Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

✍Fourth Note✍

[A/N: Savannah Shane Lopez's photo on multimedia above👆]

SAVANNAH

"May gusto ka bang sabihin Miss Shane sa mga fans mo?" Tanong ng baklitang host ng Mornings with Yuri.

    

Nasa isang morning show kasi ako ngayon at heto na sa wakas patapos na rin ang show. Inaantok pa talaga kasi ako. Fortunately, napipigilan ko pang humikab in front of my fans.

"Yes, I would like to extend my gratitude to all of my fans na matyagang nanunuod sa primetime series, shows, guesting at movies ko, salamat rin sa pagtyaga niyong pumila sa fansigning ko. And most especially thank you for loving me kahit na maldita ako. Abangan niyo ang bago kong pasabog sa ASAP. I love you all!" Saad ko sa kanila sabay bigay ng flying kiss. 

I heard them scream my name at masigabo nilang palakpakan before i leave the stage. At sobrang nakakataba ng puso't nakabibilog ng ulo.

Nung palabas na ako ng studio agad naman nagkumpulan at nagsilapitan ang mga fans and interviewer. I widely smile and wave at them. Hinarang naman sila ng mga fans ko habang papunta sa van.

 Pagbukas ko agad na mukha ni Sarah ang bumungad sakin wearing her thick eye glasses again and holding her trashy notebook.

"Ate ang galing mo kanina." Saad ni Sarah pagkapasok ko sa van.

"Mamaya na tayo mag-usap Sarah, i badly need to sleep." Sagot ko sakanya then I lean on the sit at ipinikit ang mga mata ko.

----------

3:45 P.M at Dressing Room 

"Sarah, it's your turn now." Saad ko sa kanya at agad na naghubad. This dressing room is exclusive for me only. Dahil ayokong mabuking kami ni Sarah.

Tumango naman siya at hinubad ang robe niya then she wore the same outfit na sinuot ko kanina

Pina-upo ko siya sa harap ng malaking salamin kumpleto rin ang make-up at kagamitan rito kaya hindi na ako mahihirapang ayusan siya. Yes, Isa akong artista pero mahilig ako sa fashion and make ups kaya alam ko ang gagawin kay Sarah.

      

Inilugay ko ang buhok niya ng kagaya sakin. Dahil straight ang buhok niya di katulad sakin na inborn nang kulot, i have to curl her hair again. 

After putting curlers, i immediately apply make up on her face like mine. Pagtapos ng almost half hour na pag-aayos ko sa kanya. Finally tapos na rin ako.

[A/N: Sarah's Picture below]

"Let me see," Saad ko at pinaharap siya sakin "okay, good. You have to stick to Larry para maguide ka niya sa gagawin. Tumahimik ka lang, magsalita kalang pagkailangan na para di tayo mahalata. Understand?" 

Tumango naman siya at sinabing, "kinakabahan ako ate."

"You shouldn't! Tandaan mo lang mga instructions ko sayo. Now go!" I told her sabay marahan na itinulak siya palabas ng dressing room.

Nakaabang naman si Ruby. P.A ko, sa labas para sunduin si Sarah.

Finally i have my peace at makakapagpahinga muna ako saglit. I grab my phone at agad na nag-open ng twitter. I have 1 million followers hindi narin masama iyon. Nang na bored na ako inilapag ko na ang phone ko. I was about to close my eyes when I heard a knock.

Tch, Sino ba tong isturbong to? OMG! no one knows I'm here. What to do? Sh*t! Savannah think!

"Ako to! Si Larry." Boses galing sa labas ng pinto. 

Nakahinga naman ako ng maluwag at agad na binuksan ang pinto.

"Ano ka ba? Ba't ka pumunta rito? Pano kung malaman nilang nandito ak---"

"Shh... I brought something for you. Alam kong hindi ka pa kumakain ng breakfast at lunch. Mahirap na baka magkasakit ka niyan." Larry cut me off. Hayy... Akala ko pa naman kung ano na.

"Pano na si Sarah dun? I told you to guide her." 

"She's okay, matalino ang kapatid mo kaya may tiwala ako sa kanya besides she's with Ruby," Binuksan niya ang dala niyang Burger King at iniabot ito sakin. "Here eat this."

"I'm on a diet---"

*grrrrwwlllll* (A/N: pasensya na tunog ng kumakalam na tyan yan :D)

Tumawa ng malakas si Larry na lalong ikina-inis ko. 

"Diet pala ha? Pfft!" Then he started to laugh again.

"I hate you! Akin na nga yan!" Bulyaw ko sa kanya i snatched the burger he's holding at marahas na kinagat.

*******

~Thanks for reading! :) <3 

P.S. lalaki po ang manager nila na si Larry.

Leave your comment and vote PLEASE :-*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com