Chapter 21: Something Important.
Chapter 21: Something Important.
Desiree's PoV
Nagising ako ng biglang may naramdaman akong yumuyogyog saakin.
Ansarap pa ng tulog ko e.
Unti-unti kong binuksan ang dalawang mata ko.
Kaso kusang sumasara ulit.
Ndi ko mabukas ng maayos.
Inaantok ako.
"Hey Desiree." naramdaman kong niyuyog niya ulit ako.
"Desiree wake up. Were here already." teka, si Adrian yun ah.
Pinilit kong buksan yung mata ko.
Pagkamulat ko mukha agad ni adrian nakita ko.
"Good your awake. Andito na tayo." sabi niya.
Tumango ako at umayos ng upo.
Nakita ko yung mga taong lumalabas sa pintuan ng bus.
Timingin ako sa bintana.
"Gabi na pala?" natanong ko.
Madilim kasi sa labas eh.
Tumingin din ako sa orasan ko.
7:34 pm na.
"Traffic daw kasi kaya tayo na gabihan." biglang sagot ni Adrian habang nag-aayos ng gamit niya.
"Ahh kaya pala." tumango ako.
Tumayo na kaming dalawa.
Kinuha ni Adrian yung Maleta ko kung saan niya nilagay kanina at ibinaba.
"Thanks." pasasalamat ko.
Hinila ko na yung handle ng maleta ko at bumaba na kami ni Adrian.
Agad kong hinanap sila Trisha at Abigail.
Huh? Saan na yung dalawang yun?
"Adrian alam mo nasaan sila Bes at Trish?"
"Desiree sabay lang tayo bumaba kaya malamang hindi ko alam."
Ayan na nanaman ang pagkamasunget niya.
Pero tama nga naman siya.
Narinig kong nagpaalam na si Adrian saakin at pupunta na raw siya sa parking lot.
Napatingin ako sa cellphone ko dahil mayrong text.
From: Bes<3
Bes! Nauna na kami ni Trisha kasi inaantok na kami. Sorrryyy. Sabay ka nalang kay Adrian if you want. Ayiiee.
Tss. Loko loko yung mga yun ah.
Iniwanan ako dahil inaantok sila?
Yung tataa? Haist.
Ang layo pa naman ng village namin dito sa terminal.
Sino kaya kasabay ko?
Si Adrian daw?
Tumingin ako kay Adrian.
Naglalakad na siya palayo sa kinatatayuan ko.
Sabay ako sakanya?
Pwede... magkapitbahay naman kami eh.
I bit my Lower lip.
Pakapalan na ng mukha.
"Adrian!" tawag ko at tumakbo papalapit sakanya.
Lumingon naman siya.
"Hmm?"
"May kotse ka?"
"Of course." Yes may kotse daw siya!
"P-pwedeng pasabay muna? Nang-iwan kasi sila Abigail At Trisha eh. Please?" tanong ko sakanya.
Kumunot yung noo niya
"Sure." sagot niya.
"Sure? as in pwede? pwede talaga? pumapayag ka?" masayang tanong ko.
He gave me his poker face.
Then I saw his smirk.
Nagulat ako ng biglang umiling ang ulo niya.
"Hindi Desiree, sure as in umuwi ka mag-isa mo." nanlaki ang mata ko ng tinalikuran niya ako at nagsimula nanamang maglakad papalayo.
"U-uy! Joke lang naman! he-he Oh tara na sa kotse mo." sabi ko at hinila siya sa braso papuntang parking lot.
Mahirap na, baka magbago ang isip ng mokong na to.
Narinig kong tumawa siya ng mahina.
Pero pinagpatuloy ko nalang ang paglakad ko.
------------------
*PARKING LOT*
"Oh Adrian saan dito kotse mo?" Tanong ko habang nakanguso sa mga kotse.
Madami-dami din ang mga kotse dito.
Mga mamahaling kotse. Iba't-ibang klase at kulay ang nandirito.
Saan kaya ang kotse ng mokong dito?
Nakita kong lumingon lingon din siya sa paligid.
I guess his looking for his car.
Naglakad-lakad pa siya habang tinitignan ang mga nakaparadang kotse.
"Where the heck is it." narinig kong bulong niya.
"Teka, eh may kotse ka ba talaga dito?" tanong ko ng nakacross-hands.
Eh hanap kasi siya ng hanap.
Pabalik pabalik na nga lang siya eh.
Dont tell me wala pala ang kotse niya?
"Yes, I'm quite sure. Sabi ni mama pinaiwan niya daw dito." sagot niya habang lingon padin ng lingon sa mga kotse.
"Eh bakit parang wala?"
Napatigil siya sa paghahanap.
Nakita kong nilabas niya yung phone niya.
"Wait a sec, I'll call my mom." at nakita kong may dinial siya. Tumango nalang ako.
Nakita kong nilagay na niya sa tapat ng tenga niya yung phone niya.
Narinig ko yung tyan kong kumukulog.
Err. I'm starving.
Hindi pa kasi ako nakakapag-pang gabihan.
Sana naman makauwi na kami para makakain ako sa bahay.
Naman kasi sila Abigail eh.
Kung inantay nila ako malamang nasa bahay na ako.
Mga ilang dials din ang ginawa ni Adrian bago sagutan ng mama niya.
"Hello ma?.... Yes ma, we arrived already... I'm with Desiree... We haven't gone home because the car isn't here.... Oh.... Sige ma we'll wait... Bye... Ingat..." at binulsa na niya yung phone niya.
Tumingin ako sakanya.
"Hindi daw napaiwan ni mama yung kotse. May pupuntahan lang daw siya. But don't worry, pupuntahan nalang daw tayo ni mama dito."
"Ahh sige." sagot ko at tumango.
Hinila ko na yung maleta ko.
Siya naman binuhat yung bag niya.
Sumandal kaming dalawa sa isang poste.
Tumingin ako sa orasan ko. 7:46 na.
Crap!
Tumunog nanaman yung tiyan ko.
Aww.
Nagugutom na talaga ako.
Nabitawan ko yung handle ng maleta ko at napahawak ako sa tyan ko.
"You starving?" napatingin ako kay adrian.
"Kinda." sagot ko.
"Me too. You want to eat? May malapit lang na KFC dito."
"Sige." nakangiting sagot ko.
Umalis muna kami saglit sa parking lot dala ang gamit namin at naglakad sa KFC na sinasabi niya.
--------------------
*KFC*
Pagpasok namin naupo agad kami sa gilid.
Yung may upuan eh parang couch.
Gusto kasi namin ng malambot.
Nag-order na si Adrian.
Sabi ko order ko nalang din yung order niya.
Siya nalang daw magbabayad.
Kumukulog padin yung tyan ko huhuhue.
Kailangan ko na talagang kumain.
Atlast bumalik na si Adrian. Pero number lang dala niya.
"Asan na?" tanong ko kaagad.
"10 minutes pa daw." sagot niya.
Napanguso ako.
Tagal pa huhuhue.
Napatingin nalang muna ako sa ibang mga tables at tao na kumakain na.
Waah!
Lalo akong nagugutom.
Matapos ang 10 minutes na paghihintay, dumating na din yung order namin.
"Have a nice meal ma'am, sir." sabi ng waiter at nilapag ang tray.
1 bucket of chicken atsaka 2 rice ang inorder ni Adrian.
May 2 fries din tapos 2 cokes.
Yaay!
Masarap ituu.
Nilislis ko muna yung damit ko pataas hanggang sa may elbow ko.
Magkakamay ako e.
Tinanggal ko na yung wrapper ng rice tapos inilagay ko na yung kanin sa plate ko.
Ganundin yung ginawa ni Adrian.
Naglagay muna ako ng konting gravy sa kanin ko. hihi .
Nagkanya-kanya na kaming kuha ng chicken sa bucket.
Legs ang kinuha ko para madaling makain.
Favorite ko talaga pag chicken ang pagkain ay ang legs.
Kumain lang kami ng kumain.
------------------------
Adrian's PoV
Tahimik lang kaming kumakain ng bigla siyang nagsalita.
"Adrian can I ask you something?" tanong niya.
Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang bibig ko.
"Sure."
Umupo ako ng maayos para sa tanong niya.
"If it's okay for you to answer lang ha... P-pano namatay papa mo?" napatingin ako sakanya.
Why does she have to ask that?
"Why do you wanna know?" tanong ko.
"Wala lang, kasi friends na tayo and I just wanna know more about you. But it's okay kung ayaw mong sagutin," sabi niya.
I took a deep breathe and looked again in her eyes.
"Lung cancer." simple kong sagot.
Kumunot yung noo niya.
"Mahilig kasi siyang manigarilyo dati. That's why ever since I hate cigarettes." dagdag ko.
"Ahh okay. Ganun pala..." tumango siya.
After that conversation kumain nalang kami.
Kakatapos lang naming kumain. Habang nagpapahinga kami ni Desiree dito sa KFC biglang nagvibrate yung phone ko.
Finally it's mom.
She texted me.
Sabi niya malapit na siya.
Ibunulsa ko na ulit yung phone ko.
"Desiree, malapit na daw si mama. Tara na?" tanong ko.
She nodded and stood up.
Kinuha na din niya yung maleta niya,
"Sige tara." she answered.
I stood up and took my bag.
At naglakad na kami papuntang parking lot.
Pagdating namin saktong nandon na nga si mama.
With the car.
Agad kaming lumapit kay mama.
"Oh Anak, oh hi Desiree! sorry kung hindi ko napaiwan dito yung kotse. May ginawa pa kasi ako e." sabi agad ni mama.
"Okay lang ma, Let's just go home." I answered. I'm really tired. I just want to sleep.
"Here." at iniabot ni mama yung susi saakin.
"Tara." sabi ko kay Desiree.
Papalapit na sana kami sa sasakyan ng may napansin ako.
"Ma, aren't you coming with us?" tanong ko.
Hindi kasi siya sumunod saamin.
"I forgot to tell you pala anak. Pupunta lang akong Laguna. Ngayong gabi ang byahe ko at mukhang matatagalan ako don,"
"Ano gagawin mo don ma?" tanong ko.
Nakita kong ngumiti siya.
Lumapit siya saakin at hinawakan ako sa braso.
What does she mean?
"Something important anak."
Yun ang huling sinabi ni mama at nagpaalam na.
Tinalikuran na niya kami at naglakad na.
Something important?
Ndi ko maintindihan.
Ano namang something importnant ang sinasabi ni mama?
I was so lost and confused.
"Umm Adrian? di ba tayo sasakay?" napatingin ako kay Desiree.
"Ah tara." sabi ko at sumakay na kami ng kotse.
Naupo ako sa driver's seat at siya naman sa shot gun seat.
Nagsimula na din akong magdrive.
------------------
Madali lang kami nakapagbyahe dahil hindi naman na masyadong traffic.
Wala na din masyadong sasakyan.
Pagkarating namin sa tapat ng bahay ni Desiree agad kaming bumaba.
She faced me.
"Ah thank you Adrian sa paghatid. Pati na rin sa libre mo kanina." Singkit at nakangiti niyang sabi.
I smiled back.
"Welcome. Sige pasok ka na. I'll be going." sabi ko sakanya.
"Hmm Sige Good night." sabi niya.
"Good night" sagot ko din at tumalikod na siya.
Sumakay na ulit ako sa sasakyan.
Nagdrive na ako papunta sa amin at nagpark sa may garage.
Pumasok na ako ng bahay.
Natutulog na ata sila Ate Rachelle.
Binigay na din kasi saamin itong bahay na ito.
Sabi kasi ng kaibigan ni mama na amin na muna to.
They said that they were going to Korea.
Kaya sa ngayon, amin na muna ang bahay na ito.
I wen't to my room.
Yeah, I have my own room in this house.
Room ito na ibinigay saakin ng kaibigan ni mama.
Nagbihis muna ako at nahiga na sa kama.
Finally, I'm home.
Makakapagpahinga na din ako
But then I remembered something in my head that bothers me.
What was that "Something Important" that my mom said?
----------------------
A/N: Vote and Comment please. And, WEW! 12k reads na tayuu. Ansaya saya! Salamat sa mga bumabasa ng storya kong to. Dedicated sayo raineu-! Salamat talaga sainyong lahat! Please comment if you see any typo. Thank youu.
Adrian at the multimedia.
DiamondAlpha
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com