Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

WARNING: This story contains Season 1 and Season 2. Season 2 is not available here in Wattpad. Kung ayaw mabitin, please stop reading dito pa lang. Salamat. 

#WIAE Chapter 1

I did not ask for this kind of life. I never wanted this. If I could escape this, I would.

"Miss Ophelia, nandito na po tayo."

Tahimik ako na bumaba mula sa limousine na naghatid sa akin sa bahay. Mag-isa lang ako na bumalik dito sa Pilipinas. Nasa Japan pa kasi ang mga magulang ko at may inaayos. Baka sa isang linggo pa sila makarating. I understood why they had to stay there—it's about work.

Ipinasok na ng mga tauhan ni 'Dy ang mga gamit ko sa loob. I looked at the mansion in front of me. Not bad. Pumasok ako sa loob at mukhang bago lahat ng mga gamit. Mukhang naipalipat na rin nila 'My 'yung mga pictures at painting namin.

"Where's my room?" I asked the maid who's nearest from where I was standing. Pagod ako mula sa byahe at gusto kong matulog muna. Bukas na rin kasi ang simula ng klase kaya gusto kong makabawi ng pahinga para naman may enerhiya ako para bukas.

Iginiya ako ng maid papunta sa magiging kwarto ko. Malaki iyon—kasing laki nung kwarto ko sa mansion namin sa Japan. Halos wala ngang pinagkaiba. Napangiti naman ako dahil nakikita ko talaga ang effort nila 'Dy na maging kumportable ako rito sa Pilipinas.

Was it weird that I am a Filipino yet I am foreign in my own land?

Bata pa lang ako nung lumipat kaming buong pamilya sa Japan. Ang sabi lang sa akin ni 'My, dahil daw sa family business kaya kami lumipat sa Japan. After nun, hindi na ako nagtanong pa. Ayoko na rin kasing makiusisa sa mga bagay na tungkol sa family business. Pero kahit na sa Japan ako tumira buong buhay ko, sanay na sanay pa rin akong mag Tagalog. Palagi kasing sinasabi nila na isang araw, babalik kami sa Pilipinas. And this was the dreaded day.

Ipinagdala ako ng katulong ng pagkain sa kwarto.

"Thanks," I muttered.

Kinain ko lang iyon at saka kinuha ko 'yung laptop ko. I immediately typed the name of my school in the search bar. 'Academia de Mondragon' Matapos kong ilagay iyon ay nagtaka ako kung bakit ni isang result man lang ay walang lumabas. Niloloko ba ako nitong google?

Kinuha ko 'yung entrance slip na ibinigay sa akin ni 'My bago pa man ako sumakay sa private plane namin. Tama naman ang spelling na inilagay ko pero bakit wala talagang resulta na lumalabas? Legit ba 'tong school na papasukan ko?

Balak ko sanang tawagan si 'My pero naisip ko na busy sila sa business nila kaya naman kinuntento ko na lang ang sarili ko. Bahala na. Malalaman ko naman bukas kung ano ba talaga ang meron sa eskwelahan na 'yun.

The next day, I woke up early as usual. Hindi ko mapigilan pero medyo excited na rin ako. First time ko kasing papasok sa school. Buong buhay ko kasi ay home-schooled ako. Nung una e masaya pero habang tumatagal, nagiging boring. 'Yung mga teachers ko at ako lang kasi ang laging nagkikita. Ilang beses ko na sinabi kila 'My na papasukin ako sa normal na eskwelahan pero palagi nilang sinasabi na bawal. Kaya naman tumigil na ako kakasabi.

If there is one thing I learned about being a member of the Estrella family, it is that if they say no, they mean no.

"Miss Belinda, handa na po ang almusal niyo," sabi nung katulong pagkatapos niyang kumatok. Agad naman akong tumayo sa kama ko at bumaba. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako bumaba. Wala naman akong kasabay kumain dahil wala pa sila 'My. Pero mas malungkot namang kumain sa kwarto mag-isa.

Ilang minuto lang ay tapos na akong kumain. Pumanhik na ako sa kwarto ko at naligo. Matagal akong naligo dahil maaga pa naman. Pinatuyo ko na rin ang buhok ko at saka naglagay ng makeup sa mukha. Matapos iyon ay tinignan ko 'yung uniform na isusuot ko. Nasa College na ako pero ngayon pa lang ako makakapagsuot ng uniform. Kakaiba talaga ang buhay na meron ako. Pakiramdam ko wala akong muwang sa mundo.

Kulay navy blue na plaid skirt, tucked in na white polo, mainipis na necktie, at pin na logo ng school ang bumubuo sa uniform ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin bago ako nakuntento.

Pagkababa ko pa lang ay naka-abang na sa akin ang kotse na gagamitin ko. Kumunot ang noo ko dahil limousine pa ang gagamitin ko.

"Ibang kotse ang gagamitin ko," sabi ko sa driver. Napakamot siya sa ulo. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at tinignan ko lang siya. Natakot siya sa akin kaya naman ibinalik niya ang limousine sa garahe. Ganito yata talaga kapag Estrella ka—hindi ka pa nagsasalita, kinatatakutan ka na. Maybe it runs in the blood, after all.

Itim na SUV ang sinakyan ko patungo sa school. Napailing pa rin ako nung makita ko na bullet at shock proof itong sasakyan. Kailan ba ako masasanay?

Pagdating ko sa school, napanganga ako. Hindi naman ako tanga o ano, alam ko naman ang itsura ng school. Nanonood ako ng TV at nagbabasa ako ng mga libro. But this? This was beyond me.

Naputol ang paghanga ko sa school nung tawagin ng driver ang pangalan ko. "Miss Belinda," tawag niya. Napatingin ako. "Nasa iyo na po daw ba 'yung ID niyo? Kailangan daw po kasi bago tayo papasukin."

Kumunot ang ulo ko pero kinuha ko pa rin 'yung ID sa loob ng bag ko. Kasama na kasi ito sa school package na ibinigay sa akin ni 'My. May laman iyon na entrance slip, isang iPad mini, at ID. Matapos ibigay iyon ay pinapasok na kami sa loob. Grabe naman ang security sa lugar na 'to. Eskwelahan lang naman.

Pagbukas ng higanteng gate ay mas nalaglag ang panga ko.

'What the f uck?!'

Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko! Nasa eskwelahan pa ba talaga ako?! Pakiramdam ko ay may isang bagong community sa likod ng mataas na gate! May mga buildings dito—madami sila pero hindi gaanong matataas, siguro mga hanggang fifth floor lang sila. Mas mataas pa rin ang gate.

Inilibot ko ang tingin ko at bigla akong nanliit sa sarili ko nung makita ko na panay limousine ang sasakyan na nandito. Damn, inis na sabi ko sa sarili ko. Kung alam ko lang ay sana hindi na ako sumakay sa SUV na 'to! Mukha tuloy akong pulubi!

Bago kami makapasok sa mismong eskwelahan ay mayroon pang isang gate. Hindi na pinapapasok ang mga sasakyan doon kaya naman bumaba na ako.

"Please scan your ID for verification," sabi nung machine kaya naman ginawa ko iyon. Automatic na bumukas ang gate at pumasok na ako. Maraming tao sa paligid. Maraming mga estudyante. Nag-uusap ang karamihan sa kanila at mukhang mga magkakakilala na sila.

Sanay naman ako na mag-isa ako buong paglaki ko pero ngayon, bigla akong nalungkot.

Patingin-tingin pa ako sa mga tao sa paligid ko nung biglang tumunog ang bell. Isa-isang naglakaran ang mga tao papunta sa iisang lugar kaya naman sumunod na rin ako roon. Habang naglalakad, kinuha ko 'yung iPad mula sa bag ko. Nandito kasi 'yung schedule ko.

7:00 am- General Assembly @ University Auditorium

Pumasok na rin ako sa loob at naupo sa bakanteng pwesto. Wala pa naman kasi akong kakilala. Halos lahat naman kasi rito ay may kaibigan na. Pakiramdam ko talaga isa akong alien.

"Good morning students," biglang may nagsalita sa harap. Napadiretso ako ng upo nung magsimula na ang assembly. "Some of you may already know me but I would still introduce myself. I am Madame Jovelyn Mondragon and I am your school headmistress."

Ang ibang mga estudyante ay hindi nakikinig. Para bang narinig na nila ito at bago na bagot na sila.

"Excuse me," sabi ko sa katabi ko. Kanina ko pa tinitimbang kung kakausapin ko ba siya. Hindi kasi ako sanay na bigla na lang kumakausap ng tao pero curious na curious na talaga ako. Besides, schoolmate ko naman siya kaya hindi naman siguro ako papagalitan nila 'My.

Tumingin siya sa akin at saka ngumiti. "Hello," sabi niya.

"Hi," tipid kong sabi. "Can I ask you a question?"

"Sure."

"What's happening?" I asked. Mukhang na-weirduhan siya sa tanong ko dahil kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya. "I mean, what school is this? I tried searching this in the net pero wala akong nakita."

Mas lalong kumunot ang noo niya. "Don't you have any idea where you are?"

Umiling ako. What the heck was happening?

"You're in Academia de Mondragon," she said.

"Alam ko."

"You don't know what kind of school this is, am I right?" tanong niya ulit.

"This is a university—a normal university," I added. Kahit na kinakabahan ako, ayoko pa ring maniwala. I thought that this was my shot at a normal life.

Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti. "This is not your normal university."

Bigla na namang nangilabot ang dibdib ko. This kind of life would never leave me.

Matapos ang napakahabang pagsasalita ay isa-isa ng umalis ang mga estudyante. Kinuha ko ang cellphone ko at akma ko sanang tatawagan ang mga magulang ko para klaruhin ang mga nangyayari. Naguguluhan kasi ako. Akala ko okay na... Akala ko magiging normal na...

"You're just wasting your time," sabi niya. "Walang signal dito."

Kumunot ang noo ko pero nung tinignan ko ang screen ng phone ko ay tama nga siya—walang signal.

"Bakit walang signal?" I asked. Nagsisimula na akong mainis. Nasaang lugar ba kasi ako?!

Marahang tinapik niya ang balikat ko. "Chill ka lang, girl." How can I chill?! Hindi ko alam kung nasaang lugar ako at kung bakit ako nandito! I came here in the Philippines with the hope of finally living a normal life! Tapos ano? Parang balik lang ulit ako sa dati?

"Ano ba ang meron dito? Bakit ganito?!"

Huminga nang malalim iyong babae sa harap ko. "Before I start answering your questions, I would like to introduce myself first." Ini-offer niya ang kamay niya sa akin. "I am Cathy Uehara, deuxième."

Kumunot ang noo ko.

"Deu-what?"

Napangiti na naman siya sa kainosentehan ko. Ang dami-dami kong gustong malaman tungkol sa eskwelahan na ito!

"This school is a school for the sons and daughters of the most dangerous and richest people in the whole of Asia," sabi niya sa akin. "The reason why you could not search this school is because this is a secret place. Ang tanging nakakaalam lang nito ay ang mga nag-aaral dito."

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga narinig ko.

"Mayroong hierarchy system sa loob ng eskwelahan na ito," pagpapatuloy niya pero halos wala na akong maintindihan. Ang tanging alam ko lang ay gusto kong lumabas mula rito at tanungin ang mga magulang ko kung bakit. Bakit nila ako pinadala rito? Bakit pinipilit nila na tanggapin ko ang buhay na alam na alam nilang pilit kong tinatakasan?

"Ang pinakamababa ay ang Quatrième. Sila 'yung mga tauhan ng mga pamilya rito na pinagkatiwalaan na nila. Parang scholars, ganon. Hindi sila mayaman pero magagaling sila. Pero sila 'yung mga pinaglalaruan ng mga Dieux. Ang sumunod naman ay ang mga Troisième o mga anak ng ammunition suppliers. Sakto lang sila. Hindi masyadong kinakawawa, hindi rin iginagalang. 'Yung mga kagaya ko naman na anak ng gun makers ay tinatawag na Deuxième. Medyo may kapangyarihan kami sa school na 'to pero medyo lang. May mga kinakatakutan kasi talaga rito."

Hindi pa rin ako makasagot.

"Sino?" I managed to find my voice.

Ngumiti siya ng tipid sa akin. May itinuro siya sa bandang likuran ko. Isa itong grupo ng mga tao. Ayon sa pagkakabilang ko ay lima sila—apat na lalaki at isang babae.

"Sila ang Dieux. Sila ang batas. Sila ang tagapagmana ng Mafia organizations."

Tinitignan ko sila nung aksidenteng mapalingon ang isa sa kanila. Nagtama sandali ang mga mata namin. Para akong nakaramdam ng kuryente nung sandaling iyon.

"S-sino siya?" sabi ko sabay turo 'dun sa lalaki na tumingin sa akin.

"He's Augustus Voltaire Ostenhaimer. And he's the deadliest man in this university."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com