Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty: Formidable Opponent

Chapter Thirty: Formidable Opponent

Hindi makapagfocus si Savannah sa kanyang ginagawa. Matapos ang ilang oras ng pagshoshopping niya kasama si Warren ay balik na ulit siya sa pagtetraining. Kahit ang palabasin ang apoy sa kanyang isipan ay hindi niya magawa. Going with Warren is just her excuse. She doesn't want Warren to worry about her so she pretended to be fine. Pumayag siyang mag-shopping kasama si Warren para panandaliang makalimutan ang lahat pero hindi iyon ganun kadali. Kahit saan siya magpunta at kahit saan niya ibaling ang atensyon niya, si Law pa rin ang naiisip niya.

Ano kayang ginagawa niya? Galit pa kaya siya sakin? Hindi na ba talaga niya ako kakausapin? Hahayaan ko na lang ba na ganito?

"Earth to Savannah! Kasalukuyan pong tinatangay ng galaxy ang utak niya!" OA na sabi ni Tres habang naka-spread pa ang mga kamay at nakatingin sa kalangitan. Bahagya pa niyang itinirik ang kanyang mata para dagdagan ang arte niya. "Ibalik niyo po si Savannah sa tamang kamalayan!"

Masama siyang tiningnan ni Savannah at binigyan siya ng malakas na tampal sa noo. Agad naman siyang napaayos ng tayo at nakangiwing tinakpan ang kanyang noo. Ngumuso siya at inirapan si Savannah. Natawa na lamang si Tred at Trey dahil sa dalawa.

"Ano ba kasing nangyayari sayo Savannah? Naubos na ang laway namin dito kakasalita pero parang hindi ka naman nakikinig." nangingiting sabi ni Tred. "May nangyari ba sa inyo ni Law?" makahulugang tanong niya. Sa mga tingin ni Tred, kahit na nagtanong pa siya, alam ni Savannah na alam na nito kung bakit hindi siya makapag-focus. Kaya niyang i-block ang memorya niya sa ibang bampira para hindi mabasa ang isip niya pero hindi niya magawa ito kapag Archer Brothers ang kasama niya. Kahit anong sikreto niya ay alam ng mga ito pero kahit ganoon, malaki ang tiwala niya sa magkakapatid kaya hindi siya natatakot na mabunyag ang mga sikreto niya. Lalong-lalo na kay Van na sobrang protective sa kanya.

"Wag niyo na akong pansinin. Hayaan niyo lang ako." sambit niya. "At kahit naman sabihin ko kung anong problema ko, alam niyo na din naman iyon." nakasimangot na sabi niya.

Lumapit si Trey sa kanya at ginulo-gulo ang kanyang buhok. Isang habit na kapag natutuwa siya sa inaasal ni Savannah. Kahit na dalagang-dalaga na si Savannah ay turing pa rin nila dito ay isang batang Savannah na dapat nilang alagaan at protektahan.

"Oo, alam na nga namin pero wag kang mag-alala, wala naman kaming balak mangielam." nakangiting sabi niya. "Pero isa lang ang masasabi ko, sabay mong gamitin ang isip at puso mo. Kung ano ang tama, iyon ang gawin mo. Kung ano ang sa tingin mo ay makakapagpasaya sayo, doon ka magtungo." seryosong sabi niya. "Ipaglaban mo ang iyong karapatan at wag kang susuko. Edukasyon ay mahalaga. Kabataan ang pag-asa ng bayan. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan---"

Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin ng tinalikuran na siya ni Savannah. Nagsimula na siyang maglakad palayo sa mga abnormal niyang kasama.

"Hoy! Teka! Hindi pa ako tapos!" pahabol na ni Tred. "Say no to drugs pa eh!"

Tumigil sa paglalakad si Savannah at iritadong humarap sa tatlo. 'Shut the f_ck up' she mouthed. Pinagdikit pa niya ang kanyang hintuturo at hinlalaki. Inilagay niya ito sa kanyang bibig at gumuhit ng linya papunta sa kanan na parang nagsasara ng zipper sa kanyang bibig. Tinawanan lamang ng tatlo ang ginawa ni Savannah. Pinigilan nila ang kanilang sarili na tumakbo at kurutin ang pisngi ng dalaga. 

"Oh wait." muling tumigil si Savannah sa paglalakad. "I'll start to train, tatanga na lang ba kayo dyan?"

***

Hindi na nagdalawang-isip pa si Savannah na buksan ang kulay kahel na pintuan. Pagkapasok niya sa loob ay bumungad sa kanya ang isang malaking sapot na bumabalot sa buong kwarto. Kahit saan siya lumingon ay may mga sapot. Sa gitna ng malaking sapot ay may isang bagay na nababalutan ng kulay puting sapot. Napakunot ang kanyang noo ng unti-unti itong nabibiak sa gitna. Lumabas mula dito ang isang lalake na may mahaba at kulay itim na buhok. Ang kanyang buhok ay umaabot sa kanyang bewang na nakaloose na pony tail. May ibang hibla naman ng buhok na nakaharang sa magkabilang side ng kanyang mukha. 

Hindi mapigilan ni Savannah na mapatitig sa makisig na nilalang na nasa kanyang harapan. Nakasuot ito ng puting long sleeves na polo na bukas ang tatlong butones at itim na jeans. Mapupungay ang kanyang mga mata na para bang kagigising lamang niya. Matangkad siya at may mahabang legs na siyang nakadagdag sa kanyang postura.

Nagtama ang mga mata nilang dalawa. Bahagyang tumaas ang dalawang kilay ng lalake na para bang hindi inakalang nandito siya. Ngunit hindi kalaunan ay ngumiti ang lalake sa kanya. Hindi maintindihan ni Savannah kung bakit hindi niya maramdamang delikado ang lalakeng ito. Para bang may kung ano sa kanyang nagpapagaan ng kanyang loob. Para bang kung titingnan mo siya ay siya 'yung tipong walang gagawing masama.

"Ah. I overslept." sabi niya. Savannah felt shivers down to her spine when she heard his sharp and husky voice. "Did I make you wait?"

Dahan-dahang umiling si Savannah. "No, I just got here." sagot niya. "Tell me your name." utos niya.

Lumakad ang lalake patungo sa kanya. Habang naglalakad siya ay bawat sapot na madaanan niya ay nawawala hanggang sa ang matira na lamang ay ang malaking sapot sa gitna ng kwarto. Ngayong mas malapit na ito sa kanya ay napansin ni Savannah ang kulay dilaw na mata nito na bumagay sa maputla nitong balat. May diamond na tattoo sa noo nito at kumikinang naman ang diamond na hikaw nito sa kanang tenga.

"I'm Gridiron. Ang Tagapagbantay ng Paralyzing Darts." Humakbang pa siya papalapit kay Savannah. Iniangat niya ang kanyang kamay at hinaplos ang pisngi ni Savannah. Nagtaasan ang mga balahibo ni Savannah dahil sa ginawa ni Gridiron. "Walkers are gorgeous and magnificent vampires. You inherit the strong will of your Dad and the goddess-like beauty of your Mom."

Aatras sana si Savannah pero nanlaki ang kanyang mga mata nang hindi niya maigalaw ang kanyang buong katawan. Kahit ang kamay niya ay hindi niya maigalaw. Masama siyang tumingin kay Gridiron na inosenteng nakatingin sa kanya na para bang wala itong ginawa.

"What did you do to me?!" she shouted. Frustration is building up in her gut. Gusto niyang gumalaw pero hindi niya magawa. She's paralyzed. 

Gridiron made a low chuckle. His eyes suddenly turned dark. Gone the man with a graceful and beautiful aura. He changed into a dangerous and robust oponent. "I want to play." nakangising sabi niya. "Masyado kasing napahaba ang tulog ko kaya naman ngayong tayong dalawa na ang nandito, bakit hindi tayo maglaro kung saan papahirapan kita pero wala kang magagawa?"

Gridiron snapped his fingers and Savannah went down into her knees. Napangiwi siya ng maramdaman ang masakit na pagtama ng kanyang tuhod sa sahig. Malakas na pinagdaop ni Gridiron ang kanyang kamay at bigla na lamang napaubo si Savannah ng dugo. Para kasing may kung anong humampas sa kanyang dibdib.

Narinig niya ang nakakakilabot na tawa ni Gridiron. Naiinis siya. Wala man lang siyang nagawa para lumaban. Nakaupo na kaagad siya at hindi malaman ang gagawin.

"This is not fair! Bakit hindi ako hayaang kalabanin ka para malaman natin kung sino ang mas magaling sa ating dalawa!" sigaw ni Savannah.

Ngumisi naman sa kanya si Gridiron. "But I don't want to fight. Alam ko naman kasing ako pa rin ang mananalo sa huli, so why bother? Mapapagod ka lang." Napaismid naman si Savannah dahil sa kayabangan nito. Binawi na niya ang kanyang mga sinabi tungkol kay Gridiron. Makisig nga ito at mukhang mabait pero kabaliktaran nito ang tunay niyang pagkatao. "I want to see tears coming from your eyes down to your cheeks. I want you to beg for me to stop torturing you. I want to hear your pitiful groans of pain and agony. I want all of it! It's my happiness!" Tumawa siya na parang baliw. "So now, I'll start!"

Savannah let out a loud gasp when the wind was knocked out of her. It's as if someone was trying to stop her from breathing. She held her chest tightly. Muli siyang humugot ng hangin pero unti-unti na siyang nauubusan ng hininga. Sumisikip ang dibdib niya at hindi na niya kaya pa ang sakit. Ito pala ang pakiramdam kapag nawawalan ka na ng hininga - masakit, mahirap at nakakawala ng pag-asa.

Ngunit bago pa siya tuluyang manghina ay muling bumalik ang normal niyang paghinga. Tumingin siya kay Gridiron na nakangisi lamang sa kanya.

"My power is amazing right? I can manipulate your body. I can do whatever I want. I can make you feel pain as long as I want. But before I can do that, I paralyzed you first." paliwanag niya. "Hindi ka makakaalis dyan sa kinatatayuan mo hanggat hindi mo ako napapatay!"

Ibinaling ni Savannah ang kanyang tingin sa Iron Whip na nakapulupot sa kanyang braso. Bahagyang lumiliwanag ito na para bang may gustong sabihin sa kanya.

I want you to discover the true power of the Iron Whip but I guess I need to reveal it now. 

Narinig niya ang boses ni Vermin na nanggagaling sa Iron Whip. Tumingin siya kay Gridiron na abala pa rin sa pagsasabi ng kung ano-ano tungkol sa kaya pa niyang gawin. 

I can be the Iron Whip if you let me. Gagapang ako patungo sa kanya at ako na ang bahala sa kung ano man ang gusto kong gawin. Summon any of the weapons you want to summon.

Tumango si Savannah. Unti-unting gumalaw ang Iron Whip, indikasyon na si Vermin na ang nagconcontrol dito. Gumapang siya patungo sa paanan ni Gridiron. Ni hindi man lang naramdaman ni Gridiron na paakyat na si Vermin sa kanya.

"Ano kayang sunod kong gagawin sa iyo ngayon?" Hindi pinagtuunan ng pansin ni Savannah ang sinasabi ni Gridiron. Bagkus ay nakatingin siya kay Vermin na kasalukyang nasa likudan na ni Gridiron. "Ah, mas maganda siguro kung lalagyan ko ng mahabang peklat ang maganda mong mukha, pati na din ang iba't-ibang parte ng---AHHHHHH!" Napahawak si Gridiron sa kanyang leeg at napasinghap si Savannah ng mahawakan nito si Vermin. Pero kahit anong hila ang gawin ni Gridiron ay nakakagat pa rin si Vermin sa kanya.

Napansin ni Savannah na nakakagalaw na siya kaya naman agad niyang pinalabas ang Poison Arrow. Tumayo siya at inasinta si Gridiron. 

This is boring. You're killing him already?

Napatingin naman si Savannah sa dulo ng pana kung saan nakapatong ang isang scorpion. Lumakad ito patungo sa kanyang at umakyat sa kanyang balikat.

By the way, Tick here. The Guardian of the Poison Arrow.

"I have no time to talk to you, Tick. I need to kill him." Itinira na niya ang palaso sa patungo kay Gridiron at tumama ito sa kanyang dibdib. Umalis na si Vermin sa pagkakagat niya kay Gridiron at bumalik na patungo sa braso ni Savannah. "Thank you, Vermin."

Masamang tumingin si Gridiron sa kanya at laking gulat ni Savannah ng tanggalin nito ang palaso sa kanyang dibdib. Itinapon niya ito sa sahig at ngumisi. Muli niyang itinutok kay Gridiron ang kanyang pana at sunod-sunod na pinana sa kanyang katawan pero para itong manika na hindi man lang naaapektuhan.

"Those kinds of weapons will not affect me. Poisons?" he laughed. "Stop kidding me. I'm immune to those things and you can't defeat me!"

Unsummon me and summon that stupid Owl, Onesus. Para hindi ka maapektuhan ng paralysis, kailangan mo ng illusions. 

Sinunod ni Savannah ang sinabi ni Tick. Mabilis na nawala ang Poision Arrow sa kanyang kamay at pumalit naman ang Splitting Dagger. Lumipad si Onesus at mabilis na dumapo sa kanyang balikat.

I'm the most powerful, indeed. You need me again. Mukhang tuwang-tuwa na sabi niya.

"Another stupid weapon to use against me? Unbelievable." tumatawang sabi ni Gridiron. 

Bago pa maibato ni Savannah ang dagger ay hindi niya inasahan ang pagbabagong anyo ni Gridiron. Nagbago ang itsura ng kamay at paa nito. May lumabas pang apat na galamay mula sa kanyang tagiliran at unti-unting nagbago ang kanyang itsura. Habang nagbabagong anyo si Gridiron ay hindi naman makagalaw si Savannah sa kanyang kinatatayuan. Hindi siya paralisado, hindi lang siya makapaniwala sa kanyang nasasaksihan. Nagbago na si Gridiron at naging gagamba na siya na maiihalintulad ang laki sa isang sasakyan.

Mula sa ngipin nito ay tumutulo ang kulay puti na malagkit at malapot na sapot. Agad na tumakbo si Savannah palayo nang biglang sumugod sa kanya si Gridiron. Ibinato niya ang Splitting Dagger at nahati naman ito sa sampu ngunit imbis na tumama dito ay hinawi lamang ito ni Gridiron. 

Napamura na lamang si Savannah sa kanyang isipan; nag-iisip ng kung anong pwedeng gawin. Kinuha niya ang Iron Whip at isinabit ito sa isang tubo na nakakabit sa kisame. Lumipad siya sa ere habang nakahawak sa Iron Whip na nakasabit sa may tubo at nag-landing siya sa likudan ni Gridiron. Nagawa na niya noong kalaban niya ang Tagapagbantay ng Iron Whip pero hindi niya nakakasiguradong magtatagumpay siya sa kanyang plano.

Muling bumalik ang Splitting Dagger sa kanya. Ginamit niya ang kanyang illusion upang mas makadagdag sa kapangyarihan ng armas. Without hesitation, she plunged the Splitting Dagger in Gridiron's head. The dagger multiplied while ripping through Gridiron's skin, slowly tearing his head apart. Gridiron threw himself up because of the pain. Naglabas si Gridiron ng isang malakas na sigaw at mabilis na umalis si Savannah sa ulo nito. Habang nakasabit sa Iron Whip ay pinanood niya si Gridiron na magpagulong-gulong sa sahig dahil sa sakit. Nakatusok na sa kanyang ulo ang isang daang dagger na gawa ng kanyang ilusyon.

Hindi rin nagtagal ay unti-unti siyang nanghina. Bumagsak ang kanyang katawan sa matigas na semento at hindi na muling gumalaw pa. Tumalon si Savannah pababa sa sahig, malapit kay Gridiron. Umilaw ang buo nitong katawan at nawala na parang bula. Mula sa sahig, bumukas ang isang parihabang parte nito at lumabas mula doon ang Paralyzing Darts. Limang pares ng darts ang kanyang nakuha. Ingat na ingat siya habang inilalagay iyon sa tama nitong lalagyan dahil kapag natusok ito sa kanya ay siguradong mapaparalisa siya.

Ngunit bago pa mailagay ni Savannah ang Paralyzing Darts ay lumabas mula dito ang kulay kahel na usok. Napasigaw siya ng makita ang isang tarantula na gumagapang sa kanyang braso at mabilis na tumutungo papunta sa kanya.

Nakarinig siya ng isang maliit na tawa. Masyado ba akong cute kaya napapasigaw ka?, galing pala ito sa tarantula.

Napabuntong-hininga siya. "You scared me!"

Oh yeah? So you're saying I'm scary?! How dare you?, nagtatampong sabi niya. By the way, I'm Spinder. Panglalake man ang pangalan ko, pusong babae pa rin ako.

Napangiti na lang si Savannah. "Nice to meet you, Spinder. Shall I unsummon you now?" tanong niya.

Of course! Gusto ko na ding magpahinga eh.

Gaya ng sinabi ni Savannah ay pinaalis na niya si Spinder. Inilagay niya sa kanyang bewang ang lalagyan kung saan nakalagay ng Paralyzing Darts. Kagaya ng Iron Whip ay magagamit niya din ito sa emergency. 

Nakaramdam naman siya ng matinding antok kaya agad siyang bumalik sa realidad. Sabay-sabay na silang pumasok ng Archer Brothers sa mansyon upang magpahinga.

***

"Oh, you're here again to borrow a book?" tanong ni Yuan kay Irrah na kapapasok lamang sa kanyang opisina. Hindi siya pinansin ng dalaga at tumuloy ito sa mga bookshelves. Napapadalas ang punta ni Irrah sa kanyang opisina dahil sa interes nito sa libro. Palagi itong humihiram sa kanya at hangang-hanga siya sa bilis nitong magbasa. Kaya nitong tapusin sa isang araw lamang ang isang makapal na libro. "You finished the 'The Maze Runner' already?" tanong niyang muli.

Humarap sa kanya si Irrah na hawak naman ang librong may pamagat na 'Wuthering Heights'.

"Yes." maikling sagot niya. "I'm planning to borrow the second and third book but I want to read this first." patungkol niya sa librong hawak niya.

Tumango-tango naman si Yuan. "Hindi ko pa rin nababasa iyan. Sa dami ng libro ko dito, ang iba naman talaga ay hindi ko pa nababasa. Kumbaga naka-stock lang na kapag natapos ako sa isa sa kanila, 'yung isa naman hanggang sa makarami na ako ng nababasa." nakangiting kwento niya. "Oo nga pala, bakit gusto mo iyang basahin? Saan mo iyan narinig o nakita?"

Irrah hated talking. She believes that 'less talk, less mistakes'. She usually stays quiet. She always locked herself up in her room, reading books. Hindi siya mahilig makihalubilo maliban na lang kung ang mga malalapit sa kanyang bampira ang kausap niya pero sa isang stranger na katulad ni Yuan, hindi niya alam kung bakit ang dali-dali para sa kanyang makipag-usap. Ang gaan-gaan ng loob niya patungo sa kanyang guro.

"Nabasa ko iyon sa The Clockwork Angel ni Cassandra Claire. Will Herondale and Tess Gray have read that book and I'm curious as to what's inside it." kibit-balikat na sabi niya. "I'm planning to read 'An Imperial Affliction' also just because Hazel in 'The Fault in Our Stars'." nangingiting sabi niya.

Ngumisi naman si Yuan. "Novels are influential, eh? Nakakatawang isipin na parehong-pareho talaga tayo sa mga ganitong klase ng bagay. Hindi pa ako nakakakilala ng bookworm na papantay sa pagiging bookworm ko. I always wanted to meet someone who's as bookworm as me and I'm happy I met you."

Lumakad si Irrah patungo sa couch at umupo dito. Inilapag niya ang libro sa may coffee table. Tutal isang oras pa bago magsimula ang sunod niyang klase ay naisip niyang makipagkwentuhan muna kay Yuan.

Tumabi naman si Yuan sa kanya. "I have a question for you." aniya.

"What is it?"

"How is it to be vampire? Are you enjoying it?"

Matagal na tumingin si Irrah sa kanya. "It's okay. I love who I am right now." maikling sagot niya.

"That's it? Para namang hindi ako kumbinsado. Sigurado ka bang na-e-enjoy mo ang pagiging bampira mo? Hindi ka ba nahihirapan? Hindi ka tatanda. Kung sakaling nagmahal ka ng tao, siya lang ang tatanda at hindi ikaw. Palagi kang nasa panganib. Madaming kalaban. Malaki ang responsibilidad. Hindi ka ba magsasawa kapag ganon?"

Huminga na malalim si Irrah. She's offended. Hindi siya magaling sa pag-e-express ng sarili niya. Hindi niya alam kung paano ipapakita ang totoong nararamdaman niya. Hindi ibig sabihin na kakaunti ang sinabi niya, hindi na niya gusto ang kung ano siya at kung anong meron siya.

"Bakit? Kayo bang mga tao, hindi nahihirapan? Meron ding panganib sa buhay niyo. Meron din kayong mga kalaban, hindi man tao, hindi man bampira kundi mga sarili niyo at problema niyo. May malaki din kayong responsibilidad na ginagampanan at gagampanan. Kung sa iyo ko itanong ito, 'Hindi ka ba magsasawa kapag ganon?'. At least kaming mga bampira, kaya naming panindigan ang kung ano kami. Tanggap namin kung ano kami. Kayong mga tao, bago kayo tumanggap, may halong lait at pagdududa. Palaging may halong panghuhusga."

Buong akala niya ay makikipagtalo pa sa kanya si Yuan pero tumawa lamang ito. Tumayo na siya at aktong aalis nang hawakan ni Yuan ang kanyang braso. Hinila siya nito paupo muli sa may couch.

"I didn't mean to offend you. Ginawa ko lang iyon para ma-i-express mo nang maayos ang sarili mo." nakangiting sabi sa kanya nito. "I'm sorry but...i'm not sorry." muli siyang tumawa nang samaan siya ng tingin ni Irrah. "Hindi mo ba narealize? You talked! You talked long enough to express your feelings. That's an improvement."

Hinawakan niya ang kamay ni Irrah. Hindi naman maipaliwanag ng dalaga ang kanyang nararamdaman. Parang may kung anong kumikiliti sa kanyang tiyan dahil sa ginawa ni Yuan. Mabilis niyang binawi ang kanyang kamay at tumayo na. Mali itong nararamdaman niya. Maling-mali!

"A-Aalis na ako." Mabilis siyang lumabas ng opisina ni Yuan.

Naiwan naman si Yuan na nakatingin sa pintong nilabasan ni Irrah. Napatawa na siya ng tuluyan. Sumandal siya sa may couch at tumingin sa kisame.

"After the long wait, the sheep will be eaten by the lion." 

***

Lei/shinkumi's Note: Sorry sa matagal na updateeee~ Sobrang dami ko kasing inasikaso eh. Happy 200k reads nga pala dito sa The Prodigious Vampire! Yieee, mahal na mahal niyo talaga ako no? Charot. I mean, mahal na mahal niyo talaga ang story na 'to. HUHUHU. Maraming salamat sa inyo! Sana palagi kayong mag-enjoy sa mga update ko kahit sobrang tagal. <///3 Babawi ako sa sembreak. Ang hectic lang talaga ng sched. Naks. XD l4v y0u 4Ll, s4g4d. HAHAHA. Naintindihan niyo ba? XDDD

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com