Chapter Thirty-One: Forces in Between
Chapter Thirty-One: Forces in Between
Naglalakad si Savannah sa hallway ng building nila sa eskwelahan. Napuno na naman ng bulong-bulungan ang paligid nang makita siya ng mga estudyante. Umikot ang kanyang mga mata dahil sa mga inaasal ng mga ito. Kung makatingin kasi ang mga ito sa kanya ay para bang may ginawa siyang masama. Hindi naman niya balak pumunta dito ngayong araw dahil hindi pa naman tapos ang kanyang training pero pinapunta kasi siya ng kanilang principal para daw mag-report. Ano namang ire-report niya? At isa pa, alam naman nila ang mga pinagkakaabalahan niya.
Lumiko siya sa may hallway patungo sa may Principal's Office pero napatigil siya sa paglalakad nang makita niya si Law na nakikipag-usap sa isang magandang babae. Kulay itim ang buhok nito na hanggang balikat. Nakasandal ang babae sa may locker at ang isang kamay naman ni Law ay nakatuon sa tabi ng ulo ng babae na para bang itina-trap ito. Pareho silang tumatawa at agad na nakaramdam si Savannah nang paninikip ng kanyang dibdib.
Tumalikod siya at nagsimulang maglakad papalayo pero natigilan siya nang may tumawag sa kanya. Napapikit siya ng mariin at para bang napako ang kanyang mga paa sa kanyang kinatatayuan. Her palms are sweating. Her heart is beating so fast that she scarcely breath. And most of all, her heart is aching.
"Savannah." Law called using his clear and deep voice. Savannah gulped down the lump in her throat. She missed him. She missed him more than anything else. She fought the urge to hug and kiss the life out of him.
Savannah didn't respond. She stayed in her spot, letting Law faced her back. Nanginginig ang kanyang mga kamay dahil sa kaba. Hindi niya alam kung paano niya haharapin si Law. Napatawa na lang siya sa kanyang sarili. Mukhang hindi naman kasi apektado si Law sa nangyayari sa kanilang dalawa. In fact, mukhang masaya pa ito dahil nakahanap siya ng bago niyang makakasama. Hindi mapigilan ni Savannah na magalit. Wala din naman palang kwenta ang mga oras na inilaan niya para isipin si Law at sa kung paano sila magkaka-ayos.
"Savannah." pag-ulit ni Law.
Nagpagkawala siya ng marahas na paghinga bago unti-unting humarap sa binata. Nagtaka naman siya nang makita ang sari-saring emosyon sa mga nito. Kapansin-pansin din ang maiitim na nakapalibot sa ibaba ng mata nito.
"H-Hey." tanging nasabi niya.
"You're here." hindi makapaniwalang sabi niya. Medyo nag-aalangan pa siya sa kanyang mga sasabihin sa dalaga. Hindi na siya halos makahinga dahil sa lakas ng pintig ng kanyang puso. "Papasok ka na ba ulit?" kitang-kita sa mga mata ni Law ang pag-asa.
Dahan-dahang umiling si Savannah. "Nandito lang ako para mag-report sa Principal's Office." Sumagi sa kanyang tingin ang pigura ng babae na nakatayo sa likudan ni Law. Nakaramdam naman siya ng sobrang pagka-inis. "Aalis na ako. Naiistorbo ko yata kayo ng kasama mo." malamig na turan niya.
Nilagpasan na niya si Law pati na din ang babaeng nakangiti sa kanya. Inirapan niya ito. Ayaw niyang makipagplastikan. Kapag ayaw niya sa isang tao, sa umpisa pa lang, ipapakita na niya kung ano ang tingin niya dito. Nawala naman ang ngiti sa babae at nagtatakang tumingin sa kanya. She walked gracefully with her head high. Walang rason para ma-down siya. Eh ano kung may kasamang iba si Law? Magsama sila! Kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa kahit sa loob-loob niya ay nasasaktan siya. Kailangan lang niyang magpakatatag. Isa siyang Walker at ang isang Walker ay hindi basta-basta magpapaapekto sa kung ano-anong bagay.
"Savannah, wait!"
Tumakbo si Law patungo kay Savannah at hinawakan ang braso nito. Iniharap niya sa kanya si Savannah. Nagulat naman siya nang makita ang malamig na titig ni Savannah.
"What do you want?" she deadpanned.
"I," he hesitated. Ano nga ba ang gusto niya? Ang magka-ayos sila ni Savannah? Tama, iyon nga ang gusto niya. Pero parang may pumipigil sa kanya. Napatingin siya kay Sydney na tahimik lamang na nagmamasid. Si Sydney na palaging nagpapatawa sa kanya. Si Sydney na palaging nandyan kapag may problema siya.
Sinundan naman ni Savannah ang tingin ni Law. Walang mas sasakit pa sa nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang umiyak pero hindi niya magawa. Ayaw niyang ipakita na mahina siya. Para kasi sa kanya, ang pag-iyak ay isang sign ng kahinaan.
Inalis ni Savannah ang pagkakahawak ni Law sa kanyang braso. Ngumiti siya ng mapait sa binata. Unti-unting namamasa ang kanyang mga mata pero agad niyang iniiwas ang kanyang tingin para hindi mahalata iyon ni Law.
"Inaantay ka na niya." bulong niya. "Bakit hindi mo na lang siya puntahan kaysa nag-aaksaya ka ng oras sa akin?" Bawat salitang binibitawan niya ay dahilan ng unti-unting pagkawasak ng kanyang puso.
"Pero gusto kitang makausap." pagpupumilit ni Law. "Are we going to end like this?"
"What is 'we', Law?" malungkot na saad ni Savannah. "You never gave me chance to explain. You jumped into conclusions and made yourself believe that I love Warren. Letting him kiss me doesn't mean I love him more than you." Kumawala na ang luha sa mga mata ni Savannah. Gusto niyang pigilan ang kanyang sarili sa pagsasalita pero hindi na niya magawa pa. Gusto na niyang sabihin lahat ng gusto niyang sabihin at wala siyang balak na magtira. Kung ano man ang kahihinatnan nito, wala na siyang pakealam. "Everything was a misunderstanding. Hindi mo ba naisip na kaya ko ibinigay ang sarili ko sayo dahil ikaw ang napili ko? I gave you all. Hindi ko inakalang ganito kababa ang tingin mo sa akin."
Pinaghalong saya at lungkot ang nararamdaman ni Law dahil sa narinig niya kay Savannah. Ito lang naman ang gusto niya. Ang malinawan siya sa lahat. Oo, nagkamali siya. Hindi niya pinakinggan ang mga sasabihin ni Savannah. Masyado siyang nagpakalunod sa selos dahil sa kanyang nakita na halos hindi na siya makapag-isip ng maayos.
Magsasalita pa sana si Law pero naramdaman niyang may humawak sa kanyang braso. Napatingin siya kay Sydney na nakatayo sa kanyang likuran at nakangiti sa kanya.
"Tapos ka na ba, Law? Sasamahan mo pa ako sa amin, gustong-gusto ka nang makilala nina Mama."
Nagsimulang humakbang palayo si Savannah. "Go. Her parents wants to meet you." sarkastikong sabi niya. Binigyan niya ng matalim na ngiti si Sydney at mas lalo siyang nainis nang palihim siyang ngisian nito. "We're done, Law. Make sure that you deserve that b_tch."
Mabilis na umalis si Savannah gamit ang matindi niyang bilis. Hindi na niya hinayaan pa si Law na tawagin siya o sundan man lang siya. Tumigil lamang siya sa pagtakbo nang makarating siya sa harap ng Principal's Office. Napailing na lamang siya nang maalala niya ang mukha ni Sydney. She hated her. Hindi lang sa dahilan na siya ang palaging kasama ni Law kundi dahil may kung anong kakaiba kay Sydney na hindi niya maipaliwanag.
"Savvy?!" high-pitched na tawag sa kanya ni Harold.
Napatunghay siya at agad naman siyang kinulong sa mahigpit nitong yakap.
"OMG! LIKE OMG TALAGA!" maarteng sabi nito habang yakap pa rin siya. Tumatalon-talon pa si Harold kaya pati siya ay nadadala. "Namiss ko ang beauty mo! Huhuhu! Nung nawala ka, ako na lang tuloy and Diyosa dito." nakangusong sabi niya.
Napatawa naman si Savannah. "Loka ka talaga. Kamusta ka na?" tanong niya.
Nag-flip hair naman si Harold kahit maikli naman ang buhok niya. "Eto, maganda pa rin." nakangising sabi niya. "By the way, ano ng balita sa inyo ni Fafa Law? Palagi niyang kasama ang Sydney na 'yun eh!" mukhang naiinis na sabi niya. Sydney pala ang pangalan niya, isip ni Savannah. "Alam mo ba girl, masama ang feeling ko sa babaeng 'yan eh. Para kasing ang fake niya! Kapag si Law ang kasama niya, hindi makabasag-pinggan! Kapag naman nasa Student Council Room siya, aba, ang sama ng tingin sa akin! Kaloka!"
"Bakit naman? May nagawa ka ba sa kanya?" tanong ni Savannah.
"Wala no! Hindi ko nga siya kinakausap kasi hindi ko siya feel." aniya. "Napag-usapan ka lang namin ni Warren at nag-kwento ng mga kung ano-anong stuffs about sa friendship and such natin at akalain mong nagdabog? Tapos tuloy labas sa room."
Nagtaka naman si Savannah dahil sa ini-kwento Harold. "What is her problem?" natanong na lang niya. "Kanina, nginisian niya din ako na para bang inaasar ako habang hindi nakatingin si Law." kwento niya. "Bakit nga pala siya kasama sa Student Council? Anong posisyon niya?"
"Ah, Secretary siya." maikling sagot ni Harold. "Kaklase mo siya, hindi ba? Bakit hindi mo siya nakilala kaagad?"
Biglang naalala ni Savannah ang sinabi sa kanya ni Warren noong nagsho-shopping sila. Nabanggit din ni Warren ang babaeng nagngangalang 'Sydney' na Secretary ng Student Council. Now, it makes sense. Ang babaeng kasama ni Law at ang babaeng tinutukoy ni Warren ay iisa. Napairap na lang siya sa kawalan nang maalala din niyang sabihin ni Warren na siguradong magkakasundo sila ni Sydney. I will never get along with that, b_tch, mataray na sabi niya sa kanyang isip.
"Oh, I almost forgot, I need to go inside." she jabbed her thumb pointing towards the Principal's Office. "To report and stuff." kibit-balikat na sabi niya.
"Ganun ba? Pupunta na ako sa classroom. Magsisimula na kasi ang klase eh." paalam sa kanya ni Harold. Muli siyang niyakap ng kaibigan bago magpunta sa sunod niyang klase. Napangiti na lamang siya. Noong una ay gusto niyang magkaroon ng madaming kaibigan pero naisip niya, aanhin niya ang madaming kaibigan kung masaya na naman siya sa mga kasama niya ngayon?
Pumasok na siya sa loob at agad naman siyang kinausap ng Principal tungkol sa mahabang panahon niyang pagkawala sa eskwelahan. Pinaliwanag naman ni Savannah ang mga ginagawa niya at wala na ding nagawa ito kundi ang payagan siya. Mabilis lang ang naging pag-uusap nila dahil mukhang naiintimidate sa kanya ang kanilang Principal. Pagkalabas niya ng office ay naglakad na siya para umalis. Kailangan na niyang umuwi para mag-training na ulit.
Habang naglalakd siya sa mahabang hallway ay pumasok na naman sa kanyang isipan si Law. Napayukom ang kanyang kamao. Siguro sa mga oras na ito ay nasa bahay na ito ni Sydney. Ipinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata dahil sa kung ano-anong masasamang bagay ang pumapasok sa kayang isipan.
Hindi niya napansin na may nag-aabang pala sa kanya sa pintuan ng classroom na madadaanan niya. Napasinghap siya nang biglang may humawak sa kanyang braso at marahas siyang hinila papasok sa loob ng classroom. Mabilis na nagsara ang pintuan at binalot ng kadiliman ang buong paligid pero hindi naging hadlang iyon para makilala niya kung sino ang humila sa kanya.
"What the hell, Law?!" sigaw niya.
Tinakpan naman ni Law ang kanyang bibig.
"Shhh, keep quiet!" he hissed.
Maya-maya ay narinig niya ang pamilyar na boses ng babae ang nanggagaling sa labas.
"Law? Where are you?" narinig niyang tawag ni Sydney. "Did he ditch me?!"
Napairap naman si Savannah. Marahas niyang inalis ang kamay ni Law na nakatakip sa kanyang bibig.
"Akala ko ba ipapakilala ka na niya sa magulang niya?" bawat salita na binitawan niya ay may kasamang diin.
Napangisi naman si Law. "My Vannah is jealous." mukhang tuwang-tuwa na sabi niya.
Savannah kicked his legs and he yelped. Napatakip siya sa kanyang bibig dahil sa kanyang ginawa. Hindi pwedeng malaman ni Sydney na nandito siya. Oo, iniwan niya ito para kay Savannah. Hindi niya matitiis si Savannah. Kaya niyang iwan lahat para sa dalaga. Pero hindi niya kayang saktan si Sydney kaya naman mas minabuti na lamang niyang umalis nang hindi nagpapaalam.
Savannah laughed with mockery in her tone. "Hah! Jealous? Wag ka ngang patawa. Hindi ako nagseselos." masama niyang tiningnan si Law pero tinawanan lang siya ng binata. "Don't laugh at me! Tsaka wag ka ngang umasta na parang okay tayong dalawa! Para sabihin ko sayo, galit na galit pa rin ako sayo to the point na ayaw na kitang patawarin kahit kailan! Ayaw na nga kitang makita pa eh---"
Hindi na naituloy ni Savannah ang kanyang sasabihin nang humampas ang kanyang likod sa may pintuan. Napangiwi siya sa sakit dahil sa ginawa ni Law na pagtulak sa kanya at nawala din naman iyon nang maramdaman niya ang mainit na labi ni Law na dumampi sa kanya. At first, she's resisting, galit pa rin siya kay Law at ayaw niyang hinahalikan siya nito. But his skilled tongue invaded her mouth, tasting every inches of her. Law tugged her lower lip and sucked it.
Para na siyang mababaliw dahil sa ginagawa ni Law to think na hinahalikan pa lamang siya nito. Her mind went blank and she didn't know what she's doing anymore. She slipped her hand to his damp hair and pulled him towards her even more.
Their battling of tongues, tasting of lips and devouring of souls lasted for a minute and they're now gasping for breath. That explains how they're longing for each other and how they want to be in each other's arms.
"Don't.you.ever.say.it.again." he said slowly while gritting his teeth.
"What?" tanong niya.
"That you will never forgive and that you don't want to see me again." Muli niyang hinalikan si Savannah at nagsalita kahit na magkalapat pa rin ang labi nilang dalawa. "Forgive me for I am a jerk. Sorry for not trusting you enough. Sorry for acting like I don't care anymore. But to be honest, I missed you damn much that I don't know what to do. Every fucking day that I didn't get a glimpse of you was like a torture. Seeing you with Warren takes my prudence away. Looking at you slowly fading away from me hurts me." Bahagya niyang inilayo ang mukha niya kay Savannah at tiningnan siya sa mga mata. "I can't even conceive of life without you. I love you that it freaking hurts in here." itinuro niya ang kanyang dibdib, sa may tapat ng puso.
Natahimik si Savannah. Wala na siya sa kondisyon para makapag-isip pa ng matino. Sa tuwing si Law na ang kasama niya ay nawawala na ang lahat ng reasoning niya sa katawan. Nawawala ang lahat ng kanyang principle sa buhay. Sa simpleng halik, simpleng salita at simpleng tingin ni Law sa kanya ay nawawala ang lahat.
"Are you going to forgive me now? Oh, how about," malumanay na tanong ni Law. "You have to choose, forgive me or forgive me." nakangising sabi nito.
Inirapan naman siya ni Savannah at hinampas ang dibdib nito. "Don't play with me, Law." masama niyang tiningnan ang binata. "You have to explain first. Anong meron sa inyo ni Sydney?"
Mas lalong lumawak ang ngisi ni Law. "Oh, I'm right! You're jealous!" bulalas nito.
"Will you shut up? I am not!" mariing sabi nito. "How about you? Hindi ba't ikaw itong nagselos noong nakita mong hinalikan ako ni Warren?" pagbawi niya. Humalukipkip siya at ngisian ang binata.
"Yes, I was jealous." mabilis na sagot nito na para bang wala lang sa kanya. "Hindi ko naman itatanggi iyon dahil totoo. Eh ikaw? Tinatanggi mo pa kahit na obvious na naman."
Hindi na nagsalita pa si Savannah. Tama, nagseselos siya at ayaw niyang aminin. Nainis siya ng sobra nang makita niya si Law na tumatawa kasama si Sydney. Naiinis din siya kapag naiisip niyang palaging magkasama ang dalawa noong mga panahong wala siya. Mas lalo tuloy siyang ginanahan na mag-ensayo para matapos na niya ito. Gusto na niyang pumasok ulit para hindi na maging epal si Sydney sa kanya.
"Hindi mo pa rin ba ako patatawarin?" malungkot na tanong ni Law sa kanya.
Napabuntong-hininga si Savannah. Lumapit siya kay Law at niyakap ito nang mahigpit.
"Of course, I forgive you." bulong niya. "But it doesn't mean na pwede na tayong bumalik sa dati."
"Why?"
"Sa tingin mo ganoon lang iyon kadali?" tinaasan niya ng kilay ang binata. "You should gain my trust. Paghirapan mo iyon." ngumisi siya dito. "Babalik lang tayo sa dati kapag nakita ko ang effort mo sa akin."
Napanganga naman si Law sa sinabi ni Savannah. May masama siyang pakiramdam sa binabalak nito.
"Why do I feel like I just entered a hellhole?"
***
"AHHHHHHHHHHHHHH!" napasigaw si Trinity sa sakit nang higpitan nang isa sa mga nagbabantay sa kanya ang tali sa kanyang mga kamay at paa. Humahapdi na ito at napapalibutan ng kulay pulang marka dahil sa pagpupumilit niyang makawala. Nakaupo pa rin siya sa isang upuan at sa kanyang itaas ay nakatutok ang isang maliwanag na ilaw. Ang ibang parte naman ng kwarto ay napapalibutan ng dilim.
Maya-maya ay nakarinig siya ng mga yabag ng paa at hindi rin nagtagal ay may isang lalakeng nasa mid 40's ang nagpakita sa kanya. Sa pagkakaalam niya, ang lalakeng nasa harapan niya ang nakamaskara noon dahil kapareho nito ng built ng katawan ang nakita niya noon at nagpakilalang Cinna sa kanya. Nakangisi ito sa kanya at kinilabutan siya dahil dito. Makisig si Cinna kahit na nakikita na ang katandaan sa kanyang mukha. Kapag ngumingisi siya ay napapakita niya ang isang ngipin niyang kulay gold. Matagal na tinitigan ni Trinity si Cinna gamit ang masama niyang titig.
"Handa ka na ba, Oracle?" hinawakan nito ang kanyang baba at itiningala siya.
"Anong balak mong gawin sa akin? Mas magaling pang patayin mo na lang ako!" sigaw niya.
Umiling siya. "Hindi ko pwedeng gawin iyon sayo. Kailangan ka pa namin." marahas niyang binitawan ang baba ni Trinity. "Hindi ba nasabi ko na noong huli tayong nag-usap? Sundin mo lahat ng iuutos ko sayo kung ayaw mong patayin ko ang kapatid mo!"
Namuo ang luha sa mga mata ni Trinity. Halos hindi siya makatulog kakaisip sa kalagayan ng kanyang kapatid. Kapag may masamang nangyari kay Tiffany, wala na siyang dahilan para mabuhay pa. Si Tiffany na lang ang tanging meron siya simula nung mawala ang mga magulang nila. Wala ng saysay ang buhay niya kapag nawala si Tiffany sa kanya. Naalala niyang simula noong mamatay ang kanilang mga magulang ay parang si Tiffany ang tumayong Ate sa kanilang dalawa kahit siya naman dapat ang tumatayo bilang nakakatanda. Noon kasi ay hindi niya talaga matanggap ang pagkawala ng kanyang mga magulang. Si Tiffany ang nagpapalakas ng loob niya at nagpapagaan ng bawat araw niya. Namuhay silang dalawa na nagtutulungan at nagdadamayan. Pinangako nila sa kanilang sarili na hindi nila iiwan ang isa't-isa.
"Anong gusto mong gawin ko?"
Ngumisi sa kanya si Cinna. "Sabihin mo sa amin kung ano na ang kalagayan ng anak ni Van Walker na si Savannah." utos nito. "Sabihin mo din sa amin ang mga sunod nilang hakbang para makapaghanda kami sa aming mga plano."
***
Lei/shinkumi's Note: Anong magandang tawag sa lab tim ni Law at Sydney? WAHAHAHA! LawSydney? LawNey? SydLaw? XD Pero feeling ko LawVannah kayong lahat eh. Hahaha! Oo nga pala, gusto niyo ba ulit na maggawa ako ng special chapter? 'Yung kagaya noon sa The Perverted Vampire na may interview si Van at Cross? Gusto niyo? GUSTO NIYO? *U*
Kapag madaming may gusto. Sasabihin ko na lang kung ilang tanong ang pwede kong kuhanin para doon. Ilalagay ko sa next chapter ang mga details about doon, okay? :D
FOLLOW ME ON TWITTER: @shinkumiLIB || Kung gusto niyo, mag-tweet kayo about sa TPV with #TPV2 (Charaught. Gumaganito na ako. HAHAHAHA.)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com