Epilogue
A/N: OWEMJI~ Pers taym ko magsusulat ng Epilogue. HUHU. Mahaba 'to guys. (Mas mahaba pa sa talong. :> Djk.) Pagtiyagaan niyo nalang po~ Hohoho. :')
***
~Narration~
High school graduation day.
"Charles Park, even as a transferee a year ago, will be receiving medals and certificates of the different categories; Quiz Bee King, Scout of the Year, Most Industrious, Best in Academic Course and Prince of the Batch."
"Seth Park. King of Badminton, King of Intramurals, King of Sports. He sure is a king. Moving on to the bests and mosts. Best in Dance Club and Most Appealing Male Student. This is based from the voting we had last week."
"Pauline Lapastanganus, which is formerly known as Pauline Batumbakal, will be awarded by the following. Quiz Bee Queen, Best in Drama Club, Best in Academic Course together with Charles Park, Princess of the Batch and Most Appealing Female Student. Again, this is based by the votings last week. But, she has someone to share this award with..."
"... Which is Francine Lapastanganus, her twin. Aside from Most Appealing Female Student, Francine will be receiving other awards from the following categories; Queen of Badminton, Queen of Sports and Queen of Intramurals. She is also the Best in Dance Club together with Seth Park."
Matapos ang awarding ay nag-tipon-tipon ang apat at sabay-sabay nilang hinagis ang kanilang mga toga cap.
Sa riverside, pagtakapos ng graduation.
"Oy, oy. Bakit niyo kami bina-blindfold? OY." Pagrereklamo ni Francine no'ng binlind-fold siya ni Seth.
"Hoy. Ang dilim kaya. Paki-kalagan, ples." Sabi naman ni Pauline.
Natawa na lamang sina Seth at Charles. Inalalayan nila ang dalawa papunta sa surpirse na inihanda nila. Sa parte lang naman ito ng riverside kung saan tanaw na tanaw ang magandang paligid. Nakaharap kasi dito ang araw na lulubog na maya-maya lamang at dahil dito, nagkakaroon ng mumunting ningning ang tubig.
"1, 2..." Bulong ni Seth.
"3." Pagtatapos ni Charles at sabay nilang kinalagan ang panyo na nakatakip sa mata ng dalawa. Kinusot muna ng dalawa ang mata nila bago ito imulat.
At nang maimulat na nila ang mga ito, namangha sila sa paligid.
Gulat na napatingin si Pauline sa paligid, "Wow. Ang galing naman."
"Effort ah." Tapos tumawa ng mahina si Francine.
Mayroon kasing dalawang picnic blanket. Isang blue at isang red. Medyo magkalayo ito sa isa't isa. May dalawang picnic pillows sa bawat picnic blanket at may food basket sa gitna.
Umupo sila sa picnic blanket nila. Si Pauline at Charles sa red at sina Francine naman sa blue.
"Bakit niyo ginawa 'to?" Diretsahang tanong ni Francine. Nginitian lang siya ni Seth at dumukot ng sandwiches sa basket sabay inabot 'yong isa sakaniya.
"Kain tayo." Sabi nito. Napa-irap na lamang si Francine pero tinanggap din naman 'yong sandwich.
Ang magical lang ng mga nangyayari. Masaya silang kumakain sa tabi ng river na nag-g-glow dahil sa sun.
Wala namang nangyaring kababalaghan habang kumakain sila. Nang mapansin ng dalawang lalaki ang malapit nang lumubog na araw, agad silang tumayo at tinulungang tumayo ang mga babae.
Dinala ni Seth si Francine sa lover's bench. Dinala naman ni Charles si Pauline sa mini bridge.
"Lumulubog na 'yong araw." Bulong ni Seth at mas lumapit pa kay Francine.
"Oo nga." Sagot ng isa at ngumiti. Pinagmasdan niya 'yong araw sa pagbaba nito. Bumuntong-hininga siya at nang tingnan niya si Seth ay medyo nagulat siya dahil nakatingin ito sakaniya.
"Francine," Tawag ni Seth. Tinaas naman ni Francine ang dalawa niyang kilay, "Yung tanong mo kanina..."
"Yung... Bakit niyo ginawa 'to?"
Tumango si Seth at ngumiti. May dinukot siya sa bulsa niya. Isang singsing.
"Gusto ko lang malaman mo na simula pa lang nung makita kita... Nagustuhan na kita agad. Pramis 'to. Di ako nagbibiro." Napangiti si Francine. Nagpatuloy sa pagsasalita si Seth, "Tapos nung naging magkaibigan tayo... mas napalapit pa ako sa'yo. At mas lalo pa kitang nagustuhan. Nung oras na akala ko mawawala ka na sa'kin, hindi ko alam yung gagawin ko nu'n. Sobrang kinabahan ako. Iiyak na nga sana ako eh. Kaya nung nakita kong buhay ka, ang saya ko lang talaga."
"Francine... gusto kita." Tinitigan ni Seth si Francine sa mata, "Ay, mali. Mahal pala kita. Mahal na mahal." Tinaas niya 'yong singsing, "Gusto sana kitang ligawan. Itong singsing na 'to, promise ring. Pangako, Francine. Hinding-hindi ako magsasawa na iparamdam sa'yo ang pagmamahal ko araw-araw."
Tahimik na tinitigan ni Francine si Seth habang nakangiti. Tiningnan niya 'yong promise ring at nilahad niya 'yong kamay niya. Halos mapatalon sa tuwa si Seth. Dahan-dahan niyang sinuot iyon.
"Seth. Sa araw-araw na magkasama tayo, napatunayan mo na sa'kin ang sarili mo. You made me feel loved, cared for and such. Ngayon... makinig ka ng mabuti." Mas lumawak 'yong ngiti ni Francine, "Mahal din kita." Bulong niya, "At... sinasagot na kita."
Sa sobrang tuwa ay hindi agad nakasagot si Seth. Pero nang makabawi siya ay nagsalita siya, "Hayaan mo akong ligawan ka muna."
Tumawa naman si Francine, "Sasagutin din naman kita, eh." Ngumiti siya, "Edi ligawan mo ako habang tayo."
Do'n na napangiti ng malawak si Seth. Namumula 'yong dulo ng tenga niya. He intertwined his fingers with Francine's and they faced the sunset, both with smiles on their faces.
"Umuuga." Pauline said, referring to the bridge where they're standing on.
"Okay lang yan." Sabi ni Charles at lumapit kay Pauline. He gently pulled her towards him, "Relax."
Napatawa naman ng mahina si Pauline, "Sabi ko nga." She sighed, "Charles..."
"Hmm?"
"Bakit niyo kami dinala dito?"
Ngumiti si Charles, "Naaalala mo pa ba 'yong sinabi ko sa'yo sa building bago ako mahimatay?"
Siyempre, hindi na kailangang alalahanin ni Pauline 'yon. Kahit na isang taon na ang nakalipas, napaka-sariwa pa'rin ng mga katagang 'yon sa isip niya.
Bigla siyang namula.
"O-oo." Sabi niya, "'Yong mahal kita—"
"Mahal din kita." Pagputol ni Charles. Kinunutan siya ng noo ni Pauline. Tumawa siya ng mahina, "Hindi, yung totoo na."
Sumeryoso 'yong mukha niya, "I was never good to anyone until you came. Pauline, binago mo yung pakikitungo ko sa mga tao. I started to communicate and relate more. Salamat sa'yo." Ngumiti siya, "No'ng nakita kita sa bus, hindi ako nakalabas agad no'n. Iniisip ko kasi kung tao ka ba o anghel. Ang ganda mo kasi." Tumawa siya ng mahina, "Kaya naman no'ng nakita kita sa gubat, hindi na ako nag-dalawang isip na tulungan ka. Ang daming firsts no'n. First hug, first concern towards a girl, ganun. Tapos first time na in-admit ko sa sarili kong... gusto nga talaga kita."
Sobrang namumula na ngayon si Pauline pero nanatili siyang nakikinig.
"Hanggang sa nabalitaan ko 'yong patayan. Hindi ako nagsayang ng oras no'n at pinilit ko 'yong tatay ni Seth, na tatay ko na din ngayon, na ilipat ako sa school niyo. At do'n na nga tayo naging mas close. Hanggang sa unti-unti kong naramdaman na may iba na, na... mahal na kita. Na handa akong protektahan ka kahit anong mangyari. Kasi... mahal kita."
"Pauline..." Hinawakan ni Charles 'yong mga kamay ni Pauline, "Do you feel the same?"
Ina-absorb pa ni Pauline 'yong mga sinabi ni Charles. Pero sa unti-unting pagbilis ng tibok ng puso niya, sa pag-iinit ng pisngi niya at sa naramdaman niyang kakaiba...
Alam niya.
Alam niyang...
"Mahal din kita, Charles." Bulong niya.
Napangiti ng malawak si Charles. Hinigit niya si Pauline sa loob ng mga braso niya at niyakap. Hinalikan niya ito sa noo.
At sa paglubog ng araw, dalawang magkasintahan ang nabuo.
***
One month after college graduation...
"Ang aga namang mag-celebrate ng debut ni Chrysanthemum," Bulong ni Francine kay Pauline, "Tapos, bongga! Parang wedding dress lang 'tong suot natin. Ang haba."
"Oo nga, eh. Tsk. Ang yaman kasi no'ng batang 'yon. Dinaig pa tayo." Sagot ni Pauline.
Naka-white long dresses sila ngayon. Kung titingnan mo, para silang ikakasal.
Kaso nga, birthday daw ni Chrysanthemum, yung kaibigan nila mula sa ibang school. 18th birthday niya kasi next month pero ang aga naman yata niyang mag-ce-celebrate.
Ang masaklap pa, hindi sila sinundo nina Charles at Seth kaya napilitan silang mag-commute papunta sa venue na sinabi ng mga ito.
Nang makarating sila sa venue ay napakunot ang noo nila. Tanaw nila ang beach sa likod ng maliit na building. Walang tao sa labas.
"Aaah. Baka nasa loob." Tatango-tangong sambit ng kambal. Nagbayad sila sa taxi at lumabas dito. Pumasok sila do'n sa building at mas kumunot ang mga noo nila nang makitang nakasara ang mga ilaw. Wala silang makita.
"Bakit bukas 'to pero wala namang tao? Eh sinundan naman natin 'yong oras na sinabi nila, ah."
Lalabas na sana silang dalawa nang may tumunog sa likod nila.
Nag-gigitara at kumakanta.
Sabay silang napalingon do'n at nakita si Charles na nag-gigitara at si Seth na kumakanta. May spotlight na nakatutok sa dalawa at nang simulan nina Francine at Pauline ang panunuod sa dalawa ay may tumutok na spotlight na din sakanila.
"So baby don't go~ Oh~ I wanna take you with me let's go together forever, oh~" Pagsasabay nila sa chorus. Napapangiti na lang ang kambal habang pinapanuod ang kanilang mga kasintahan.
Biglang umilaw 'yong daanan papunta kila Charles nang matapos na silang kumanta. Doon pa lang nakita nina Pauline ang petals na nakakalat sa sahig.
Tumayo sila Seth at Charles. Tinahak nila ang daan papunta kila Francine at Pauline. Ngumiti si Charles kay Pauline at si Seth naman kay Francine.
"Anyare sa debut ni Chrysanthemum?" Tumawa ng mahina si Pauline. Mas lumawak naman 'yong ngiti ni Charles.
"Mga pakulo niyo talaga." Francine sighed, "Anong meron, Seth?"
Nagkatinginan 'yong magkapatid at napangiti sa isa't isa. They sighed in chorus and faced the girl they love. They can feel the fast beating of their hearts in their chests.
"We've been together for 7 years." Pagsisimula ni Seth, "It might not be as long as the length of time the other couples stayed together, but I know it's as magical."
"The moments we shared." Pagtutuloy ni Charles, "The fights we had that made our relationship stronger. The long wait... it's all worth-it."
"The long wait?" Takang tanong ni Pauline.
"The long wait to forever, baby." Bulong ni Charles. Tumungin sya kay Seth at tumango naman ang isa. Once again, they sighed at the same time and slowly knelt on the floor.
Nanlaki ang mata ng kambal as sudden realization came to them. May dinukot na maliit na box ang dalawang lalaki sa bulsa nila. The small boxes are colored velvet red.
"I can't wait to take our journey to forever, Francine."
"And I can't wait to take care of you for a lifetime, Pauline."
Naluluha na 'yong magkambal. Sabay namang nagsalita sina Charles at Seth.
"Pauline/Francine..." They called, "Will you marry me?"
Napasapo sa bibig nila sina Francine at Pauline. Kinabahan naman sina Seth, ngunit nagpatuloy lang sila sa paghihintay sa sagot ng dalawa.
Unti-unting nilahad ni Pauline 'yong kamay niya. Gano'n din ang ginawa ni Francine.
"Sino ba naman ako para humindi sa taong mahal na mahal ko?" Maluha-luhang saad ni Francine.
"Charles..." Nakangiting tawag ni Pauline, "Yes. I will marry you."
Halos mapatalon sa tuwa ang magkapatid nang isuot nila ang mga singsing sa kamay ng dalawa. Tumayo sila at niyakap ang mga ito.
Makalipas ang ilang segundo ay namatay muli ang lahat ng ilaw. Naramdaman ng kambal ang paghiwalay ng magkapatid sa kanila.
"Charles/Seth?" Sabay na tawag ng dalawa ngunit wala silang narinig na sagot.
Biglang may humila sa kanila papunta sa isang parte ng kwarto. Hindi nila matukoy kung saang parte ito dahil madilim talaga. Walang kahit anong ilaw.
"A-ano ba?" Pagsita ni Pauline sa kung sinuman 'yong humila sa kanila.
May naramdaman silang nalagay sa ulo nila. Naramdaman pa nila ang telang iyon hanggang sa baba ng puting dress nila. Biglang may inabot 'yong kung sinumang 'yon sa kanila at nang kapain nila ito ay...
Nakaramdam sila ng mga bulaklak.
Biglang parang may hinila sa tabi nila na naging dahilan ng pagbukas ng dalawang malalaking kurtina. Kurtina pala 'yong kaharap nila kanina.
Nanlaki ang mga mata nila nang makita ang napakadaming taong nakaupo sa mga upuan sa gilid. Maliwanag na ngayon dahil ang nasa harap ng kurtina ay ang beach mismo.
Tiningnan nila ang sarili nila at mas nanlaki ang kanilang mga mata nang makitang nakasuot sila ng napakahabang belo at ang hawak nila ay...
Wedding bouquet.
Nagkatinginan sila nang makita ang mga kaibigan nila at nang makita nila ang mga magulang nila na naglalakad papunta sakanila habang nakangiti.
Ikakasal na sila.
Natanaw nila sina Charles at Seth sa magkabilang dulo ng red carpet. Nilibot nila ang paningin at namangha sa ayos ng beach.
Simple pero sobrang ganda.
Nang marating sila ng mga magulang nila ay hinalikan sila ng mga ito sa pisngi at kinawit ang braso nila sa mga ito. Nang tumunog ang wedding march ay nagsimula na silang maglakad papunta sa altar.
Hindi maiwasan ng kambal ang mapangiti at mapaluha habang naglalakad. Nakangiti ang kanilang mga kaibigan sa kanila at nang marating nila sina Charles at Seth ay nagpasalamat ang mga ito sa kanilang mga magulang. Tumingin ang mga ito sakanila at niyakap sila ng mahigpit.
"Baliw ka talaga." Bulong ni Pauline.
"Baliw sa'yo." Sabi naman ni Charles sabay tawa.
"Pinapaiyak mo ako. Shet." Paninisi ni Francine kay Seth.
"Handa naman akong punasan ang mga 'yan, eh." Nakangiting sabi ni Seth.
Tumawa na lamang ang mga ito at pumunta na sa harapan ng pari.
Nagsimula ang seremonya nang may ngiti sila sa mga labi.
"You may now kiss your brides." Pag-aanunsyo ng pari. Napuno ng sigawan ang buong lugar at nag-harapan sina Seth at Francine, as well as Charles and Pauline.
Tinaas ng mga lalaki ang belo ng mga babae at ngumiti ng malaki.
And under the sunset, they kissed, making it a signal of the start of their journey to forever.
***
Ten months after their wedding and nine months after their honeymoon...
Posible kayang ang magkambal na sabay pinanganak ay sabay ding manganganak?
Well, oo. Kasi 'yon 'yong nangyayari ngayon.
Sabay na dinala ng mga nurse sina Francine at Pauline sa iisang delivery room habang sakay ng rolling bed. Pinagtabi nila ang kama ng dalawa.
Napapakagat na lamang si Pauline sa labi dulot ng sakit sa tiyan niya. Si Francine naman ay mahigpit ang hawak sa kama na hinihigaan niya.
Tarantang tumabi sina Charles at Seth sa mga asawa nila. Suot pa nila ang kanilang business attire dahil saktong pag-uwi nila galing sa trabaho ay nagsisigaw ang kanilang mga asawa sa sobrang sakit.
At, tama. Nasa loob sila ng iisang bahay. Hindi pala bahay. Mansyon pala. Nahahati ang mansyon sa dalawang parte. Ang isa ay kina Charles at ang isa naman ay kina Seth. Ewan ko ba. Ayaw na yata nilang maghiwa-hiwalay.
"Sige pa, sige pa. Ayan na, malapit na." Pagpursigi ng doktor kay Francine.
"Konti pa. Nakikita ko na 'yong ulo niya." Sabi naman ng isa pang doktor kay Pauline.
Napahawak ng mahigpit si Pauline sa kamay ni Charles. Ginantihan naman ng isa ang hawak na ito. Gano'n din ang ginawa nina Seth at Francine.
"CHAAAAAAAARLES!" Daing ni Pauline kasabay ng paglabas ng batang babae mula sakaniya.
"SEEEEEEEETH!" Daing din ni Francine kasabay din ng paglabas ng batang lalaki mula sakaniya.
Narinig nila ang magkasabay na iyak ng dalawang bata. Madaliang pinunasan ng mga doktor ang dalawang sanggol at parehas na ibinalot sa puting sapin.
"Congratulations. Your baby boy is healthy." Nakangiting saad ng doktor kay Francine at Seth. Inabot nito ang bata kay Seth at maluha-luha itong kinuha ni Seth mula sakaniya.
"You delivered her successfully and healthy." Masayang sabi ng isa pang doktor kay Charles at Pauline. Inabot niya ang batang babae kay Charles at tuwang-tuwang inabot ito ng isa.
"Ang ganda niya, Pauline." Bulong ni Charles at yumuko para ilebel kay Pauline ang batang babae. Napaluha si Pauline dahil sa tuwa.
"Baby ko..." Bulong ni Pauline sa anak niya.
"Mana siya sa'kin. Ang gwapo. Tsk." Pagyayabang ni Seth. Napa-irap naman si Francine at ngumiti.
"Ang gwapo nga." Bulong niya.
"What are you going to name them?" Tanong ng doktor sa kanila.
Nakangiting nagtinginan ang mag-aasawa. Napag-usapan na nila ang ipapangalan sa mga ito noong dinadala pa lamang ng mga babae ang mga ito sa kanilang tiyan.
"We'll call her Charlene Crystal." Sabi ni Pauline.
"His name will be Sed Francis." Sabi naman ni Francine.
"It's settled then. Charlene and Sed."
***
4 years later...
Lumuhod si Charles upang halikan sa pisngi si Charlene. He patted her head and smiled. Lumuhod din naman si Pauline at hinalikan ito sa noo.
"Behave, okay? Mom and dad will be fetching you after lunch." Mahinhin na sabi ni Pauline. Tumango naman si Charlene at inosenteng tiningnan ang mga magulang niya.
Totally Pauline.
"I'm so excited to have friends." Bulong nito. Napatawa naman ng mahina ang mag-asawa.
"Just be good and they'll befriend you. Oh. Kiss dad and mom goodbye na."
Hinalikan naman ni Charlene si Pauline at Charles sa pisngi. Ginulo ni Charles 'yong buhok ng anak nila at tumayo.
"Don't go away from Charlene, hm? Accompany her." Bulong ni Seth. Tumango naman si Sed.
"Do what we told you, okay?" Bilin ni Francine. Tumango ulit ang bata. Ngumiti siya.
Totally Seth.
Hinalikan nito ang pisngi ng mga magulang niya at tumayo na ang dalawa.
"Bye, mom, dad, tito and tita~!" Sabay na sabi ng mag-pinsan nang sumakay na ang mga magulang nila sa kanya-kanyang sasakyan.
Charles and Seth waved goodbye to their kids and waited for them to go in the school before they drove away.
Dumiretso sina Sed at Charlene sa kwarto nila. Magkaklase sila kaya mas napadali ang mga bagay-bagay.
Pumasok ang adviser nila na babae. Maganda ito. Ngumiti siya sa kanyang mga estudyante at nagsalita.
"Hi, kids." Bati nito, "Welcome to Untitled Academy."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com