27
~Pauline Batumbakal~
Awang-awa ako sa sarili ko.
Hindi ko nagawang protektahan si Shaney at Jac. Kung tutuusin, dapat ay pinrotektahan ko sila dahil ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit sila nasama sa gulong ito.
Wala akong ibang nagawa kundi ang sumigaw at umiyak.
Nakakaawa ako.
Hindi ito ang Pauline na kilala ko.
Tama nga ang sabi nila na... kapag kamatayan na ang kaharap mo, matutulala at matatameme ka na lamang. Dahil lubhang mas makapangyarihan ito sa'yo.
Mag-isa ako ngayon sa kuwartong ito kasama ang putol-putol na katawan nina Shaney at Jac. Hindi ko ito magawang tingnan dahil nasusuka at naiiyak ako.
Hihintayin ko na lamang ang kamatayan ko.
Biglang bumukas ang pinto. Gulat kong tiningnan si Drany. Si Drany... kasama din pala siya dito. Hila-hila niya si Francine. Bigla niyang tinulak si Francine papunta sa akin kaya napasubsob siya sa tabi ko. Napaiyak ulit ako.
"F-francine..." Bulong ko. Napatingin siya sa'kin at agad na sinubukang umupo. Nang makaupo na siya ay napaiyak na din siya.
"P-pauline..." Bulong niya. Nakaramdam ako ng ginhawa.
Si Francine... buhay pa siya...
"Bwisit! Magsama kayong dalawa diyan, mga put*ng*na kayo!" Napasabunot si Drany sa buhok niya, "Punyetang Charles at Seth 'yon! Naisahan ako ni Charles, si Seth naman nawawala." Galit na sinipa niya 'yong upuan sa gilid, "Nakaka-p*ta naman talaga, oo!"
Nagkatinginan kami ni Francine at alam kong sa loob-loob niya ay nakaramdam din siya ng saya. Ganoon din ang naramdaman ko.
Sila Charles... Buhay pa sila. Salamat sa Diyos.
"Anong nginingiti-ngiti niyo diyan?!" Sigaw sa'min ni Drany, "Kingina! Pinapainit niyo lalo ang ulo ko, eh!"
May pumasok ulit sa kwarto. 'Yong babaeng naka-maskara nanaman. Mas sumiksik sa akin si Francine at gano'n din ako sakaniya. May binulong ito kay Drany at kahit inis ay tumango na lamang ang isa. Umalis ito at naiwan ako, si Francine at ang babaeng naka-maskara.
Tulad ng ginawa niya kanina, umupo siyang muli sa sahig. Ngunit ngayon, sa harapan na naming dalawa ni Francine. Kung puwede lang mas umurong pa, ginawa na namin. Kaso, hindi, eh. Pader na itong sinasandalan namin.
"Masaya na ba kayo?" Pagsasalita nung babaeng naka-maskara. Kinilabutan ako. Parang may iba sa boses niya. Walang emosyon. Parang kausap niya ang hangin. "Masaya na ba kayo na patay na ang mga bagong kaibigan ninyo?"
Biglang nanlaki ang mga mata ko, "S-sila Alyana?! Anong ginawa mo sakanila?!"
Nag-kibit balikat siya at dumukot ng mumurahing cellphone sa pantalon niya. Hinarap niya sa'min 'yon at nanlaki ang mga mata ko lalo. Ang sunod na alam kong nangyari ay umiiyak na lamang ulit ako. Nang tingnan ko si Francine ay umiiyak din siya.
Si ate Roscelle... nakabigti. Ang mas nakapagpakilabot pa sa sitwasyon ay ang nakatirik niyang mata. Napansin ko din ang mga pulso niyang may hiwa.
"W-walang hiya ka—" Naputol ang sasabihin ni Francine nang ilipat ng babaeng naka-maskara ang picture.
Si Alyana... naka-bigti din siya pero ang kaibahan lang ay putol ang ibabang bahagi ng katawan niya. Simula puson hanggang pababa ay nakahandusay lamang sa sahig samantalang ang tiyan pataas naman ay nakasabit sa lubid na pinambigti sakaniya.
Napapikit ako.
Napaka-brutal. Napaka-walang-awa.
Binulsa niya ang cellphone at tinuro naman ang mga katawan nina Shaney at Jac.
Nang mapatingin dito si Francine ay napasigaw siya. Marahil ay ngayon niya lamang napansin.
Mas dumikit kami ni Francine sa isa't isa, takot na kami na ang isusunod niya.
"T-teka..." Simula ko, "Si Dalie? A-anong ginawa mo sa bestfriend namin?!"
"Si Dalie?" Tumawa ang babaeng naka-maskara at saka hinubad ang maskara niya.
Para bang isang malamig na tubig ang ibinuhos sa'kin. Pagkatapos ay ang labis na kirot na namayani sa aking puso. Umiling-iling ako kasabay ng aking paghagulgol.
"Hindi... Hindi..." Paulit-ulit na bulong ko, "H-hindi ikaw si Dalie."
"Tanga." Sabi ng babaeng nasa harapan ko, "Tanga na nga, bobo pa. Punyemas, ah. Nasa harapan mo na nga, itatanggi mo pa?"
"Hindi ikaw ang bestfriend namin!" Sigaw ni Francine.
"Bestfriend? Kailan ba tayo naging bestfriends?"
May kumirot na naman sa puso ko.
Hindi... Hindi si Dalie ito. Hindi siya ang masayahing kilala namin. Hindi siya ang takot sa dilim, takot sa dugo at takot sa sigaw na kilala namin. Hindi siya ang bestfriend namin.
"Hindi ko kayo bestfriends. Pero, t*ng*na, ako si Dalie." Sabi niya.
Mas lalo kaming napahagulgol ni Francine.
Hindi ako makapaniwala.
Si Dalie... ang bestfriend namin... anong nangyari sakaniya?
Bakit... siya ang pumatay sa mga kaibigan namin? At malamang... siya din ang papatay sa amin.
"B-best..." Bulong ko.
"What the f*ck?" Kunyaring gulat na sambit niya, "Who the hell permitted you to call me 'best'?!"
"Best naman..." Naiiyak na sabi ko, "Bestfriends tayo, di ba? Bakit mo 'to ginagawa?"
"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi tayo bestfriends?! Mandiri ka nga!" Sigaw niya.
Napayuko na lamang ako. Nakatali ang paa at kamay ko kaya wala akong magawa. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa dahil sa mga lintek na lubid na 'to.
"At, para sa pangalawa mong tanong..." Pagsisimula ni Dalie at tumayo. Kinuha niya ang upuan at pinwesto 'yon sa kabilang dulo ng kuwarto kung saan malayo kami ni Francine.
"Tutal mamamatay na din naman kayo, I'll make your death memorable by letting you know my story. Kaya ko lang naman 'to ginagawa is for..." Nakakita kami ng sakit sa mata niya, "For my parents."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com