22
~Angel Francia~
Nasa harapan lang ng subdivision namin ang bahay nila ate Roscelle kaya agad ko itong natunton. Nang maaninag ko siya ay agad akong tumakbo para tabihan siya. Gulat man ay nagawa niya akong yakapin. Do'n na siya humagulgol.
"A-ate, tahan na." Pagpapatahan ko sakanya. "Tawagan nalang natin sila Pauline para manghingi ng tulong."
Naramdaman ko ang pagtango niya sa balikat ko. Kasabay nito ang paghiwalay niya sa yakap. Inabot niya sa'kin ang cellphone niya at agad kong tinawagan ang number ni Pauline.
"H-hello?" Taranta ang boses niya ng makasagot siya, "Ate Roscelle? B-bakit po?"
"Magkasama kami ni ate Roscelle ngayon, Pauline. Si Angel 'to," Sabi ko, "Kailangan namin ng tulong niyo."
"Kailangan din namin ng tulong niyo," Narinig kong sabi ni Francine, "Ngayon na. Mamaya na natin ipaliwanag sa isa't isa ang nangyari."
"S-sige," Utal na sabi ni ate Roscelle, "Sa harap ng school nalang tayo magkita."
"Sige. Mag-ingat kayo." Sabi ni Pauline at ibinaba ang tawag.
Tinulungan kong tumayo si ate Roscelle at kumapit kami sa braso ng isa't isa. Taranta kaming pumunta sa kanto at nag-abang ng masasakyan. Nang may dumating na taxi ay sumakay kami dito at nagpahatid sa school.
Wala pang sampung minuto ay nandito na kami. Nagpasalamat kami at nagbayad, pagkatapos ay lumabas na. Nakita namin sila Pauline na nando'n na. Halata mong nag-aalala sila.
Tumakbo kami papunta sakanila at nang makita nila kami ay tumayo sila mula sa kanilang inuupuan.
"Asa'n si Dalie/Asa'n si Alyana?" Sabay naming tanong sa isa't isa.
"'Yon na nga, eh." Pagsisimula ni Francine, "Nawawala si Dalie. At... M-may nakita kaming note sa kama niya."
"Nawawala din si Alyana! May nakita din akong note!" Biglang sabi ni ate Roscelle. May kinapa siya sa bulsa niya at nang dukutin niya ito ay nakakita ako ng isang maliit na papel.
"Ganyan din ang nakita namin," Sabi ni Pauline at may nilabas na papel na sinlaki lang din ng hawak ni Roscelle. "Dugo 'yong pinansulat."
Binasa ni Roscelle 'yong nakasulat do'n at bigla akong kinilabutan.
"Ito 'yong nakasulat dito," Sabi ni Francine at kinuha kay Pauline 'yong papel, "Sayang naman 'yang talino niyo, hindi niyo man lang magamit sa mga sitwasyong tulad nito. Tsk. Masyado kasi kayong nagpapapaniwala. 'Yan tuloy, andaming nawawala."
Nakakakilabot.
Nakakatakot.
Pero hindi pwedeng dito nalang 'to matatapos. Hindi pwedeng umurong kami. Kaibigan na namin 'yong kinuha niya. Hindi kami magpapaka-duwag.
"Tawagan mo si Drany o kaya si Dane. Tawagan niyo na din si Seth at kuya Charles. Kailangan natin ng katulong dito." Sabi ko. Agad naman nilang kinuha 'yong phones nila at nag-dial ng number.
Matapos ang ilang segundo ay sabay-sabay nilang binaba ang mga 'yon.
"Papunta na si Seth at Charles," Sabi ni Pauline at Francine. Napatingin naman ako kay ate Roscelle.
"Sina Dane at Drany, hindi makakapunta." Sabi niya, "Umuwi daw sila sa nanay nila."
Tumango nalang ako at umupo kami sa bench na nasa harap ng school para maghintay.
Napangisi ako.
Napakagaling.
Napakagaling mong umarte, killer.
***
~Pauline Batumbakal~
Kakarating lang nila Charles at Seth. We wasted no time. Agad na kaming pumunta sa sakayan ng taxi. Kaso bago pa man ako umupo sa waiting shed at may tumawag sa pangalan ko. Boses ng isang lalaki.
"Pauline?" Sabi nito na nakapagpalingon sa'kin. Nakakita ako ng isang hindi pamilyar na mukha. Nakatingin lang din ang mga kaibigan ko sakaniya.
Lumapit ito sa amin. May kasama siyang babae at magkahawak ang kanilang kamay.
Mag-jowa kaya sila?
"Ano pong kailangan niyo?" Takang tanong ko.
"Wag ka nang mag-po." Sabi nung lalaki, "Ako nga pala si Jac Cenizal. Ito naman si Shaney Tolentino. Girlfriend ko."
Sabi na, eh. Sila nga.
"Ah... okay?" Sabi ko, "Anong kailangan nyo?"
Nagkatinginan sila saglit bago muling bumaling sa'kin, "May alam kasi kami sa pagkatao mo."
Kumunot yung noo ko pero agad din akong nakabawi, "Luh. Hindi naman posible yun. Hindi nga kita kilala eh. Saka, may gagawin pa kaming mas importante sa pagjo-joke mo. Sorry."
"Hindi kami nagbibiro." Sabi nung Shaney yata yun, "Totoo yung sinasabi namin."
"At pa'no nyo naman malalaman ang pagkatao ko? Hindi nga tayo magkakilala, eh."
"Maniwala ka sa'min." Sabi ni Jac, "Hindi naman kasi lahat ng nalalaman mo, totoo. Malamang, pwedeng isa lang 'yon sa mga kasinungalingan ng nakapaligid sa'yo."
"Bro," Pagsingit ni Charles sa usapan, "Ano bang kailangan mo sakanya? Sabihin mo nalang, hindi yung ginaganyan mo pa kami."
"Hindi nga ako nagloloko." Parang medyo naiinis na ngayon si Jac, "Dapat nga dati ko pa pinaalam 'to sa'yo, eh. Kaso, ito nga. Ito nga yung naisip ko, na baka hindi mo ako paniwalaan. Kaso ngayong nalaman ko 'yong mga nangyayari sainyo... mas mabuting sabihin ko na ngayon."
"Sino ka ba kasi? Tsk." Tanong ni Angel. Inis na din sya. Andami naman kasing paligoy-ligoy ni Jac at Shaney, eh.
"Kung ayaw nyo, e di wag." Sabi ni Jac at tumalikod na sila ni Shaney, "Pauline, kung ayaw mong malaman 'yong nawawala at hindi dapat nandiyan sa buhay mo, e di wag." Tapos naglakad na sila palayo.
Pero parang may tinamaan sa'kin eh. May kung anong tumugma.
"Teka, Jac, Shaney." Tawag ko. Napahinto sila at tumingin sa'kin, "Bakit?"
Ngumiti si Shaney, "Alam naming madami nang namamatay. Alam naming madami nang nawawala. Kaya naisip namin na kailangan mo nang malaman ang lahat."
"Sumama kayo sa'min."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com