14
~Francine Lapastanganus~
"Gusto mo ng Piattos?" Tanong ni Seth na nasa tabi ko. Nasa bus na kami ngayon at papunta na kami sa bahay ng lolo at lola nila Pauline.
Pukingina nga sila eh. Pinagtabi ba naman kaming dalawa. HAAAAAY. Ka-stress.
Kinuha ko yung Piattos nya at sinimulang kainin.
"Akin na 'to, ah? Tutal inalok mo naman sa'kin, eh." Sabi ko. Narinig kong tumawa sya ng mahina. Hindi na nya ako kinontra.
Kainis. Gusto ko ng kaaway eh. Ba't ba kasi ang haba ng pasensya nitong lalaking 'to? Aish.
Ilang oras din ang tinagal ng byahe. Pinigilan ko talaga ang sarili kong wag antukin. Baka makatulog ako tapos kung ano pang magawa or masabi ko. Nagii-sleep talk ako, you know.
Nang makarating na kami ay kinuha na namin ang kanya-kanya naming bag. Magkatabi si Pauline at Dane. Si Dalie at Drany naman magkatabi. Tapos kami ni Seth.
Inalalayan ako ni Seth pababa at ganun din ang ginawa ni Dane kay Pauline. Wala namang pakialaman sina Dalie at Drany. Muntikan na nga akong matawa eh. Pero, keri lang.
Nang makababa kami ay agad tinuro ni Pauline 'yong magandang bahay sa tapat nitong bus station.
"YAN YUNG BAHAY NAMIN~ Ahihi."
Tinitigan ko yung bahay.
Ang weird naman. Maganda yung bahay kaso ewan ko. Naweweird-an ako sa feeling. Ewan ko ba.
Tiningnan ko si Seth at nakitang nanlalaki yung mata nya. Nilibot nya yung paningin nya sa paligid. Parang gulat na gulat sya.
"Huy, okay ka lang?" Tanong ko. Tiningnan nya ako at tiningnan si Pauline.
"Pauline, dito ka ba nakatira talaga?"
"Oo. Bakit?"
Natahimik si Seth. Naglakad sya kaya sinundan namin sya. Bigla syang napahinto. Sinundan namin yung tinitingnan nya at nakatingin sya sa isang lalaking naglalakad papunta sa'min.
Huminto yung lalaki sa tapat ni Seth. Tiningnan nya si Pauline.
"Charl-"
"Seth." Hindi na natuloy yung sinasabi ni Pauline dahil sa sinabi nung lalaki, "Anong ginagawa mo dito?"
"Kuya Charles." Sabi ni Seth.
"Bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong nung Charles daw.
"K-kaibigan ko sya," Tinuro nya si Pauline, "Dito sya nakatira. Sinama nya kami."
"P-pauline?" Gulat na tanong ni Charles.
Ngumiti naman si Pauline ng malaki, "Magkakilala pala kayo? Bakit hindi ko alam? Magka-ano-ano kayo?"
"M-mag..." Simula nilang dalawa, "M-magkapatid kami."
Napanganga kami.
As in literal na nganga.
May kapatid si Seth? Ngayon ko lang alam yun ah. Tinitigan ko silang dalawa. Hindi naman sila magkamukha.
"May kapatid ka pala?" Gulat na tanong ni Pauline kay Charles. Dahan-dahang tumango ito, "Nakakagulat. It's a small world, really. Kaibigan ko pa yung kapatid mo."
Biglang nanlaki yung mata ko nang mapigura kung sino si Charles. Sya yung kinukwento ni Pauline na tumulong sakanya!
Dane and Charles started throwing daggers to each other then.
Omaygad. I smell something so fishy.
"Ah eh.." Pagbasag ni Dalie sa katahimikan, "Pasok muna tayo sa bahay nyo, Pauline. Excited na akong makita bahay nyo eh."
"Ay, oo." Sabi ni Pauline, "Tara na, guys."
Naglakad na sila at sumunod silang lahat. Hinawakan ko si Charles sa braso at napatingin sya sa'kin. Kinuha ko yung kamay nya at shinake.
"Hello, Charles. Ako si Francine, yung bestfriend ni Pauline." At binitawan ko na yung kamay nya, "Kunin mo agad puso nya ha? Boto ako sa'yo, eh."
"H-ha?" Nagtatakang tanong nya.
"Um-oo ka nalang."
"Uh... Oo?"
"Yesss." Sabi ko. "Alam mo bang birthday nya?"
"Oo."
"Pa'no mo nalaman?"
"Malalaman mo pag pumasok ka sa loob ng bahay."
Tumango nalang ako. Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay nila.
Nakanganga si Pauline. Ako din napanganga. Sobrang ganda ng loob ng bahay. Idagdag mo pa yung decorations na kulay black, white and pink.
"Happy birthday, apo." Sabi ng isang matandang babae. Niyakap nya si Pauline at niyakap din nung matandang lalaki ito.
Napangiti ako nang makitang naiiyak si Pauline. Madaming tao sa loob. Nag-organize sila ng party para sa apo nila.
"Maraming salamat ho, lolo at lola." Sabi ni Pauline at humiwalay para punasan ang luha nya.
"Magbihis kana sa taas, apo. Mayroong gown dun."
Gulat na umakyat si Pauline. Nagmano kami sa lolo at lola nya.
"Ako po si Francine. Sya po si Dalie, Dane, Drany, Charles at Seth." Sabi ko.
"Kilala ko na yang sina Dane, Drany at Charles." Tuwang-tuwa na sabi ng lola nya, "Kayo pala yung kinukwento ni Pauline na kaibigan. Ikaw pala si Francine. Mabuti at nakapunta kayo."
"Syempre naman ho. Mahal na mahal ko po yung apo nyo eh." Sabi ko sabay tawa. Biglang bumaba si Pauline. Hinila nya ako.
"Lolo, lola. Papagbihisin ko din ho itong si Francine. Birthday nya din!" Sabi nya. Hinila nya ako paakyat sa kwarto nya.
"Ayoko!" Sabi ko, "Party mo 'to, eh."
Bigla syang may nilabas na black na cocktail dress. Above the knee sya. Ang ganda. Binato nya sa'kin yun. May nilabas syang white heels tapos binato nya sa harap ko yun. Nagsimula na syang magbihis. Kulay white yung cocktail dress nya na above the knee tapos kulay black naman yung heels nya.
At dahil ayaw nya akong pansinin, sinuot ko na din yun. Kasyang kasya sa'kin.
"Sa'n mo nakuha 'to?" Tanong ko habang naglalagay sya ng kaunting make-up. Binuksan ko yung make-up kit na inabot nya sakin kanina at inayos ang sarili ko.
"Yang dress at shoes, trip ko lang bilhin yan no'n kaya may ganyan ako. O diba? Ahihi."
Napairap ako at nag-make-up nalang din. Tumayo na kami pagkatapos at humarap sa salamin.
"Ang dyosa talaga natin. Haaay." Sabi namin. Sabay pa kami kaya natawa kaming dalawa. Hinila nya na ako palabas.
May tumutugtog nang music. Parang slow motion kami habang bumababa sa hagdanan. Ngayon ko lang napansin na sa loob pala ng sweater ni Dalie, Drany, Charles at Dane, may formal attire sila. Siguro pinag-usapan na. Kawawa naman si Seth. Buti nalang maparaan sya kaya tinaas nya yung sleeves ng hoodie nya at inayos ang sarili para kahit papa'no ay magmukhang pormal.
Kinuha ni Seth yung kamay ko habang nag-unahan naman si Charles at Dane sa kamay ni Pauline. Nauna si Charles kaya nginisihan nya si Dane. Natawa ako ng mahina.
Inalalayan nila kami papunta sa gitna ng sala. Parang mansyon yung bahay ni Pauline, sobrang laki. Kaya naging parang totoong venue ng debut ito.
May emcee din palang hinire. Naka-mascara yung emcee. As in yung mascara na nababalot ang buo nyang mukha. Hindi sya naka-formal attire. Naka-sweater at jogging pants lang sya. Naka-gloves din. Ano ba 'to. Andaming pakulo.
Madaming tao. Madaming pagkain. Ang saya lang. Parang nag-dedebut na din ako.
Salamat, Pauline.
Natapos na yung 18 roses, 18 balloons, lahat-lahat. Kasama ako sa mga yun. Sabay kaming sinayaw, winish-an. Kahit na di ako kilala ng mga tao, nakagawa sila ng paraan para wish-an ako. Ang saya lang.
"Now, for her grandparents' biggest gift!" Sabi ng emcee. Nag-palakpakan yung mga tao. Patapos na ngayon yung event. Napasapo sa bibig nya sa Pauline habang mas lumawak yung ngiti ko.
Hindi siguro in-expect ni Pauline na may gift pa.
Lumabas yung lolo at lola ni Pauline. Kaso bago pa sila makatapak sa 'stage', biglang namatay lahat ng ilaw. Yung hanging lanterns, music, lahat. Parang nag-brownout.
Nagbulong-bulungan yung mga tao. Kinapa ko si Pauline at nang mahawakan ko yung kamay nya, humigpit din yung hawak nya sa kamay ko. Ilang minuto din ang nagdaan pero wala pa'ring nangyayari.
Madilim na kasi gabi na. Ano bang nangyayari?
"Francine..." Bulong nya.
"Magkakaro'n din yan. Tiwala lang." Sabi ko.
Biglang nagbukas yung ilaw.
"Putangina!" Sigaw ni Seth na nasa tabi ko.
"Ay gago!" Sigaw naman ni Charles na nasa tabi ni Pauline.
Napasapo ako sa bibig ko. Ganun din si Pauline. Yung mga tao sa paligid, nanlalaki lang yung mata. Bigla, nagyakapan yung magpapamilya at lumayo.
May mga ibang lumabas habang sumisigaw. Yung iba, nagsimulang umiyak.
Si Pauline, sumigaw ng sobrang lakas. Umiyak sya ng umiyak. Nilapitan nya ang lolo at lola nya.
Sinundan ko sya at napaluhod kasama nya.
Nakaluhod kami ngayon sa tabi ng patay na katawan ng lolo at lola ni Pauline.
May nakasuksok na panyo sa bibig nila. Para silang sinakal, nawalan ng hininga. Mayroon din silang malalim na sugat sa pulso at sa leeg nila.
Napansin kong nawala yung emcee bigla. Hindi ko sya nakita kanina nung nagbukas yung ilaw.
Biggest gift... ito ba yun?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com