✍Sixth Note✍
[A/N: Sarah's photo above 👆]
SARAH
"I'm alive! I'm alive...Oh yeah! Between the good and bad is where you find me, reaching for heavens! I'm alive... Ang KJ niyo naman! Ba't ako lang palagi niyong pinakakanta! Sarah! Ikaw tong magaling, ako pinapakanta mo!"
Napatawa lang ako sa inasta ni ate Savannah, medyo lasing na kasi siya.
"Ahh...Mababasag yata eardrums ko." Frustrated na saad ng katabi kong si Ruby.
"Shane stop it, your drunk already tsk, may photoshoot pa tayo bukas." Saad ni manager Larry habang pinipilit na inaagaw kay ate ang baso.
Nasa isang Japanese restaurant kasi kami ngayon. Pinili ni ate ang isang VIP room na may videoke, kaya pagkatapos naming kumain nag-inuman na kami't nagkantahan.
"Yeah, yeah... Oh! Sarah ikaw naman!" She said grinning at marahang ibinato sakin ang mic.
"Isang linggong pag-ibig?... ATE!" Bulyaw ko sa kanya ng makita ko sa screen ang pinili niyang kanta, kaya pala may nakakalokong ngiti ng binigay niya sakin ang mic.
Tumawa lang siya at nagtago sa likod ni manager Larry.
Napaface palm naman ako habang chinachant nila ang pangalan ko. Tch!
"Sige na miss Sarah wag kang kj." Sabat naman ni Ruby.
"Oo nga naman Sarah!" Sabay na saad ni ate at manager Larry. Tss... Bagay talaga sila.
Bumuntong hininga nalang ako at sinimulan ang pagkanta.
"Wooooohhhh!" Sabay saad ng tatlo at nagsipalakpakan pa.
Napailing nalang ako habang nakangiting kumakanta.
--------------
10:45 p.m
Makalipas ang limang oras naming pagkantahan at inuman, napagdesisyunan na naming umuwi and manager Larry is taking the responsibility. Lasing na lasing na kasi si ate at ako naman medyo nahihilo na. Si Ruby? nauna pa saming umuwi nung 9:30 pa. Kaya ka nalang tatlo ngayon, inaakay namin si ate papasok sa van.
After one hour of byahe narating narin namin ang condo ni ate.
Dahil mahigpit ang security rito kampante ako na walang makakaalam ng sekreto namin ng kakambal ko.
When we reach our unit agad na inihiga ni manager Larry si ate sa kama.
"Ang bigat nang kapatid mo Sarah! Dapat talaga di ko na hinayaang uminom to. O siya, ikaw na bahala rito ha? Aalis na ako." Saad niya.
"Okay po. Salamat uli sa paghatid." Saad ko sa kanya at hinatid siya sa may pintuan.
"Lock your doors properly." Bilin naman niya bago ko siya tuluyang sinarhan ng pintuan.
Hay... Sa wakas makakapagpahinga narin.
Dahil dalawa ang higaan rito sa condo ni ate hindi na namin kailangan magshare. Huminga na ako at tumagilid paharap sa kakambal ko.
"Ate alam mo bang ang saya ko ngayon? Bihira lang kasi tayong magbonding nang tayo-tayo lang. Salamat ate dahil nandyan ka parati sa tabi ko. Good night!" Ani ko sa kanya na mahimbing na natutulog.
Di nagtagal nilamon narin ako ng antok at nakatulog.
------------
6:30 a.m
Maaga akong nagising kesa kay ate dahil wala naman akong hangover at dahil hindi na ako makatulog ulit minabuti ko nalang na magluto ng almusal namin since ate never like cooking ako nalang ang magluluto.
I get my mp3 at agad na isinaksak ang earphones sa tenga ko. Next I grab the apron at sinuot ito saka itinali ang buhok ko.
Then I start preparing for breakfast, kumuha ako ng mga ingredients sa refrigerator at agad na inilapag lahat sa mesa then I start chopping onions and leaks, magluluto ako ng omelet, bacon wrapped with cheese and hotdogs at dahil health conscious ang kapatid ko gumawa narin ako ng vegetable salad.
She works the night, by the water
She's gonna stress, so far away from her father's daughter
She just wants a life for her baby
All on her own, no one will come
She's got to save him...
I start singing nung matapos na ang panimula ni Sean Paul. I really like this song dahil nagsasaad ito ng mother's love for her child, na kaya niyang gawin lahat alang-alang sa kanyang anak.
She tells him "ooh love"
No one's ever gonna hurt you, love
I'm gonna give you all of my love
Nobody matters like you...
I start pouring the small chopped onions kasabay nun ang tomatoes a few minutes binuhos ko na lahat ng battled egg saka seasonings at chopped leaks.
She tells him "your life ain't gonna be nothing like my life
You're gonna grow and have a good life
I'm gonna do what I've got to do."...
After cooking everything I started choppings veggies para sa salad.
"So rockabye baby, rockab---
"Argh! Ang sakit ng ulo ko!"Ani ni ate habang nakahawak sa kanyang ulo.
Natigil ang pagkanta ko nang makita ko siya papunta sakin.
"Just continue what your doing. Ack!" Napahawak siya sa bibig niya at agad na tinakbo ang lababo at sumuka.
Iniwan ko muna ang hinanda ko at agad ko siyang inilalayan.
"Ate okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.
"No I'm not! F**k this hangover! Di na talaga ako iinom!" Himutok niya. Inabutan ko naman siya ng tissue at pina-upo.
"Please give me hot coffee." Saad niya habang nakaub-ob sa mesa.
"Kumain ka muna kahit kaunti ate. I won't give you coffee mas lalong nakahihilo yun at magsusuka ka pa lalo na't mainit. Kailangan malamig inumin mo para mawala yan." Saad ko sa kanya at agad na inilapag ang mga niluto ko sa mesa.
"And where did you get that idea? Cold drinks? Baka mas lumalala hangover ko niyan." Ani niya sabay subo ng omelet. "Ugh! Infairness ang sarap nito sayang kung isusuka ko lang."
"Here." Saad ko at inabot sa kanya ang cold apple juice.
"Sure ka?"
"Trust me. Masama sa rin inumin ang coffee sa umaga lalo na't walang laman ang tyan aside sa acidic, may caffeine rin ito. Mas mabuti pa maraming tubig nalang ang inumin mo." Paliwanag ko sa kanya sabay subo narin ng bacon.
She just shrugged her shoulders, "whatever." Then she ate her breakfast.
"Uminom ka nalang ng aspirin for your headache." Saad ko tas ibinigay sakanya ang gamot.
"Thanks." She said smiling. Then we continue eating.
-----------
10:00 a.m
Nasa studio na kami ngayon for our next shooting dahil hindi pa ako tinatawag ni ate minabuti ko munang magtago sa dressing room. I start doing my stuff again. Syempre di ko pinapabayaan ang trabaho ko bilang composer.
Bukas na magpeperform si ate sa ASAP kaya pinagpahinga ko muna boses ko. Dahil sa deal namin ako ang kakanta para sa kanya.
"Hey sis!" Napalingon ako sa pagtawag sakin at alam kong si ate iyon.
"Magbihis kana." Saad niya sabay upo. She looks tired.
"Okay kalang? May hangover ka pa ba?"
"W-wala na, just dress-up already."
Tumango naman ako at agad na nagbihis.
"Sh*t that guy! Ugh! Akala mo kung sinong gwapo!" She hissed na ikinakunot ng noo ko.
"Ano sabi mo ate?" Tanong ko. "May nangaway ba sayo? Si manager Larry ba?"
"No not him, that newbie! Bagong pasok sa industriya. Ke bago-bago ang laki na nang ulo. Saksakan ng hangin sa kanyang katawan!"
"Relax ate. May bagong artista?"
"Unfortunately, yes! At ubod ng sungit. He's so effin rude! That jerk is my new partner. Since busy si Rodney (leading man ni Savannah) sa kanyang nalalapit na kasal. He's my new partner. Akala mo kung sinong pro. Husgahan ba naman acting ko? Well, I want you to prove him wrong sis, galingan mo pa sana pag-acting mo mamaya."
Kinakabahan man tumango nalang ako at sinabing, "Yes ate I will. 'Di ko rin hahayaang may manghusga sayo."
"Oh! Thanks sis! Glad you've grown up already, at 'di na kita kailangang isave all the time." Saad niya ta's niyakap ako. "Let me fix your hair and make up."
Umupo naman ako at sinimulan na niya akong ayusan.
---------
"Okay everybody, position!" Sigaw ni direk, "Shane sana naman magtino kana ngayon para maaga tayong matapos. My gosh! Ano bang nangyayari sayo? Bipolar ka ba? Your so slouch yesterday and then your good today. I don't want that! Gusto all the time dapat maganda performance mo. Dadami wrinkles ko sayo eh! O siya, position na! Ready! Camera... Action!"
Huminga muna ako ng malalim saka hinarap sa camera at sinimulan na ang pag arte ko.
Then I meet this guy. Ito kaya tinutukoy ni ate?
"Cut! Shane, what are you doing?! My gad! Your spacing out again! Ayusin mo yang sarili mo. Again... Take three!" Suway sakin ni direk.
"Space out? Or day dreaming? Alam kong gwapo ako, pero 'di mo kailangan mastarstruck sa pangalawang pagkakataon." He whispered then smirk. Abat! Mukhang tama si ate mahangin nga ito. Sayang gwapo pa naman. Wait what? Erase! Concentrate Sarah!
The whole scene was so awkward, kung pwede lang sana lamunin ako ng lupa, pano grabe makatitig tong partner ni ate. Tch!
"Shane right?" Tanong niya habang pinapaypayan ng mga assistant niya. "You're not that bad naman pala umacting eh. Pfft! Director was right bipolar ka siguro, ang tahimik mo di katulad kanina na palagi mo kong minumura. Anyway looking forward for our chemistry in teamwork. I'm Hyuno by the way." Inilahad naman niya ang kaliwa niyang kamay.
Nakakunot parin ang noo ko at sinabing, "Shane Lopez." I didn't bother to accept his hands. Naiirita narin ako sa kanya. "Well then, see you tomorrow." At tinalikuran ko na siya.
~Thanks for reading 💞😘
Vote and comment please 💞
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com