030
07:32 pm
Daylight: Mae?
Maevel: Yes, Delayt? :>
Daylight: May sasabihin sana ako.
Maevel: Hala omg omg
Maevel: Alam ko na yan!!!!
Maevel: Omg aaminin mo na saking gusto mo ako!!!!
Maevel: Omg!!!!!!!!!
Daylight: Huh?
Maevel: Alam ko na yan matagal na!! Matagal ko nang alam na gusto mo ako! Wahahaha. Ikaw talaga Delayt, ah. Lagi mo kaya kaming pinagseselosan ni Kian!
Daylight: Hindi yun ang sasabihin ko.
Maevel: Eh ano? Kung hindi mo ako gusto... Omg. Mahal mo ako!!! Omg!
Daylight: Mae, puro ka 'omg'. Sumbong kita kay Vernon eh.
Daylight: Wag ka nga munang magchat, ginugulo mo ako e.
Maevel: Okay ;-;
Daylight: Gusto ko lang magsorry. Kasi ang sungit ko sayo.
Maevel: Masungit ka naman sa lahat ._.
Daylight: MAE.
Maevel: Oo na
Daylight: Kasi may narealize ako. Kaya tayo pinasayaw ni Jane ng ganun kasi gusto niyang wag na tayong mag-away. Gusto niya kasing magbati na tayo kasi ang ingay-ingay natin
Maevel: Ikaw kaya ang nang-aaway sakin!
Daylight: Shush.
Daylight: Kaya sana okay na tayo.
Daylight: Let's be closer then.
Daylight: Friends?
Maevel: Hindi talaga ako kinikilig.
Maevel: Pero umasa ako!
Maevel: Akala ko magtatapat ka na ng pag-ibig mo sakin
Maevel: Hayaan mo, friends na tayo diba?
Maevel: Tapos mamaya niyan, more than friends na tapos tapos tapos
Maevel: Magiging gf mo na ako tapos tapos magpopropose ka na sakin tapos magiging fiancé mo na ako tapos magpapakasal na tayo tas gagawa tayo ng mga anak tapos tatanda tayo nang sabay at mamatay ng matiwasay omg
Daylight: Ano bang pinagsasabi mo?
Maevel: Kasi lagi mo kaya kaming pinagseselosan ni Kian! Lagi kang nagrereklamo pag nakita mong magkasama kami kaya akala ko tuloy-
Daylight: Hindi ako nagseselos. Pinagsasabihan lang kita kasi minsan hindi na pambabae yung kilos mo. Nawawala na yung pagka-ladylike mo kapag kasama mo si Kian
Maevel: E kasi kumportable akong kasama siya kaya ganun nalang akong umakto pag magkasama kami
Maevel: Grabe, ganun na ba talaga akong mawalan ng poise? Grabe, grabe siya oh.
Daylight: Oo
Maevel: Eh bat sabi mo ikaw lang ang pwedeng bumuhat sakin?
Daylight: Kasi hindi dancer si Kian, paano kung magkamali siya sa pagbuhat sayo? Tas mainjure ka? Wala si Jane kaya kung may mangyari sayo sa vp pwedeng masisi ang lahat
Maevel: Napredict mo agad?
Daylight: Para sure.
Daylight: Nga pala, kung nabobored pa si Jace sa modeling club, isama mo lang siya sa gc.
Maevel: Ah. Oo, sige.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com