Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty-Nine: Changed

Chapter Twenty-Nine: Changed

"Sav, are you okay? Kahapon ka pang nakakulong dyan sa kwarto mo. Hindi ka man lang ba kakain?" alalang-alalang tanong ni Jinnah. Hindi niya alam kung anong nangyari. Pagdating nila galing sa eskwelahan ay naabutan na lamang nila si Warren sa harapan ng pinto ng kwarto ni Savannah. Ayaw daw nitong lumabas pero hindi naman sinabi ni Warren ang dahilan at kung ano ang nangyari. "I prepared something for you."

Kumatok siyang muli sa pintuan ng kwarto ng dalaga pero wala man lang siyang nakuhang tugon mula dito. Napabuntong hininga siya. Ipinatong niya ang tray sa lapag. Hindi na niya malaman kung anong gagawin niya para mapakain man lang si Savannah. Is she going to starve herself to death? Ano ba kasing nangyari? Ang dami niyang tanong at si Savannah lamang ang makakasagot nito ngunit paano ito masasagot ni Savannah kung ayaw nitong makipag-usap?

"Please Sav. You need to eat."

"Go away please. I want to be alone." Savannah responded with a hoarse voice. It's as if she's not using her voice since forever. "Please."

"But Savannah you need to---"

"JUST LEAVE! FREAKING LEAVE ME ALONE! GODDAMN IT!" 

A crashing sound reverberated coming from Savannah's room. Napaigtad si Jinnah sa gulat, hindi dahil sa tunog ng kung anomang nabasag kundi dahil sa pagsigaw ni Savannah. Nanginig ang kanyang kamay dahil sa kaba. Puno ng awtoridad ang boses ni Savannah na para bang kapag sinuway mo siya ay may hindi magandang mangyayari. Wala na siyang nagawa kundi ang hayaan na lamang si Savannah kahit na gustong-gusto niyang malaman kung ano ba talaga ang nangyari.

Pagbaba niya ay sinalubong siya ni Blade. Puno din ang pag-aalala ang mukha nito. Mabilis siyang yumakap dito. Napahikbi na lamang siya. Kanina pa niya kasi pinipigilang maiyak. Iyon kasi ang unang beses na pinagtaasan siya ng boses ni Savannah. Dahil sa kabaitang pinakita ni Savannah sa kanya noong umpisa pa lamang ay hindi niya inakalang pagtataasan siya nito ng boses. Wala naman siyang sama ng loob. Natakot lang siya dahil baka galit sa kanya ang dalaga dahil sa pagpupumilit niyang kumain ito.

"Don't cry. It's okay. Wag na natin siyang pilitin. I know she can overcome everything." pagpapakalma niya sa kasintahan. "You're just wasting your tears. Alam naman nating pareho na hindi ginusto ni Savannah ang pagsigaw niya sayo."

"Oo, alam ko naman iyon. Hindi ko lang mapigilang umiyak." humihikbing sabi niya.

Narinig nila ang pagbubukas ng main door at pumasok doon si Warren na nakasuot pa ng school uniform. Hindi nakapasok sina Blade at Jinnah dahil nga sa pag-aalala kay Savannah. Hindi rin sana papasok si Irrah ngunit pinilit siya ni Jinnah para daw kahit absent sila ay malalaman pa rin nila ang mga nakaligtaan nilang lessons. Kagaya nila ay hindi rin maitago ang pag-aalala sa mukha nito.

"How's she?" tanong niya pagkalapit nito sa kanila.

"She's still in her room, refusing to eat." malungkot na sagot ni Jinnah. "Baka may magagawa ka para bumalik siya sa dati. Sobrang nag-aalala na talaga kami. Hindi ka namin pipilitin na sabihin sa amin ang nangyari, basta ang mahalaga ay maging okay si Sav."

Tumango lamang si Warren kay Jinnah at nagsimula na siyang umakyat ng hagdan patungo sa kwarto ni Savannah. Ilang minuto muna siyang tumigil sa harapan ng kwarto ni Savannah bago kumatok. Noong una ay wala siyang narinig na pahintulot mula kay Savannah kaya naman muli siyang kumatok.

"Sav, it's me. Can I come in?" Hinawakan niya ang malamig na seradura ng pinto.

He waited for another minute and the door suddenly opened. Napahinga siya ng malalim. Akala niya ay hindi na rin siya kakausapin ni Savannah. Nasasaktan siya sa naging reaksyon nito sa nangyari sa kanila ni Law pero anong magagawa niya? Alam naman niyang sa umpisa pa lang ay hindi siya ang gusto ni Savannah. Siguro ay may nararamdaman si Savannah para sa kanya pero hindi kasing lalim ng nararamdaman niya para kay Law. Masakit para sa kanya iyon. Ang magmahal sa isang babaeng hindi siya kayang mahalin. Nakakatawang isipin na tinatawanan lamang niya iyon kapag nanonood sila ni Savannah ng isang love story kung saan hindi masuklian ng babae ang pagmamahal ng lalake. Palagi niyang sinasabi na: "Bakit hindi na lang siya maghanap ng iba? Tapos ang usapan. Ang dami pa niyang pinoproblema. There are millions of women around the world, why can't he find another one?"

Now he has the answer. No matter how many women around a guy, there will be only one who can capture his heart. Hindi ganoong kadali ang maghanap ng pamalit sa babae kung alam mo sa sarili mong mahal na mahal mo siya at wala ng hihigit pa sa kanya. Nasubukan na niyang gawin iyon. Ang maghanap ng iba, ibaling ang atensyon sa iba at sumama sa iba pero kahit anong gawin niya, si Savannah pa rin ang tanging mahal niya.

Umupo siya sa couch malapit sa malaking kama ni Savannah. Si Savannah naman ay naupo sa gilid ng kanyang kama. Namumukto ang kanyang mga mata at namumutla ang kanyang labi. Ang balat niya ay sobrang putla na rin. Para bang wala ng pakealam pa si Savannah sa kanyang itsura.

Kinuha ni Warren ang kanyang bag at inilabas ang isang tupperwear. Dinalhan niya si Savannah ng paborito nitong strawberry cake na sa cafeteria lamang ng school nila nabibili. Naglabas din siya ng isa pang tupperwear na may lamang burger na siya mismo ang gumawa.

"I don't want to eat." mahinang usal niya. "I don't want to do anything. Just..." Her tears started to roll down her cheeks. She tried to wipe it using her hands but her tears won't stop from falling. "It hurts. I hate this feeling. My heart," she gripped her chest tightly. "It hurts. It freaking hurts!"

Hindi makayanan ni Warren na nakikita si Savannah na nagkakaganito. Mabilis siyang lumapit sa dalaga at niyakap ito ng mahigpit. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Punong-puno ng katanungan ang kanyang isipan.

Bakit hindi na lang ako? Bakit siya pa ang pinili mo? Ako ang palaging nasa tabi mo, ano pa ba ang kulang sakin? I'm willing to risk everything for you. I even betrayed my only family just for you. Why Savannah? Why it can't be me?

Gusto niyang itanong ang lahat ng ito kay Savannah pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Hindi kasalanan ni Savannah na magmahal ng iba. Hindi kasalanan ni Savannah na si Law ang mahalin niya at hindi siya.

Hinawakan ni Warren ang pisngi ni Savannah at siya na ang nagpunas ng luha dito. Parang pinipiga ang kanyang puso na makita si Savannah na nagkakaganito.

"You're not the Savannah I know." nakangiting sabi niya. "Ikaw 'yung tipong hindi iiyakan ang isang bagay kapag hindi mo na kaya. Hindi ba ikaw 'yung tipo na kapag sobrang bigat na, nilalabanan mo pa din na walang kahit isang patak ng luha na lumalabas sa mata mo? You can surpass this Sav and you will start now."

Nangunot ang kanyang noo sa sinabi ni Warren. "How?" she muttered.

Tumayo si Warren at hinawakan ang mga kamay ni Savannah.

"Prepare yourself. Gagawin natin ang lahat ng bagay na gusto mong gawin na walang Law, na walang kahit sino. Just you and me. We will enjoy this day. Okay?"

Napapayag niya si Savannah sa gusto niyang mangyari. Kasalukuyan silang bumabyahe patungo sa isang sikat na pasyalan para naman malibang si Savannah. Nalaman niya noon kay Savannah na bata pa lamang siya ay mahilig na siyang mag-shopping kasama ng lalakeng nagngangalang Cross na nag-alaga sa kanya noon kaya naman balak niyang dalhin si Savannah sa mall para makapag-shopping.

Mukha namang panandaliang nalimutan ni Savannah ang kanyang iniisip ng matanaw nila ang mall. Nang makaparada na siya ay tiningnan niya si Savannah na may maliit na ngiti sa kanyang labi. Nabawasan ang bigat sa kanyang dibdib ng makitang nakangiti si Savannah kahit hindi katulad ng mga ngiti niya noon.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng dalaga.

"Let's go?"

***

"You're in a foul mood again." nakangiting bungad ni Sydney kay Law. Maggagabi na pero nasa eskwelahan pa rin silang dalawa. Nakaupo si Law sa may hagdan sa harapan ng kanilang building. Nakasubo sa bibig ni Law ang isang lollipop habang nakatingin siya sa malayo. "Hindi ka pa ba uuwi?" Umupo siya sa tabi ng binata at tinitigan ito.

Nagkibit-balikat si Law. "I don't want to go home." he muttered. He looked at Sydney and gave her a smirk. "Why are you looking at me like that? You should go home. Your parents might be waiting for you and besides," he squinted his eyes to the gate. "Your driver is waiting for you."

She puckered her lips and creased her forehead. "I don't want to go home either." aniya. "Hey! Pakisabi kina Mom at Dad, hindi muna ako uuwi kasi may gagawin akong importante!" sigaw niya sa kanyang driver para marinig siya nito.

Hindi naman nagdalawang-isip ang kanyang driver at mabilis na umalis. Napatingin na lang si Law kay Sydney. Bukod kay Savannah, tanging si Sydney lamang ang nakakalapit sa kanya ng ganito. Kahit na may mga babaeng gustong lapitan siya ay hindi nila magawa dahil natatakot ang mga ito sa kanya.

Hindi maipagkaila ni Law na kahit papaano ay napapagaan ni Sydney ang kanyang loob. Meron kasing characteristics si Sydney na kayang pangitiin ka kahit sa simpleng ginagawa niya. Ngayon ay hindi na niya magawang itaboy si Sydney sa kanya. Ano pang dahilan para gawin niya iyon? He tried to be loyal but there's no point of doing that now. Everything between him and Savannah fell apart in just a blink of an eye. Now, he doesn't know how to pick up the pieces and build it again.

"Let me guess, Phytos," panimula ni Sydney. "You have a problem with Savannah again?"

Law ignored her question. "Wait, Phytos? Why don't you just call me Law?" natatawang tanong niya.

She smirked. "Madami ng tumatawag sayo na Law kaya para unique, Phytos na lang." kibit-balikat na sabi niya. "By the way, sagutin mo muna 'yung tanong ko! Iniiba mo 'yung usapan eh!" then she smacked his shoulders playfully.

Napailing na lang si Law. "Siya lang naman parati ang pinoproblema ko." matamlay na sabi niya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko."

Nakita ni Sydney ang lungkot sa mga mata ni Law. Kung may isang bagay na pinakamagaling siya, 'yun ay ang mag-comfort ng isang tao. Hindi naman issue sa kanya kung bampira o tao si Law. Isa siya sa mga taong nakakatanggap sa mga bampira. Para kasi sa kanya, wala namang masama na mamuhay kasama ang mga bampira as long as hindi sila nananakit. Nakikita naman niyang mababait ang mga ito kagaya ni Law. Aminado siyang gusto niya si Law dahil sa pagiging makisig nito pero nitong mga nakaraang araw na mas lalo niyang nakikilala ang binata ay mas lalo ding lumalalim ang nararamdaman niya.

"Meron akong ikekwento," Muling napatingin si Law sa kanya. "Alam mo ba kung ano ang totoong kwento ni Snow White?"

Napatawa na lang si Law. "I hate fairy tales. They're planting lies in the head of the people. Pinapaniwala nilang may happy ever after pero wala naman talaga."

"Kaya nga ito ang totoong kwento ni Snow White," Hindi na umalma si Law at nakinig na lamang kay Sydney. "Alam naman nating lahat na umalis si Snow White sa kaharian kasi nalaman niyang gusto siyang pataying ng Reyna, hindi ba?" Tumango lamang si Law. "Sa kagubatan, nakilala niya ang Seven Dwarfs at tumira sa bahay ng mga ito. Isang araw, lumabas si Snow White sa kagubatan at nakakita siya ng isang matanda. Nag-offer ang matanda ng isang mansanas na tuwang-tuwa namang kinuha ni Snow White. Lingid sa kanyang kaalaman na ang matanda pala ay ang Reyna."

"So? What happened next?" Hindi alam ni Law kung anong kahihinatnan ng ikinekwento ni Sydney pero nakinig na lamang siya bilang pampalipas oras at para makalimutan ng panandalian si Savannah.

"Nang kumagat si Snow White sa mansanas ay bigla siyang nawalan ng malay. Tuwang-tuwa ang Reyna sa pag-aakalang napatay niya si Snow White. Umalis ang Reyna at naiwan si Snow White na nakahiga sa lupa. Nakita siya ng Seven Dwarfs at ganon na lang ang hinagpis nila ng makitang walang malay si Snow White." ngumiti siya. "Doon na dumating ang Prinsipe. Agad niyang iniunan si Snow White sa kanyang hita. Hinalikan niya ito sa labi sa pag-aakalang magigising ito pero hindi kaya naman may naisip siyang isang solusyon." Napansin ni Law na nagpipigil ng tawa si Sydney kaya naman mas lalo siyang ginanahang makinig. "Isinuot ng Prinsipe ang kanyang hintuturo sa puwet ni Soo White,"

"What the hell?!" bulalas ni Law at humagalpak siya ng tawa. Ganoon din naman si Sydney. "Why did he do that?!"

"Wait! Hindi pa ako tapos!" tumatawang sabi niya. "So ayun nga, nang magawa na niya iyon ay itinapat naman niya ang kanyang daliri sa ilong ni Snow White. Laking gulat nila ng biglang bumangon si Snow White at nailuwa ang part ng mansanas na bumara sa kanyang lalamunan. Alam mo ba ang sinabi ni Snow White pagkagising niya?"

"Ano?" tanong ni Law habang may ngiti sa kanyang labi.

Kunwari namang nasusuka si Sydney para i-akto ang sinabi ni Soo White. "Ang baho! Ano iyong pinaamoy niyo sa akin?! Nakakasuka!" tapos inilagay naman niya ang likod ng kanyang palad sa kanyang noo na para bang mahihimatay na. Aktong tutumba ang kanyang katawan na akala naman ni Law ay tototohanin ni Sydney kaya agad niyang ipinulupot ang kanyang kamay sa bewang ng dalaga sa pag-aakalang mahuhulog ito.

Saglit na nagtama ang kanilang tingin at agad din naman silang umayos ng tayo. Nabalot ng awkward na katahimikan ang paligid nilang dalawa.

"Uhh, nakakatawa naman ang version ng Snow White na ini-kwento mo." natatawang sabi ni Law.

Tumawa si Sydney na parang wala lang sa kanya ang nangyari. "Nabasa ko lang iyon sa isang journal sa school ko dati at sobrang natawa talaga ako kaya naman naisipan kong i-share sayo."

"Anong nangyari sa Prinsipe at kay Snow White? Nagkatuluyan ba sila?"

"Probably not. Sinong matutuwa sa isang lalake na sinundot ang puwet mo tapos ipinaamoy pa ito sayo?" Pareho silang natawa dahil sa tinuran ni Sydney. "So, feeling better now?" tanong niya.

Tumango si Law. "Yes, a way better now. Thank you." nakangiting sabi niya sa dalaga.

Para namang tumigil ang oras ni Sydney habang nakatingin kay Law na nakangiti sa kanya ngayon. Simula noong mag-transfer si Law sa school nila ay hindi na niya inalis ang kanyang tingin dito. Hindi mapagsidlan ang kanyang tuwa ng nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap si Law. Ito na ang pinakamasayang nangyari sa buong buhay niya, ang makilala si Law.

Nagulat siya ng halikan ni Law ang kanyang pisngi. Mukhang nagulat din ang binata dahil sa kanyang ginawa. Pareho silang nag-iwas ng tingin, pareho ding namumula ang kanilang mga pisngi.

Napakamot si Law sa kanyang ulo at mabilis na tumayo. "Kailangan ko ng umuwi." sabi niya. "Ihahatid na kita sa inyo."

"H-Ha?" wala sa sariling tanong niya. "I-I mean, wag na! Kaya ko na namang umuwi ng mag-isa at tsaka hindi rin naman kalayuan ang bahay ko dito kaya okay lang." pagtanggi niya.

"Hindi pwede. Madilim na at delikado na sa daan kaya ihahatid na kita."

She sighed but smiled afterwards. Hindi niya maiwasang kiligin dahil ihahatid siya ni Law. Minsan din itong nakasama sa kanyang daydream pero ngayon ay magkakatotoo na.

"Okay, if you insist."

***

"Are you done, Sav?" tanong ni Warren habang nasa labas ng fitting room at hawak ang apat pang damit na balak isukat ni Savannah. Napangiti na lamang siya dahil kahit papaano ay bumalik na si Savannah dati. Ang masungit at palaban na si Savannah.

"Yes, i'm done!" Lumabas na si Savannah habang suot ang isang floral dress. Natigilan naman si Warren dahil sa ganda ng dalaga. Kahit simple lang ang suot nito ay lumulutang pa rin ang mala-Dyosa niyang kagandahan. "Hindi ko na ita-try ang mga iyan. Sapat na 'yung mga pinamili ko." nakangising sabi niya.

Inirapan naman siya ni Warren. "I'm surprised to know the meaning of 'sapat' for you is 20 paper bags, one for each store na napuntahan natin." Ibinigay na niya sa sale's lady ang hawak niyang damit at sinamahan si Savannah sa may counter para bayaran ang kanyang mga pinamili.

"Pero aminin mo Warren, ang gaganda ng mga pinamili ko." then she beamed at him. Ginulo-gulo na lamang ni Warren ang kanyang buhok. Agad naman niyang tinabig ang kamay nito at sinamaan siya ng tingin. "Palagi mo na lang ginugulo ang buhok ko! Wala ka na bang ibang pwedeng gawin?" reklamo niya.

"How about this?" Kinurot niya ang magkabilang pisngi ni Savannah. "From now on, ito na ang gagawin ko sayo." natatawang sabi niya.

Inihampas ni Savannah ang hawak niyang paper bag sa tiyan ni Warren kaya napabitaw ito sa pisngi niya. "Do that again or else..." she leave her words hanging pero alam naman nilang pareho na hindi maganda ang balak nila.

Sabay silang naglakad palibot sa mall at naghahanap ng pwedeng makainan. Medyo madami ang tao sa mall kaya naman hinawakan ni Warren ang kamay ni Savannah para hindi ito mapalayo sa kanya. Hindi naman umangal si Savannah at hinayaan na lamang na magkahawak ang kanilang kamay.

"You should meet Sydney." biglang sabi ni Warren.

Napakunot naman ang kanyang noo. "Sinong Sydney?"

"Secretary siya sa Student Council at madalas ko siyang nakakatulong sa mga activities. Mahilig din siyang magshopping." paliwanag niya. "Sa pagkakaalam ko, kaklase mo siya eh."

"Really? Pero wala akong matandaan na kaklase kong pangalan ay Sydney." sabi niya habang nag-iisip. Parang narinig na niya ang pangalan pero hindi niya matandaan ang itsura nito.

"Kapag pumasok ka na, ipapakilala kita sa kanya. Siguradong magkakasundo kayo." nakangiting aniya. "You want more friends right?"

She smiled. "Yes, of course."

***

Lei/shinkumi's Note: Sorry kung delay ang update~ Malapit niyo ng makita ang The Perverted Vampire sa mga bookstores. Mag-antay lang kayo ng 3-5 days~ Hohoho! Ang saya! <3 Maraming salamat sa inyo! Hindi naman siya mapapublish kundi dahil sa inyo! Love you all! Eh itong The Prodigious Vampire kaya? (Libre mangarap. XD)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com