✍Sixteenth Note✍
SARAH
Kanina pa ako paikot-ikot sa kwarto ko malapit na mag alas onse kaya alam ko papauwi na si ate.
Hindi ko alam kung pano ko sisimulang sabihin sa kanya.
Natatakot ako na baka magalit siya sa'kin at pagbawalan akong makipagkita kay Floyd lalo na sa sitwasyon kong ito.
Hindi ko na pa sana pinatagal to pero wala akong magawa, mahal ko na yata si Floyd dahil ganito rin ang nararamdaman ko para kay Rafael noon.
Mas natatakot ako paano kung malaman rin ni Floyd na hindi ako ang inakala niyang Shane? Papano kung----
"Sarah! Buksan mo 'to we need to talk!" naputol ang agam-agam ko nang biglang namulabog ng katok si ate Savannah. Mas lalo akong kinabahan parang tatakas ang puso ko sa lakas ng pintig nito.
Patakbong tinungo ko ang pintuan at agad ko siyang binuksan, anger and sadness is written all over her face. Napalunok ako.
"Ate..." Mahinang sabi ko. It's almost a whisper.
"Explain everything... I need to know everything happened between you two!" frustrated niyang sabi.
Nanginig naman ako sa takot.
"Sarah!" sigaw niya kaya napa-iyak ako.
"Ate I'm sorry, alam kong mali. Sinubukan ko namang pigilan eh---
"Do you like him?" seryosong tanong niya without breaking an eye contact.
"I... I... Love him." Pabulong kong saad.
"Kaya ba sinabi mo sa kanya ang sekreto natin?" tanong niya na ikinagulat ko.
"What? No! Hindi ate wala akong sinabi sa kanya." I insisted. Dahil wala naman talaga.
"He knows, I told you mag-iingat ka! Now? It's all ruin. Just pray he won't reveal our secret." This time kalmado na siya na ipinagtataka ko.
"Ate galit ka pa ba sa'kin? I'm sorry kung nagsinungaling ako sa iyo. I'm sorry kung nagpanggap akong ikaw para mapalapit kay Floyd I mean Hyuno." Umiiyak paring sabi ko.
"Enough, magpahinga ka na. Bukas na tayo mag-usap." Emotionless niyang sabi saka tumayo at iniwan ako sa kwarto.
Bakit ganun? I expected her to nag and curse me to death like she always do. Does this mean grabe ang disappointment niya sa'kin?
What to do? Ang gaga ko!
I wiped my tears away nang biglang tumunog ang cellphone ko.
It's him.
Ayokong sagutin. Ayokong maulit ang nangyari noon. Ayoko ng galitin pa si ate Savannah.
I just lay in bed starring at the ceiling.
Paano pa ako makakatulog sa sitwasyon kong to?
I heard a beep on my phone at dahan-dahang inabot ito.
From: Floyd
Are you asleep already?
Another beep.
From: Floyd
Hey, lets meet up. May sasabihin ako sayo. Alam ko 'di ka pa tulog Shane.
He called me Shane, paano niya nagawang magkunwaring hindi niya ako kilala? Gayung alam naman niya na hindi ako ang ate ko.
I'm so frustrated and confused right now ano ba ang dapat kong gawin?
Patuloy parin ang pangungulit sa'kin ni Floyd.
From: Floyd
I will wait for you at our old spot. Hope you will come.
I turn off my phone at pinagdarasal na sana bukas okay na ang lahat.
-------------
Kinaumagahan I woke up groggy dahil alas tres na ng madaling araw ako nakatulog sa kakaisip at wala akong ganang magtrabaho ngayon.
After taking a bath nagbihis na ako at agad na hinanap si ate Savannah pero sabi ni Mommy sa condo niya raw siya natulog. So, umalis pala siya kagabi after our confrontation?
"Is everything fine hija?" tanong ni Mom while we're eating our breakfast.
"Yeah." Tipid kong sagot then I fake a smile.
"Are you sure? I'm just worried na baka nag-away na naman kayo ng kapatid mo." She said dahilan upang mapahinto ako sa pagsubo.
"Mom? Can I ask you a favor?" saad ko sa kanya.
"Yes hija. What is it?" tanong niya. I can sense that she's really worried dahil bakas sa mukha niya ang pag-alala.
"I need a break. I wanna go somewhere peaceful para sa mga compositions ko matagal tagal na rin kasi akong hindi nakakapagcompose." This time I'm sincere. When I'm depressed I always want to composed a song.
"Are you depressed again? Tell me, ano bang nangyari sa iyo this past few months? Akala ko ba close na kayo ng kapatid mo since palagi kayong sabay na umaalis and I heard you're helping with her career? Is it true?" tanong niya.
I sighed before answering her, "Actually Mom, I'm ate's substitute."
"Substitute? What for?"
"Ako ang pumapalit sa kanya on taping kapag demure ang scene and I sang her songs on each performances."
"What? That's ridiculous! How could you let your sister used you for her career? Akala ko ba ayaw mo ng exposure?"
"But Mom I don't think ate used me. Infact gusto ko lang tulungan ang kakambal ko sa career niya." I protest bakit ba ganun ang iniisip ni Mom kay ate?
"Kahit na. Hindi niyo ba alam na magulo ang buhay showbiz? What if the time comes na mabuko kayong dalawa ng kakambal mo? Do you think palalampasin ito ng mga fans niyo? You and Savannah are lying to her fans. It's a huge mess kung sakaling mangyari ang bagay na iyon! Kaya habang maaga pa tigilan niyo na I will tell your sister about this! Mga bata kayo! Kung anu-anong kalokohan pinaggagawa niyo! I will prepare your departure now bring yaya Monya with you para may katulong ka dun."
"Please Mom wag niyo pong pagalitan si ate."
" I won't. I just wanna talk to her at pangaralan siya. Dun ka muna pansamantala sa rest house natin sa cebu magpalamig ka muna."
I hug Mom at sinabing, "thanks Mom and I'm sorry."
She hug back at sinabing, "It's fine. Minsan talaga nagkakamali tayo. I'm just worried na mapahamak kayo ng ate mo. I can't afford to see you suffer again like that jerk did to you years ago." Then she wiped my tears, hindi ko napansing umiiyak na pala ako.
I always feel safe when I'm with Mom. I can't afford to lose her even Dad and ate Savannah. They are my greatest gift in life.
~Thanks for reading ;)
Wahhh! Sorry to keep you waiting 😥😣 Matagal na to sa draft ko nakalimutan ko lang ipublished.
Anyways Please continue supporting my story.
Leave votes and your opinions 😍💞
Ciao! 😘😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com