Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG11 Chapter 11

"Ano ba 'yan..." naka-simangot na bulong ko nang sabihin sa akin na kahit magrequest ako ngayon ay Lunes ko pa makukuha. "Di po ba pwedeng bilisan? Ipi-print lang naman po 'yan, 'di ba?" tanong ko kasi ayoko na talaga manatili pa rito. Nase-stress ang buong pagka-tao ko. Parang naka-develop na ako ng allergy sa mga tao rito.

"Transcript nire-request mo—'di 'yan papel na ipi-print lang," masungit na sagot niya sa akin habang naka-tingin pa rin kay Nikolai. Kahiya, ah! Pwede na siyang maging lola ni Nikolai, kung maka-tingin!

"Okay po," sagot ko kahit badtrip ako kasi ayoko rin naman makipag-away sa matanda, no! Papatol lang ako pero hindi ako magsisimula ng gulo sa matanda. E kung bastos siya, e 'di papatulan ko. 'Di ako naniniwala na porke matanda kailangan irespeto—e kung bastos ka, okay lang kasi matanda ka naman? Kalokohan.

Tumalikod ako at naglakad papunta kay Nikolai na naka-sandal doon sa poste. Kanina pa siya pinagtitinginan ng mga estudyante rito. 'Di ko rin naman sila masisi dahil iba rin dating nitong taong 'to, e. Akala mo model lang na biglang lumabas sa magazine!

"What's with the frown?" tanong niya.

"Sa Monday morning pa raw makukuha iyong transcript."

"Oh. Okay," sagot niya.

Napa-kunot ang noo ko. "Ano'ng okay?"

"Is there a hotel here or something?" tanong niya sa akin. Turn ko naman para kumunot ang noo. "I mean, I drove for 6 hours, so might as well stay here until we get your transcript."

Umawang ang labi ko. "Seryoso ka? 'Di ba may pasok ka pa?"

Nagkibit-balikat siya. "Can you confirm if we can get your diploma by 8am? So that we'll be back in Manila by 2pm? I have 4pm class."

Nanlaki ang mga mata ko. "Seryoso?"

Tumango siya. "Yeah. I brought my books with me, right?"

"Wala tayong damit o kahit na ano."

"We'll sleep naked, then," sabi niya tapos natawa. "Kidding. Do you have a mall here? We can just buy things, you know? Money makes the world go round."

Naka-ilang kurap ako, pero hindi nagbago iyong isip niya. Mukhang seryoso nga siya na dito kami sa Cagayan ngayon. E Sabado pa lang! Tapos Linggo pa bukas! Tapos kaming dalawa lang!

"Come on," sabi niya. "I'm famished. Do you know any good place to eat here?"

Kahit nasa City Mall na kami ay pinagtitinginan pa rin si Nikolai. Nung kumakain kami ay halatang-halata kong kilig na kilig sa kanya iyong ibang mga kabataan. Kinuhanan pa ng picture na patago! Mamaya nasa Facebook na 'tong mukha na 'to.

"Do you have this in lace?" tanong ni Nikolai doon sa saleslady. Kitang-kita ko iyong pamumula nung mukha nung babae dahil hawak pa ni Nikolai iyong hanger na may naka-lagay na panty.

"Hoy!" sabi ko kasi nakaka-hiya siya kasama!

"What? You only wear lace, right?" tanong niya na walang habas.

"Bakit mo ba kasi ako bini-bili ng panty?!"

Jusko. Feeling ko e pinagtitinginan na kaming dalawa rito kasi may hawak na hanger na may panty si Nikolai at mukhang kumportable lang siya sa ganoon.

"What? You're not gonna change your panties? In 2 days? Hygiene, Jersey, please," sabi niya na naiiling. Punyeta. Kaurat kausap 'to. Malamang magpapalit ako ng panty! Pero bakit siya ang namimili?!

Inagaw ko sa kanya iyong hawak niyang hanger at saka ibinalik iyon. Kumuha na lang ako nung isang pack na may tatlong panty. Hiyang-hiya naman ako sa isang 'to. Kala mo 'di niya kinain iyong pekpek ko. Ka-stress.

Halos isang oras kami ni Nikolai sa mall dahil bumili pa kami ng mga gamit. Binili niya ako ng panty, bra, pati pantulog at damit para bukas at sa Lunes. Bumili rin siya ng boxers niya at saka 3 puting t-shirt at 2 brown shorts na kagaya nung lagi niyang suot. Bumili na rin kami ng mga toothbrush at kung anu-ano.

"Feeling ko gusto mo lang magbakasyon at ginamit mo lang iyong pagkuha ko ng transcript," sabi ko habang naglalakad kami palabas ng mall papunta sa sasakyan niya. Tsk. Sikip pa naman nung sasakyan niya tapos ang dami naming binili.

"Maybe," sagot niya. "Manila feels suffocating sometimes."

"E pa-graduate ka na, e. Konti na lang."

"I know. Can't wait to graduate," sabi niya pero walang ngiti sa labi niya. Parang may problema 'to sa school, pero ayoko namang tanungin hanggang hindi niya sina-sabi. Appreciated ko kasi na 'di niya ako kinu-kulit tungkol sa mga problema ko sa buhay. I mean, kung gusto kong pag-usapan, sasabihin ko naman. Kung hindi ko sinasabin, ibig sabihin ayokong pag-usapan o kaya 'di pa ako ready.

Pagdating namin sa hotel, mabuti na lang at lalaki na iyong receptionist dahil urat na urat na ako sa mga babaeng nagpapa-cute kay Nikolai.

"You wanna share a room?" tanong niya habang naka-tayo kami roon sa harap ng receptionist. Nagkibit balikat ako. "Well... do you want to? I need confirmation."

Hindi ako naka-sagot.

I mean... ano ba? Parang masarap na iisang kama lang kami. Sa Monday pa naman kami uuwi! Baka ito na iyong pang-apat! Pero ayoko rin na sa iisang kwarto kami kasi ayokong matulog kasama siya. Sex lang—walang personalan. Kapag nagka-feelings, delikado 'yan. Si Nikolai iyong unang tao na trumato sa akin na parang... tao rin ako. Ayokong sirain.

"Hiwalay," sabi ko sa kanya.

Nagkibit-balikat siya at saka binalik iyong atensyon doon sa lalaki. "2 rooms, please," sabi niya. "And adjacent, please. If you have one that's connecting, that one." Napa-tingin siya sa akin na kunot ang noo. "What? I still don't know this place. If something goes wrong, at least I'm only in the next room."

Umirap ako sa kanya. "Ila-lock ko iyong pinto."

Tumawa siya. "Sure."

"Feeling mo masyado, ha," sabi ko pero tinawanan niya lang ako tapos ay binayaran niya na iyong kwarto. Naglabas siya nung card na kulay black. Iba rin talaga. Marami akong naging kliyente na mayaman, pero isang beses pa lang ako naka-kita ng black card—kay Nick pa iyon. Sabi nila wala raw limit kapag ganyan, e.

Una kaming pumunta sa kwarto ko. Sinamahan ako ni Nikolai doon at saka paikut-ikot siya.

"Ano ba'ng ginagawa mo?" tanong ko.

"Just checking. I've read in the Internet that sometimes, there are hidden cameras in hotel rooms," sabi niya habang tinitignan iyong mga suluk-sulok. Naupo ako sa kama habang paikut-ikot siya. Pati sa CR ay tinignan niya rin. "Okay na?" tanong ko nang matapos siya.

Tumango siya sa akin. "I'll be in the next room, okay? I'll just take a nap then let's have dinner," sabi niya lang tapos ay binuksan niya iyong pinto ng kwarto niya.

Nang maka-labas siya ay napa-higa ako sa kama.

Kaibigan lang.

Sex lang.

'Wag haluan ng feelings, kaloka!

* * *

Dahil natulog si Nikolai ay natulog na lang din ako. In fairness ay kahit naka-upo lang naman ako sa sasakyan niya ay napagod ako... paano pa kaya siya na nagdrive?

Nang magising ako ay naligo ako at nagpalit ng damit. Sinuot ko iyong binili namin na damit. Naka-puting t-shirt lang ako at saka maong shorts. Pina-tuyo ko iyong buhok ko tapos ay tinali. Mahina akong kumatok sa pinto dahil baka tulog pa siya. Baka pagod kasi ang tagal niyang nagdrive. Nang walang sumagot ay dahan-dahan kong binuksan iyong pinto.

At saka napa-hinto ako nang sabay sa pagpasok ko ay ang paglabas ni Nikolai mula sa CR habang naka-tapis lang at nagpapa-tuyo ng buhok.

"I thought you're still sleeping," sabi niya habang patuloy sa pagpupunas nung buhok niya. "Give me 10 minutes."

Nanatili ako roong naka-tayo at naka-tingin sa kanya. Siya na lang dinner ko... pwede ba 'yon?! Kitang-kita ko ngayon iyong katawan niya. Iyong mga tattoo niya. Samahan mo pa iyong mga butil ng tubig na tumu-tulo mula sa dulo ng buhok niya pababa sa katawan niya.

"I'm gonna change... unless you wanna watch me change?" tanong niya habang hina-hanap iyong damit na binili namin.

"Okay," mabilis na sagot ko.

Tumawa si Nikolai. "Okay," sabi niya at saka sinuot iyong puting t-shirt. Hindi niya hinubad iyong tapis niya at sinuot iyong boxers niya at saka iyong shorts. "You little voyeur."

"Ano?" naka-kunot na noong tanong ko sa kanya.

"Nothing," sagot niya. Akala ko ay susuklayin niya pa iyong buhok niya pero ginulo niya lang iyon nang kaunti tapos sinabi niya, "Let's go."

Iyon na 'yun?!

Naligo lang siya tapos ang gwapo niya na agad?! No effort?!

Sabay kaming naglakad palabas ng hotel. Wala namang tao halos kasi wala namang okasyon. Kahit nga pagpunta namin dito biglaan lang, e.

"Jollibee na lang tayo," sabi ko sa kanya. Napa-irap ako kasi ngiting-ngiti si gago. Regaluhan ko nga 'to sa birthday niya ng isang bucket ng chicken joy.

Naglakad kami ni Nikolai papunta sa Jollibee. Habang naglalakad kami, may nadaanan kaming karinderya. Shet... miss ko na iyong batil patung.

"You wanna eat there?"

Umiling ako. "Jollibee na lang," sabi ko. Baka kasi maarte 'tong si Nikolai at hindi kuma-kain sa karinderya, e. Mamaya magka-sakit pa 'to.

"There's Jollibee in Manila," sagot niya tapos ay nagulat na lang ako at lumiko siya at doon pumunta. Napa-tingin iyong tindera sa kanya. Lahat na lang ginu-gulat nung lalaking 'to, e! Tumingin siya sa akin habang naka-tayo sa harap nung mga pagkain. "What?" tanong niya habang naka-tingin sa akin.

Huminga ako nang malalim at ngumiti.

* * *

"This is actually good," sabi niya habang kina-kain iyong batil patong. Umorder din kami ng pancit cabagan. Tahimik akong kuma-kain habang naka-tingin sa kanya. "What?" tanong niya.

Umiling ako. "Wala. Nguyain mo naman 'yan."

"Tss."

"Tss ka rin."

Napa-iling na lang siya. Nang matapos kaming kumain ay nagbayad siya. Wala kasi akong dalang pera! Binitbit niya lang ako rito sa Cagayan, e! Walang planu-plano. Kaloka!

Halos si Nikolai ang naka-ubos nung order namin. 'Di naman kasi ako malakas kumain masyado talaga. Ewan ko kung ganon talaga o baka nasanay lang kasi talaga ako na hindi kumakain palagi. Nung bata kasi ako tanghalian lang tapos swerte na kapag may meryenda.

"Mag-aaral ka ngayon?" tanong ko habang naglalakad kami. Mabuti na lang at gabi na. Hindi na kasing init kanina. Na-stress ako kasi sobrang init talaga rito. Iisipin mo na nasa impyerno ka, e.

"I don't know. Maybe not. I need a break."

"Akala ko marami kang inaaral?"

"Yes, but resting is as important as studying."

Patuloy lang kaming naglalakad tapos may nadaanan kaming nag-iinuman. Napa-tingin sila sa amin. Napa-tingin sila sa binti ko dahil maigsi iyong shorts na suot ko.

Nagulat ako nang pagpalitin ni Nikolai iyong pwesto namin at siya na iyong nasa gilid. Na para bang tina-takpan niya ako doon sa mga bastos na lalaki.

"Thank you. Pero 'di mo naman kailangang gawin."

"I know, but I want to," sabi niya. "Besides, it's better than me picking a fight here. I don't know anyone in this place. Unfair."

Natawa ako sa kanya. "Ano? Wala kang back-up?"

"Yeah. I'm not some fucking superhero—if 10 guys gang up on me, I'd most likely end up getting stabbed."

"Grabe. Tutulong ako, syempre!"

"Nah... I'd prefer if you run," sabi niya.

"So, iiwan na lang kita, ganon?"

"Yeah."

"Baliw."

Tumawa siya. "I'm not saying I'd really get stabbed. I'd still defend myself, of course, but if you're there, I won't be able to defend myself properly because I'd still be thinking about you. So if you're there, the probability of me getting stabbed is much, much higher."

"So, kasalanan ko pa?"

Tumawa lang siya. "You know that that's not what I mean, and why are we even arguing about this?" tanong niya tapos ay napa-kunot ang noo niya. "What is that and why is everyone drinking that?" muling tanong niya dahil may nadaanan na naman kami na nag-iinuman at may nakita na naman siyang C2-gin.

"C2-gin," sabi ko sa kanya.

"Have you tried that?"

Tumango ako. "Oo. Gusto mo?"

"Yeah," sagot niya. "But let's drink in the hotel room. I really don't want to get into fights tonight. I'm still tired from the drive."

Huminto kami ni Nikolai sa sari-sari store tapos bumili ako ng isang kwarto-kantos na gin saka isang maliit na C2.

"Oh, sukli mo," sabi ko nang ibalik ko sa kanya iyong sukli ng 500 pesos niya. Medyo nagulat siya na may sukli. "Benta ko kaya 'to sa bar niyo ng 500 pesos per shot? Feel ko malaki kikitain ko."

Kapag pa naman lasing na iyong mga tao roon, parang lumuluwag ang mga wallet nila at kung anu-ano na ang bini-bili. Sino ba'ng matinong tao ang bibili ng kusang-loob ng 100 pesos na bote ng tubig?! Tubong-lugaw talaga 'tong sila Nikolai, e.

"Is that good?" tanong niya.

"Baka magulat ka tumba ka na."

Tumawa siya. "Highly doubt it."

"Ano? Pustahan kung sino unang gagapang?" tanong ko sa kanya. Nakita ko laging iniinom nito kapag nasa bar siya, e—iyong Johnny Walker na blue label. Naniniwala pa rin ako sa kakayanan ko bilang laking gin bulag ako.

"What's at stake?"

Nagkibit-balikat ako. "Ano ba'ng gusto mo?"

"Since you'll lose, I'm giving you the chance to choose," sabi niya at inirapan ko lang siya. Tinawanan niya ako. "Fine. Blowjob if you lose."

"Sus, maliit na bagay."

"And you said swallow, not spit."

"Oo kahit hanggang lalamunan ko pa, 'di ako susuko."

Tumawa na naman siya sa akin. "God, you and your words, really," sabi niya sa akin at naglakad na kami pabalik sa hotel. "I hope you lose, Jerusha."

***
This story is chapters ahead on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com