan? Paano? Paano ko pakakawalan ang babaeng mahal na mahal ko? Pero paano na nga si Kisha? Mahal ko rin siya. Posible bang mahal ko sila pareho? Pero sino ang mas matimbang?
Napaiyak na lang ako nang maalala ko ang itsura niya noong namatay siya na ako ang kasama, na ako ang may gawa. "Hindi ko kaya. Hindi ko kayang pakawalan si Jullia. Mahal ko siya," nasabi ko na lang nang hindi nag-iisip. "I can't let go of her," dagdag ko pa. Ayaw ko siyang pakawalan.
"Kung ganoon bakit mahal mo si Kisha? Minahal mo ba siya o panakip butas lang?"
Napahawak na lang ako sa noo ko. Panakip butas ko nga lang ba si Kisha? Ang dami kong tanong sa sarili ko pero wala ni isang kasagutan sa mga 'yon.
"I don't know. What I know is they are very similar and she reminds me of her."
Bakit hindi ko namalayan? Na sa tuwing kasama ko si Kisha, ang totoo si Jullia ang naiisip ko. Nu'ng muntik ng mapahamak si Kisha, una kong naisip ay baka mapagaya siya kay Jullia at hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Biglang tumigil ang mundo ko nang marinig ang isang paghikbi at tumingin ako sa kung saan nanggaling 'yun. Parang biniak ang puso ko nang makita si Kisha na nakatingin sa akin at umiiyak.
"K-Kisha." Umiiyak siya dahil sa 'kin. "N-Narinig mo?"
Hindi siya sumagot pero pansin na pansin ko ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa kaniyang mga mata. Hindi ko na siya nagawang pigilan nang tumakbo siya paalis.
Naisabunot ko na lang ang kamay ko sa buhok ko. I shouted in frustration. I just lost two important people at the same time.
Tinapik ni Lolo ang balikat ko at umupo sa tabi ko.
"Sino ba talaga ang mas matimbang, apo?"
"Hindi ko na alam, Lolo." Para akong batang nagsusumbong sa magulang. Wala akong ibang malalapitan kundi siya lang. Siya lang ang natitira kong kadugo.
"Ito lang ang masasabi ko, hindi ba guilt lang ang nararamdaman mo kung bakit mo nasasabing mahal mo si Jullia? Hindi ko man alam ang buong kwento, pinapakita mong ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay si Jullia at hindi iyon maganda. Wala kang kasalanan."
"Madali lang sa 'yong sabihin 'yan, Lolo, dahil hindi ikaw ang kasama niya noong namatay siya. Pinatay ko siya, inubos ang dugo niya at namatay siya nang dahil sa 'kin."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com