15
~Francine Lapastanganus~
Hindi nagsasalita si Pauline. Pangatlong araw na 'to ng burol ng lolo at lola nya. Palagi lang syang nakaupo sa tabi ng kabaong nila. Napag-isipan naming mga kaibigan nya na mag-stay muna dito sa kanila.
Kumalat agad yung balita sa baryo nila. Madaming nagpupunta araw-araw. Yung tita ni Pauline na ka-close nya na galing sa Malaysia, umuwi. 25 years old pa lang ito pero may sariling negosyo na. Sobrang yaman nito.
Kaya ko alam kasi naka-Skype na namin 'to dati. Laging kausap ni Pauline sa dorm eh.
Yung tita nya na yun yung gumastos sa burol at syang gagastos din sa pagpapalibing. Syempre, nanay at tatay nya yung namatay, eh.
Walang nakuha yung pulis na fingerprints mula sa mga bagay na nakuha mula sa lolo at lola ni Pauline. Walang may alam kung sino ang pumatay. Wala din naman daw kasalanan na nagawa ang mga ito na pwedeng umabot sa patayan, sabi ni Pauline.
Basta ang alam ko, posibleng ang emcee ay ang killer.
Walang may kilala kung sino 'yon. Ang lolo at lola lang daw ni Pauline.
Hindi ko maiwasang malungkot.
Wala nang nanay at tatay si Pauline... Nawalan pa sya ng lolo at lola. Naiiyak ako tuwing makikita ko syang ganyan. Hindi ako sanay sa ganyang Pauline.
"Francine... ano bang pwede nating gawin para sumaya ulit si Pauline?" Tanong ni Dalie. Napatingin ako sakanya. Tinapunan ko sya ng malungkot na titig.
"Hindi ko alam, Dalie." Bulong ko, "Kailangan lang nating mag-stay sa tabi nya ngayon. Kailangan nating iparamdam na nandito tayo para sakanya, na hindi sya nag-iisa."
Tumango sya ng dahan-dahan, "Siguro kailangan muna nya ng oras para maka-cope up sa mga nangyayari." Sabi nya sabay buntong-hininga, "Hindi ako sanay..."
"Alam ko." Mahinang pagsang-ayon ko, "Ako din."
Pinanuod naming lumapit si Charles kay Pauline. Tinabihan nya ito.
"Pauline..." Tawag ni Charles dito. Napatingin sakanya si Pauline, "Tara, kain tayo."
"Ayoko..." Rinig kong sabi ni Pauline. Napailing nalang kami ni Dalie at lumapit dito.
"Pauline, kailangan mong kumain. Pumapayat kana, oh. Sayang ka-dyosahan mo nyan." Pagkukumbinsi ni Dalie, "Sige naman na oh."
"Sige na, kendi. Andun yung favorite mo. Beef steak, dak galbi, samgyupsal, tapos daing. Tara na. Sasamahan ka namin."
Umiling si Pauline. Lumapit na din si Seth, Drany at Dane sa'min.
"Pauline, hindi ka nag-iisa." Sabi ni Seth, "Nandito naman kami para sa'yo, eh."
"Hindi ka namin iiwan." Sabi ni Dane, "Nandito lang kami sa tabi mo. Hindi ka mawawalan ng kaibigan. Madami kami, oh."
"Oo nga." Pagsang-ayon ni Drany, "Tara na, Pauline. Kain na tayo. Kahit konti lang."
Tinitigan kami isa-isa ni Pauline. Nang tumingin sya sa'kin ay binigyan ko sya ng ngiti. Yung ngiting nagsasabing, 'Alam kong hindi okay. Pero nandito naman kami para maging okay ka, eh.'.
Bumuntong-hininga sya. Tiningnan nya yung lolo at lola nya, "Kakain lang po ako, lolo, lola." Bulong nya bago tumayo. Napangiti naman kaming mga kaibigan nya.
"Ako na muna magbabantay." Sabi ng tita ni Pauline. Umupo sya sa tabi ng kabaong. Pumunta na kami sa hapag-kainan. Sinandukan ko ng kanin si Pauline.
"Ako na," Sabi ni Pauline. Pinilit nyang tumawa pero alam kong fake yun, "May kamay naman ako, eh."
Sumandok sya ng beef steak. Konti lang yung kinain nya. Pero at least, kumain na sya. Mas okay na yun kesa sa wala syang kinakain. Sinabayan namin syang kumain.
May hinire na mga kasambahay yung tita ni Pauline kaya sila na yung naghugas ng plato. Lumabas kami ng bahay. Pinilit talaga naming palabasin si Pauline para naman makalanghap sya ng sariwang hangin kahit papa'no.
Umupo kami sa garden nila. Napatitig si Pauline sa kawalan hanggang sa bigla na lang syang umiyak.
Lumapit kami sakanya. Niyakap namin sya at hinagod-hagod ang likod.
"Sige lang. Ilabas mo lang." Sabi ni Charles.
"A-ang sakit l-lang." Sabi ni Pauline habang umiiyak, "Bakit ba kailangang k-kunin lahat s-sa'kin? Wala na sina mama at papa! Bakit ba sina lolo at lola pa?!"
Hindi namin sya sinabatan. Kailangan nya ng oras para ilabas yung mga nararamdaman nya. Nakinig lang kami.
"M-mahal na mahal ko s-si lolo at lola..." Mahinang sabi nya. Huminga sya ng malalim, "Jongina nalang para dun sa p*tanginang pumatay sa kanila. Wala syang puso! Sana mamatay din sya!"
Once again, Charles enveloped Pauline in his arms. Hinalikan nya yung noo ni Pauline at hinagod ang likod nito.
"We'll find who that is, Pauline. Christ will help us with that."
Tumango naman kami, "Magtiwala lang tayo."
It took Pauline minutes to shush. Pinunasan nya yung luha nya at tumayo.
"T-tara na sa loob. May t-titingnan ako." Paputol-putol pa yung pagsasalita nya. Halatang pinipigilan nya ang pag-iyak. Pumasok sya sa loob at sinundan namin sya.
Umakyat sya. Nakasunod pa'rin kami sakanya. Pumasok sya sa isang kwarto at pumasok din kami dun.
Kwarto yata ng lolo at lola nya.
Lumibot sya sa kwartong iyon. Napatigil sya sa tukador ng kwartong 'yon. Napakunot yung noo nya nang makakita ng isang envelope.
Lumapit kami sakanya. Binuksan nya yung envelope. Isang papel ang nakita namin. Nilabas nya 'yon. Kinilabutan kami sa nabasa.
Dapat kasi, hindi na hinuhukay ang nakaraan. 'Yan tuloy, may mga nawawala pa.
Yun yung nakasulat. Nagtitigan kaming lahat. Binalik ni Pauline 'yon sa envelope. Itatapon nya na sana 'yon nang may mahulog mula sa loob. Isang maliit na papel.
Pinulot ko 'yon at pinakita sa kanila.
Hanapin mo sya.
Hanapin mo sya?
Sinong sya?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com