Chapter 5
#WIAE Chapter 5
Contrary to what I feared, walang anumang masamang nangyari sa akin. Mabilis na kumalat ang balita na kami na ni Avo—it spread like a wildfire. Kaya naman sa first week ko pa lang dito sa AdM, pakiramdam ko isa na akong celebrity. Lahat ng estudyate pakiramdam ko kilala ako. Kapag naglalakad ako, sinusundan ako ng mga paningin nila. Kahit mga school officials, pakiramdam ko ilag sa akin.
Being linked to Avo was like having power bestowed upon you.
"Ayoko na pumasok," I said. Kakauwi ko lang mula sa klase. Kakatapos pa lang ng first week of class pero drained na drained na ako. Akala ko medyo madali na ang sistema rito pero nagkamali pala ako. Seryoso pa rin sila sa academics. Bakit nga ba kasi nakalimutan ko na ang mga nag-aaral dito ay tagapagmana ng mga business ng mga magulang nila? Of course they needed the best education at their disposal.
Cathy was on her bed. Mas nauna kasi siyang nakauwi sa akin.
"I know," she groaned. "Grabe! Pagod na ako ngayon pa lang. Paano na next week? Start na nung military training shiz ng school na 'to! Baka gumapang na ako pauwi!"
Bigla naman akong kinabahan. Marami na akong naririnig tungkol sa training na iyon. Sabi naman ni Avo, madali lang daw. But of course, bakit nga ba ako naniwala? Si Avo 'yun. Malamang sanay na sanay na 'yun sa mga ganon.
"Mahirap ba talaga?" I asked.
Cathy nodded. "Yeah, medyo mahirap lalo na kapag hindi ka sanay sa mga physical activities. Pero masasanay ka rin, swear. Medyo masaya lang 'yung gun exercises," she said and then beamed.
"Marunong kang bumaril?"
Kumunot ang noo niya sa tanong ko. "Duh!" sabi niya sabay tawa. "Ang weird naman na anak ako ng mga gumagawa ng baril tapos hindi ako marunong, 'di ba?"
Bigla kong nakagat ang labi ko. Shit. Nagpapanggap nga pala ako na Deuxième. Dapat marunong akong bumaril. So I smiled at her. "Of course." Matapos iyon, nagsabi siya na huwag ko na siyang hintayin dahil wala na siyang balak kumain dahil gusto na lang niyang matulog. Hindi ko na siya pinigilan pa dahil mukhang pagod talaga si Cathy at gusto niya na magpahinga. But I, on the other hand, ay gustong kumain. My stomach was grumbling.
Tumayo ako at sinigurado ko na dala ko ang ID ko. Essential talaga 'to. Hindi ko alam kung paano ako makakasurvive kung wala akong ID. Halos dito nakasalalay ang buong pagtira ko sa loob ng AdM.
Saktong kakalabas ko pa lang ng dorm ko nung makita ko si Avo. Napasapo ako sa dibdib dahil sa gulat.
"Avo!" I said in surprise. "Bakit ka nandito?"
Sa loob ng isang linggo na magkasama kami, medyo nawala na ang ilang ko sa kanya. Medyo lang. Paminsan kasi ay nagugulat pa rin ako sa kanya. Masyado siyang possessive, masyadong touchy. Para bang bula ako na mawawala kapag binitiwan niya.
"Dinner," he said. Hinawakan niya na naman ang kamay ko. Nung una, hindi ako sanay. Pero ewan ko, after a few days, nasanay na rin ako na hawak niya ang kamay ko. Parang hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi niya hawak ang kamay ko. Or was it just me? "What do you want to eat?"
Tahimik kaming naglalakad. Friday night ngayon kaya maraming tao na nagkalat. Nakalimutan ko na pumunta kanina sa office ng headmistress para magtanong kung paano ko makakausap ang mga magulang ko. Masyado kasi akong napagod sa school works.
Gusto ko silang makausap. Hindi para magalit. I was past being mad. I just wanted to know what's happening to them. Of course mga magulang ko sila.
"Avo," I asked while we were in the middle of a stroll in a cold Friday night. "Paano ko makakausap ang mga magulang ko?"
Umiling siya. "They'll contact you when it's immediate."
"Hindi ba pwede na ako ang tumawag?"
He shook his head again. "No."
"Bakit?"
"The security in this place is impeccable. No one gets to leak information from the inside. If your parents need to hear from you, you'll know it. But for now, focus on what's important."
Hindi na ako sumagot kahit ang totoo, hindi ko naintindihan ang mga sinasabi ni Avo. He's too mysterious. He's a code hard to read. Gusto kong sumuko pero mukhang hindi maaari. Palagi kasi siyang nasa tabi ko. Para bang kahit ayaw ko, wala na akong kawala.
Nakarating kami sa isang restaurant. As usual, puno na naman ito. Hindi ko alam kung bakit kahit saan pumunta ang mga Dieux ay nasusundan sila ng mga babae. Baka nga tama si Cathy, gusto ng mga babae na 'to na umangat ang ranggo nila.
Ipinaghatak ako ni Avo ng upuan.
"Thank you," I curtly responded.
Naupo na kami. Kasama namin si Lorenzo, Night, at ang girlfriend niya na si Laurie. Tahimik pa rin si Lorenzo as usual. Si Night naman, kinukulit nung girlfriend niya. Hindi ko nga maintindihan si Night, e. May weird talaga sa kanya.
"Stop staring." Napatingin ako kay Avo na nakakunot ang noo. "You won't like it when I'm jealous."
Parang gusto kong matawa kay Avo. Isang linggo pa lang kaming magkakilala pero sobrang mahal niya na ako. Kahit saan ako pumunta, gusto niya kasama ko siya. Gusto niya palagi niyang hawak ang kamay ko. Ngayon naman, kahit kaibigan niya pinagseselosan niya. Tinanong ko naman si Cathy, sabi niya hindi naman daw ganun si Avo... Matagal na rito sa AdM si Cathy at sabi niya na sa five years na relationship ni Avo at Ella, never naging showy si Avo. He's always been the reserved and cold one. Pero bakit parang hindi naman?
"Kaibigan mo siya," I said and rolled my eyes.
"And you're my wife. Learn to behave properly."
Napailing na lang ako sa logic ng tao na 'to. Mabuti na lang at walang pari sa loob ng lugar na 'to dahil sigurado ako na mabilis pa sa alas-onse na ipapakasal niya kaming dalawa.
Umorder na kami ng pagkain. If there's one thing I enjoy being with Avo, it's that he pays for everything. Kapag magkasama kami, hindi ako nagbabayad. Not that I didn't have money but I absolutely enjoy the perks.
Habang naghihintay, nag-usap silang tatlo. Kapag nag-uusap kasi sila, hindi kami nagsasalita ni Laurie. Ako, dahil ayoko lang. Si Laurie, pakiramdam ko kasi kahit na matagal na siyang nakakahalubilo sa mga Diuex, hindi pa rin siya palagay. After all, hindi naman siya Dieux. She's lower than them—than us.
"Where's Fuji?" asked Avo.
Ibinaba ni Lorenzo iyong binabasa niya na libro. "Who knows? He's been weird lately. Napansin mo ba, Night?"
Tumango naman si Night. "Yeah." Saglit na tinignan niya ako at saka ibinalik ang tingin kay Avo. "Lumalabas siya kapag gabi pero bumabalik din. Maybe he's meeting somebody."
"Ella?" tanong naman ni Avo.
Kung ibang babae siguro, magagalit na concerned pa rin 'yung boyfriend nila sa ex nila. Pero ako? Ewan pero mas natutuwa ako kay Avo ngayon na nakikita ko na nag-aalala pa rin siya kay Ella. I feel for the girl. They've been together for five years. I could only imagine the pain she must be going through because of their sudden break-up.
"She's getting better," sagot ni Lorenzo. "Tumigil na siya sa kababato ng plato. I think that's a huge improvement."
Bahagya akong natawa. May personal cook kasi sa dorm ng mga Dieux. Doon talaga sila kumakain.Pero dahil kay Ella, dito sila kumakain sa labas. Naubos kasi 'yung mga plato nila. Literal na naubos. Pinagbabato kasi ni Ella lahat.
Napatingin silang lahat sa akin dahil sa bahagya kong pagtawa. I immediately put a halt to my chuckle.
"Why did you stop?" Avo asked.
Umiling ako at pinipigilan ko pa rin na matawa. "Wala."
"You look lovelier when you're happy. I hope I'm making you happy."
Nakita ko na napailing na lang sila Lorenzo at Night kay Avo. Wala talagang preno sa mga sinasabi niya pagdating sa akin.
Binigyan ko siya ng isang maliit na ngiti. Kung ibang babae siguro, in love na sila kay Avo. I mean, he looks really good, matalino, mayaman, nasa pinakamataas na rank. He's also very sweet and very attentive. 'Yung tipo ng lalaki na gugustuhin ng kahit sinong babae.
Maybe I'll get there. One step at a time. Masyado pa kasing mabilis para sa akin.
Dumating na 'yung pagkain namin at tahimik kami na kumain. Right after, nagpaalam na kami ni Avo. He said he wanted to take a night stroll with me. Hindi ko alam kung saan pupunta si Lorenzo... But I had an idea about what Night and Lauri might do. Naalala ko na naman kasi 'yung condom incident. Nalulumpo kaya talaga si Laurie?
Kanina pa lumilipad ang isip ko kaya hindi ko napansin kung saan na kami naglalakad. Nandun pala kami napunta sa parang park.
"Bakit tayo huminto?" I asked him. Bigla kasi kaming huminto sa paglalakad.
He called my name and I looked at him. "Are you happy?" he asked.
"Ha?"
"Things happened pretty quick. I knew I took you by surprise but I hope I'm making you happy." Hinawakan niya ang kamay ko. I looked at his eyes—those eyes that promised a good future. I smiled at him. I wasn't in love with him but I could definitely see myself falling. He wasn't hard to love.
"Mapupunta rin tayo d'yan," I answered him.
"Can't we take a shortcut?"
Umiling ako. "Inasawa mo na nga ako agad, pati ba naman sa falling in love, mamadaliin mo ako?"
I meant that as a joke pero mukhang na-offend ko si Avo. Grabe naman itong tao na 'to, masyadong sensitive. Sobrang ibang-iba talaga ang Avo na kaharap ko sa Avo na naririnig ko sa ibang tao. Hindi naman siya nakakatakot. Mukhang siya pa nga ang natatakot sa akin at sa mga sinasabi ko, e.
"Uy, joke lang," I said and playfully punched his arm. "Galit ka ba sa akin?"
He looked at me and I was lost. Grabe siyang tumingin. Sobrang lakas ng intensity. Parang kahit sa mata lang niya, kitang-kita ko na na totoo ang sinasabi niya na mahal niya ako.
Possible kaya 'yun? Na mahalin mo 'yung tao na hindi mo pa masyadong kilala? Akala ko hindi possible. Akala ko isa lang iyong malaking kalokohan. But looking at Avo made me challenge my beliefs...
Here I was, looking at a man who's utterly in love with me.
"I can get mad but I can't stay mad at you." He took a step closer and my heart skipped at beat. "But I'll respect your wish. We'll take this slow."
Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Lumakas ang tibok ng puso ko. The anticipation was killing me.
Sobrang lapit na ng labi niya sa labi ko. I was wanton with waiting. "I'll make you fall slowly... so slow..." he said. Damn. Palapit na ng papalapit. "Slowly and then all at once."
And then he kissed me. And I swear I saw fireworks inside my mind when his lips touched mine.
Nakapikit lang ako habang hinahalikan niya ako. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko. He first kissed me when he said I was his. Ngayon niya lang ako hinalikan ulit. The first time was good... but this was mind-blowing.
The way his lips brushed against mine, the way his hands held my waist. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang mayroong magic.
"And one day you'll wake up, you're as mad as I am for you." He said as he pulled away from me. Nakatingin siya sa mga mata ko. Promise of love was very visible in his eyes.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com