Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG15 Chapter 15

Naiinis na tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa carpetted kong sahig nang may marinig akong katok mula sa labas. Kung kailan nahanap ko na iyong liwanag at saka may iistorbo sa akin sa pag-aaral!

"Bakit... ka nandito?" tanong ko habang nasa harapan ko si Nikolai. Naka-suot siya ng uniform niya—feeling ko uniform niya na iyong suot niya dahil palaging ganyan lang. Laging polo shirt ang suot niya—naiiba lang ang brand at kulay. Medyo naloka lang ako nung hinanap ko sa Internet iyong presyo ng suot niya. Isang polo shirt, 32 thousand?! E kahit naman blue corner na t-shirt lang, hot pa rin siya.

Imbes na bigyan ako ng matinong sagot ay nagkibit-balikat lang siya. Pumasok siya sa loob. May dala pa siyang bag.

"Wala ka bang pasok?"

"1:30," sagot niya.

Napa-tingin ako sa wall clock. "E bakit nandito ka?" tanong ko dahil 9 am na. 'Di ba dapat nag-aaral siya ngayon? Ako ngang first year law student—

Tsk.

Akalain mo nga naman?!

Si Jerusha Leigh Lorenzo, nag-aaral ng batas?! Ano kayo d'yan ngayon?!

Tumigil siya sa harap ng coffee table ko.

"Persons?" tanong niya.

Tumango ako. "Interesting basahin, in fairness," sabi ko habang naglalakad pabalik sa pwesto ko. Pinagpa-tuloy ko iyong pagbabasa. Napa-tingin ako kay Nikolai nang maramdaman ko na naka-titig siya sa akin. "Ano?" tanong ko kasi naiilang ako.

"You're studying?"

"Obvious ba?"

"Just... reading?"

Tumango ako. May mali ba sa ginagawa ko? E libro naman 'tong nasa harapan ko? Alangan namang sayawan ko?! Si Nikolai talaga—sobrang hot lang pero minsan 'di mo rin talaga alam ano punto niya sa buhay. No wonder nagpapanggap lang siya minsan.

"Can you scooch?" tanong niya biglang. Ni hindi pa ako nakaka-sagot ay makapal ang mukha niyang naupo sa tabi ko. Aba! Hindi naman pang-dalawang tao 'tong lamesa ko! Ang laki-laki niya kayang tao!

"Bakit ba dito ka nanggugulo?" tanong ko habang napadpad na ako sa dulo nung coffee table.

"I won't be a bother," sabi niya habang nilalabas iyong gamit niya. Napa-angat iyong kilay ko habang nilalabas niya iyong—

"Ano 'yan?" tanong ko dahil may mga kung anik-anik pa siyang nilalabas. Samantalang ako, literal na libro lang ang nasa harapan ko. May mga ganyan pa palang kaartehan si Mayor!

"Bookstand," sabi niya.

"Importante ba 'yan?"

"Makes reading easier," sabi niya tapos may nilabas na naman na pencil case. Napa-awang iyong labi ko nang buksan niya iyon at ang daming highlighter! Lakas maka-high school!

"Daming cheche-bureche," sabi ko.

"It helps, okay?"

"Na maging coloring book 'yang libro?"

"There's a designated color for everything. It just helps with easier scanning," sabi niya.

Nagkibit-balikat ako. "Okay. Sabi mo, e."

Bumalik ako sa pag-aaral. Kung titignan siguro kaming dalawa ay sobrang weird kasi parang wala man lang akong kagamit-gamit habang itong katabi ko e mukhang suki ng National Bookstore. Tahimik akong nagbabasa nang may reklamo na naman 'tong isang 'to.

"How is that studying?" biglang tanong niya.

"Inaano ba kita?"

"You're literally just flipping through the pages."

"E naiintindihan ko naman binabasa ko."

"It's that Eidetic memory, isn't it?"

"Hotdog," sagot ko. "Eidetic ka d'yan. 'Wag mo na nga ako pansinin. Mag-aral na lang tayong parehas," dugtong ko pa.

Pero si Nikolai ay mabilis na kinuha iyong libro mula sa akin.

"Article 3?"

Napa-irap ako. "Ignorance of the law excuses no one from compliance therewith."

"Article 10?"

"In case of doubt in the interpretation or application of laws, it is presumed that the lawmaking bodies—"

"Body."

Umirap ako. "Bakit ba g na g ka? E sa mabilis akong magkabisado?" sagot ko sa kanya sabay hablot nung libro. Ang hater nito masyado!

Hinawakan niya biglang iyong mukha ko at saka naka-titig nang mabuti sa akin. Nilakihan ko siya ng mga mata. Sabog nitong si Nikolai ngayon! Ano ba'ng problema nito?

Binibilang ko iyong segundo.

Grabe naman maka-titig 'to!

Mabilis akong lumapit tapos hinalikan na lang siya. Na-stress ako sa pagtitig, e! Akala mo inaalam pati mga kasalanan ko nung kinder ako!

"Wag ka na maiinggit," sabi ko sa kanya. "Mayaman ka, matalino ako, ganon talaga. 'Di pwedeng nasa 'yo lahat," sabi ko tapos tinapik ko iyong pisngi niya bago ako bumalik sa pag-aaral.

"Jersey—"

Pagharap ko sa kanya ay mabilis niya akong hinalikan. Medyo nanlaki iyong mga mata ko sa pagka-bigla.

"You kissed me earlier."

Hinalikan ko siya. "Ano 'to? Gantihan?"

Hinalikan niya rin ako. "Olho por olho."

Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Ukinam," sabi sa kanya kasi pino-Portuguese na naman ako! Simula nung pumasok ako sa law school, minsan nagsasalita siya niyang alien na salita niya. Guma-ganti ako at nag-Iilocano din ako. Pero kadalasan minumura ko lang siya doon kasi malay ko ba sa sinasabi niya.

Kapag ako napikon dito, mag-aaral na rin ako ng Portuguese, makita niya.

Tumawa siya. "Fine, let's just study," sabi niya at saka bumalik siya sa pag-aaral. Tumingin ako sa orasan. 9:30 pa lang pala.

"Wala ka bang recit or quiz?"

"Off deck," sabi niya.

"Ah, okay," sabi ko. Tumingin siya sa akin at mabilis na nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang hinubad ko iyong t-shirt ako. I mean, ala-una pa naman iyong klase niya! Saka 'di naman siya nag-aaral at kinu-kulit niya lang ako.

"What—"

"Bilis na," sabi ko. "Kanina pa ako nag-aaral. Deserve ko ng premyo."

Direktang naka-titig siya sa mga mata ko. "You really weren't kidding when you said you don't wear a bra," sabi niya habang naka-tingin sa akin na topless. E nasa condo lang naman ako! Saka malay ko bang dadating siya. Saka proud naman ako sa boobs ko.

"May bra ako sa school—"

Pero hindi ko na natapos iyong sasabihin ko nang mabilis akong sunggaban ni Nikolai. Natapos din ang tagtuyot.

* * *

Sinusuot ko iyong t-shirt ko habang inaayos na ni Nikolai iyong buhok niya. Sayang nasuot niya na iyong t-shirt niya! Gusto ko sanang i-trace iyong tattoo kaso baka ma-weirduhan siya kapag ginawa ko iyon.

"Papasok ka na ba?"

"You want me to enter you—"

"Ang bastos mo ngayon," sabi ko sa kanya habang pilit ko pa ring sinu-suklay iyong buhok ko na kanina pa niya sinabunutan. Tsk. Feel ko tuloy ang dumi-dumi na ng carpet ko! Tamad pa naman ako magvacuum! "I mean, papasok ka na sa school? Hintayin mo na ako. Gagayak lang ako. Pasabay na."

"Why? Your class is at night, right?"

"Oo, pero tambay na lang ako sa library."

"Just study here."

"E ayokong magcommute," sabi ko saka tumayo agad ako at dumiretso sa CR para maligo. Feel ko ang lagkit-lagkit ko. Napaka-sobra naman kasi niyang si Nikolai! Bakit sa boobs ko tinutok? Parang tanga!

Mabilis lang akong naliligo talaga pero binagalan ko dahil baka ma-judge na naman ako nitong hinayupak na 'to na wala akong hygiene. Kapal-kapal niyang sabihan ako na walang hygiene e dini-dilaan niya nga bawat parte ng katawan ko. Sino mukhang tanga sa amin ngayon?

Naka-suot lang ako ng puting fitted pants at saka black na fitted blouse. Feel ko OP na naman ako sa outfit ng mga classmates ko, pero ano'ng magagawa ko? Alangan namang bumili ako ng office uniform para lang maka-sunod sa kanila? E 'di mas mukha akong tanga non?

Nagblower lang ako ng mabilis sa buhok ko. 'Di na ako nagmake-up dahil tiwala naman ako sa ganda ko. Kinuha ko lang iyong bag ko tapos sinigurado na nandoon iyong ID, susi, wallet, at cellphone ko.

"Okay na ko," sabi ko sa kanya.

"I'll just drop you off in a coffee shop," sabi niya habang tuma-tayo at kinu-kuha iyong bag niya.

"Wala akong pambili ng kape," sagot ko. Ang mahal kaya nung libro tapos may bayad pa sa condo, kuryente, tubig, internet—ang hirap maging adult, ha! Daming bayarin!

Huminto si Nikolai tapos ay nilabas iyong parang lalagyan ng cards niya. Akala ko e bibigyan niya ako ng credit card pero medyo kumunot ang noo ko nang bigyan niya ako ng ibang card.

"Just charge your coffee there," sabi niya sabay abot ng Starbucks card.

"Seryoso ka?" tanong ko habang hawak iyong card niya.

Tumango lang siya tapos ay nagpa-tuloy sa paglalakad. Kunut-noo na sumunod ako sa kanya. Ano ba ang meron sa library at ayaw niya akong pag-aralin doon?

Sumakay na kami sa Jeep ni Nikolai. Tahimik lang siyang nagda-drive at naka-titig lang ako sa kanya kasi medyo weird siya ngayon. Hindi siya nagsalita hanggang huminto siya sa harap nung coffee shop.

"Thanks sa kape?" naguguluhang sabi ko habang tinatanggal iyong seatbelt ko. "Good luck sa class mo."

Mabilis akong bumaba. Pumasok ako sa loob ng coffeeshop at saka ko lang nakita na umalis iyong sasakyan niya. Ang weird ng isang 'yon... Masyado atang nasarapan sa akin kaya naging ganyan.

* * *

Nasa isang gilid lang ako at nagbabasa nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko. Napa-kunot ang noo ko nang makita ko si Bentley sa harapan ko.

"Uy!" sabi ko sa kanya. In fairness naman dito e sinendan talaga ako ng files! Nagamit ko na siya sa Crim class. Tama nga siya na nandoon lang din iyong mga tanong ni Atty. Mercado. Share ko rin kaya sa mga classmate ko? Pero nakaka-hiya, baka sabihin bida-bida ako. Concerned lang naman ako kasi medyo marami sa kanila hindi nakaka-sagot. Gets ko naman kasi may mga trabaho rin sila.

"Pwedeng maki-upo?"

"Sure," sabi ko kasi may space pa naman. "Ano'ng class mo ngayon?"

"Transpo," sagot niya. "You?"

"Persons."

"Galingan mo," sabi niya. "You'll encounter that subject sa future subjects."

"Thank you," sagot ko. Buti pa 'to nagbibigay ng useful tips. Si Nikolai lagi lang akong tinatanong ng articles para masigurado na maayos nga iyong memory ko.

"If you have any question, feel free to ask me. Tahimik na ako. Mag-aaral pa rin ako, e," natawang sabi niya. Nginitian ko lang siya tapos ay sabay na kaming nag-aral.

Feeling ko nga ako iyong weird dahil kahit itong si Bentley ay maraming ballpen at highlighter. Dahil inggitera ako ay bibili nga rin ako kapag nakuha ko na iyong sweldo ko sa bar.

Bandang alas-cinco ay tumayo ako para pumunta sa CR. 6:30 pa naman iyong klase ko saka literal na walking distance lang naman iyong SCA. Kaya lang ay bago pa man ako maka-punta sa CR ay natigilan ako nang makita ko si Nikolai na nandoon sa isang gilid at nag-aaral. Agad ko siyang nilapitan.

"Kanina ka pa rito?" tanong ko sa kanya. Imbes na sumagot si gago ay sinamaan lang ako ng tingin at kinunutan ng noo. Tumingin ako sa paligid. Baka kasama niya iyong mga friends niya. "Saan sila Sancho—"

Natigilan ako nang medyo malakas niyang isara iyong libro niya.

"Sancho's at school."

"Ah... si Vito?"

"I'm not their babysitter."

Napa-kurap ako. Kung babae 'to, iisipin ko na baka time of the month niya kaya napaka-arte. Nagtatanong lang naman! Malay ko ba kung nasaan iyong friends niya?!

"Okay..." sabi ko na lang saka umatras dahil mukhang badtrip si Nikolai. Baka nagisa sa recit o kaya nasigawan kaya wala sa mood. Iintindihin ko na lang kaysa mabadtrip din ako sa kanya. Sana pala 'di ko na lang nilapitan.

Pagbalik ko galing sa CR ay kinuha ko na iyong mga gamit ko.

"Punta ka na sa school?" biglang tanong ni Bentley.

"Oo. 6:30 class ko, e," sagot ko. Mamaya pa sana ako aalis kaso si Nikolai badtrip.

"Sabay na tayo," sabi niya at saka tumayo rin at inayos iyong bag.

Sabay kaming naglakad. 'Di ko na tinignan si Nikolai. Na-bokya kaya sa recit kaya ang attitude ngayon? Sabagay, deliks naman na talaga kasi graduating na siya. Kailangan maayos grades niya.

'Wag nga sana siya d'yan na attitude kasi narinig ko iyong barops mula kay Indie at balak ko sanang ibarops si Nikolai kung hindi siya aattitude d'yan.

Naghiwalay na kami ni Bentley dahil dumiretso muna ako sa CR at siya ay dumiretso na sa classroom niya. Habang naghuhugas ako ng kamay ay nagvibrate iyong cellphone ko.

'I'll pick you up after class?'

'Yoko badtrip ka e.'

'I know.'

'Bokya ka ba sa recit?'

'Bokya somewhere.'

'Okay lang yan. Bawi ka bukas, mayor.'

'Yeah I know. I'll pick you up later?'

'Okie. 9:30 labas ko.'

'I'll be waiting outside.'

'Noted, mayor. Wag mo ko bubusinahan. Babatuhin ko yang sasakyan mo.'

'It's bulletproof. Do your worst.'

Napa-irap ako. Yabang talaga nito minsan! E 'di siya na naka-tira sa hotel at may bulletproof na sasakyan. Malakas talaga feel ko na iligal business nitong isang 'to, e. Parang hindi normal ang yaman niya.

'Pisuhin ko na lang yung gilid.'

'Whatever that is, please know that I actually love my car.'

'Haha joke lang!!!!! Pero sige may class na ko.'

'Good luck, Jersey!'

'Thank you, mayor!'

Huminga ako nang malalim at saka dumiretso sa classroom. As usual, busy pa rin ang mga tao. Pati itong si Indie ay hindi ko maka-usap dahil sobrang seryoso sa binabasa. Palagay ko e marami na namang inutos sa trabaho niya kaya hindi magkanda-ugaga si gaga.

Nang dumating iyong prof namin ay nag-attendance lang at recit. Natawag ako nung bandang huli na. Nagtanong lang naman si Judge tungkol sa mga provision na nabasa ko na at saka mga case. E nabasa ko naman lahat saka naaalala ko iyong mga nangyari kasi interesting iyong mga kaso.

"Feel ko dapat nasa star section ka," sabi ni Indie.

"Asa naman."

"Ikaw lang palaging maayos recit," sabi niya.

"Swerte lang."

"Di bagay pa-humble."

Tumawa ako. "Baka i-bash mo ako kapag sinabi ko na maliit na bagay lang, e," sagot ko sa kanya. 'Di ko sinabi iyong tungkol sa Eidetic memory ko kasi baka feel niya unfair. E ano'ng magagawa ko? As if pwede kong papalitan utak ko?

"Ang gwapo nun," sabi ni Indie nung nakita niya na nagngitian kami ni Bentley nung naka-salubong namin sa hallway.

"Saks lang."

"Ay, ang ganda niya talaga."

"I mean, okay naman siya."

"Gwapo kaya."

"Saks lang."

"Taas ng standards, ah?"

"Gusto mo makita kung ano ang gwapo para sa akin?" tanong ko at mabilis siyang tumango. Tinuro ko sa kanya si Nikolai na naka-sandal sa Jeep niya habang seryosong hawak iyong cellphone niya. "Ayan ang gwapo," dugtong ko habang naramdaman ko na nagvibrate iyong cellphone ko.

***

This story is 10 chapters ahead on Patreon x

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com