Chapter 12
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG12 Chapter 12
"Ready ka na bang matalo?" tanong ko sa kanya habang inaayos ko iyong C2-gin.
Tumawa lang si gago. Pagbalik namin dito ay naglinis siya ng katawan tapos ay nagpalit ng boxers at saka puting t-shirt ulit. Arte naman pala nito. Akala mo naman e nagpatintero kami sa labas at dumumi siya masyado.
"I literally own a bar."
"Laking kanto ako."
Napa-iling na lang siya. "Let's just see who's the better drinker, shall we?" tanong niya.
Dahil ang tagal nitong C2-gin, sumandal kami sa may paanan nung kama. In fairness naman ay may carpet itong sahig nung hotel. Sana lang ay nililinis nila dahil baka magreklamo itong katabi ko dahil mukhang maarte sa kalinisan si Mr. Nikolai Ferreira.
"Iinom lang ba tayo? Ang boring naman."
"What do you wanna do?"
"Hmm... kada shot, pwedeng magtanong ng kahit ano. Kapag ayaw sagutin, dalawang shot," sabi ko sa kanya.
"Unfair. I have lots of secrets."
"Ako rin. Duh. Ikaw lang mysterious?"
Tumawa siya habang naiiling. "Fine. Double-shot for me, then."
'Good luck...' bulong ko sa isip ko. Literal na guma-gapang ako noon dahil sa hinayupak na C2-gin na 'yan. 'Di mo alam kung sinong hudas ang nag-imbento, e! Goal niya yata na pagapangin ang mga tao!
"Sa wakas!" sabi ko nang matapos. Agad akong naglagay sa shot glass. "Ikaw una."
"Ladies first."
Umirap ako. "Takot ka?"
Tumawa siya. "Just being the gentleman that I am," sabi niya. Tsk. Akala mo kanina lang e hindi siya naghasik ng lagim sa mall nung hawak niya iyong hanger na may panty. May short term memory ata 'to kaya hirap na hirap magmemorize, e.
"Fine," sabi ko sabay inom nung shot. "Tanong?"
"Do you really wanna go to law school? Because I can enroll you in another school."
"Hindi ko alam. Hindi ako nagjojoke nung sinabi ko sa 'yo na wala akong pangarap," sagot ko sa kanya tapos sinalinan iyong shot glass niya. Ininom niya iyon. "Gusto mo ba talaga mag lawschool? Hirap na hirap ka na."
Nagkibit-balikat siya. "I only went there for my friends. I wasn't kidding when I said I have a fear of missing out. My friends are my family," sabi niya at saka inabot sa akin iyong shot ko. "Do you have friends in Manila? Just curious."
Tumango ako sabay inom. "Meron," sagot ko. "Sino si Assia?"
"I told you—basically a sister," sagot niya. "Who are your friends?"
"Friend lang. Isa lang," sagot ko. "Nagka-crush ka sa kanya?"
"Vito literally had googly eyes when he met her—that was like a clear sign to back off," sabi niya. "Fine. Who's that friend?"
Nag-iwas ako ng tingin pagka-tapos kong inumin iyong shot. "Ikaw."
"What?" tanong niya na hindi na-gets.
"Ano naman kung nagka-googly eyes o heart eyes man iyong Vito? Nagka-crush ka ba?" tanong ko.
"You didn't answer my question."
"Sinagot ko na, baliw. Lasing ka na." Kumurap-kurap siya. Napa-hawak siya sa mukha niya. Tumawa ako. "Ano? Naiinitan ka na, no? It's a sign."
Lumunok siya. "Where's the remote? It's so fucking hot in here," sabi niya habang pinapaypayan iyong sarili gamit iyong t-shirt niya.
"Ang lamig kaya!" sabi ko sa kanya. Feeling ko nga nasa Antartica kami! "Sagutin mo na. Nagka-crush ka ba kay Assia? Yes or no?"
"Why are you curious?"
Tinaasan ko iyong laman nung baso niya. "Double shot dahil mukhang ayaw mong sagutin," sabi ko para sumagot na siya... kaso ininom niya.
May crush nga ata.
Sa next namin, kung meron, it's time for missionary.
"Do we have water here?"
"Meron," sabi ko sabay abot sa kanya.
"Oh, come on!"
"Nagtanong ka—sumagot ako. Rules are rules," sabi ko sa kanya habang nagkikibit-balikat. Sinamaan niya ako ng tingin habang iniinom niya iyong shot niya. Pinipigilan kong matawa. Kapal ng mukha mag-aya... Ayan, init na init siya ngayon. Init pa naman sa pakiramdam nitong iniinom namin.
"You'll make a fucking good lawyer," sabi niya na mukhang masama ang loob.
Nginitian ko siya. "Thank you."
Napailing siya na bahagyang natawa. "Why are you so curious with Assia?" tanong niya sabay abot sa akin ng shot.
"Wala lang, masama ba?" sagot ko.
"No, it's not," sabi niya sabay inom ng shot. Napaawang ang labi ko. 'Di ko question iyon! "Your face... That was a question and I answered."
Tangina.
So, pilosopohan na kami, ha!
Mula sa pagtatabi namin habang naka-sandal kami sa ibaba nung kama ay naka-indian seat na kami ngayon habang magka-harap.
"Why press me about Assia?"
"Nasagot ko na 'yan."
"Non-answer is not an answer. Please drink twice, Ma'am."
"Epal."
"Rules are rules—said it yourself."
Sa totoo lang, naggagaguhan na lang kami nitong si Nikolai. Ayaw niyang sabihin kung crush niya si Assia o hindi—duda ako na crush nga niya kasi bakit ayaw niyang sabihin na hindi kung hindi naman pala? Napaka-simpleng bagay.
At mas lalong 'di ako sasagot kung bakit curious nga ba ako.
Gumapang na lang kaming parehas.
"Oo na," sabi ko at saka pinuno iyong baso at saka ininom iyon ng diretso. Napa-tingin ako sa baso at lagpas sa kalahati na iyong nabawas doon. Tapos pagbalik ko ng tingin kay Nikolai ay nakita ko siyang naglalakad at hina-hanap iyong remote ng aircon. Pinigilan ko pang matawa dahil medyo hindi diretso iyong lakad niya.
Tsk.
Lakas ng loob.
"Jersey..." tunog lasing niyang sabi.
"Oh?"
"I feel so hot. I can't find the aircon. I'll remove my shirt," sabi niya. Ni hindi ako naka-sagot nang bigla niya iyong tanggalin. Nakita ko na naman iyong mga tattoo niya. Pina-nood ko iyong bawat galaw niya hanggang sa maka-balik siya sa pag-upo sa harapan ko.
"So... talo ka na?"
"Nah," sabi niya. "Give me water."
"Ikaw kumuha."
"The world is currently spinning."
"So, talo ka na nga?"
"Hell fucking no. I want my blowjob," sabi niya tapos pilit na tumayo para pumunta sa ref para kunin iyong tubig. Tawang-tawa ako kasi hindi siya maka-tayo nang maayos. Para akong nanonood ng comedy bigla! Konti na lang ramdam ko na gagapang na siya kasi parang wala na siyang balanse talaga.
"I'm not drunk, okay?" sabi niya.
"Gapang ka na."
Umiling siya at saka sinubukan ulit na tumayo, pero dahil wala talaga siyang balanse ay napa-upo ulit siya. Kita ko na iyong pamumungay sa mga mata niya. Namumula rin iyong leeg niya. 'Di naman 'to ganito kapag umiinom sa bar. Iba ata tama sa kanya nitong iniinom namin.
"You want a house? I'll give you a fucking house," sabi niya. Tawang-tawa ako kasi lasing na si gago. "You want money? I have lots of money."
Nagsalin ako ng gin sa baso ko at saka ininom habang pinapanood siya.
"We have lots of houses, you know?" sabi niya habang nagsasalin din ng inumin niya. "I only know about... 6 here in the Philippines? I'm sure there are more..." Ininom niya iyon at saka pumikit. "My dad has lots of mistresses. He's quite literally the fucking worst. God, I wish I could tell this straight to his lying face."
Napa-awang iyong labi ko sa sinabi niya.
Gusto ko siyang pigilan kasi... masyadong personal na iyong sinasabi niya. Alam ko naman na hindi niya 'to sasabihin sa akin kung nasa matinong pag-iisip siya. Pakiramdam ko ay inaabuso ko iyong pagiging lasing niya.
Agad akong tumayo para sana kumuha ng tubig, pero napigilan niya ako dahil sa paghawak niya sa kamay ko.
"Stay. Please."
"Kukuha akong tubig."
Umiling siya. "Please stay..." malambing niyang sabi.
Wala akong nagawa kaya napa-upo ako agad. Nagulat ako nang isandal niya iyong ulo niya sa balikat ko. Bigla akong nanigas sa kina-uupuan ko.
"I'm drunk, right?"
"Sobra."
"I've never been drunk," sabi niya. "Feels nice to feel drunk."
"Gusto mong tubig?"
"No. Just stay here."
"Okay."
"I wanna talk."
"Nag-uusap naman tayo."
"No. I wanna talk... like for real..."
"Ayoko. Lasing ka na, e. Baka may sabihin ka na hindi mo naman gustong sabihin," sabi ko sa kanya. Kasi ayoko rin kung ako iyong nasa posisyon niya—na porke lasing ako tatanungin niya ako nung mga bagay na ayokong pag-usapan... na kung nasa matinong pag-iisip ako ay hindi ko sasabihin...
"But I wanna talk," parang bata niyang sabi. "My friends... I love my friends but I can't talk to them about things like this... I wanna talk about this. I wanna trash my father so badly. Will you listen?"
Lord, paano ba 'to?
"My mom met my dad when she was backpacking through Northern America... Love at first sight and that kind of bullshit. My dad was a farmer, you know? My grandparents didn't want them to get married because... you know? Sometimes, rich people suck." Tumawa siya tapos ay uminom na naman. Pinigilan ko siya kaya lang ay kinuha niya iyong buong bote at saka ininom nang diretso mula roon. "But they really wanna be together so they had me. My mom brought my dad here in the Philippines. My family, not wanting the fucking shame or whatever, made my dad take business classes and basically tried to change him... for him to fit in their world."
Ramdam na ramdam ko iyong... bigat sa boses niya.
"You know what sucks? That my mom gave him everything... literally fucking everything and he had the fucking audacity to cheat on her. His money, his car, his everything—it was all from my mom... Then he cheats?"
Hinilamos niya iyong mga kamay niya sa mukha.
"But my mom wouldn't let him leave. Because she's stupid and she loves him. And I can't say shit because if I say what a trash he is, maybe he'd leave. And that would hurt my mom. It's just... fucked up."
Huminga siya nang malalim.
"So, you know? Fuck cheaters," sabi niya at saka ibinaba iyong bote na naubos niya na. "I swear to God if I ever get married, I'll never be like him. He fucking disgusts me."
Tumingin siya sa akin.
At ngumiti.
"Do you like me?" bigla niyang tanong.
Hindi ako naka-sagot. Bigla niyang nilapit iyong mukha sa akin at marahan akong hinalikan.
"Nikolai—"
"God, I feel so horny. You make me feel shit I don't like," sabi niya at muli akong hahalikan sana pero nag-iwas ako. Agad akong tumayo. Hinatak ko siya patayo at pilit tinulak pahiga sa kama niya. Hinatak ko iyong kumot para matakpan siya.
"I thought you want me?" tanong niya. "You always ask me for sex. I wanna have sex now."
"E lasing ka."
"Still horny."
Natawa ako. "Still no," sagot ko sa kanya. For sure kung ako iyong lasing, ganito rin naman ang gagawin niya. Iba rin malasing 'to. 'Di ko na nga uulitin.
"Matulog ka na, okay?" sabi ko. "Itulog mo 'yan. Bukas, bibilhan kitang breakfast sa Jollibee para sa hangover mo."
Tumango siya. "Okay..."
Napa-ngiti ako. "Good night na," sabi ko bago lumabas. Naghintay lang ako ng isang oras bago ako bumalik sa kwarto niya para i-check kung humi-hinga pa siya. At nang masigurado kong maayos naman siya ay naglinis ako ng kalat naming dalawa...
***
This story is chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com