✍Third Note✍
[A/N: Twin's photo above , Savannah Shane=Right. Sarah Shane=Left]
SARAH
A loud ringing of alarm clock ruined my deep sleep. Kahit banggag pa ako pinilit ko ang sarili kong bumangon. Knowing Savannah, magwawala na naman iyon pag hindi nasunod ang gusto niya.
I yawn and stretch my back.
Tumayo na rin ako at sinimulang ligpitin ang higaan ko bago dumeritso sa banyo.
------------
"Ano pong gusto niyong frame?" Tanong ng assistant ng opto.
"She doesn't need frame. Contact lenses ang gusto ko." Sabat ni Savannah samin habang nakatitig sa kanyang cellphone.
"But! Hindi ako nagsusuot ng contacts." Tutol ko, mas gusto ko yung madali lang tanggalin at suotin.
"I told you Sarah. No buts, period." Sagot niya kaya napabuntong hininga nalang ako.
"Ok po ma'am, pumasok na po tayo sa loob para sa examination." Saad ag assistant kaya sumunod narin ako.
It took half hour bago natapos ang examination sa mata ko tapos pinarush ni Savannah ang paggawa sa contacts ko. Maluha-luha pa ako habang sinusuot ko ito dahil hindi pa talaga ako sanay pero mas maganda pala ito dahil di mabigat sa ilong di gaya nung eyeglasses yun nga lang kailangan ng maintenance, so i brought with me my solutions.
"Next stop, shopping!" Excited na saad ng kakambal ko.
"Pano kung may makakita satin ate at pagkaguluhan ka nila?" Alangan kong tanong sa kanya.
"Who cares? Subukan lang nilang mang-istorbo sa lakad natin makakatikim talaga sila sakin." Balewala niyang sagot sabay pasok sa van.
I just shrugged my shoulders at pumasok na rin sa van.
After a few minutes nakarating narin kami sa mall.
"Suotin mo 'to," saad sakin ni Savannah sabay abot ng box,"wear that, para di nila tayo makikilala." Pagkatapos niyang sabihin yun isinuot niya ang isang bonnet,malaking sun glasses at isang face mask.
Hindi ko na siya tinanong pa dahil alam ko na ang ibig sabihin niya. I immediately wear this stuff at sumunod na sa kanya papasok ng mall.
"Sa'n tayo?" Tanong ko sa kanya.
"We'll go first to Ricky Reyes' Salon for your make over." Sagot niya.
"Kailangan pa ba yun ate?"
Tumango lang siya bilang pagsagot sa tanong ko. Hindi na ako pumalag at sumunod na sa kanya papasok sa salon.
"Hello Ma'am, good morning. Hair cut mam? Rebond?" Bungad ng baklang sumalubong samin.
Tinanggal ng ate ko ang suot niyang bonnet, eye glasses at mask na ikinabilog ng mga mata ng staff sa loob ng salon.
"Oh my gosh! Miss Shane! Welcome po!" Starstruck na saad ng bakla. Ate loves attention kaya alam kong natutuwa siyang makilala siya ng mga staff rito. Hanggang ngayon di ko parin tinatanggal ang pangtago kong suot naghihintay lang akong utusan ako ni ate.
"Wala bang ibang costumer?" Tanong ng kapatid ko sa kanila.
"At this hour maam wala talaga dahil malapit na maglunch break." Saad ng isang staff.
"Good. Babayaran ko kayo ng triple just make sure na walang ibang papasok na costumer. Not until we're done here. " Maawtoridad niyang saad sa kanila.
Tumango naman ang mga staff rito. Papa-upo na sana ako ng bigla akong tawagin ni ate.
Pinahubad niya sakin ang suot kong mask at eyeglasses then the room is filled with gasped yung iba nabilaukan pa. Right, World knows Savannah but no one knows me. Itinago nila ako gaya ng gusto kung gawin nila para sa sarili ko. To protect me and my twin.
"She's my twin sister. I won't tell her name for security purposes. I don't want any of you spread rumors about me and my sister, sa oras na gawin niyo yun I'll haunt you all and I swear I'm gonna ruin your life so don't mess with me. Now, Are we clear?" Saad ng kapatid ko. Batid ko ang tensyon sa buong room at nakatulala parin ang ibang staff.
"Ye-yes ma'am." Nauutal na saad ng bakla kinakatakutan talaga ang ate ko kaya normal lang sakin na ganito palagi nakikita ko.
"Okay let's procceed. Imake over niyo ang kapatid ko. Make her hair curls like mine. Tanggalin niyo yung bangs. In short gawin niyong magkamukha kami ng walang palya every detail I want her to be like my mirror." Utos niya sa kanila bago umupo sa waiting sofa nila at kumuha ng magazine.
Agad naman nila akong pina-upo at tinanggal ang tirintas ng buhok ko. Inilugay nila ito at sinimulan ang utos ng kakambal ko.
Matapos ang halos isang oras na pag-aayos sa hitsura ko di ko na makilala ang sarili ko.
Dahil ang nakikita ko sa salamin ngayon ay ang mukha ng hinahangaan at kinakatakutan ng lahat. Ang mukha ng kakambal kong si Savannah.

Nilapitan ako ng kapatid ko at sinabing, "Perfect! Kambal nga talaga tayo." Sabay tawa niya.
"Job well done! Here's my payment. Keep the change as well as your mouths. Thank you." Saad niya sa mga staff, at ibinaling ang tingin sakin na hanggang ngayon ay hindi parin ako makabawi sa nakikita ko sa harap ng salamin.
"Let's go sister. Marami pa tayong dapat gawin." Saad niya sakin tumingin ako sa mga staff at ngumiti sa kanila at nilisan na namin ang salon.
Nagtake-out kami ng tanghalian sa The Aristocrat dahil ayaw ng kakambal ko na kumain kami dun at pagkaguluhan. Pagkatapos umorder, dumeritso kami sa studio nila at dun na kumain.
Inexplain lahat sakin ni Savannah ang mga dapat kong gawin at first hesitant pa ako pero dahil likas na mapilit ang kapatid ko nakaka-adjust narin ako sa ginagawa ko.
She first teach me how to act. I mean ang manager niya ang nag assist at tumuro sakin to be her doble or substitute actress dahil nga magkamukha kami.
Second Savannah force me to sing at siya naman ang tinuruan ko sa lipsings so far so good naman. Sa una nakakapagod but later on nakaka-enjoy rin pala.
At simula nung araw na yun naging tuluyang maskara na ako ng kakambal ko.
~Thanks for reading :-* <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com