007
"date tayo, bruh."
bumilis bigla ang tibok ng puso ko at nanlaki bigla ang mga mata ko noong sinabi mo ang mga words na iyon.
"nukaba. as in friendly date, tagal na natin di naglalakwatsa eh 'no?! libre ka naman diyan oh." dagdag mo kaya nakahinga ng maluwag. kikiligin na ako eh, buti hindi ako namula. damn.
"okay ka lang ba, namumula ka. crush mo ko 'no?! akala mo date talaga 'no?!" nakangisi mont sabi at tumawa. tawa ng tawa halos mapahiga ka na sa kakatawa. hindi halata na tuwang tuwa ka.
"paano kung sinabi kong oo?" mahina at seryoso kong sabi. napatigil ka sa pagtawa. oh dem, bakit ko sinabi yun, nababaliw na ba ako?!
"h-ha?!"
"wala wala. sabi ko ang gwapo gwapo ko. mas gwapo pa kay yook sungjae, nam joohyuk, lee jongsuk, tsaka mas gwapo pa ako sa iba mo pang koryanong crush." pagbabawi ko at tumawa. bigla mo akong binatukan, pero sinuklian kita ng akbay.
"gwapo? saan banda? humangin ata bigla, thy. tsaka mas gwapo kaya si xenon." naramdaman ko yung tamlay ng boses mo noong sinabi mo ang pangalan ni xenon.
"move on ka na kasi kay xenon, ara." seryoso kong saad. may girlfriend na din naman kasi 'yun eh, wala ka nang pag-asa doon.
"ayoko. magbbreak din naman sila ng girlfriend niya eh! alam ko sa sarili ko na may pag-asa padin ako." hindi ka niya deserve. at hindi mo siya deserve, hindi mo deserve gawing laruan ng isang playboy sa campus.
you deserve someone who never stops trying to show how much you mean to them.
at ako 'yun, ara.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com