Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20: Going Back.

Chapter 20: Going Back.

Desiree's PoV

        


Hay! Ngayon na ang day na aalis na kami. 

Goodbye Boracay! 

It was a fun trip naman. 


My wound is feeling a little bit better na. 

Ginagamit ko naman yung binigay ni nurse eva na gamot kaya medyo gumagaling na.

And oh! Ang kwintas na binigay ni lola. I really have it back na. 



Thanks to Adrian. 

Ngayon iingatan ko nang mabuti to. 

I'm not gonna let myself get this lost again.



 Andito kami ngayon sa room namin inaayos ang kanya-kanya naming gamit.



"Bes, Trisha, nakaimpake na ako, kayo?" tanong bigla ni Abigail.



Narinig ko yung pag-zipper ng maleta ni Trisha. 

"Done na din." Sabi niya.



Tumingin naman sila sa akin. 

"Almost done." Sabi ko at pinasok ang huling damit sa maleta ko. 



Zinipper ko na din.

"Bes, antayin ka namin ni Trish sa labas ha?" sabi ni bes saakin. 



Tumango naman ako. 

Lumabas na din sila at kami nalang ni Eunice ang naiwan dito.

Kinuha ko yung kwintas ni lola sa ilalim ng foam ng higaan ko. 



Dito ko kasi nilagay kagabi. 

Sinuot ko na yon around my neck. 

Feels so good that it's mine again.



 "There." sabi ko at tumayo hawak hawak ang handle ng maleta ko. 



Itinaas ko na yung handle ng maleta ko at hinila. 

Palabas na ako ng room ng biglang humarang si Eunice. 

Ano nanaman kailangan ng babaitang to?!



Nakita kong nakita niya yung kwintas na suot ko. 

Hah. At ang mukha niya pa ay hindi makapaniwala. 

Tch.



"What?!" tanong ko.

        


Nag-smirk siya. 

"So. You got your necklace back eh?" tanong niya.

"Yes. ADRIAN gave it back to me." Inemphasize ko talaga yung 'Adrian'. 


Mamatay ka Eunice sa Inggit! 

Nakakainis na din ang ugali ng babaeng to.

Isinara niya yung kamao niya.



Nakita kong naiinis na siya pero pinipigilan niya. 

Ilabas mo yan teh, 

baka mautot ka.



"Porket nakuha mo na yang kwintas mo mayabang ka na?!" sigaw niya sa mukha ko.



Pinunasan ko yung kanang pisngi ko. 

"Wag ka ngang talsik laway." sabi ko. 



Totoo naman eh. 

Tumatalsik ang laway niya. 

Kadiri.



"And for your information, hindi ako mayabang. I just learned how to fight for myself okay?" sabi ko. 



Mukahang nagulat naman siya sa inaasal ko.



"Now get out of my way Eunice." sabi ko at binunggo siya. 



Nabunggo niya rin yung inaayos niyang malet na dahilan para bumagsak ang maleta niya at nagulo nanaman ang mga gamit niya.



"Oh. Sorry." I smiled inoccently then walked away.

        


Lumabas na ako ng tuluyan ng room. 

I can't stand her attitude. 

Narinig kong sumigaw pa siya. 



Pagkalabas ko nagulat pa ako.

Nakarinig ba naman ako ng mga palakpak.

Sila bes at trisha lang pala.



 So means nakita nila yung nangyari? 



"Galing mo bes!" sabi ni abigail habang patuloy padin sa pagpalakpak.

 "Oo nga! Saludo kami sayo!" sabi din naman ni Trisha at umaktong sumaludo.



Natawa ako. 

"Haha. Tara na nga lang." sabi ko.

        


Tumango naman sila. 

At itinaas ang kanya-kanyang handlen ng maleta at hinila. 

Sumakay na kami ng Elevator.



"Haist. Gusto ko pa mag-stay dito sa resort." narinig kong sabi ni Abigail.

"Haha. You can come here anytime you want Abi." sagot ni Trisha. 



Narinig niya din siguro yung sinabi ni bes.

"Yeah right. Kaso busy sa school." sagot ni Abigail. 



Tama nga naman. 

Madaming ginagawa sa manila. 

Siguro sembreak pa or bakasyon pa kami makakabalik dito.



"Cheer up bes. Atlist nakasama tayo dito sa trip na to." sabi ko sakanya ng nakangiti. 



Na-enjoy naman namin kahit paano tong trip na to.

Nginitian din niya ako.

Sakto namang bumukas na yung elevator. 



Pagkabukas ng elevator medyo madami nadin ang mga taong nandito sa baba. 

Nandito na din yung mga ibang bus.

 Lumapit kaming tatlo don sa seksyon namin.



"Oh guys dito niyo tignan ang mga seat numbers niyo." sabi ng isa naming classmate at idinikit ang papel sa likod ng isang bus.



Agad kaming lumapit don. 

Medyo hindi namin makita dahil ang daming tao. 

Kaya lalo pa ulit kami lumapit nakisiksik kami.



Ayan halos kaharap na namin ang papel.

Okay where's my name. 

Valdez..... Yown! I'm on seat number 19.



"Aw, magkahiwalay-hiwalay tayo ng seats." sabi bigla ni Trisha

 "Ok lang yan. haha"

"Tara, sakay na tayo."

"Leggo." at nagkanya-kanyang punta na kami ng seats.



Nakita ko pa si Eunice na nasa loob na pala ng bus na ang sama ng tingin sa akin. 

Psh. Ano nanaman ikinagagalit ng babaeng to? 

Itinaas baba niya pa ang tingin niya sa akin na parang nandidiri. 



Dukutin ko eyes mo jan e.

Pinabayaan ko nalang siya at wala akong ganang makipagsagutan sa kanya dito sa bus. 

Hinanap ko nalang yung upuan ko.


        

Nung nahanap ko yung upuan ko nagulat ako sa nakatabi ko. 

Hindi si Arnold na dugyot. 

It's my  NEW FRIEND. Predictable na. haha.



"Hey." sabi ko sakanya.

        


Si Adrian. Yesh! 

Atleast better than niya sa nakatabi ko nung last. 

Seems like magiging komportable naman ako sa byahe.



Tumingin siya sakin. 



"Hi." sagot niya.



Ibinaba ko muna yung handle ng bag ko. 

Ilalagay ko na sa taas kung saan nilalagay ang mga bagahe. 

Kaso parang hindi ko mabuhat.



Pero I didn't give up. 

Atlast! nabuhat ko na din. 

Nanginginig yung kamay ko dahil sa bigat. Pinilit kong itaas.



"Here let me." nagulat ako ng tumayo si Adrian at kinuha saakin yung maleta ko at siya ang nagbuhat.



Binuhat niya yun ng parang easy lang. 

Wow lakas. Malamang, lalaki siya eh. 

Siya na rin ang nagurong ng maleta ko para hindi mahulog.



"A-ah. Thank you." sabi ko. 



Seriously, ang dami na talaga niyang nagawa para sa akin. 

Thank you lang ako ng thank you. 

Iba siya sa unang Adrian na nakilala ko. 



He just smiled at me at bumalik na sa upuan niya. 

Siya nga pala ang nasa bandang window side. 

Ako nanaman ang nandito sa may gitna. 



I smiled back at naupo na din sa upuan ko.

Nang umupo ako sa upuan ko napatingin ako kay Adrian. 

Oh gosh! Nagtama ang tingin namin. 



Meaning nakatingin din siya sa akin? 

Iniwas ko nalang ang tingin ko at nilabas yung phone ko.

Feeling ko nakatingin pa din siya sa akin! 



As is yung eyes niya nakatutok sa akin. 

Feeling ko pinagmamasdan niya yung face ko!

Tinginan ko ulit siya.

        


Ay. Hindi pala nakatingin. 

nakatingin pala sa phone niya. 

Feeling lang pala ako. 



Pero, akala ko talaga nakatingin siya eh. 

Aish.

Pumunta na ako sa settings ng phone ko at naghanap ng Wifi na mapapagconnectan. 



"Ahm Adrian. Alam mo ba yung pangalan ng wifi nitong bus?" tanong ko sakanya. Mukhang siya kasi naka-connect na.

"Ah. ****** Free wifi yung name."

"Ah ok Salamat."

"Ge."

        


Hinanap ko na yung sinabi niyang name. 

At yun nga nagconnect ako. 

Tapos nag-fb muna ako. Sakto namang umandar na yung bus.



5 notifactions. 0 messages. 1 Friend Request.

Wow. Sorry di naman kasi ako peymus.

Una kong Tinignan yung Notifications ko. 



Psh. Puro Game Requests lang naman galing kung kani-kanino. 

Eh hindi naman kasi ako naglalaro ng mga ganyan. Haist.

Next naman is yung Friend Requests. 



Adrian De Guzman. Confirm | Not Now



Napatingin ako sa katabi ko. Nakatingin padin siya sa phone niya. 

Hindi na ako nag dalawang isip inaccept ko na. Bat naman hindi eh friends na nga kami. haha.

After nun nagscroll scroll muna ako sa news feed ko.


------------------------


Eunice's PoV

 **hatssiiinnggg**


"The Fck?!" I cussed. 



Paano, 

humatsing lang naman ang pinakadugyot sa mundo na kilala ko na si Arnold! 

Bwisit kasi siya pa ang nakatabi ko!



"Ey sorry Eunice." sabi niya at tatangkang pupunasan ako gamit yung panyo niya pero tinabig ko.

 "Sorry your face." sabi ko rolling my eyes.



Umupo na siya ng maayos. 

"Ah hehe." sabi niya. Aish! Di ko na talaga kaya maupo dito!

        


Badtrip naman! 

Umagang-umaga sira ang araw ko. 

Bwisit kasi yung babaeng Desiree na yun! 



Inagawan pa ako ng upuan. 

Ako naman kasi dapat ang katabi ni Adrian hindi siya!



"Psst. Huy babae." tawag ko sa babaeng katabi ng nag-aayos ng seating arrangements.

Lumingon siya sa akin. 



"Palit tayo ng seats." sabi ko.



Hindi naman siya makapaghindi kasi maldita ang pagkasabi ko. 

Isa pa, hindi siya makakatanggi sa isang tulad ko.

Kaya naman tumayo siya. 



Tumayo din ako. 

Humawak kami sa mga upuan para hindi matumba at gumagalaw ang bus. 

And success ! Nakaupo na din ako dito.



"Miss bawal magtrans- E-eunice." yung mukha niya parang natakot. 



Umiwas siya ng tingin sa akin. 

Psh.



"Hey you." sabi ko sakanya na dahilang mapatingin siya muli sa akin.

 "Yes po?" tanong niya.

"Diba sabi ko dapat lagi kaming magkatabi ni Adrian?! Eh bakit ganito?! Iba ang katabi niya?!" bwisit kong tanong ng derederetso sakanya.



"A-ah. Kasi sabi ni Ma'am bawal na daw magtransfer." sagot niya. 



Pathethic. 

Pero hayaan na. 

Bwisit naman talaga oo.



"Eh bakit mo ako tinabi sa lalaking yon ha?!" sabi ko at tinuro sa likod si Arnold. 

"Alam mo bang halos mamatay ako habang katabi ko siya?!" sabi ko pa. 

"OA mo naman." narinig kong bulong niya.

"Ano sabi mo?" sabi ko giving her a death glare.

"W-wala po. Yun po kasi talaga ang inayos ni ma'am na arrangements. Hindi ko na po kasalanan kung siya ang makatabi mo." sabi niya.



Wala na din naman akong magagawa. 



"Argh!" sabi ko nalang and rolled again my eyes.



Umayos na ako ng upo dito. 

Ayoko ng bumalik dun no. 

Mas gugustuhin ko pa dito maupo kaysa duon.



"Miss Eunice.... Pwede pong bumalik na kayo sa u-upuan niyo. B-bawal nga po kasi magtransf-"

"Shut up." pinutol ko siya. 



Daldal pa ng daldal eh. 

Nakakainis. 

Kita niyang badtrip na nga ang tao eh. 



Hindi na rin naman siya umimik. 

Good. Pinikit ko muna yung mata ko. 

Itulog ko nalang tong pagka-badtrip ko.



------------------------



A/N: Sorry dahil natatagalan ang UD. Busy na po kasi talaga sa school. Tsaka nagkaka- author's block din po ako. Nahihirapan din. After Ilang weeks saka lang po ako nakapag-UD. BITIN PA. Sorryyy ulit! Dedicated to one of my Readers MaryLuzJimenez. Thank you thank you! Vote & Comment! And thank you for reading!

Picture ni Adrian sa bus at the multimedia.

DiamondAlpha



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com