Chapter 10
Chloe and Alfred at the media----> <3
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Chapter dedicated to: Myself. Ahaha. (Meganern?)
Comment for more Dedications.
DiamondAlpha
---------------------------
CHAPTER 10
Chloe's PoV
"Omg, Chloe what happened? Were you bullied?"
Puro ganyan ang mga tinatanong sa'kin simula ng maaksidente and mukha ko sa gym. Kapansin pansin naman kasi ang mukha ko dahil nagkaroon ng pasa sa gilid ng labi ko.
"Ha? 'Di ah. Nadisgrasya lang. Don't worry I'm fine."
Puro ganyan lang din ang sinasagot ko tuwing may magtatanong. Ngingitian ko lang din sila.
Dismissal. Lumabas na ako ng room. Yes naman, another day in school's about to end. Nakakapagod mag-aral. Tapos pag uwi ko pa sa apartment magtratrabaho nanaman ako. Ang saya ng life ko.
Naglakad na ako papuntang gate. Kinabisado ko naman kaninang umaga 'yong daan nung pinasabay ako ni Alfred sa motor niya. Alam ko na ang daan. Nang makarating na ako sa gate lumabas na ako. Medyo malayo ang lalakadin mula dito sa school papunta sa bahay nila Alfred. Pero keri yan.
Mga 15 minutes pa lang ako naglalakad. Nandito ako ngayon sa park.
Gaya ng nangyari kanina sa gym. Napatigil na lang ako sa paglakad. Gaya ng nakita ko sa gym. Nakita ko nanaman ang ex kong si Lucas kasama ang bruhildang si Bea.
Bakit ba lagi nalang kapag nasaan ako nandoon din sila? Saka bakit kapag nakikita ko sila lagi na lang akong napapatigil sa ginagawa ko? Dito ako napatigil ngayon sa sidewalk ng playground nitong park. Nakatingin lang ang dalawang mata ko sa'kanila. Nasa bench sila at nakaakbay si Lucas kay Bea. Sobra silang PDA yung tipong nagnanakaw pa ng halik si Lucas kay Bea. They were both smiling. They are so sweet...
"You're looking at them again."
"Haah!!"
Napaflinch ako ng may nagsalita galing sa likod ko. Tinignan ko kung sino 'yon.
Fudge! Siya na naman. Si Alfred! Bakit ba para siyang kabute? Bigla bigla na lang sumusulpot kung saan saan. Or palagi niya lang akong sinusundan?
"Magmove-on ka na nga. Nakakairita ka na e." inis niyang sabi sa akin.
Bakit siya naiirita? Ano ngayon sa kanya kung hindi ako makapagmove on? Anong epekto ba ng hindi ko pagmove on kay Lucas sa'kanya? Tss.
"Ano ngayon sa'yo kapag hindi ako makapagmove on?"
Medyo iritado na din ang tono ng pagkakasabi ko niyan.
"I... I don't know. Basta nakakairita kang ganyan. I'm so annoyed whenever I see you looking at them. With your always filled with pain. Your mind is too easy to read saying you still want him. I don't know but it really pisses me off."
Habang sinasabi niya 'yan hindi siya nakatingin sa'kin. Nakatingin siya sa kanila Lucas at Bea na nasa bench. Hindi ako makasagot dahil hindi ko siya maintindihan. Naiirita siyang nakikita akong nasasaktan kay Lucas. At hindi niya alam kung bakit. Ang gulo.
"I mean look at them, masaya na sila. Lucas said it himself na ayaw niya sa'yo. Get that Chloe? He doesn't want you. Who he wants now is Bea. Can't you still see it? Mas masaya na siya kasama si Bea. Hindi sa'yo. Why can't you just move on?"
Nangilid ng luha ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Okay masyadong masasakit ang mga nasabi ni Alfred sa'kin. But he's right. Masaya na siya kay Bea at hindi sa'kin.
"I-I can't..." mahinang sagot ko.
"It's not that hard."
Madaling magmove on? Para sa'yo Alfred. Madali para sa'yo. Ibahin mo ako.
"For me it is." Sagot ko.
"Tss. So how can you move on? Forever ka nang ganiyan t'wing makikita mo sila?"
Napapikit ako sa sinabi niya kasabay ng pagpatak ng luha ko. Fudge. Pa'no ba kasi magmove on. Hindi ko alam.
"I-Ikaw. Pa'no ka ba n-nakapagmove on kay Bea?" tanong ko.
Iniwas ko na ang tingin ko sa kanila Lucas at Bea. Iiwasan ko sila. Oo tama. Nakita kong pumunta sa harap ko si Alfred. Tinignan niya ako sa mata.
"Need my help on moving on?"
I nodded to his question. Siguro nga, kailangan ko ng tulong. Hindi ko kakayaning mag-isa.
"I know a solution." Sabi niya.
Bigla akong hinawakan ni Alfred sa nagkabilang braso. Mas lumapit siya sa akin na ikina-kunot ng noo ko. Ano bang ginagawa niya? Nagulat ako nang bigla niyang nilapit ang mukha niya sa kaliwang tainga ko. Bigla siyang bumulong,
"Be mine. My Girlfriend."
Agad ko siyang naitulak pagkabulong niya non. Napabitaw siya sa'kin.
"Ano?!" Napasigaw ako.
"Be my Girlfriend."
This time hindi na niya binulong ang pagsabi diyan. Napatingin ako sa mata niya habang sinasabi niya 'yon. Walang ekspresyon ang mga mata niya kaya ang hirap tuloy basahin kung nagloloko ba siya o hindi.
"You're crazy!"
"I'm not Chloe. I'm serious. So what? Are you going to be mine?"
Anong klaseng tanong 'yan?! Seryoso ba siya?
"NO!" sigaw ko.
Bigla na lang ako napatakbo paalis dito sa park. Palayo kay Alfred. Ano bang pinagsasabi niya?! Nakashabu ba siya? Anong klaseng solusyon 'yon?!
Tumakbo lang ako ng tumakbo. Hanggang sa makarating ako sa... palengke? Napatigil ako sa pagtakbo. Lumingon ako sa likod ko. Good. Hindi ako sinundan ni Alfred. Napatingin naman ako sa kaharap ko ngayon. Oo tama! Palengke nga 'to. Tumingin ako sa orasan ng cp ko. 4:30 palang. Tutal 6:00 pa naman ako magtratrabaho napagisipan kong hindi muna umuwi. Mamaya makita ko nanaman si Alfred.
Hindi na ako nagdalawang isip at naglakad na papuntang palengke. Magulo. Madumi. Madaming tao. 'Yan ang nakikita ko ngayon dito sa palengke. Ilang beses na din naman akong nakapunta dito sa palengke. Naisipan kong pumunta sa nagtitinda ng fishball. Dun kami dati kumakain ni... ni Lucas.
"Aleng Ellie, isang 5 pesos na fishball at kikyam nga po." Sabi ko.
Nag-abot ako ng sampung piso kay Aleng ellie.
"Oh Chloe ikaw pala, bakit mag-isa ka lang? Nasan si Lucas?" Tanong ni Aleng ellie habang nagluluto ng fishball.
"Wala na po kami..." sagot ko.
"Ah ganun ba. Sige sandali na lang maluluto na 'to." Sabi ni Aleng Ellie.
Pagkatapos ng 3 minutes natapos na din maluto ni Aleng Ellie ang fishball at kikyam. Pinagsama na niya ang lahat sa iisang plate. Kumuha na ako ng stick at nilagyan na ng sauce ang fishball at kikyam ko. Dun ko na din kinain.
After 10 minutes natapos na ako kumain.
"Sige aleng Ellie una na ako. Salamat po." Paalam ko.
"Sige Chloe, magingat ka sa pag-uwi. Balik ka pa ha." Sagot ni Aleng Ellie.
Tinanguhan ko lang si Aleng Ellie at naglakad na papalayo. Umalis na din ako ng palengke. Naglakad na ako papuntang bahay nila Alfred.
Nakarating na ako sa mala-mansiong bahay nila. Tahimik akong naglakad papuntang likod ng bahay nila para makapuntang apartment.
Pagkapasok ko walang tao. Wala si Auntie. Siguro nagtratrabaho pa siya. Tumingin ako sa orasan. 5:15. Napag-isipan kong magpahinga na muna. May oras pa naman bago ako magtrabaho. Kaya binuksan ko muna ang TV at naupo sa maliit na sofa. Nanood ako ng kung ano anong palabas na pwedeng mapanood.
Malapit ng mag alasais kaya tumayo na ako. Pinatay ko ang TV at pumasok ng kwarto. Nagpalit ako ng maong at white tshirt. Tapos lumabas na ako. Umalis na ako ng apartment.
Papunta na ako ngayon sa bahay nila Alfred. Oh Fudge, bumabalik sa isipan ko ang sinabi niya kanina.
"I know a solution. Be Mine. Be my girlfriend."
Napailing na lang ako ng maalala ko 'yan. Hindi ko na dapat 'yan iniisip. Magtratrabaho ako ngayon at dapat walang sumasagabal sakin.
Pumasok na ako ng bahay nila. Ang nakatokang gagawin ko ngayon ay linisan ang master's bedroom. Pumunta muna ako sa room kung nasaan ang mga panlinis. Dala dala ang lalagyanan ng mga tools, naglakad ako papunta sa master's bedroom. Inopen ko ang pintuan. Hindi nakalock. Huh? Malinis naman ah? Konteng alikabok lang naman ang nakikita ko. Pero kailangan ko pa ding linisan dahil 'yon ang sabi ni Ma'am Clara.
Nagstart na akong maglinis.
Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis ng biglang may pumasok sa kwarto.
"Uh, ikaw ba si Chloe?" Tanong ng babae.
Nakasuot siya ng pangkatulong. Isa siguro 'to sa mga katulong dito sa mansion. Napatigil ako sa paglilinis.
"Ah oo bakit?" tanong ko.
Kasing age ko lang ata 'tong babaeng 'to.
"Ah... Ako si Leah. Isa din ako sa mga maids dito." Pagpapakilala niya.
Tinanguan ko siya.
"Narito ako kasi pinapatawag ka ni sir Alfred sa kwarto niya."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Leah. Fudge! Baka pagusapan nanaman namin 'yong kanina. No way.
"P-Pero, naglilinis pa ako dito." Sagot ko.
Kung kinakailangang patagalin ko ang paglinis dito sa master's bedroom, gagawin ko basta hindi lang makausap si Alfred.
"'Yon din and sinabi ko sa kanya eh. Kaya naman sabi niya ako na lang daw maglinis dito at puntahan mo na daw siya."
"HA? Ano, sabihin mo ako na ang maglilinis dito." Sagot ko.
"Nako Chloe. Baka magalit si sir Alfred. Ibang klase 'yun magalit. Puntahan mo na lang." Sabi niya at kinuha sa akin ang walis.
"A-Ah sige..."
Hindi naman na ako makatanggi. Kailangan kong sumunod dahil isa padin siya sa mga amo ko dito. Fudge kinakabahan ako.
Lumabas na ako ng master's bedroom. Nagaalangan pa akong maglakad papuntang kwarto ni Alfred. Gad hinihintay ako ni Alfred sa kwarto niya pero binabagalan kong maglakad.
Hanggang sa makarating na ako sa harap ng kwarto ni Alfred. Nakasarado ang pintuan. Dahan dahan kong itinaas ang kamay ko. Fudge parang ayaw kong pumasok. Pabalik balik ang kamay ko sa harap ng pintuan niya iniisip ko ba kung kakatok o hindi. Ilang minuto ang nakalipas at naglakas loob na akong kumatok.
"Who's there?" Narinig kong tanong ni Alfred.
"A-Ako 'to. Si Chloe..." sagot ko naman.
"Come in. Door's not locked." Narinig ko pang sabi niya.
Manginig nginig kong pinihit ang doorknob. Saka ko binuksan ang pinto.
Napa-flinch ako kasi si Alfred agad ang bumungad sa akin. As in nasa harapan ko agad siya.
"Come in." sabi niya.
Naglakad ako ng dalawang hakbang papasok sa kwarto niya.
Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa harapan ko at isinarado ang pintuan sa likod ko. Tapos tinignan niya ako. Oh Fudge! Bakit ang lapit lapit niya sa akin? Naamoy ko na ang mabangong amoy niya. Bigla akong napaiwas ng tingin.
"B-Bakit mo ako pinapatawag?" Tanong ko ng hindi tumitingin.
Lumayo din ako sa kanya. Humakbang ako ng malaki papuntang kanan. Magkalayo na kami pero bigla nanaman siyang lumapit.
Palapit siya ng palapit habang ako palayo ng palayo. Hanggang sa cinorner ako ni Alfred dito sa kwarto niya. Kaba ang bumalot sa buong katawan ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nanigas na lang ako dito sa sulok ng kwarto.
"Chloe."
Binanggit niya pangalan ko. Nakatayo padin siya sa harap ko. His eyes were locked to mine. Nakatingin siya with serious eyes. Naalala ko yung sinabi niya kanina sa park. Seryoso ba siya? Knowing Alfred Marquez, hindi yan' mahilig magbiro. So I bet seryoso siya sa sinabi niya kanina. It's so weird na tinanong niya 'yon sa'kin.
"Iniwan mo ako kanina sa park ng hindi sumasagot. Now I'm here to know your answer."
Fudge. Ano bang dapat kong isagot? Hindi ko alam ang desisyon ko. Bakit ba kasi niya naisipan 'yon? Anong pumasok sa isip niya at natanong niya 'yon sa'kin?
"You got hurt. Niloko ka at ngayon nasasaktan ka. Araw-araw ka na lang ba ganito? You have to mend your heart Chloe. And I think that's the only solution to solve your problem. Just say yes." he said in a serious tone.
"Pero Alfred..."
"Answer,"
Papayag ba ako? I got his point. Tama siya. Ako din lang ang makikinabang sa pagaayos sa nawasak kong puso. Pero what if hindi magwork? Paano kung niloloko niya lang din ako? Masasaktan lang ulit ako. Pero parang gusto ko ding pumayag. May parte sakin na nagsasabing sincere si Fred. Never ko pa din namang narinig na naging cassanova siya. Gulong-gulo ako ngayon. Hindi ko pa talaga alam ang idedesisyon ko.
"A-Ano ulit 'yong solusyon?" utal utal kong tanong.
Mas lumapit siya sa'kin. Nilapit niya din yung mukha niya sa'kin. Ang lapit na naming dalawa sa isa't-isa. It makes me more intense. Nakatingin siya ng deretso sa mga mata ko at ganun din ako.
The next words he said hit me.
"Just Be Mine."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com