Chapter 16
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#WTG16 Chapter 16
"How was class?" tanong ni Nikolai habang nagmamaneho paalis sa school. Nagkibit-balikat ako. Gusto kong sabihin na okay lang kasi naka-sagot naman ako, kaso parang hindi okay iyong part na meron akong classmate na nasigawan. Nagegets ko iyong point ni Atty na responsibilidad naming mag-aral kasi choice naman daw namin na mag-enrol sa law school... pero gets ko rin si Ate girl dahil nakita ko siya kanina sa labas na kausap iyong boss niya ata na may biglang pinaayos sa kanya. Kaya imbes na mag-aral siya kagaya nung mga classmates namin, nandun siya sa labas at nagta-type ng kung anu-ano sa laptop niya.
Kung magkatabi lang sana kami, e 'di binulungan ko na siya ng sagot.
"Tingin mo ba nagtatanim ng sama ng loob mga prof?"
"Huh? Why?"
"Wala lang..."
"Did you get shouted at?"
Umirap ako. "Abang na abang ka sa downfall ko?" sabi ko sa kanya at tinawanan lang ako. Pasalamat siya ang yummy nung braso niya habang nagmamaniobra nung steering wheel. "Pero kebs lang naman kung nasigawan ngayon, 'di ba? 'Di naman 'yan dadalhin ng prof hanggang bigayan ng grades?"
'Di ko alam bakit masyado akong affected. Siguro kasi naranasan ko rin iyong gipit sa pera. Swerte ko lang ngayon dahil nakilala ko si Nikolai... pero naranasan ko rin iyong punto na walang-wala ako... na hindi ko alam kung saan ako huhugot ng pangkain ko...
Gets ko si ate na pilit pinagsasabay iyong trabaho at law school. 'Di rin naman kasi talaga biro iyong tuition sa SCA. Siguro kahit sa ibang law school din. Kasi libro pa lang, mapapa-aray na iyong wallet mo.
"I'd like to say that everything's professional... but some profs have biases. So, I really don't know."
"Grabe, mambabagsak sila dahil lang 'dun?"
"Yeah. I mean, sometimes, they say professors use the 'dart method.'"
"Seryoso?" tanong ko. Grabe... kahit sa law school may ganon? Akala ko nung college lang kasi pumapasa kaya ako kahit 'di ako puma-pasok. Ewan ko. Magic lang.
Nagkibit-balikat siya. "Who knows? It's not as if they're very transparent with the grading system," sabi niya. "What prompted you to ask this?"
Sumandal ako sa upuan at nagbuntong-hininga. Kinwento ko sa kanya iyong ganap kanina. Medyo naawa talaga ako kay Ate girl kasi grabe nasigawan talaga siya. Nung una ay good mood pa si Atty tapos biglang may hindi naka-sagot. Tapos meron ulit na hindi. Nung time na niya, ayun, parang bulkan na sumagot si Atty at kung anu-ano na ang sinabi.
"Sayang kung katabi ko siya, nabulong ko sana iyong sagot..." sabi ko. E tinatanong lang naman ni Atty iyong requisites. Konti lang naman.
"Seriously?"
Tumango ako. "Bakit naman hindi? 'Di naman ika-tataas ng grades ko iyong pagbaba ng grades nila," sagot ko. Nung college kaya kahit epal mga classmates ko, mga makakapal mukha kapag mangongopya sa akin. Kebs lang. Sila pa rin naman 'di matututo kapag kinopya lang nila at hindi pinag-aralan. Choice nila 'yan.
"Right..."
"Bakit?" tanong ko kasi parang 'di siya agree sa sinabi ko.
"I mean, it's nice and all, but sometimes, school cuts off the bottom 10 from the section. So, even if you pass, if you're part of the bottom, you'll still be kicked out. So, their grades matter."
Napa-tingin ako sa kanya. "Seryoso?"
"Not verified, but I think it's true. When we started, we're around a thousand, I think? Now that we're graduating, we're only 150."
Napa-awang ang labi ko.
Ang lala.
"I mean, some voluntarily left, some were kicked out."
"Umalis sila?"
"Yeah."
"Bakit?"
"Maybe law school's not for them?"
"Kasi mahirap?"
"Maybe."
"E bakit ikaw nahihirapan pero nandun pa rin?"
Sinamaan niya ako ng tingin. "Hey, I'm not an idiot."
Tinawanan ko siya. "Wala akong sinasabi, ah!"
"I may not have your Eidetic memory—"
"Kahit wala akong Eidetic memory, mas ma-diskarte pa rin ako sa 'yo, noh," sabi ko sa kanya habang naka-cross arms. "Saka wala akong sinabi na bobo ka! Sabi ko lang puro ka reklamo."
"Hey, I only complain but I still do the work."
"Oy, hindi, ah! Nung nagcomplain ka na pagod ka na sa school, 'di naman ikaw nagwork. Ako kaya nasa taas—" sabi ko tapos bigla akong muntik na masubsob dahil sa lakas ng preno niya. "Leche ka! Papatayin mo ba ako?!" sigaw ko dahil bumilis iyong tibok ng puso ko sa ginawa niya.
Itong sasakyan talaga ni Nikolai ang papatay sa akin! Kung hindi sa sarap, sa busina, o sa pagpreno niya!
"Seriously..." sabi niya habang naka-tingin sa akin. Punyeta, sakto pala kami sa stoplight!
"Ano?"
Naka-tingin lang siya sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata kasi ayan na naman siya sa tingin niya na parang pinagcoconfess ako sa mga kasalanan ko simula nung kinder ako.
"Nothing," sabi niya at saka umiling habang ngumi-ngisi. "Just please decide on where you wanna eat."
Mukhang tanga talaga 'to.
"Sa bar na lang," sabi ko. "May trabaho pa kaya ako."
"They'll be fine."
"E 'dun na lang," pagpilit ko. Nakaka-hiya kaya kila Clark at sa ibang staff. Wala na nga akong ganap doon, tapos umaabsent pa ako? Ganda na nga lang ambag ko, ipagkakait ko pa?
Pagdating namin sa bar, may mga tao na. Pagpasok pa lang naming dalawa ay kita ko na na mayroong mga babae na napa-tingin dito sa kasama ko. Hinarangan ko nga siya. I mean, wala akong balak jowain, pero ayoko pa rin na may ibang babae.
Magulo ako, bakit ba?
Kung lalandi siya, 'wag sa harap ko at baka magdilim ang paningin ko sa kanya.
Nauna si Nikolai na dumiretso doon sa office. Naiwan ako kasi nakita ko si Clark na naka-ngisi sa akin. "Ano na naman?" angil ko sa kanya kasi ma-issue 'tong tao na 'to.
Ngumisi pa rin siya habang nagsasalin ng alak sa shot glass. "Di ka talaga girlfriend, ah?"
"Chismoso ka."
"E boyfriend mo nga?"
"Hindi nga."
"Bakit parang galit?"
Umirap ako. "Manager mo ako, ah."
Tumawa si Clark. "Manager... baka girlfriend ng boss."
Sinamaan ko siya ng tingin bago ako umalis dahil baka mandilim din paningin ko rito kay Clark, e. Hobby niya na i-chismis ako kay Nikolai. E hindi ko nga boyfriend. Saka ayoko maging boyfriend. Oo, masarap si Nikolai. Sobrang sarap. Pero gusto ko friends lang kami. Advance kasi ako mag-isip at kapag iniisip ko na jinowa ko siya tapos nagbreak kami—
Puta, 'wag na lang.
Okay na ko sa friends.
Pagpasok ko sa office, nakita ko si Nikolai na naka-upo roon sa sofa tapos naka-pikit. Grabe... pagod na pagod na siguro 'to... tapos sinundo pa ako. Shunga talaga.
Lumabas ako tapos tumawag sa Jollibee at nagpa-deliver ng pagkain. Tumambay muna ako sa bar habang naghihintay kasi baka magising si Nikolai kapag nandoon din ako. Tapos nung ginu-gulo na ako ni Clark ay lumabas na ako para salubungin iyong Jollibee delivery dahil feel ko medyo malapit na.
Naka-tayo lang ako roon at yakap iyong sarili ko kasi medyo malamig na dahil gabi na. Naka-tingin lang ako sa kawalan. Minsan nakaka-relax din na naka-tingin ka lang sa wala... Kaso ang problema, minsan nagfa-flashback iyong mga walang kwentang nangyari sa naka-raan.
Tsk.
Talaga kapag naka-pasa ako, ipapa-tarpaulin ko iyong sarili ko tapos ipopost ko sa harap ng barangay hall. Parang mas lalong maasar iyong mga nagsabi sa akin na mabubuntis lang daw ako. Mas marunong pa sila e katawan ko 'to?
"Hey."
"Bakit gising ka na?" tanong ko nang biglang nasa tabi ko na si Nikolai. Medyo gulu-gulo pa iyong buhok niya tapos halata mo sa mukha niya na kaka-gising niya lang. Humikab pa siya tapos ay nag-inat kaya naman nakita ko na naman iyang makasalanan niyang v-line.
"Just took a nap."
"Humihilik ka kaya."
"I don't snore."
"Paano mo alam e tulog ka nga?"
"How did you know e we don't do sleepover?"
Natawa ako. Ang conyo, leche!
"Sleepover ka d'yan. Boyfriend ka ba?"
Umirap siya. "I don't snore."
"Nagsnore ka kaya. Ganito, oh," sabi ko tapos ginaya ko iyong tunog ng baboy tapos sobrang sama ng tingin sa akin ni Nikolai. Tawa lang ako nang tawa sa kanya kasi depensa siya nang depensa na hindi daw siya humi-hilik. Akala mo naman katapusan ng mundo kung humi-hilik siya!
"I don't snore," sabi niya ulit.
"Naka-move on na ako," sagot ko sa kanya kasi nasa likod na kami ng sasakyan niya. Binuksan iyong likuran nung Jeep niya tapos naka-upo kami roon habang kuma-kain ng Jollibee.
"But I don't snore."
"E 'di hindi."
"I really don't snore."
"E 'di hindi na nga."
"Sleepover and I'll prove to you that I don't snore."
Siniko ko siya. "Sabihin mo na lang na gusto mo akong maka-tabi matulog. I don't snore ka pa d'yan," sabi ko sa kanya habang tina-tawanan siya.
"Do you wanna sleepover?"
"Sabihin mo muna gusto mo ako maka-tabi matulog," pagtukso ko sa kanya kasi alam ko naman na 'di niya sasabihin. Siya kaya nagsabi sa akin na ayaw niya naman ng jowa dahil busy siya sa school. Dati gets ko naman... kaso ngayon na nasa law school na rin ako, gets na gets ko na. Sobrang dami kaya ginagawa.
"Do you wanna sleepover?" ulit niya
"Sabihin mo muna—"
"Nah."
"E 'di nah ka rin."
Umirap siya. "Just concede and say that I don't snore."
"Gusto mo talaga akong marinig magsinungaling, ha?"
"Fine, I wanna sleep beside you. Happy now? Will you sleepover now?" sabi niya nang mabilis kaya muntik ko na mabitawan iyong hawak kong burger. Leche 'to!
Napa-kurap ako.
'Di ko expected 'yun, ah.
"Okay, fine," sagot ko nang maka-bawi ako.
Napa-kurap din siya. "What?"
Umirap ako. "Pahiram boxers at t-shirt. Saka dapat may kape na ako paggising ko," sabi ko tapos ay nagpa-tuloy ako sa pagkagat ko sa burger ko. Ramdam ko pa rin na naka-tingin siya sa akin. "Alam ko maganda ako. 'Wag mo na akong titigan—perfect ako sa lahat ng angle."
Natawa siya at marahang napa-iling. "Only you, Jersey..."
"Honest lang. Maganda talaga ako."
"The audacity."
"Alangan namang sabihin kong panget ako? False humility naman 'yun," sabi ko sa kanya. "Saka bakit? Hindi ba ako maganda?" tanong ko sa kanya habang naka-arko ang kilay ko.
Tumingin sa akin si Nikolai at marahang umiling habang naka-ngisi. "Such confidence."
"Sabihin mo muna maganda ako."
"Maganda ka."
Natawa ako.
"Conyo."
"At least I try."
"Ilang taon ka na rito sa Pilipinas, baluktot pa rin 'yang dila mo. Tumu-tuwid lang ba 'yan kapag—"
"Oh my god."
Tumawa ako dahil mukhang stressed na siya sa akin. Kinulit ko lang si Nikolai hanggang sa maubos namin iyong order ko. Tapos ay tumambay kami sandali sa bar pero umalis din kami ng bandang ala-una.
"Jersey," sabi niya habang naka-hinto kami sa stoplight.
"Do I drive straight or turn right?"
"Ha?"
"Will you sleepover or will I drive you to your condo?"
"Sabi mo doon ako sa 'yo?"
"Yeah, I was just kidding."
"Weh?"
Nagkibit-balikat siya. "If you wanna sleepover, it's totally fine. But if you wanna go home, just say it and I'll turn right."
Tumingin ako sa kanya.
Bakit kasi wala akong ibang friends?
Tumingin ako sa labas. "Turn right," sabi ko habang napa-buntong hininga ako.
***
This story is chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com