Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

16

~Pauline Batumbakal~

Lutang akong nakatitig sa kisame ng dorm room namin nina Francine at Dalie.

Oo, nandito na ulit ako. Nalibing na sina lolo at lola three days ago. Back-to-school na ulit ako. Madaming nag-condolence. Pumunta nga yung iba nung libing eh.

Si tita ko na yung magpapa-aral sa'kin ngayon. Buti na lang nandito sya. Kung wala sya dito sa tabi ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sabi nya sya na daw bahala sa bahay nila lolo at lola. Ipapaubaya na lang daw muna nya sa isa ko pang tita yung negosyo nya sa Australia.

Kumunot ulit yung noo ko nang maalala yung nakita naming note sa tukador ni lolo at lola.

Malamang sila yung tinutukoy na naghalungkat ng nakaraan. Pero, ano namang hinalungkat nila?

Saka, sinong dapat hanapin? Sinong hahanapin ko?

Kung anuman ang hinalungkat nila lolo at lola at kung sino man ang dapat kong hanapin, dapat mapigura ko 'yon sa lalong madaling panahon.

Kailangan kong mahanap kung sino ang pumatay kina lolo at lola.

Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay nila.

***

Kinaumagahan nanaman. Papasok nanaman ako sa eskwela.

Nauna akong gumising kina Dalie at Francine. Niligpit ko ang kama ko at umupo dito pagkatapos. Hinintay kong magising yung mga kasama ko.

Nang magising sila ay nagligpit na sila agad ng kama nila.

"Ang aga mo namang nagising, best." Sabi ni Dalie sabay upo sa tabi ko, "May napanaginipan kana naman ba?"

"Wala. Siguro nasanay na akong magising ng maaga. Mas okay naman na yun, di ba? Kesa sa late."

"Magkukulang ka naman sa tulog." Sabi ni Francine sabay irap, "Tara na nga."

Ginawa na namin ang morning routines namin. Hindi ako makapag-ingay. Wala pa ako sa huwisyo para dun. Gustuhin ko mang maging masaya, hindi ko magawa. Lagi ko kasing maaalala na wala na pala sina lolo at lola. Na wala na yung natitirang pamilya ko.

Pagpasok namin sa school ay sinalubong kami ni Seth, Dane at Drany. Tinulungan nila kaming buhatin yung mga gamit namin.

Nakita kong dumidiretso kami sa garden ng school. Tumingin ako sa orasan. Napaaga pala kami. Kaya pala walang masyadong estudyante.

Umupo kami sa kubo at nag-stay do'n.

"Seth," Tawag ko, "Bakit nga pala hindi kayo magkasama ni Charles sa iisang school? Hindi ba kayo nahihirapan dun?"

Bumuntong-hininga sya at tumingin sa kawalan. Naramdaman kong ayaw nyang pag-usapan yun.

"Sorry." Sabi ko nalang.

"Hindi, okay lang." Pag-deny naman nya tapos binigyan kami ng ngiti, "Half-brother ko lang naman sya, eh."

"Ha? Paano?" Tanong ni Francine.

"Parehas kami ng tatay, magkaiba kami ng nanay." Sabi nya, "Nakatira yung nanay nya dun sa lugar kung sa'n nakatira si Pauline. Si mama at papa ko naman, dito."

"Ha? Paano yun?" Nagtataka pa'rin si Dalie.

Naging cold yung aura ni Seth, "Yun yung dahilan kung bakit ako galit." Napakuyom sya ng kamao, "Muntikan nang magpakamatay si mama dahil sa pambababae ni papa. Kampi ako kay mama nun, not until I discovered her secret. Hindi naman pala nya minahal si papa. Ginamit lang nya ito para sa pera. Si papa, hindi nya din mahal si mama. Ginamit lang nya ito para makuha ang mana nya sa lolo ko. Sabi kasi ng lolo ko, ibibigay nya ang share nito sa kayamanan nya kapag nag-asawa ito. Kaya ganun. Parang nag-gamitan lang sila. Hindi ko nga alam kung pa'no pa nila ako nabuo eh. Siguro puno ng pandidiri yung nangyari nung ginagawa nila ako."

Kung hindi lang seryoso yung sitwasyon, matatawa na ako. Kaso, seryoso, eh.

"Dun ko nakilala si nanay, yung kabit ni papa. Yung totoong minahal ni papa. Mas tinuring ko pa syang nanay kesa kay mama, eh. Mas maalaga sya. Mas alam nya kung ano yung nararamdaman ko. Mas naiintindihan nya ako. Mas tinuring nya ako na anak kesa sa pagturing sa'kin ni mama. Parang walang pakialam sa'kin si mama. Laging business, laging pera. Pinalaki nya ako para sa wala." Pagpapatuloy nya, "Galit din ako kay papa kasi manggagamit sya. Nag-gamitan sila ni mama. Parehas silang mahilig sa pera."

Hinawakan ni Francine yung naka-kuyom na kamao ni Seth. She slowly unfolded it. She gave an assuring smile.

"It's alright. We're here for you." Mahinang sabi nya. Sumang-ayon naman kami. We saw how Seth's gaze softened when Francine held his hand.

Sus. Halata na kasi. Di pa mag-aminan.

When the time came, pumasok na kami sa klase namin, syempre. Sayang lang talaga at hindi namin kasama si Seth sa isang room.

The day passed by in a blur. Uwian na ngayon. Nagtipon-tipon na naman kaming magbabarkada sa canteen. Ako, si Francine, Seth, Dalie, Drany at Dale. Nang makabili kami ng pagkain na gusto namin ay lumabas na kami ng school.

Biglang may sumigaw mula sa likod namin.

"Pauline!" Sabi nito. Lumingon kaming lahat at nakita ang isang Charles na tumatakbo papunta sa'min habang hingal na hingal. Nang marating nya kami ay tinukod nya ang kamay nya sa mga tuhod nya.

"Kuya Charles?" Gulat na tanong ko.

"Kuya?" Gulat din si Seth, "Buti naisipan mo akong dalawin?" Tapos bigla syang ngumiti. Anong nginingiti-ngiti nito?

Nakita kong umirap si kuya Charles kay Seth.

(A/N: Ikaw naman kasi yung pinunta nyan, Pauline, eh. Hindi mo lang ma-figure.)

/Hindi pinansin si Author/

Nang maka-recover si kuya Charles sa pagka-hingal nya ay umayos sya ng tayo. Ngumiti sya sa'min.

"Pwedeng wag mo na akong tawaging kuya? Charles nalang." Sabi nya.

"Okaaaay." Pagsang-ayon ko.

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Dane. Tiningnan ko sya. Hindi sya mukhang gulat. More like... naiinis na ewan. Ah basta.

"Bakit, masama bang pumunta dito?" Balik-tanong ni Charles.

"May sinabi ba ako?"

"Your face says it all, dude."

"Hindi ko naman nabalitaan na nagsasalita na pala ang mukha ngayon."

"Kasama ang bibig sa mukha. Well, at least, na-inform ka na ngayon."

Sasagot pa sana si Dane nang pumagitna na ako sa kanila, "Tumigil na nga kayo. Nag-e-LQ na naman kayo, eh." Tumingin ako kay Charles, "Sa Unknown Academy ka pala nag-aaral?"

Tumango si Charles.

"How come hindi ka pa namin nakita dati dun?" Tanong ni Drany.

"I don't go out of the classroom. I hate noise." Sabi nya.

"Naku. You hate noise? Edi hindi pala kayo pwede magsama ni Pauline?" Biglang sabat ni Dalie.

Nakita kong napangisi si Dane.

Ngumiti si Charles sabay tingin sa'kin.

"There could always be an exception when it comes to her."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com