Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

062

06:52 pm

Daylight: Mae.

Maevel: Yes po?

Daylight: Can you dye your hair back to brown.

Maevel: Ha?

Daylight: Yep. Tama ang nabasa mo.

Maevel: Teka lang ha. Bakit naman, aber?

Daylight: Basta

Maevel: Day.

Maevel: Ilang buwan na akong blonde pero ngayon lang may nagsabi sakin na ibahin ko na kasi lahat sila, sinasabing bagay raw ang blonde sakin.

Maevel: Mas lalo raw akong maganda sa blonde.

Maevel: At nag-aagree ako kasi totoo naman. Hah

Maevel: Pero ngayon ikaw pa ang nagsasabi sakin niyan ha??? ;-;

Daylight: Basta. Kulayan mo ng black or brown yan

Maevel: Bakit nga kasi? Di ako magpapalit ng kulay hangga't di ko nalalaman yung rason mo

Maevel: Depende nalang kung kailangan talaga sa club or something, ha.

Daylight: Kulayan mo na

Maevel: Ang kulit.

Maevel: AYOKO.

Daylight: Masyado ka kasing maganda!

07:13 pm

Maevel: What .______.

Daylight: Masyado ka kasing maganda kaya andaming tumitingin sayo

Daylight: Ang sarap pagdudukutin ng mga mata nila kasi kulang nalang kainin ka nila sa titig nila

Daylight: Mae, ayokong may tumitingin sayo ng ganun.

Maevel: So anong gusto mong sabihin?

Daylight: Na siguro wala nang masyadong titingin sayo kung brown na ulit ang buhok mo?

Maevel: So pangit pala ako pag brown ang buhok ko kaya wala nang titingin sakin

Maevel: Ganon ba?

Dayligtht: No! It's not like that!

Maevel: Eh ano nga?

Daylight: Kasi nga ako lang pwedeng tumingin sayo!

Maevel: Dafuq hAHAHA

Maevel: Daylight, ano bang sinasabi mo HAHAHA

Maevel: May mga mata sila, malamang makikita nila ako at titingnan nila ako!

Daylight: Alam ko! Pero iba yung tinginan nila sayo e! Parang may pagnanasa or what at bigla nalang nag-iinit ang ulo ko kapag nakikita ko silang ganun sayo!

Maevel: Aw

Daylight: Mae, seryoso na. Palitan mo na yung kulay ng buhok mo :(

Maevel: Hindi. At hindi mo ako madadala diyan sa sad face mo.

Daylight: :'(

Maevel: Naiintindihan kong nagseselos ka sa way kung paano nila ako tingnan pero hindi ko pa rin babaguhin ang kulay ng buhok ko

Maevel: Kasi maganda ako sa blonde at mas nagiging comfortable ako kapag alam kong bagay sakin

Maevel: Pero, Day. Isa rin yan sa mga babawasan natin ha? Masyado kang seloso.

Maevel: Sana mabawasan mo ang pagkaseloso mo kasi kita mo naman ako, hindi naman ako nagseselos kapag may tumingin sayong babae na may halong pagkagusto or what diba?

Maevel: Masyado kang possesive. Bagay talaga sayo ang kantang jealous.

Maevel: Hindi kasi pwedeng lagi kang nagseselos kasi kailangan talaga nating makipag-usap sa iba.

Maevel: Bawal naman nating dukutin ang mga mata nila gaya ng gusto mo kasi makukulong tayo

Maevel: Alam mo ba kung bakit hindi ako nagseselos sa tuwing may kakausap at titingin sayong babae? Kasi, may tiwala ako sayo.

Maevel: May tiwala ako sayo na hindi mo naman sila ieentertain kasi nga may something tayong dalawa.

Maevel: Kaya sana ganun ka rin sakin, okay? Sana naman may tiwala ka sakin kasi kahit ilan pang lalaki ang tumingin o kumausap sakin, ay hindi ko sila pag-iinteresan kasi meron na akong ikaw :)

Maevel: Meron na akong Daylight Kleid ;)

Daylight: Kahit na may dumaang mas gwapo sakin?

Maevel: Hahaha

Daylight: Bat ka tumatawa?

Maevel: Ang cute mo kasi :>

Maevel: Oo, kahit gaano pa yan kagwapo hindi ko pag-iinteresan kasi isang ngiti mo lang, talo na sila agad sayo ;))

Maevel: AyIIIiiIiIIEeEeEE kiligin ka pls

Daylight: Shit hahahahahaha

Maevel: Ayie ayie kinikilig nga tumbong mo HAHAHA

Daylight: Tf, Mae haha geez

Maevel: Tatandaan mo yon ha?

Maevel: Ngayon ako naman ang magtatanong.

Maevel: Kahit na may dumaang mas maganda sakin, di mo sila ieentertain ha?

Daylight: Hindi ko sila titingnan. Kasi ikaw ang pinakamaganda para sakin :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com