Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

7

~Narration~

Natutulog ngayon si Pauline ng mahimbing sa loob ng bus. Nakatakip pa nga 'yong mukha niya ng scarf eh. Sabado ngayon at pauwi na siya sa totoo niyang bahay-sa bahay ng lolo at lola niya.

Wala siyang kaalam-alam na nandito na sila sa bus terminal na katapat lang naman ng bahay ng lolo at lola niya. Hindi niya narinig 'yong sigaw nung driver na "Andito na tayo!" kasi naka-headphones siya. At ang loka, finull volume pa ang music.

Pauline, kung madala ka sa ibang parte ng mundo diyan sa ginagawa mo, gamitin mo na lang 'yang ka-dyosahan mo para bumalik sa pinanggalingan mo.

Pero putangina, wag dun sa sinapupunan ng nanay mo, ples.

Umalis na ang katabi ni Pauline sa bus. Ipagpapatuloy niya pa sana 'yong pagtulog nang makita siya ng isang lalaki. Silang dalawa na lang 'yong pasahero sa bus.

"Bababa pa ba kayo o gusto niyong bumalik sa pinanggalingan niyo? Dagdag bayad yun. Akin na three hundred, tig-150 kayo." Masungit at nanghahamon na sabi nung driver. Napa-irap sa isip 'yong lalaking naiwan kasama si Pauline.

Sinukbit niya 'yong bag niya sa balikat niya at tumayo para lapitan si Pauline. Hinanap niya 'yong off nung Beats na gamit ni Pauline at nang mahanap niya, pinindot niya 'yon. Sinimulan niya nang gambalain ang dyosang natutulog.

"Hoy, babaeng may takip na scarf sa mukha na nakasuot ng headphones, gumising ka na." Sabi niya at tinapik ng marahan 'yong braso ni Pauline pero ayaw magising nung bruha. Napahinga ng malalim si kuya sa inis. Inalis niya 'yong scarf na tumatakip sa mukha ni Pauline para sana sampalin ito ng mahina sa pisngi.

Kaso imbis na sampalin niya, napatulala siya. Pinagmasdan niya 'yong bangs ni Pauline pababa sa mata niyang nakapikit, sa ilong niyang matangos at sa labi niyang... kulay pink.

Parang malambot. Isip nung lalaki.

POTINGINI. KOYA, TIGIL-TIGILAN NIYO PO MUNA 'YAN, HA? HA?! SOLOMOT.

Pero, hindi niya tinanggap 'yong pagpapasalamat ko kasi nanatili siyang nakatitig do'n sa labi ni Pauline. At ang leche, hindi pa matitigil sa kababalaghang ginagawa niya kung hindi pa umubo 'yong driver ng nakangisi. Agad napabawi sa pwesto niya si kuya.

"Ganda ba masyado para titigan at lapitan mo, hijo?" Mapanlokong tanong nung driver kay namumulang lalaki. "Bago mo siya landiin, umalis muna kayo dito sa bus ko. Ayaw kong mabahidan ng kaharutan 'to."

Napadaing 'yong lalaki. Bakla pa yata 'tong driver, eh.

Bumuntong-hininga siya at tiningnan ulit si Pauline. This time, pinilit niyang 'wag munang ma-attract sa mukha nito. Gaya nga ng sabi ni baklang manong, mamaya na lang sa labas. Huehuehue.

Tinapik niya ito ng mahina sa pisngi. Mga sampung beses niya pa 'yon ginawa bago gumalaw sa kinauupuan niya si Pauline. Unti-unti niyang minulat ang mga mata niya at nagising ang buong diwa niya nang makita ang isang napakagwapong nilalang sa harapan niya.

Putcha. Love at first sight? Walang ganyan. Walang poreber.

"Uh..." Simula ni Pauline pero nagsalita na 'yong lalaki.

"Tayo na lang tao dito, miss. Andito na tayo. Bilisan mo." Pagsusungit niya. Sus. If I know kaya mo siya pinagmamadali dahil atat na atat ka nang malandi siya sa labas, eh. Galawang breezy.

At dahil dakilang mabait si Pauline, tumango na lang siya at tumayo. Sinukbit niya 'yong bag niya sa balikat niya at muling tumingin sa lalaki.

"Sorry po." Magalang na sabi ni Pauline at nilampasan siya. Naglakad na siya palabas at bumaba ng bus. Naiwang nakatulala sa ere si gwapong lalaki.

Masyado siyang nagandahan sa mata at sa boses ni Pauline. Shet. May ganun pa pala?

Si Pauline, agad na nakita 'yong bahay ng lolo at lola niya pagkababang-pagkababa niya pa lang sa bus. Napadaing siya sa excitement at tatakbo na sana papunta do'n ng may makita siyang figure ng dalawang tao na nakatayo sa harapan ng bahay nila. Naglakad siya papunta doon.

Nang marating niya 'yong dalawang tao ay nanlaki ang magaganda niyang mata. Nanlaki din naman 'yong mata nung dalawang taong 'yon.

"P-pauline?" Gulat na sambit ni Dane at biglang nilagay ang dalawang kamay niya sa likod niya. Para bang may tinatago.

"P-pauline?" Nauutal na sambit din ni Drany kay Pauline.

"Dane at Drany? Anong ginagawa niyo dito sa tapat ng bahay namin nila lolo at lola?" Taka at gulat na tanong ni Pauline. Tinanaw niya 'yong likod ni Dane, "At ano 'yang nasa likod mo, Dane?"

"Ha? Wala 'to." At pasimple niyang tinapon palikod 'yong hawak niya. Nilabas niya 'yong dalawang kamay niya. "See? Wala oh." Tapos kinakabahan siyang tumawa.

"Oh, eh bakit andito kayo?"

"Our aunt has a house over there," Sabi ni Drany at tinuro ang isang direksyon. "Every Saturday, we visit her because our parents are there as well. We were taking a walk awhile ago and we saw this house. We were mesmerized. Ang laki, eh. At ang ganda. You know, we're fond of antique houses. Ang ganda lang nilang tingnan." Paliwanag niya at ngumiti kay Pauline.

Pauline bought her explanation kaya tumango ito at ngumiti pabalik, "Ahh. Okay. Well, dito ako nakatira. I visit here ever Saturdays, too. What a coincidence, eh?" Then she giggled, "Gusto niyo ba munang pumasok?"

"Sure!" Sabay na sagot nung dalawa na nakapagpa-kunot ng noo ni Pauline. Tumawa naman ng alangan 'yong kambal, "We're twins so... yeah."

Tumawa din ng mahina si Pauline at tumango, "Oo nga."

"Ay wait, I forgot to greet you properly." Sabi ni Drany and stepped forward. Nakipag-beso siya kay Pauline. Bineso din naman siya ni Pauline pabalik.

Si Dane, tatanguan na lang sana si Pauline pero nang tumingin siya sa bus terminal, may nakita siyang lalaking nakatitig sa kanila na nakakunot-noo. At dahil alam ni Dane kung ano 'yong nararamdaman ng kapwa niya lalaki, napangisi siya.

Humakbang siya papalapit kay Pauline at niyakap ito saglit. Nung humiwalay siya, hinalikan niya si Pauline sa pisngi at lumayo na ng nakangiti.

Gumuho naman 'yong mundo no'ng lalaking nagngangalang Charles Park na na-love at first sight kay Pauline kanina nang makita 'yong ginawa ni Dane dito. Napa-kuyom yung kamao niya at umiling siya. Wala naman siyang dapat ika-selos, eh. Ni hindi nga niya alam 'yong pangalan ni dyosa.

On the other side, lumunok na lang si Pauline. "Ah..." Pagbasag niya sa katahimikan, "Tara na?"

Tumango naman 'yong kambal at binuhat ni Dane ang bag ni Pauline papasok sa loob ng bahay nila.

Pero may isang bagay na naiwan sa daan, 'yong binato ni Dane kanina.

Kuminang ito nang tamaan ito ng araw.

Kutsilyo.

----

A/N: Sorry for not updating fast, guys. Huehue. Pero I'll make it up to you. Wait for some more updates today.

Hindi ako makapag-dedicate ng maayos. Ewan ko. Nagloloko 'yong phone ko. Nakita ko din sa previous UDs ko na hindi ko siya na-dedicate ng maayos. Kaya, I won't dedicate this chapter muna to someone. Aayusin ko muna.

Thanks for reading. I hope you liked it. Stay tuned. :*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com