✍Eleventh Note✍
Hyuno
"Shane?" Tawag ko sa kanya habang nilalagay ang mga gamit niya sa kanyang bag. Ngunit 'di niya ako pinansin so I called her again, "miss Shane?"
"Huh? Ako bang tinatawag mo?" Inosenteng tanong niya na ikinakunot ng noo ko.
"Of course, who else can be Shane?" Sarcastic kong pagkasabi sa kanya.
"Oh, I'm sorry may iniisip lang ako. Bakit nga pala?" Tanong niya sabay hawi ng kanyang buhok sa balikat.
Bingo!
"May birthmark ka pala sa balikat mo?" I said smiling to her.
Dali dali naman niya itong tinakpan ng kanyang buhok at umubo saka sinabing, "ah, eh, wala lang to baka make up lang, tatanggalin ko lang to mamaya."
I just shrugged my shoulders at sinabing, "Oh well, may free time ka ba mamaya?"
"Hmm titignan ko, bakit mo na itanong?" She asked. I sense the awkwardness and conscious on her behavior. Which the other Shane I know ay palaging palaban at puno ng self confidence.
Mas lalo tuloy akong nacurious at ginanahan sa pagiimbestiga sa babaeng 'to.
"Wala lang I just want to have a dinner with you. Kung okay lang sayo?" Saad ko sa kanya without removing my smile dahil alam kong mas lalo siyang maiilang sa ginagawa ko. "Oh I forgot. I don't accept No's and rejection. So, 7 p.m I expect you to be at ***** restaurant. See you later." Kinindatan ko siya at kumaway nang sinimulan ko nang umatras papalayo sa kanya.
I laughed at how she covered her mouth while having her hiccups. She must be really startled sa kindat ko.
Papalabas na sana ako ng studio ng may bumangga sa'kin...
"I'm sorry/I'm sorry" Sabay na saad naming dalawa.
"Hyuno?" Tanong niya.
"Yes? You are?..."
"I'm Eunice Canndice Buenamia, sa movie remember?" Nakangiting saad niya sabay lahad ng kamay.
"Ah... Right! Yung second female lead. Yes, I remember." I said to her sabay abot ng kanyang kamay. Then we shake hands.
"Papauwi ka na?" Tanong niya.
"Oo, may meeting kasi ako mamaya ng seven p.m." Sagot ko sa kanya.
"I see, nice meeting you." Saad niya sa'kin sabay ngiti.
"My pleasure." Saad ko rin sa kanya bago ko siya tinalikuran.
"Oh? Pauwi ka na?" Rinig kong sigaw sa'kin ni Rob.
"Hindi may date ako." Sigaw ko rin pabalik sa kanya medyo malayo kasi agwat namin dalawa.
"Naks! Sino!?" Tanong niya ulit na may halong nakakalokong ngiti.
"Yung crush mo!" Sagot ko sa kanya sabay tawa.
"What?! Si Shane? Iba ka talaga bro!" Saad niya kaya kinawayan ko nalang siya at agad na lumabas ng studio.
-----------------
6:40 p.m
***** Restaurant
"Good evening sir." Bati sa'kin ng waitress bakas sa mukha niya ang pagkagulat nang makita ako. She knew me.
Hindi na kasi ako nag abala pang magdisguise para sa dinner namin ni Shane I want to move freely total tahimik naman sa lugar na ito.
"One reservation please, may kasama ako mamaya." Saad ko sa kanya.
"Okay sir, dito po tayo." Saad niya then she lead the way at sumunod naman ako.
While waiting I scroll some pictures on my phone stalker man ang dating, I just want to know the truth, curiosity kills me. Mga stolen pictures ito ni Shane at kahit saang angulo ko tignan... Something is really wrong may difference talaga akong nakikita.
"Excuse me sir, may I take your order?" The waitress snapped me.
"Ahh tubig nalang muna. Hinihintay ko pang dumating yung kasama ko." Sagot ko sa kanya.
"Okay sir. Excuse me." Saad niya bago ako tinalikuran.
After half an hour wala parin akong Shane na nakikita, hindi siguro niya ako sisiputin. I know how she despised me so much ano pa bang aasahan ko?
Tatayo na sana ako nang biglang tumunog ang windchain...
"Good evening ma'am, welcome to **** Restaurant."
Natigilan ako sa aking nakita, dumating siya...

I waved my hand para makita niya ako agad at lumingon naman siya sa'kin pero hindi siya nakangiti. I wonder what's on her mind.
She walks towards me like a goddess, why is she so damn gorgeous?
"Hi, you came." Pormal kong sabi sa kanya. "Uhm, here, have a sit." Hinila ko ang upuan para makaupo siya.
Nang makaupo na siya umupo na rin ako. She still have this serious look now I'm feeling anxious.
"Hindi muna ako umorder dahil hinintay kita. Here, choose your order don't worry it's my treat." Saad ko sa kanya sabay abot ng menu sa kanya.
"Yung best seller nalang ang sa'kin." Saad niya.
"How about drinks?" Tanong ko.
"Juice please, I don't drink alcohol." Sabi niya.
"Okay, We'll just have two of your best seller, one four seasons and wine please." Saad ko sa waitress na kumuha ng orders namin.
"Okay sir, please wait for 15 minutes to serve your order." Saad ng waitress bago kami tinalikuran.
"So, anong pag-uusapan natin?" Tanong niya.
"Well, gusto ko lang maging close tayo."
"Close? Bakit?"
"Bakit hindi ba pwedeng makipagkaibigan sa kalove-team ko?"
"Quit making jokes on me. Ano ba talagang trip mo?"
"Whoa, easy. Look, hindi ako nagjojoke this time around I'm serious. Gusto ko lang talaga makipagkaibigan sayo."
Bumuntong hininga muna siya bago ako sinagot, "fine, pero sa oras na may hidden motive ka sa'kin---"
"Ara...(I know in korean) promise." Saad ko sabay ngiti sa kanya.
"Hello, excuse me sir,mam. Here's your order." Biglang singit sa'min nung waitress. Kaya 'di na siya naka-angal pa.
We start digging our plates matapos inihanda ang orders namin. Their steak is daebak.(awesome in korean) Tama lang ang lasa at ang lambot rin nito.
"How's the food?" Tanong ko sa kanya.
"Masarap." Tipid niyang sabi. Psh.
------------
Tanong ako ng tanong ng kung anu-ano sa kanya kaya wala siyang choice kundi sagutin ako, then our formal conversation starts. Naging open narin siya sa'kin at hindi na nagsusungit.
Hindi na tuloy namin namalayan na late na pala.
"Hatid na kita." Alok ko sa kanya.
"Nako, wag na. Magtataxi nalang ako." Sagot niya.
"I insist, masyado nang delikado sa panahon ngayon."
"Okay lang talaga ako, promise. I have my reasons kaya 'di talaga pwede. Sorry." Saad niya kaya wala na akong nagawa.
"Okay, I'll wait till the taxi arrive."
Tumango naman siya bilang tugon.
Pumara naman ako ng taxi at agad siyang pinasakay.
"Thanks for tonight." Saad niya.
I just smiled at her at sinabing, "my pleasure, take care." Saka sinarhan ang pinto ng cab.
Nang makaalis na sila saka ako sumakay ng sasakyan ko.
Then a thought came to me. She's not the usual Shane I know.
~Thanks for reading!
Wahhh sorry ang tagal kong nag-update supahh busy kasi eh. Mian. Babawi ako soon 😣😉
Ciao!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com