6
~Francine Lapastanganus~
Screams. Bumping of things to people. Bumping of things to things. Bumping of people to people. Horns. Screeches. Loud unpredictable sounds. Blood. Dead and unconcious bodies.
I looked around. I couldn't move, I didn't know where to go. The place is crowded, but it isn't at the same time.
The place was full, but is empty as well.
Full of people, but empty because the people are not living anymore. They're all dead.
Two angels parted ways, unaware of what's happening to their surroundings. Unaware of what the people around them are feeling and are doing. Unaware that their once clear future started to become blurry in just a snap.
But they can hear the commotion, though, they didn't care for they knew they're safe.
The other was alone, the other wasn't.
Suddenly, their future became blurry because of blood. By blood and itself alone.
***
Napabangon ako sa higaan ko. Hingal kong tiningnan ang orasan. 4:30 pa lang. Bumalik ako sa pagkakahiga at tumingin sa kisame.
Anong klaseng panaginip yun?
Tiningnan ko si kendi at nakitang natutulog pa'rin siya. Ganun din si Dalie. Bumuntong-hininga ako at umupo. Hindi na ako makatulog ulit.
Anong klaseng panaginip yun?
Tumayo ako at nagsimulang magligpit ng kama. Mabagal akong kumilos kasi iniisip ko pa'rin 'yong napanaginipan ko. Alam kong dapat binabalewala ko na lang 'yon, pero, ewan ko ba. Gusto kong malaman kung bakit ko 'yon napanaginipan, kung may kaugnayan ba 'yon sa buhay ko.
Tumunog ang alarm clock saktong pagtapos kong magligpit ng kama. 5:00 na. Gano'n na ba ako kabagal para abutin ng 30 minutes?
Unti-unting nagising si Pauline at Dalie. They groaned in frustration and slowly got up. Papikit-pikit pa sila habang inaayos 'yong kama nila. Umupo ako sa kama ko at tumingin sa kawalan.
Two angels...
"Boo," May bumulong sa tenga ko at napamura ako ng mahina. Pagtingin ko, si Pauline at Dalie pala. Umupo sila sa tabi ko.
"Anong meron, kendi?" Tanong ni Pauline, "Why so serious?"
"Maaga kang nagising, ah." Sabi naman ni Dalie, "Tapos tumitingin ka pa sa kawalan."
"Anong meron?" Sabay nilang tanong.
"May napanaginipan kasi ako..." Simula ko, "Nakaka-curious lang."
"Ano ba 'yon? Nakakatakot?"
Umiling ako, "Hindi. Basta. Tara na nga."
Tinitigan na lang muna nila ako bago tumango. Kinuha namin 'yong toothbrushes at towels namin. Lumabas na kami ng dorm room namin at nag-take turns sa paliligo.
An hour later, nagtipon-tipon kaming mga mag-dorm mates sa malaking dining set dito sa dining room. Kakain na kami.
"Francine, okay ka lang?" Tanong ni Rocelle, isa sa mga dorm mates namin.
"Ah, oo, okay lang. Bakit?" Sagot ko.
"Hindi mo pa nagagalaw 'yang sandwich mo. Kain na."
Napatingin ako sa harap ko at nakitang wala pang kagat 'yong sandwich. Tumango na lang ako at kinuha 'yon tapos sinimulang kainin.
Their future that became blurry because of blood... by blood and itself alone.
***
Hingal akong umupo sa damuhan at pinanuod ang sunod na pair ng badminton players.
Kakatapos ko lang maglaro at nanalo ako. Pasok na agad ako sa team. Kahapon, pinag-usapan lang namin 'yong mga gagawin. Ngayon lang talaga kami nag try-outs.
Napasabunot ako sa buhok ko. Aish. Bakit ba ayaw mawala sa isip ko no'ng napanaginipan kong 'yon? What's the big deal?
"Seryoso ah," May nagsalita sa tabi ko. Tiningnan ko 'yon.
"Seth?" Tawag ko, "Buti nandito ka? Anong family ka ba?"
"Team number two." Sagot niya, "Ka-team pala kita?"
"Halata naman, 'di ba?" Sabi ko at binalik ang tingin sa harapan ko. "Bakit ka nandito? Magta-try-out ka din ba?"
"Bakit ba feeling ko pinapaalis mo na ako?" Tanong niya at napatawa ng mahina. "Bukas ako magta-try-out. Absent ako kahapon kaya hindi ko alam na may try-outs sa badminton ngayon, kaya sa second batch ako napunta."
"Ah." Sabi ko, "Dati ka pa bang naglalaro ng badminton?"
"Oo," Sagot niya, "Hindi ko nga lang pinapakita sa ibang tao."
"Buti naman naisipan mong mag-try-out ngayon?"
"Meron kasing ikaw na dumating." Bulong niya. Hindi ko naintindihan kasi bulong lang talaga.
"Ha?"
"Sabi ko, naisipan kong mag-try-out kasi malay mo, ma-discover kagwapuhan ko."
"Hala, humahangin na, oh." Sabi ko sabay irap.
"See?" Sabi niya, "Ganyan kalakas epekto ng kagwapuhan ko. Pati nature naaapektuhan."
Once again, what he said made me roll my eyes.
Natahimik kami at pinagpatuloy ang panunuod sa mga nagta-try-outs. Boom. Nanalo yung lalaki. Kawawa naman yung babae. Haaay.
"Ang galing mo pala, ah." Seth suddenly said out of nowhere.
"I know right," Sabi ko sabay flip ng hair.
"Taas ng self-confidence ah. Sabagay, may ipagmamalaki naman."
"Pwede bang tigil-tigilan mo na 'yang pagbulong-bulong mo? Wala akong maintindihan, eh. Nakaka-stress sa mga dyosang tulad ko."
"Oo na." Sabi niya, "Sabi ko, sana magkaro'n ako ng chance na makalaban ka one day."
"Baka magsisi ka," Confident na sabi ko pero sa totoo lang, kinakabahan na ako. Saan ko ba nakukuha 'tong confidence level na 'to?
"Baka ikaw," Sagot naman niya. Tiningnan ko siya at nginitian.
"One day." I guaranteed.
Minutes later, natapos na 'yong try-outs. Nagpunta na kami ni Seth sa harap ng coach ng team. Nagsimula na siyang mag-announce ng mga nakuha.
"Francine Lapastanganus," In-announce na 'yong pangalan ko at napangiti ako ng malawak. "Dianne Alipores,"
Nanlaki 'yong mata ko at napatingin sa isang side nang may sumigaw. Doon, nakita ko si Dianne Haliparotes-este, Alipores. Putspa. Magka-team kami?! Anong kababalaghan 'tooooo?! Bakit wala akong kaalam-alam?
Nang makita niyang nakatingin ako sakaniya, nginitian niya ako at nag-wink. Muntikan na akong masuka.
"Bakit parang sumama 'yong aura mo no'ng binanggit 'yong pangalan ni Dianne?" Tanong ni Seth habang naglalakad kami pabalik sa building ng mga grade 11 students.
"Haliparot kasi 'yon." Mahina kong sabi at hindi ko ine-expect na marinig niya 'yon pero narinig niya.
"Alam ko." Sagot niya.
"Close kayo?" Tanong ko sabay tingin sakaniya.
Sasagot na sana siya nang mapatingin siya sa braso niya dahil may kumapit do'n. Pagtingin ko, si Dianne pala. Tiningnan ako ni Seth at sinasabi ng mata niya na, 'told you so'. Napatawa ako ng mahina.
"Enjoy~" Sabi ko sakaniya. I waved goodbye and left, his eyes begging for me to help.
Bahala na sila do'n. Gusto ko nang umuwi at magpahinga, 'no.
----
A/N: This chapter is dedicated to my oh-so-dyosang cousin/bestfriend/jagiya, @terrxble! Saranghae. :*
Thank you for reading, guyseu. :*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com