Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

"Love is like an eternal flame. Once it is lit, it will continue to burn for all time"

Daisy and Zach PART 3

***

ZACH

I was peacefully sleeping until I felt a soft touch on my cheeks.


Minulat ko ang mata ko at nakita ko ang pinaka-magandang babae sa buong mundo.



"Daisy," banggit ko sa pangalan niya.


Ang ganda ganda niya. Ang ganda ganda ng asawa ko. Kahit puti na ang lahat ng buhok niya... kahit na kulubot na kulubot na ang balat niya. Ang ganda ganda niya.


"Love..." Nangiting tawag niya sa akin.


Umayos ako ng upo.


"Bakit, Love?" tanong ko sakanya.


Bigla siyang tumawa.


"Anong nakakatawa?" pagtataka ko.


"Nakalimutan mo, ano?"


"Nakalimutan ang alin?"


Nilapit ni Daisy ang mukha niya sa akin. Naramdaman ko ang matamis na halik niya sa noo ko.


"Happy 68th Anniversary, love. I love you forever Zach Leon Mejia."


Nanlaki ang mata ko.


Nakalimutan ko. Anniversary nga pala namin ngayon! I smiled at her.


"Happy Anniversary din love, sorry ha... ang tanda ko na kasi eh kaya ko nakalimutan. Pero isipin mo love? 60 years na tayong magkasama." Nakangiting sabi ko.


"Oo nga eh. Parang noong panahon lang natin, lahat nang tao pinag-aawayan ang forever. Pero ito tayo ngayon, pinapatunayang meron ngang forever." naiiyak na sambit niya.


"Kay Daisy Mejia at Zach Mejia lang kasi may forever." natatawang sabi ko.


Tumawa lang rin siya.


"Nag-almusal ka na love?" natanong ko.


"Ha? Anong almusal? Alasais ng hapon ngayon love.. maga-gabi na. Sinabi mo pa nga sa'kin kaninang tanghali, na gusto mo magpalamig dito eh. Tapos nakatulog ka," sagot niya.


Nagtaka ako.


"Ganon ba?"


Hindi ko kasi masyadong matandaan..


"Love talaga.. makakalimutin ka na.. pero ako.. wag na wag mo akong kakalimutan ha?" tanong niya.


Tumango ako.


"Oo naman love.. ikaw kaya ang buhay ko." sagot ko.


Napatawa naman si Daisy.


"Tara na sa loob.. Ihahatid kita sa kwarto.. Alam kong antok ka kaya ka nakatulog dito." sabi niya.


Tumango ako sakanya at pinilit tumayo.


Inabot ko ang tungkod ko. Grabe.. nanghihina natalaga ako.



Hinatid ako ni Daisy dito sa kwarto. Nahiga na ako sa kama at napatingin sakanya habang kinukumutan niya ako.



Pagkahiga na pagkahiga ko, parang pakiramdam ko ilang sandali lang ay makakatulog na kaagad ako. Para akong pagod na pagod kahit wala naman akong ginawa buong araw. I feel so weak, but while Daisy beside me, my strength is building up.


"Matulog ka na Zach. Magpahinga ka at magpalakas. Mahal na mahal kita."



Hinalikan niya ulit ako sa noo.


"Mahal na mahal din kita, Daisy..." Pabulong kong sabi dahil hinang hina na talaga ako.


Napipikit ko na yung mata ko at nakita kong naglakad na palayo ng kama si Daisy.


Nakita kong naiiyak siya pero wala akong lakas para tawagin siya pabalik. Siguro, guni guni ko lang na naiiyak siya. Dahil alam kong masaya siya at kasama niya ako ngayon.


---------


Bigla akong nagising. Namulat ko ang mata ko at napatingin sa bintana. Madilim... siguro madaling araw pa lamang..


"Daisy," tawag ko kay Daisy.


Lumingon ako sa gilid ko.


Ngunit nanlaki ang mata ko.



There was no daisy beside me.



"D-D-Daisy?" kinakabahang tanong ko. 


Hindi to pwede.


ASAN KA BA DAISY?



Napalabas na ako ng kwarto.


Di ko mapigilang hindi magsisisigaw.


"DAISY! DAISY ASAN KA! DAISY!"


Mababaliw ako.


Nababaliw na ako.


Daisy... asan ka?


Chineck ko ang bawat sulok ng bahay pero wala siya. Impossible namang.. impossible namang aalis siya ng walang paalam..



Bumuhos na ang luha ko.


Ano ba ang nangyayari?


Wala akong kaalam alam


Di ko na alam ang gagawin ko.. 


"IBALIK NIYO SAKIN ANG DAISY KO!" malakas na sigaw ko.


Ang tahimik ng bahay. Tanging ako lang talaga ang tao. Wala si Daisy.. wala..



Hinaplos ko ang picture ng mahal ko. Ang ganda talaga niya.. HIndi ko kayang mawala siya. Siya ang buhay ko. Ang nagbibigay ng lakas sa akin. Hindi ko kayang mabuhay ng wala siya.


Tumayo ako at tumungo sa kusina. 



I took my pills.



Baka kasi..


Nababaliw lang ako at naghahallucinate kaya wala si Daisy.


Naghintay ako ng isang buong araw sa bahay.


PERO WALANG DAISY NA DUMATING.


Tumayo ako at pumunta sa kwarto. Binuksan ko ang cabinet at kinuha ang sumbrero at jacket ko. Humarap ako sa salamin at sinuot ang mga 'to.



I was determined and sure to go out the house. Ni-lock ko ang bahay. I walked to the garage and found my motor. A motor for elderly. Napakatagal na simula noong ginamit ko ito.



Pinaandar ko na ito palabas. At nagsimulang magdrive palayo ng bahay. 'Di ko alam kung ilang oras na ako nagda-drive. Pero kahit pa pagod na pagod ako, hindi ako titigil maghanap.



"Daisy! Daisy!" nakailang ulit na ako ng sigaw ng pangalan niya.


Hoping she would hear and come back to me.


  "Daisy asan ka ba? Bumabalik ka na sa akin.. please.." bulong ko sa sarili ko habang nagdadrive. 


TO BE CONTINUED...

***

"Ano ba yan Sophia! Ituloy mo na yung pagtatype! To be continued ka pang nalalaman jan. Excited na ko sa susunod. Sana mahanap na ni Zach si Daisy. Huhu!" sigaw ng bestfriend ni Sophia na si Angelica sa kaniya.

Pinatunog ni Sophia ang mga daliri niya.

"Chill girl, pwede? Napapod din akong magtype." sagot ni Sophia kay Angelica.

"Kay, fine! Pero sana mahanap na talaga ni Zach si Daisy! Iiyak ako pag hindi!"

Napatawa si Sophia.

"Basta. Mamaya. Ita-type ko ang part 4 ng Zach & Daisy love story. Osha tara, pasok na tayo sa school." sagot ulit ni Sophia kay Angelica.

At sabay na pumasok ang dalawang dalaga sa kanilang paaralan.

"Nga pala Angelica, gusto ko lang sabihin na ang Avicii ang inspirasyon ko sa paggawa ng part 3 ng storya nila Zach and Daisy. Alam mo ba 'yung kantang nilang 'waiting for love'?" tanong ni Sophia kay Angelica.

"Hindi eh." Sagot naman ni Angelica.

"Pakinggan mo! Maganda ang song na iyon. Actually, galing sa music video na 'yon ang mga graphics sa story ko. Theory ko lang sa music video ang part 3."

"Talaga? Osige! Papakinggan ko mamaya pag dating natin sa bahay niyo." sagot ulit ni Angelica.

Tumango na lamang si Sophia sakanya.

Pagkatapos ay pumasok na ang dalawang magkaibigan sa kanilang silid-aralan upang mag-aral.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com