Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

28

~Pauline Batumbakal~

"Siguro sinabi ko sainyong may magulang ako. O kaya baka sinabi ko ding wala. Pero, wala na akong pake. Basta ang totoo ay wala na akong mga magulang." Pagtutuloy ni Dalie. Pinaglalaruan niya ang mga kamay niya.

"Ang mga magulang ko... ang nagpasabog sa cruise, Pauline." Sabi niya at tumingin sa'kin. Nanlaki naman ang mga mata ko, "Sila ang dahilan ng pagkamatay ng madaming tao. Ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang mo."

Tumayo siya at naglakad papunta sa salamin sa gilid, "Hindi naman nila gagawin 'yon kung hindi inagaw ng mga magulang mo ang puwesto nila sa pagiging CEO ng kumpanya, eh. Alam ng lahat na ang mga magulang ko ang dapat namumuno ng Crystal Emerald's. Pero pumasok sa eksena ang mga magulang mo. At sa kasamaang palad, masyado yata nilang nasipsip ang dating CEO ng kumpanya kaya sila ang pinaubayaan ng posisyong ito."

"Nakuha ng mga magulang ko ang higit na mababang pwesto na mas nakapagpagalit pa sakanila. Hanggang sa mabalitaan niyang pinanganak ka, Pauline. Na pinanganak kayo ng kambal mo. Lumipas ang isang taon at kitang-kita ng mga magulang ko ang pagsasaya niyo sa cruise. Dapat maputol ang kasiyahang iyon kaya pinasabog nila ito. Kaso, wow. Nakaligtas ka pa. Nakaligtas pa ang lolo at lola mo. At... Nakaligtas din ang kambal mo."

Hinawakan niya ang tali niya sa buhok at inalis iyon, only to reveal her long and curly brownish hair. "Ngayon, bago sila mamatay, binilinan nila ako. Kaya, ayan. Tinutuloy at tinatapos ko lang ang naiwanan nila." Humarap siya sa'min ni Francine at napalunok ako.

Dalie... Nasa'n ka na?

"At 'yon ang pagtapos ng buhay mo, Pauline."

Kinuha ko ang lakas na kinakailangan ko atsaka nagsalita, "Kung ako lang naman ang kailangang mamatay dito... bakit mo pa dinadamay ang mga kaibigan ko? Bakit nadamay pa si manong Dodong? Bakit—"

"Ang dami mong tanong. Tsk." Pagputol niya sa'kin pero kalaunan at ngumisi din siya, "Oo. Ako ang pumatay sa inyong lahat. Pero, katulong ko sina Dane at Drany, syempre." Tumawa siya ng mahina, "Mamamatay din naman sila. Actually,  baka nga patay na sila ngayon, eh. Hindi naman kasi nila masyadong pinapakiramdaman 'yong binigay kong pagkain kanina sakanila. Hindi nila alam na may lason 'yon. Tss. Mga duwag. Kaya nga pala sila nadamay dito kasi kababata ko sila at alam nila ang nangyayari. Si Dane... mahal ko 'yon. Kaso t*ng*na, sabi niya may mahal daw siyang iba. Pinaasa niya ako. Tsk. Dapat lang sakaniyang mamatay."

Napapikit ako ng mariin.

Hindi ko kilala itong nasa harap ko.

"Hmm... Nadamay ang madaming tao, alam ko 'yon." Bumalik siya sa upuan niya kanina, "Let's just say na... madami na silang nalalaman. Ay, oo nga pala. Si Angel." Napatawa siya, "Wala akong picture niya. Pero gusto kong malaman niyo na nilunod at kinulong ko siya sa drum na puno ng tubig. Tokis din 'yong babaeng 'yon, eh. Alam niya na ngang ako ang killer, hindi pa niya sinabi agad. Tanga."

"Dalie... pa'no mo nagagawa ito? Hindi ka ganito, Dalie. Gumising ka."

"Gising na ako, Francine." Sagot ni Dalie sa sinabi ni Francine, "Ang mga panahong tulog ako ay iyong mga panahon na nagpapakasaya akong kasama kayo. Ang mga panahong nakikipag-plastikan ako sainyo. Pero sa mga sitwasyong ganito... Ang pagpatay... Iyon ang oras na gising na gising ako, na alam ko ang ginagawa ko."

Napa-iling nalang kami ni Francine kasabay ng aming pagyuko. Naramdaman namin ang pag-upo ni Dalie sa harapan namin, tulad ng ginawa niya kanina. Hinawakan niya ang mga baba namin at inangat ang mga ulo namin, sakto lang para matitigan niya kami sa mata.

"Kaya ko kayo pinagsama kasi..." Tumawa siya ng mahina, "Kasi gusto kong patayin ang mag-kambal ng magkasama."

"A-ano?"

"Bingi." Bulong ni Dalie pero rinig naman namin, "Sabi ko, gusto kong patayin ang mag-kambal ng magkasama. At kayo ang mga iyon."

"A-anong... Wala akong m-maintindihan."

"T*ng*na." Sinampal kami ni Dalie ng malakas sa pisngi, "Kambal kayo! Punyetang mapupurol na utak naman, oh. Pauline, si Francine ang kambal mo. Tss. Nag-iinit 'yong ulo ko, eh."

Kung hindi lang nakatali ang mga kamay ko ay napasapo na ako sa bibig ko. Napuno ng luha ang mata ko at sunud-sunod itong nagpatakan. Napatingin ako kay Francine at nakatingin din siya sa'kin. Parehas kaming gulat.

Si Francine ang... kambal ko.

Biglang nagpakita ang iba't ibang sitwasyon sa utak ko. Kaya pala...

Kaya pala parehas kaming may balat sa batok. Kaya pala magka-birthday kami. Kaya pala hawig kami. Kaya pala parang may kung ano akong nararamdaman kapag kasama ko siya. Lukso ng dugo pala 'yon.

"Oh, explain ko pa. Baka kasi di niyo pa'rin naiintindihan. Tss." Mataray na sambit ni Dalie, "Sa cruise, nahiwalay si Francine sa'yo, Pauline, kasi nagmamadali ang mga lolo at lola mo na mailigtas kayong dalawa. Ngayon, hindi nila namalayang nabitawan pala nila ito. Kaya ayun. Ngayon, nakuha ng mga magulang ngayon ni Francine siya kaya ayan. Lapastanganus na siya, imbis na Batumbakal."

Napatingin kami kay Dalie. Nagsalita si Francine, "P-paano mo nalalaman ang mga bagay na 'yan?"

"Ang tanga naman kasi nila Shaney, Jac at ng lolo at lola niyo, eh." Umirap ito, "Mag-uusap na nga lang, hindi pa patago. 'Yan tuloy, narinig ko sila. Mag-usap ba naman sa harap ng bahay nila."

"Bakit ando'n ka?"

"Aagahan ko na sana ang pagpatay sakanila no'n kaso narinig ko 'yon. Tsk. Ang dami niyong satsat, nakaka-urat."

Bakit hindi agad sinabi nila lolo at lola sa'kin na kambal ko si Francine? Kaya pala... kaya pala no'ng tiningnan nila si Francine, parang may kakaiba.

Bumuntong-hininga si Dalie at tumayo. Pumunta siya sa kabilang dulo ng kuwarto at naglabas ng baril. Tinitigan niya iyon at hinipan-hipan, para bang nililinis. Ngumisi siya at tiningnan ako.

"At dahil masyado kitang mahal, ikaw na ang uunahin ko..." Tumawa siya, "Pauline."

Nangilabot ako, "Wag! Dalie, please. Please, magsimula ulit tayo. Hindi ang pagpatay ang solusyon sa lahat ng bagay!"

"Ang ingay mo!" Sigaw niya kaya wala na akong nagawa kundi ang umiyak, "Tatapusin ko na ang dapat tapusin. Pasensya na, ha?" Tapos tinutok niya na ang baril sa'kin. "Ay, Francine, umusod ka palayo."

Umiling si Francine, "Ayaw ko."

"Uusod ka o ikaw ang uunahin ko?!"

"Ako na ang unahin mo!" Sigaw niya.

"Francine!" Sigaw ko. Napatingin siya sa'kin, "Wag."

"Mag-uusap pa kayo?" Nakita namin si Dalie na palapit. Kinaladkad niya si Francine palayo sa'kin at marahas na binitawan ito. Pinagpag niya ang kamay niya at bumalik sa pwesto niya kanina. "Dami pang sinasabi, eh." Tinutok niyang muli ang baril niya sa'kin.

Umiling ako at tumingin sa bukas na pinto. Ngayon ko lang napansing bukas pa pala ito. Napapikit ako.

Lord, please. Iligtas Niyo po kami.

Minulat ko ang mata ko at nagulat nang makita si Charles. Nanlaki ang mata niya at binilisan pa ang lakad papunta sa kwartong kinalalagyan ko. Napatingin ako kay Dalie at parang hindi naman niya napansin ang tinitingnan ko. Nanatili siyang nakangisi sa'kin.

"Bye, Pauline." Sabi ni Dalie kasabay ng pagputok niya ng baril. Pero sa oras na iyon ay nakaramdam din ako ng mga brasong nakapulupot sa katawan ko.

Wala akong naramdamang tumama sa kahit anong parte ng katawan ko.

Minulat ko ang mata ko at nanlaki ang mga ito nang makita si Charles na nakayakap sa'kin. Taranta kong tinanaw ang likod niya at nakita ang tama ng baril dito.

"P*t*ng*na! Anong ginagawa ng Charles na 'yan dito—"

"You have the right to remain silent!" Sigaw ng isang lalaki at nakita ko ang isang pulis na pumapasok sa kwarto. Sinusundan siya ng lima pang pulis at nakasunod dito si Seth. Nakita ko si Dalie na parang kinakabahan. Tinutok niya ang baril niya sa mga pulis at nang ipinutok niya ito ay walang lumabas.

Wala nang bala.

Kinuha siya ng mga pulis at pinosasan. Napapatunganga nalang siya habang kinakaladkad siya ng tatlong pulis palabas sa kwartong ito.

"Seth... kalagan mo ako." Agad namang lumapit sa'kin si Seth. Nagmamadaling kinalag niya ang tali sa paa at kamay ko. Pagkatapos no'n ay dumiretso na siya kay Francine at gano'n din ang ginawa niya. Niyakap niya ito habang si Francine ay napaiyak na lamang.

Agad kong niyakap si Charles.

"Charles..." Bulong ko. Nagsimula na namang pumatak ang likido mula sa mga mata ko, "Naririnig ko na 'yong ambulansya sa labas. Kapit lang, ha?"

Naramdaman ko ang pagtango niya sa balikat ko. Naramdaman ko din ang basa duon.

Humiwalay ako para tingnan siya.

"Huy. Ako dapat 'yong umiiyak ngayon kasi natamaan ka ng bala, eh. Bakit ka umiiyak?" Mas napaluha ako, "Saka bakit mo ba sinalo 'yon?"

Pinilit niyang ngumiti kahit na alam kong nahihirapan siya, "M-masaya lang ako na... b-buhay ka." Hinaplos niya 'yong mukha ko, "At... kaya ko 'yon ginawa kasi..."

Sinubukan kong punasan 'yong mga luha na tumutulo mula sa mata niya. Nagpatuloy naman siya sa pagsasalita.

"Kasi mahal kita, Pauline."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com