Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

✍Twelve Note✍

[A/N: Picture of Canndice Eunice Buenamia on multimedia, above :) ]

EUNICE

"Canndice may balak ka bang sirain 'yang laptop mo?" tanong sakin ng baklita kong manager.

"Eh sa na iinis ako eh!" I hissed as I clicked the log out.

"What is it ba pinuputok ng butchibels mo?" there he goes again with his gay talk. Nakakainis tuloy lalo.

"Will you stop that alien language of yours? Mas lalo akong naiinis sa kaartehan mo eh." Saad ko sa kanya sabay irap.

"Hala, grabe siya oh! Hoy dae! Ay kog among-amonga anang kalaki nimo." Saad naman niya sabay paypay sa sarili niya.

"What the?" I said at pinanlakihan siya ng mata.

"Oh em gee! Is that Shinning Shane?" Bigla niyang tili kaya tinakpan ko agad ang bibig niya.

"Shut up! Will you?" Pagbabanta ko sa kanya kaya tumahimik rin siya.

"Ano ba kasi yan? Omo! Are you stalking her? Fan ka niya?" Pabulong niyang tanong pero madaldal pa rin, tsk.

I immediately close and shut down my PC at sinagot siya, "I-AM-NOT-HER-EFFIN-FAN, may kinuha lang akong impormasyon kung paano ko siya pabagsakin. Understand?"

"What? Why?" Tanong ulit niya.

"Tanga ka ba o shunga ka lang talaga? I told you na ayaw kong naleleft behind. I want to be on top at hindi ko magagawa iyon pag nasa landas ko ang babaeng 'yon."

"So you mean ipapachugi mo siya ganun?"

"Ano ka ba hindi no! Ano tingin mo sa'kin tanga?"

"Slight."

"Che! Eh kung ikaw nalang kaya papatayin ko?"

"To naman,'di na mabiro."

Inirapan ko na lamang siya. "I will bring her down, by hook or by crook."

"Hay nako bahala ka sa buhay mo. Basta labas na ako dyan!" Andito pa pala 'tong baklang to?

"Tell Rowel we will go to studio, nakakabagot na rito." saad ko sa kanya.

"And why are we going there? Wala ka namang schedule." sagot niya sakin.

"Manager ba talaga kita? Anong gusto mong gawin tumunganga nalang tayo rito hanggang sa mawalan na ako ng trabaho? Palitan na lang kaya kita?" bulyaw ko sa kanya at pinandilatan siya ng mata.

Sandali siyang nasindak at sinabing, "oo na! Eto na nga oh kumikilos na, Hoy Rowel! Halika dito. May pupuntahan tayo!"

---------------

After one hour of traveling dahil sa lintik na traffic sa edsa nakarating na rin kami sa Studio as usual busy sa kanya-kanyang trabaho ang ilan.

"Una na ako sa loob, kakausapin ko si director." saad ni ng manager ko at na una nang lumakad sa'kin.

Sumunod naman ako sa kanya and while walking I was busy scrolling my phone nang may bumangga sa'kin.

"I'm sorry/I'm sorry" Sabay na saad naming dalawa.

He looks familiar, "Hyuno?" tanong ko sa kanya. Siya nga! Ang gwapo talaga niya, lalo na sa malapitan...

"Yes? You are?..."

"I'm Eunice Canndice Buenamia, sa movie remember?" Nakangiting saad ko sabay lahad ng kamay.

"Ah... Right! Yung second female lead. Yes, I remember." He said to me sabay abot ng aking kamay. Then we shake hands.

That word. second female lead, SECOND... Fuck!

"Papauwi ka na?" tanong ko sa kanya, naiinis man ako sa sinabi niya binalewala ko na lang. I have to remain my jolly expression para 'di siya madiscourage sa'kin.

"Oo, may meeting kasi ako mamaya ng seven p.m." sagot niya.

"I see, nice meeting you." saad ko sa kanya wearing my most seductive smile.

"My pleasure." sabi niya sa'kin bago ako tinalikuran.

Someone called him and their conversation cause me to stop.

"What?! Si Shane? Iba ka talaga bro!" Sigaw nung isang artista na kausap niya.

That bitch! Pati ba naman si Hyuno lalandiin niya?! Lagot talaga sa'kin ang babaeng yun.

Sa inis ko agad akong dumeritso papasok ng studio at agad na tinungo ang president's room.

Nadatnan ko si Rowel nasa labas ng kwartong pakay ko and I immediately ask him, "nasan si Armando?"

"Ahhh!!! You murder my cursed name again!" Biglang sigaw ng baklita sa likod ko. Well siya lang naman ang tinutukoy ko.

"Tumigil ka nga sa kaartehan mo, untog kita dyan eh!" bulyaw ko sa kanya.

Nagpout siya bago sinabing, "Eh keshe yung name aketch chinugi mo." Yuck!

"Nguso mo uy!" paalala ko.

Tumino naman siya at sinabing, "I have a good news for you pero inaway mo ako kaya wag na nga lang. Hump!" sabay flip ng imaginary hair niya nagwalk out pa! Tss...

"ARMANDO JULIO CRUZ JR.!!!" Buong lakas kong sigaw dahilan upang mapatigil siya sa paglalakad at dahan-dahang lumingon sa'kin na parang maiiyak na.

I smirked at nagpipigil ng tawa sa naging reaksyon niya habang si Rowel naman umiiyak na sa kakatawa.

Lumapit naman siya sa'kin with teary eyes and red face at sinabing, "i hate chu!" ng pabulong.

"So ano na? Magwawalk-out ka pa? Alam mo nang ayaw na ayaw ko yung inuubos ang pasensya ko-"

"Shhtop! Oh! Heto na! Nang matahimik na yang bunganga mo!" putol niya sa'kin sabay pasa nung papel na hawak niya.

Agad ko namang tiningnan ito dahilan upang mapangiti ako ng sobra. It's a contract!

"For real?" out of blue kong sabi.

"Ay hindi, imagination mo lang yan dae. Gumising ka nalang pag gusto mo." pambabara ng manager ko sa'kin pero wala akong pake dahil busy ako sa pagbabasa nitong kontrata.

"Rowel ballpen." saad ko sabay lahad ng kamay at nilagyan naman niya ito ng ballpen.

I immediately sign it with my kiss mark. Finally! We're in the same agency. I'm one step closer to fame, one step closer to my love, and one step closer to bring her down.

What I want is what i get! What's mine is mine! Sisiguraduhin ko ang pagbagsak ng babaeng yun at mapapasakin narin si Hyuno.


~Thanks for reading! :)

I'm sorry it took so long to update :( naging busy sa work and activities. Anyways sana nagustuhan niyo ang latest update ko. I know, may bago na namang kontrabida na eeksina at magpapahirap sating bida. Stay tune for more updates :)

Don't forget to vote comment and share <3

Ciao! :-*



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com