Chapter 7
#WIAE Chapter 7
Maybe you were just nervous yesterday. Good job, Estrella," sabi sa akin ng Professor ko. Nagpasalamat lang ako at saka umalis na. Mabuti naman at pumasa na ako finally. Hindi kasi ako tinigilan ni Avo nung isang gabi hanggang hindi ako nasasanay. Sabi niya, oo at palagi niya akong poprotektahan pero kailangan ko pa rin daw masanay. For his sanity's sake, he said that I should learn how to shoot.
Sabi niya kasi ay baka mabaliw siya sa pag-aalala sa akin. Thinking about how helpless I would be in times of danger.
I got my things from the locker area. Nung isasara ko na 'yung pinto nung locker ko, may narinig ako na kalabog.
"Hello?" malakas ko na sigaw. Ako na lang kasi ang naiwan dahil ako ang pinakahuling nag diagnostics. Halos pagabi na rin at wala ng masyadong tao sa campus. Pinilit ko na lakasan ko ang loob ko kahit na sa totoo lang ay kinakabahan ako. This school always gave me the creep. Lalo na kapag ganito na malapit ng magdilim at mag-isa lang ako.
Isinara ko na ang locker ko at kinuha ang gamit ko. Mabilis ako na naglakad, patakbo papunta sa pintuan.
"Shit!" sigaw ko nung may malakas na naman na kalabog. Parang tatalon na palabas ng dibdib ko ang puso ko sa sobrang kaba. Halos liparin ko na ang pintuan dahil natatakot na talaga ako.
Nung pagdating ko sa may pintuan, medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil nagkaroon na ako ng pag-asa. Pero hindi pa rin pala.
"You've got to be kidding me," I groaned. Naka-lock iyong pinto at hindi ko mabuksan. "Ugh!" sigaw ko nung sinipa ko iyong pinto. Parang sinaktan ko lang iyong sarili ko dahil matibay talaga iyong pinto.
I looked around me and realized that I would be stuck here until tomorrow.
"It's alright," I reminded myself. It would be like the old times. Iyong mga panahon na kailangan akong itago nila 'My sa isang madilim na kwarto para hindi ako makita nung mga kaaway nila. 'Yung mga panahon na pakiramdam ko kaibigan ko ang dilim. Siya kasi ang palagi kong kasama.
Memories from the past flooded my mind. Kahit anong hirap na pagtakas ang gawin ko, babalik at babalik pa rin yata ako rito. Wala na yatang kawala talaga.
I sat on the ground and pepped talk myself. Kailangan kong maging malakas. I shouldn't let fear swallow me alive.
But as the minutes passed, I noticed that the temperature seemed to be lowering. I shivered in the cold, my teeth chattering in the icy environment. Naisuot ko na lahat ng pwede kong maisuot pero nilalamig pa rin ako. Was I sick? Bakit parang ang lamig-lamig?
Slowly, my breathing became shallow. Ang hirap huminga. Ang lamig-lamig.
"Avo..." I said before I lost consciousness and everything turned black.
***
MY HEAD WAS swirling and I couldn't breathe properly. I felt so sick. I have never felt this sick. I tried to move my hand but it hurt. I opened my eyes and saw that there was IV stuck in my hands.
"Are you crazy? No! Hindi pwede!"
My vision was still blurry but I could see Avo's friends. Hinanap ng paningin ko si Avo pero wala siya. I couldn't even recognize the place I was in.
"Avo will kill us," Night said. "Ikaw, Lorenzo, what do you think?"
There was a pause. I wanted to get their attention but my voice was too weak. Ang sakit-sakit talaga ng ulo ko. I felt like my head was being pounded by hundreds of hammer. Parang binibiyak ang ulo ko.
"Fuji is right. Avo will definitely have Ella's head once na malaman niya ang nangyari kay Boe. It doesn't matter if she's guilty or not—we all know how Avo will react whenever Boe's involved."
Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila. The last thing I remembered was that I was so cold... Sobrang lamig na pakiramdam ko ay mamamatay na ako.
"But Night is also right. Kapag naman nalaman ni Avo na hindi natin sinabi, he'll kill us."
Fuji cut off. "But nothing happened to her, right? Nakita naman siya ni Night and she's recovering. Can we just let this one pass? Ella's our friend."
Hindi na sumagot pa si Night at Lorenzo. I slowly opened my eyes and tried to speak but my voice barely even registered. Nung marinig ako nila Night, agad nila akong nilapitan. Worry was etched all over their face.
"How are you feeling?" Night asked me. Tinulungan niya ako na makaupo nang maayos.
"Where am I?" I asked. Inilibot ko ang tingin ko at nakita ko na wala ako sa kwarto ko. "Nasa hospital ba ako?" he nodded. "Ano ang nangyari?"
I could never feel at ease around them. Kay Avo lang ako napapanatag... minsan kay Night. His presence was calming. Pero hindi ako kailanman napanatag sa presensya ni Fuji at Lorenzo... Hindi ko kasi sila mabasa. Hindi ko sila maintindihan. Alam ko naman na kaya lang nila ako pinapakisamahan ay dahil kay Avo. If not for Avo, I doubt if they would even talk to me.
"What can you remember?" asked Night.
Sinabi ko sa kanya lahat ng naaalala ko. Na nasa locker room lang naman ako para kuhanin ang mga gamit ko. Na mayroon akong narinig na ingay. Na tumakbo ako papunta sa pintuan dahil kinabahan ako sa ingay. Na sarado iyong pintuan. Na pakiramdam ko, unti-unting lumalamig. Na sa sobrang lamig, nawalan na ako ng malay.
Night was digesting everything that I said. Hinintay ko lang siya dahil sa totoo lang, wala naman akong ideya kung ano talaga ang nangyari. Hindi ko rin gusto na pagbintangan si Ella. Hindi naman siguro siya 'yung tao na hangang pumatay dahil lang nasaktan...
But aren't we all from families whose hands are covered with innocent blood?
"I already checked the cctv at wala namang nakita na kakaiba," Lorenzo said. "Maybe the perpetuator knows all the blind spots. Walang nakita kahit likod man lang."
Napatango si Night. Tinignan niya si Fuji. "Where was Ella last night?"
"You can't be serious! Pinagbibintangan niyo ba si Ella?" galit na sabi ni Fuji. Tinignan niya ako at kita ko ang galit sa mukha niya. "She was with me last night, okay? Umiiyak siya dahil kay Avo kaya hindi siya ang hinahanap niyo."
"We just want to be sure," sabi ni Lorenzo.
"Well, f uck you and your assurance. Bahala kayo dyan!" sabi niya at saka umalis sa kwarto. My heart throbbed. Bakit ba galit na galit siya sa akin? Wala naman akong ginagawa sa kanya...
Cathy said that Fuji was the nicest among the Dieux pero kapag sa akin, parang ayaw na ayaw niya. He detested me so much.
"Don't mind him," sabi ni Night. "Are you feeling alright?"
Tumango ako. Nagpaalam saglit sa amin si Lorenzo, sabi niya may aalamin lang daw siya. Hindi na ako nagtanong dahil hindi rin naman talaga kami close... But he's better than Fuji. At least Lorenzo tolerates me. Not unlike Fuji who's so upfront about his dislike.
"Si Avo?" I asked.
"He's out." Kumunot ang noo ko. "Family matters."
"Palagi ba talaga siyang umaalis?"
He nodded. "You're aware about his family, right?" Tumango ako pero sinabi ko na hindi ko rin masyadong alam. I spent almost all my life inside the walls of our house. Ultimo pag-aaral, kontrolado ng mga magulang ko. Halos mangmang ako pagdating sa mga bagay na ito. Ang alam ko lang ay 'yung mga nakukwento sa akin ni Cathy. "Outside the walls of this academy, maraming nangyayaring gulo sa mga Mafia. The past few years have been the toughest. And being that Avo's family is at the top, his family's in constant danger. Just yesterday, his older sister got kidnapped."
Nanlaki ang mata ko sa mga nalaman ko.
"But she's already been found. Avo's out—making sure that whoever did that will get his own taste of hell."
There was shiver in my spine. The image of Avo killing someone made my knees tremble in fear.
"Don't fear him. He'll never hurt you," sabi sa akin ni Night nung mabasa niya ang takot sa mga mata ko.
I smiled at him. His presence really calms my nerves. Something about Night was so familiar. "I know," sagot ko sa kanya. "When will he return?"
"Maybe tomorrow," he said. "Can I ask you something?"
Tumango ako. I consider him a friend kahit hindi niya alam. Sa lugar na 'to, dapat mayroon kang kaibigan. Because if not, no one will watch your back for you.
"Don't tell Avo about any of this." Hindi pa man siya nakakatapos ay tumango na ako. Narinig ko naman kasi ang pinag-aawayan nila ni Fuji kanina. Naiintindihan ko ang pinanggalingan ni Fuji... Panigurado na magagalit si Avo kapag nalaman niya. At panigurado ay si Ella nga ang una niyang pagbibintangan. "Thank you," he said.
Nginitian ko siya. "Can I now ask for a favor?"
"Sure."
"Food," I said and my stomach grumbled. Napailing siya sa akin pero nag-dial na siya para magpa room service. Habang naghihintay kami, nagkwentuhan muna kami ni Night. Actually, ako lang talaga ang nagtatanong. Sumasagot lang siya sa mga sinasabi ko. Tahimik kasi talaga siya pero hindi kasing tahimik ni Avo. Nagsasalita si Night kapag kailangan.
"Where's Laurie?"
Nagkibit balikat siya.
"But she's your girlfriend, right?" tanong ko. Medyo naguguluhan kasi ako sa arrangement nilang dalawa.
"Sure."
"But you love her?"
"Love's depth will never be fully quantified. Do I like her? Yes. Do I care about her? Definitely. Do I love her? Who knows?" sabi niya. Napakunot na lang ako ng noo sa sagot niya. Ang simple lang naman ng sinabi ko pero para akong nalunod sa sagot niya.
Maya-maya pa ay dumating na ang pagkain. Medyo mainit pa kaya pinalalamig ko muna. Baka kasi mapaso ang dila ko, e.
"Thank you nga pala sa kagabi... If not for you, baka patay na ako..." Hindi na siya sumagot pero ramdam ko naman na ngumiti siya. Night is such a weird dude. Weird but nevertheless comforting and soothing.
Iniwan niya muna ako saglit para raw makakain ako. Baka pupuntahan niya muna si Laurie, who knows. Sana mahal ni Night si Laurie. Mukha kasing mahal na mahal ni Laurie si Night... Sino ba naman ang tatagal ng ilang taon kung hindi mo mahal ang isang tao, 'di ba?
Hinipan ko muna iyong soup bago ko simulang higupin. I was in my third spoonful when my throat began to feel thicker and thicker as seconds passed by. My heart started beating erratically. Breathing became a struggle.
I wanted to shout but no words were coming from my mouth.
Nahulog iyong mangkok sa sahig kasabay ng pagkahulog ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com