Chapter 4
#WIAE Chapter 4
Bago pa man ako makapagsalita ay nahila niya na ako mula sa mga babae. Mabuti na lang at walang nakakita sa mga nangyari dahil sigurado ako, mamaya lang ay kakalat na 'to! Sobrang sikat pa naman ng tao na 'to sa school!
"A-ano ba!" I said as I yanked my hand from his hand. Sobrang higpit ng hawak niya sa akin kaya naman wala ring saysay ang ginagawa kong ito. But I should not stop. Ayoko na isipin niya na willing ako sa paghatak niya sa akin papunta sa kung saan man.
Walang masyadong tao sa paligid dahil mayroon sigurong klase ang iba. Sobrang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko dahil kasama ko siya.
Ilang minuto pa ang lumipas bago kami nahinto. Nakita ko na papasok kami sa dorm ng mga Dieux.
"This is kidnapping!" sigaw ko pa pero wala ring silbi. Hindi niya pinapakinggan ang mga sinasabi ko. Basta siya, hatak-hatak pa rin ako.
Automatic na bumukas 'yung pinto at saka pinapasok niya ako sa loob. I was in awe because the place looked so majestic. Kung maganda na iyong dorm na tinitirhan ko, siguro triple pa ang ganda nito. I wanted to live here but I could not. I didn't want to be branded as a Dieux. Ayoko nung iiwasan ako o kaya naman ay kakaibiganin dahil lang doon. Hindi ko na nga magawa ang bagay na 'yun sa labas, kahit dito man lang sa loob magkaroon ako ng totoong kaibigan.
Sa wakas, matapos ang ilang minutong paghatak niya ay tumigil din kami. We were in what I could say as the receiving area of their dorm.
I wanted to say something but my voice was missing. Nung mapatingin ako sa mga mata niya, pakiramdam ko nanghihina na naman ako.
"Why did you bring me here?" I managed to ask. Nakayuko ako upang hindi ko siya makita. Even his shadow could make my heart jump out of its ribcage.
"Sit," ang sabi niya. Umupo siya sa isa sa mga cream-coloured sofa roon ay pinagkrus pa ang mga mahahaba niyang binti. I had been looking at this man from afar since the moment I met him. Alam ko na may kakaiba sa kanya... But being this close to him made me rethink things.
"Bakit mo ako dinala rito?"
His face was void of any emotions. Nakatingin lang siya sa mukha ko. Naiilang na ako dahil kahit na ipahalata ko na kitang-kita ko kung paano niya ako titigan, hindi pa rin siya tumitigil.
"I want you."
Kumunot ang noo ko. What did he just say?
"What?"
"You," sabi niya sabay turo sa akin. "I want you."
Halos malaglag ang panga ko dahil sa mga naririnig ko sa kanya. Ano? Gusto niya ako? Ni hindi niya pa nga ako kilala! Ni hindi ko pa nga siya kilala! You can't fall in love with someone whom you just met! That's insanity!
"You're crazy," I muttered under my breath. Tumayo ako. "I'm leaving."
Nagsimula na akong tumalikod. Papalapit na sana ako sa pintuan pero isang salita niya lang, napatigil na agad ako. Damn it! Damn his power over me! Damn the fact that with just one word, he could make my whole world stop!
"Stay."
Napangko ako sa kinatatayuan ko. Unti-unti siyang naglakad papunta sa akin. My knees felt weak with just the thought of him behind me. He was far but it felt like I could feel his hot breath on my neck. Ano ba itong mga nararamdaman ko!
"Boe." And my heart started beating erratically. "Boe, right?"
Hindi ako nakasagot dahil unti-unti niya akong hinarap sa kanya. He was so close to me! Nakahawak ang mga kamay niya sa balikat ko. From where I was standing, I could see his blue eyes—that pair of rich blue eyes.
Para akong nahipnotismo. Hindi ko namalayan na tumango na pala ako sa tanong niya. Pagkatapos kong tumango ay inilagay niya ang kamay niya sa pisngi ko. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa mamalayan ko na lang na hinahalikan niya ako.
Biglang huminto ang mundo ko dahil sa ginawa niya. I didn't have any idea about what to do. Nakatayo lang ako doon, nanlalaki ang mata. It was the first time anyone has the guts to kiss me! I was untouchable because of my family. Only this guy dared!
I could feel his lips on mine, kung paano ito gumalaw. Pakiramdam ko anytime mapupugto ang paghinga ko. Kung hindi lang siguro dahil sa kamay niya na nakahawak sa bewang ko, matagal na akong napaupo sa sahig.
Ten seconds? Twenty seconds? I did not know. I seriously had no idea how long the kiss lasted. It was like an out of the body experience. Kahit ngayon na magkahiwalay na ang labi namin, pakiramdam ko kinakapos pa rin ako ng hininga.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa mukha niya.
"Mine." He said and then stared at my face.
Matapos iyon ay hinawakan niya ang kamay ko. Sabay kaming naglakad papunta sa klase namin. Kinuha niya kasi iyong schedule ko at nalaman niya na magkapareho kami ng lahat ng klase. Damn! Hindi ko na yata talaga siya matatakasan!
"Yung kamay ko," I said habang naglalakad kami. Pinagtitinginan kasi kami ng mga estudyante at hindi ako komportable. Hindi ko lang talaga mahatak iyong kamay ko dahil sa takot ko sa kanya. I could not say no to him—I knew I just couldn't.
He halted and then looked at me. "Why?"
"Maraming nakatingin." Pagkatapos ko pa lang sabihin iyon ay tinignan niya 'yung mga tao sa paligid. Right after that, nawala lahat ng mga tao sa paligid namin. Sobrang lakas talaga ng kapangyarihan niya sa loob ng eskwelahan na 'to. He's the law personified.
"All right now?" he asked. Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango. Tama naman siya, wala ng nakatingin sa amin.
Pumasok kami sa classroom namin. Masyadong maaga pa yata dahil wala pa iyong professor namin. Papasok na papasok pa lang kami pero pinagtitinginan at pinagbubulungan na kami. Nakayuko na naman ako. Bakit ba unang araw ko pa lang ay ako na ang nasa sentro ng atensyon?
"Avo," mahinang tawag sa kanya ni Night. Naiba na kami ng pwesto. Imbes na sa gitna, doon ako pinaupo ni Avo sa tabi niya. Siya na ang nasa gitna. "Ella's really mad."
"She'll get over it," sagot lang ni Avo. Napatango lang si Night na parang ayos na 'yung sagot na iyon. Hindi ko talaga sila maintindihan. Something was weird about them yet I could not point a finger at it.
Oh, my god! Oo nga pala! Kakahiwalay lang nila ni Ella! Bakit ba nawaglit sa isipan ko 'yun!
"Is she your girlfriend now?" tanong ni Night habang nakatingin sa akin. Napayuko na naman ako. Bakit ba kasi nandito rin si Night? Hindi pa ba sapat na halos mamatay na ako sa kaba kay Avo, pati rin ba sa kaibigan niya, kakabahan ako?
Saglit na tumingin sa akin si Avo. "She's my wife."
Nanlaki naman agad ang mata ko. What?! Wife?! Nababaliw na ba siya?!
Balak ko pa sanang piliting magalit—kung kakayanin ko—pero dumating na iyong professor namin. Natahimik na lang ako sa kinauupuan ko. 'Di bale, kakausapin ko na siya mamaya. Hindi pupwede ito na bigla niya na lang akong hahatakin, hahalikan, tapos aangkinin niya na asawa niya ako? Ano siya? Maswerte?!
Mabilis lang na natapos ang klase. Wala na pala kaming class after dahil cancelled 'yung Mafia-related classes. Next week pa raw iyon magsisimula para makapag-adjust 'yung mga bago. Sobrang hassle daw kasi nun kaya dapat maka-adapt muna kami sa mga nangyayari rito.
I couldn't agree more. First day ko pa lang pero pakiramdam ko, mababaliw na ako.
"Your dorm?" tanong sa akin ni Avo.
Matipid ko na sinagot siya. Laking pasasalamat ko dahil hindi niya alam na Dieux ako dahil panigurado, live in ang labas namin nito! Masyado siyang mabilis! First day pa lang, wife na ako! Ano bukas? May anak na kami?
Tumango lang siya. "Let's eat dinner together."
"Uuwi na ako," I said.
"Why?"
"Basta..."
Bigla siyang huminto sa paglalakad kaya naman napahinto rin ako. Magkahawak pa rin kasi kami ng kamay.
Magsasalita sana siya nung may ingay kami na narinig na papalapit sa amin. Nasa tapat na kami ng dorm ng mga Dieux. Papasok na sana kaming dalawa nung sinabi ko na uuwi na ako. Pero ngayon, naisip ko na sana, mas maaga akong nagsalita. Bakit ba palagi na lang akong naiipit sa gitna ng gulo?
"Let go of me!" sigaw nung babae na ang pangalan ay Ella. S hit naman talaga! Wala naman akong ginagawa pero mukhang sa akin siya galit! "I'll kill you both if you don't get your hands off of me!"
Pinagkakalmot ni Ella 'yung mukha nila Fuji at Lorenzo. Hindi pa rin siya binitiwan ng mga ito kaya naman bigla niyang sinipa sila sa baba. Wala pang ilang segundo ay nasa sahig na sila Fuji at Lorenzo habang dumadaing sa sakit.
She fixed herself first and then right after, she looked at me with such hate.
"You." Nakatingin siya sa akin at biglang nanginig na naman ang tuhod ko sa sobrang takot. Humakbang siya palapit sa akin pero iniharang ni Avo ang katawan niya. "Avo..." biglang lumambot ang boses ni Ella. Parang maiiyak na siya. Hindi ko naman siya masisi. Sa pagkakaalam ko, limang taon na sila. Limang taon na nauwi sa wala. Bakit naman kasi bigla silang naghiwalay?
"Stop it, Ella."
"I don't understand..." sabi niya, garagal ang boses. "We were fine. We were happy. Bakit biglang ayaw mo na?"
Para akong nanonood ng sine dahil sa mga nakikita ko. May babae na umiiyak at may lalaki na parang bato sa sobrang lamig.
"We had fun," sabi ni Avo. "But playtime is finally over."
"What do you mean?"
Tumingin sa akin si Avo. "I was just using you while waiting for her." Hinawakan niya ang kamay ko at saka binuksan ang pinto sa dorm nila. "You'll get over me."
Hindi na ako pumalag pa nung dinala niya ako papasok. Hindi ko yata kaya na maglakad mag-isa pabalik sa dorm. Tingin pa lang nung Ella, parang maiihi na ako sa takot. Baka bigla niya na lang akong saktan kapag nakita niya ako na nag-iisa. Mali talaga sila 'My. Mas delikado pa ang buhay ko dito sa loob ng AdM.
Umakyat kami sa ikalawang palapag. Nandun si Night na tahimik na nagbabasa ng libro.
"Ella?" tanong niya at tumango si Avo. Naiilang ako sa dalawa na ito. Pareho silang tahimik pero may magkaiba pa rin sa kanila. Si Avo, nakakatakot pero ewan ko, parang alam ko na safe ako sa kanya... Si Night naman, nakakatakot at misteryoso. "I hate dramas."
Naupo kami ni Avo sa isa pa sa mga sofa. Pilit niya ako na pinaupo sa tabi niya. Bakit ba napaka-clingy nito? Para bang bigla akong tatakbo kapag nabitiwan niya ang kamay ko.
"F uck!" sigaw nung mga naglalakad papasok. I saw Fuji and Lorenzo emerge from the door. Pareho sila na nakahawak sa ibaba nila. "Pakiramdam ko nabaog ako! T anginang Ella 'yan! Bangis talaga!"
Pareho silang dumiretso sa kusina at saka kumuha ng icepack. Pagkatapos nun ay umakyat na rin sila sa second floor. Ang weird ng structure ng lugar na 'to. Nasa second floor ang receiving area. Ang nasa baba ay kusina lang at isang malaking espasyo.
"Dude, kapag ako hindi nagkaanak, kasalanan mo 'to!" he said to Avo. Nakita niya na katabi ako ni Avo at bahagya siyang napahinto. He cursed under his breath. "F uck."
Umupo si Fuji sa may katapat namin. Hindi ako makatingin nang maayos sa kanya dahil 'yung kamay niya ay nakapatong sa may ibaba niya. Dinadampian niya kasi nung icepack.
"Dude, alam mo naman na suportado ko lahat ng desisyon mo sa buhay pero paano si Ella? Dito rin nakatira 'yun kung hindi mo alam," he said. Sabi ni Cathy, mabait at maloko raw si Fuji pero bakit parang hindi naman? Pakiramdam ko ayaw niya sa akin. Pakiramdam ko galit siya sa akin.
"I know," he answered.
"Ano ang gagawin natin? Magwawala 'yun mga thrice a day for sure."
"She'll get over me," sabi na naman ni Avo.
"Alam mo naman na deads na deads 'yun sa 'yo! Tsaka paano kung 'yang si Boe mo naman ang saktan nun? Alam mo naman na may tama sa ulo si Ella kapag galit!"
Avo held my hand. "Touch one strand of Boe's hair and I'll kill every person who had the misfortune of knowing whoever dared."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com