23
~Pauline Batumbakal~
UV express nalang 'yong sinakyan namin kasi hindi naman kami magkakasya sa taxi. Tahimik lang kami. Papunta kami ngayon sa address na nakasulat sa likod ng papel na nakita ko sa kama ni Dalie. Ito ang wala sa nakasulat kay Roscelle. Walang address.
Siguro alam ng killer na magkikita-kita kami kaya sa note sa taas ng kama ni Dalie lang niya nilagay 'yong address.
Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit... pero parang madaming mangyayari na hindi namin inaasahan. Na hindi pabor sa'min. Na hindi namin nanaising makita o kung anuman.
Basta. Hindi ko na alam.
Katabi ko ngayon si Francine. Nasa harapan si Charles, nakatabi kay Francine si Seth. Nasa likod si Angel, Roscelle, Jac at Shaney. Hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung ano 'yong sinasabi ni Jac at Shaney.
Ano pa bang kailangan kong malaman tungkol sa buhay ko? Ang alam ko, ako si Pauline Batumbakal.
Ano 'yong dapat wala sa tabi ko... at 'yong kulang sa buhay ko?
Ang gulo.
Natatakot ako para kay Alyana. Lalong-lalo na para kay Dalie. Ayaw kong mawalan ng bestfriend. Matagal na kaming magkaibigan ni Dalie at alam ko kung gaano katakot 'yon sa dugo. Takot siya sa dilim, sa dugo at sa sigaw. Iniisip ko palang kung ano ang maaaring nangyayari sakanya sa kamay ng killer e hindi ko na makaya. Nanghihina at naiiyak na ako.
"Jac, Shaney." Tawag ko do'n sa dalawa at napatingin naman sila sa'kin. Napangiti pa ako nang makita si Shaney na nakasandal sa balikat ni Jac. Pero agad din akong sumeryoso, "Alam niyo ba kung ano 'yong nangyayari sa amin? Kung ano 'yong pinasok niyo?"
Tumango si Jac, "Alam naming mapanganib at pwede kaming mamatay. Pero handa kaming sumama, handa kaming protektahan kayo. Handa kaming protektahan ka."
Napakunot 'yong noo ko, "Bakit ako?"
"Binilin ka sa'min ng lolo't lola mo." Sabi ni Shaney na ikinagulat naming lahat, "Sabi nila... alam nilang dadating ang araw na may magtatangka sa buhay nila. At gusto nilang sundan ka namin, siguruhing ligtas ka lang."
"Lagi niyo akong sinusundan?"
Tumango si Shaney, "Simula no'ng nawala sila lolo at lola, parati kana naming sinusundan."
"S-sino ba talaga kayo?" Tanong ko.
Ngumiti si Jac at Shaney, "Kababata mo kami." Napatawa sila ng mahina, "Di ba, Pauleng?"
Nanlaki 'yong mata ko.
"Shanghai at Jacol?!" Gulat na sabi ko. "Halaaa! HINDI KO KAYO NAKIKALA!"
"Nakakatampo nga, eh." Sabi ni Shaney at nag-pout, "Pero okay lang. Hindi mo naman talaga alam yung totoo naming mga pangalan."
"Grabe. Pero—"
Naputol 'yong sasabihin ko nang magsalita 'yong driver.
"Andito na po tayo. Dito po 'yong address na binigay niyo." Sabi ng driver, "Ingat po."
Bumaba kami isa-isa. Binayaran na ni Charles 'yong driver kasi siya 'yong nahuling lumabas. Nang pagkalabas niya ay umalis na din agad 'yong taxi.
Tinitigan namin ang building na nasa harap namin. Walang ibang bahay dito, itong bulding na ito lang. At sa kalkulasyon ko, abandonado na ito. Puno ng kalawang ang paligid.
Ito na ba ang taguan ng killer?
"Natatakot ako." Sabi ni Francine. Sumang-ayon naman kaming lahat sakaniya, "Pero kailangan nating tapusin 'to. Madami tayo. Alam kong mas madami tayo sakaniya."
"Pero mas makapangyarihan siya," Sabi ni Angel.
"Kaya natin 'to." Sabi ni Jac kay Angel, "Magtutulungan tayo."
"At gagabayan Niya tayo kaya wala tayong dapat ipag-alala." Sabi ni ate Roscelle na sinang-ayunan naming lahat.
"Tara na." Sabi ni Charles. Tumango naman kami. Tumabi ako sakaniya habang ang iba naman ay nasa likod, sumusunod sa'min.
Nang tumapak na kami sa tapat ng pintuan at may biglang kumahol. Aso pala. Nagulat kaming lahat at pinigilan ko ang sarili kong sumigaw.
Kahol pa nga lang, natatakot na ako. Pa'no pa kaya kapag patalim na ang nagpakita sa'kin?
Bumuntong-hininga ako at dahan-dahang binuksan 'yong pinto. Binuksan ni Seth 'yong malaking flashlight na dinala niya. May dala ding gano'n si Charles kaya binuksan niya din ito.
Nang makapasok na kaming lahat ay biglang sumara 'yong pinto. Agad tinapatan ni Charles at Seth ng ilaw 'yong pinto pero wala kaming nakita kaya nagpatuloy kami sa paglalakad.
Napansin yata ni Charles ang panginginig ko kaya bigla niya akong hinawakan sa kamay. Pinisil niya ito at naaninag ko ang munting pagngiti niya.
"Maaayos din ang lahat," Bulong niya, "Nandito lang ako. Nandito lang kami."
Tumango ako at ginantihan ng hawak ang kamay niya. Sinimulan na naming ikutin ang bahay.
Nang nasa hagdanan na kami ay biglang may bumaril sa flashlight nina Charles at Seth kaya nabitawan nila ito. Napadikit sa'min ang mga kasama namin. Binilisan namin ang pag-akyat at nang marating na namin ang ikalawang palapag ay mas nagdikit-dikit pa kami.
"Wooh. Shet." Bulong ni Francine. "Malapit lang sila sa'tin."
Natahimik kami at dahan-dahang naglakad. Palingon-lingon kami, pare-parehong hinahanap kung nasa'n ba 'yong bumaril—na alam naman naming 'yong killer lang din.
Please... magpakita ka na nang matapos na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com