Chapter 2
#WIAE Chapter 2
Apparently, in this school, different ranks get different kinds of treatment.
Kakatapos lang namin sa assembly at mamaya pang hapon ang start ng mga klase. Iniwan muna ako ni Cathy at sabi niya na may pupuntahan siya. Kanina niya pa ako tinatanong kung ano ang rank ko pero ayaw kong sumagot. Kinuha ko muna 'yung iPad mula sa bag ko at tinignan sa mapa kung nasaan ang Head Mistress's office. Mabuti na lang at may naka-install na na mapa kung hindi, babasagin ko talaga 'to! Wala namang silbi sa akin ang iPad na 'to dahil wala rin namang internet sa lugar na 'to. Pakiramdam ko talaga ay nasa bundok ako.
Palakad-lakad lang ako at hinahanap kung nasaan 'yung Mondragon building. Puro sa apelido kasi nakapangalan ang mga building kaya duda ko ay donation ito nung mga tinatawag niya na Dieux.
Agad akong nakapasok sa building dahil automatic na nadedetect 'yung ID sa loob ng bag ko. Kung hindi lang talaga ako naiinis sa mga magulang ko, mamamangha talaga ako sa lugar na 'to.
"Good morning, Miss Estrella," pagbati sa akin nung babae sa front desk. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang apelido ko pero wala na akong pakielam sa ngayon. Ang gusto ko lang ay ang makausap ang headmistress.
"I want to talk to the headmistress," sabi ko sa kanya. Agad-agad siyang nagdial sa telepono niya at walang anu-ano ay pinagbuksan niya ako ng pinto. "After you, Miss."
Hindi ko na pinansin kung bakit ba mukhang takot siya sa akin gayong wala naman akong ginagawa sa kanya. Basta pumasok na ako sa loob. Nakaupo doon ang headmistress at nakangiti siya sa akin.
"It's nice to finally meet the successor of the Mafia Estrella."
My jaw tightened.
"I want to go home," matigas kong sabi. I just wanted a normal life! Gaano ba kahirap ibigay iyon?! "Call my driver. Walang signal dito sa lugar na 'to!" I hissed.
Huminga lang siya nang malalim. Kalmado pa rin ang buong mukha niya. Parang wala lang sa kanya na galit na ako.
"Take a seat first, Miss Estrella," sabi niya sa akin. Hindi ko alam pero bigla akong napaupo. Parang kahit gaano ka-kalmado ang sinasabi niya, mayroon pa ring bakas ng awtoridad. "Don't you like this school?" tanong niya sa akin.
Hindi agad ako nakasagot. It's not that I did not like this school... It's just that I did not want this kind of life.
"You are sent here for a reason, Miss Estrella. Kung iniisip mo na ipinatapon ka rito ng mga magulang mo, nagkakamali ka. You are the daughter of one of the most powerful Mafia organizations in Asia and that makes your life in constant state of danger."
Tiim-bagang lang ako na nakikinig sa mga sinasabi niya. "I don't want this kind of life."
"No one asked for this kind of life, Miss Estrella. No one wants to be surrounded and followed by death."
Kumirot ang puso ko dahil bigla kong naalala 'yung nangyari 14 years ago kung bakit kinailangan naming pumunta sa Japan. It was the moment that made me sleepless at nights... That made my dreams turn into nightmares...
"Kung hindi mo alam, ngayon ang pinaka-delikado na oras para sa mga organisasyon ng mga Mafia sa buong Asya. Hangga't maaari, gusto ng mga magulang mo na sa kanila ka tumira pero maging sila ay alam na mas magiging ligtas ka rito," sabi niya sa akin na naging dahilan ng pag-angat ng mukha ko.
"Ano'ng ibig mong sabihin? Dito ako titira?"
Tumango siya sa akin. "You're a lot safer here."
"No!" sigaw ko. "I want to go home!"
"No one gets out of here without my permission," she said. "And don't raise your voice when you are talking to me."
Nakaramdam ako ng takot sa kanya. Hindi ko alam pero mayroong kakaiba sa kanya na kahit hindi siya sumigaw, makakaramdam ako ng takot at kaba.
Mayroon siyang inilabas na iPad mula sa drawer niya. May mga pinindot siya roon. Inilahad niya ang kamay niya at kinuha ang hintuturo ko. Ipinatong niya iyon sa iPad at automatic ito na nagscan.
"You're now in the system," nakangiting sabi niya. "We have a special dorm for the Dieux. You may choose whatever room you want. Para naman sa mga damit mo, mayroong mga boutique sa paligid ng school. Gamitin mo lang ang ID mo bilang pambayad at ma-chcharge na iyon sa mga magulang mo."
Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya sa sobrang dami. Pero isa lang ang gusto kong klaruhin. Hindi ako titira sa dormitoryo kasama iyong mga Dieux na 'yun!
"I'll stay here," sabi ko sa kanya na naging dahilan naman ng pagsilay ng isang maliit na ngiti sa labi niya. "But I have a condition."
"I'm listening," saad niya.
Huminga ako nang malalim. I know that this decision would affect my entire stay in this horrid place but I just needed this for my sanity.
"I won't live in that dorm. I want to choose my own room and I want a roommate."
She smiled at me. "Consider that done."
"And I don't want people to know that I am a Dieux. I will be a Deuxième."
Agad akong lumabas mula sa opisina niya. Mabuti na lang at hindi na siya nagreklamo pa sa mga hinihiling ko. Naglakad ako paikot sa buong campus. Limang oras pa naman bago magsimula ang mga klase kaya may oras pa ako para hanapin si Cathy.
Hindi ako kumportable sa mga tao rito. Iniisip ko pa lang na kagaya ko sila... ayoko na silang maging kakilala. It was enough that I hated who I am. I didn't need to surround myself with people whom I loathe.
"Cathy!" agad na tawag ko sa kanya. Nakita ko siya na nakaupo sa isa sa mga benches.
"Bakit?"
"Saang dorm ka nakatira?" I asked her.
Kahit na mukhang naguguluhan siya sa akin, sinagot niya pa rin ako. "Hindi ko pa alam, e."
Bago pa man ako tuluyang kainin ng hiya, inaya ko na siya na maging roommate ko. Mabuti naman at pumayag siya.
"So Deuxième ka rin? Nice!" sabi niya sabay ngiti ng malaki. Hindi naman ako nagsisinungaling. Ayoko lang na tratuhin nila ako ng kaiba dahil lang sa kinabibilangan ko na pamilya.
Agad kaming pumunta ni Cathy at naglibot sa mga dorm. Maraming dorm dito, iba-iba ang itsura. Mas maganda, mas mahal. Pero hindi ko maikakaila na pinakamaganda pa rin ang dorm ng mga Dieux.
"Dito na lang kaya tayo? Mukhang maganda naman at saka konting lakad lang mula sa school," sabi niya. "Teka nga, bago tayo magsalo sa isang kwarto, magpakilala ka nga muna sa akin!"
"I'm Bel—" sabi ko sana bago ko putulin ang sarili ko. If she'd hear my whole name, no doubt that she'll know about my identity. "I'm Boe," I said.
Umiling siya sa akin. "Hindi ganyan magpakilala rito, girl!"
"Bakit ba parang ang dami mong alam? Tiga rito ka ba?"
Tumango siya sa akin. "Elementary pa lang, nandito na ako. Dito graduate lahat ng kapatid ko. Well, anyway, ang tamang pagpapakilala rito ay complete name mo at saka rank mo. Dito kasi idedepende kung paano ka ita-trato."
Napailing na lang ako. Hindi ba pwedeng itrato kaming lahat na mga tao? Bakit ba basehan pa kung saang pamilya kami nanggaling?
"Fine," I breathed. "I'm Boe Estrella, Deuxième."
After nun, nakapagdesisyon na kami na doon kami sa Southeast Dorm. Nasa sentro kasi 'yung dorm ng mga Dieux at nakabase ang pangalan ng ibang mga dorm kung ano ang posisyon nila mula sa dorm ng mga Dieux. Kitang-kita mo talaga ang kapangayarihan, e. Sa kanila nakasentro ang lahat dito.
Nagbayad na kami gamit ang mga ID namin. Hindi ko maintindihan dahil hindi peso ang currency dito. Mga bomba lang 'yung mga figures.
"Ano ang ibig sabihin nung mga baril?" I asked her nung nasa elevator kami. Nasa fifth floor 'yung dorm room namin at titignan na kasi namin.
"May tatlong pera rito. 'Yung mga knives, one thousand peso ang katumbas bawat isa. 'Yung guns naman, five thousand. At 'yung mga bombs naman, ten thousand."
"So ibig sabihin, dahil sampung bombs 'yung nakalagay, ibig sabihin one hundred thousand 'yung bayad sa dorm room kada buwan?!" Hindi makapaniwala kong sabi!
Natawa naman sa akin si Cathy. "Para kang hindi mayaman kung umarte! C'mon, barya lang naman sa parents natin 'yan," sabi niya at saka itinapat niya iyong index finger niya sa scanner. Automatic na bumukas ang pinto at sinalubong kami ng magandang kwarto.
Mayroong dalawang queen-sized bed. Mayroon ring mga pinto. Isa-isa kong binuksan ang mga iyon at nakita ko na mayroon kaming tig-isang walk-in closet at CR. Mukhang sulit naman pala ang bayad dito.
"Ano 'to? Bakit ayaw mabuksan?"
Nakahiga siya sa kama niya. "Ah. 'Yan 'yung panic room. May ganyan bawat sulok ng school. Hindi mo talaga mabubuksan 'yan dahil bubukas lang 'yan kapag nasa state of emergency na 'yung buong lugar na 'to."
Kumunot ang noo ko. Akala ko ba safe ang lugar na 'to?
"Nasugod na ba 'tong school?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya. "Sa loob ng one hundred years ng school na 'to, hindi pa naman. Pero in case lang naman 'yan. Ang laki ng binabayad sa kanila kaya dapat lang na umayos sila. Kasi sigurado ako na kapag may nangyaring hindi maganda sa atin, lalo na sa mga Dieux, uubusin nila ang pamilya ng mga Mondragon, 'yung may-ari ng school na 'to."
Sinabi ni Cathy na matutulog daw muna siya dahil kakagaling niya lang sa France kahapon at may jetlag pa siya. Hindi kasi nagpapapasok sa school na 'to kapag bakasyon. Nagbubukas ito kapag pasukan at nagsasara kapag katapusan na ng school year.
Lumabas ako. May tatlong oras pa bago magsimula ang klase.
Pumunta ako sa mga shop sa labas ng eskwelahan. Tama nga ang headmistress, kumpleto na nga rito. May mga coffee shops, boutiques, cake shops, drug stores, grocery stores, at kung anu-ano pa.
Dumiretso ako papunta sa drug store dahil naisipan ko na bumili ng toiletries. Wala kasi akong dala na kahit na ano. Cellphone at ilang notebook lang ang dala ko na mukhang wala ring kwenta sa lugar na 'to.
Kumuha ako ng basket at saka nag-ikot ikot. Kinuha ko lahat ng mga sa tingin ko ay kailangan ko.
Papaliko na ako nung may marinig ako na boses ng mga lalaki.
"Dude, balak mo bang lumpuhin si Laurie?" sabi nung lalaki na maputi at may kulay blondie na buhok. "Tangina, isang box ng condoms!" sabi niya sabay tawa nang malakas.
Hindi siya pinansin nung lalaki.
Agad akong umatras dahil nakilala ko agad sila. Sobrang lakas ng dating nila. Tama nga yata si Cathy. Iba talaga ang mga Dieux na 'to. Hindi pa sila nagsasalita, kakabahan ka na sa takot. Tumatawa pa 'yung isa sa lagay na 'to pero grabe na 'yung kaba na nararamdaman ko.
Kung nandito si 'Dy, papagalitan ako nun. Palagi niyang sinasabi sa akin na isa akong Estrella kaya dapat wala akong kinatatakutan. Pero masisisi niya ba ako? Hindi ako pinanganak para sa buhay na ganito.
Paatras ako nang paatras nung may mabunggo ako. Agad akong lumingon pero halos mabitiwan ko na 'yung basket na hawak ko nung mapansin ko kung sino iyong nasa likod ko.
"Avo, dude!" tawag nung mga lalaki. "Halika rito, tignan mo si Night balak na naman lumpuhin 'yung syota niya!"
Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, pakiramdam ko hihimatayin ako anumang segundo mula ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com