Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

✍Fifth Note✍

[A/N: Sarah Shane's Photo on multimedia above 👆]

SARAH

"E-edward? A-anong ibig sabihin nito?" Saad ko sa leading men na totoong kapartner ng kapatid ko.

They were having a scene of making out with another protagonist actress.

"Sino siya babe? Kilala mo?" Ani nang kontrabida sa teleseryeng ito.

"No. Don't mind her, sa ibang lugar nalang natin ipagpatuloy to." Saad ni Rodney ang leading men.

"Anong hindi kilala? Edward girlfriend mo ako! Sino siya? Ba't ka nakikipaghalikan sa kanya?" Saad ko suppressing a tears to fall from my eyes.

Para sakin hindi mahirap umiyak dahil isa akong mahinang tao. At ang scene na 'to, seem like the past scene happened in my life last 3 years when Rafael, my ex, cheated on me.

"We're done Joanna, hindi na kita mahal. Magmula nung iniwan mo ako, wala kanang puwang na babalikan sa puso ko." He said and left with the girl.

 Then I started to cried all my heart out parang lahat ng hinaing ko sa pang-aapi ng mga kaklase ko noon at pagloko sakin ni Paeng. I didn't notice nakaluhod na pala ako habang nakahawak sa dibdib ko.

"AND CUT!" Sigaw ni derik, lumapit agad sakin si Ruby at inilalayan akong tumayo.

 Ang ibang assistant staff naman ay dali-dali akong pinaupo at pinapaypayan. Ganito pala kahirap ginagawa ni ate Savannah palagi. Kapagod rin pala maging artista.

"OMGEEE! Shane! I can't believe it! You're improving your skills. Dapat ganyan, ganyang ang tunay na artista! Wait? May pinagdadaanan ka ba?" Daldal ng director nila ate Savannah.

I just smiled at him at umiling.

"Okay, good na tayo sa araw na ito. Kung palagi kang ganyan maaga tayong matatapos at maaga tayong makakapagpahinga. You should keep it up!" Saad niya sakin sabay bigay ng bagong scripts. "See you tommorow." Then he left.

"Okay guys, ligpitin niyo na mga gamit niyo." Saad naman niya sa mga staff.

Nang matapos narin akong maglipit dumeritso na kami ni Ruby sa dressing room ni ate Savannah.

Sinalubong kami ni Manager Larry at sinabing, "I'm impressed! Sana maisipan mo na ring mag-artista kayo ng kambal mo. Maldita kasi yun ikaw naman mahinhin. perfect combination. Tyak na malaking pasabog ang mangyayari." 

"Anong malaking pasabog ang tinutukoy niyo?" Sabat ni ate, nasa likod na pala namin siya.

"Wala...Pasok na tayo sa loob baka may makakita pa sa inyo." -Manager Larry.

Sumunod naman kami ni Ruby sa sinabi ni manager Larry at pumasok na sa loob ng dressing room.

"Ang aga niyo yata natapos?" Tanong agad ni ate habang prenteng naka-upo at sinusuklayan ang buhok.

"Kasi po tatlong take lang si direk kada scenes." Sagot ni Ruby.

"Really sister?" -Savannah

Ngumiti lang ako sa kanya bilang pagsagot.

"Very good sister. Pinapadali mo trabaho ko," saad niya tas bigla siyang tumayo. "Magbihis ka na Sarah at magligpit na kayo may pupuntahan tayo. May schedule ba ako ngayon Lar?" 

"Hmm..." Binuksan ni manager Larry ang laptop niya. "Wala naman Shane." 

"Then were good to go! This is going to be fun!" Excited na saad ni ate dahilan upang magkatinginan kaming tatlo na may awkward na ngiti sa labi.

~Thanks for reading <3

Pasensya na maikli lang update ko ngayon may writers block ata ako. Hindi ako makapag-isip ng matino. hehe . Sana wag kayong magsawang sumuporta sa story ko.

Rank: #103 in Chicklit 😍😍
Thanks guys 😘

Leave comment and vote PLEASE...

Love lots! Ciao! :-*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com