Chào các bạn! Truyen4U chính thức đã quay trở lại rồi đây!^^. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền Truyen4U.Com này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Cute shocked Chloe at media-->

Leave comments and votes after reading! Thank you. :]

Chapter Dedicated to: KeyResurrectionist :)
Comment for Dedications.

DiamondAlpha  
---------------------------

CHAPTER 11
Chloe's PoV

"Just be mine."

Mas bumilis ang tibok ng puso ko. Just be mine? As in sa'yo Alfred? Maging girlfriend mo? Parang may kuryenteng dumaan sa katawan ko ng sabihin niya 'yon. Just 3 words pero iba ang dating sa'kin pag siya ang nagsabi. Nanlalambot ako. Kung nung kanina sa park ay walang expression ang mukha ni Alfred habang sinasabi 'yan, ngayon meron na. He looks so sincere. Na para bang totoo na walang halong pagloloko ang sinasabi niya.

"Ano ba chloe, sumagot ka nga."

Napastiff ang katawan ko.

"I-I don't know." Nasagot ko.

"I'm not taking that as an answer. Sumagot ka ng maayos. Yes or no lang ang sagot."

Napapikit ako.

"M-May iba pa bang paraan?" Tanong ko.

Pabuntong hininga kong minulat ang mga mata ko.

"That's the only solution I could think of. One more thing, I like that solution."

Napalunok ako sa sinabi niya. L-Like? Gusto niya na 'yon ang maging solusyon ng problema ko? Hindi ko na talaga siya maintindihan.

"B-But why?" Tanong ko sa kaniya.

"I'll say my reason but first say your decision. Ano? Payag ka?"

Napaisip ako ng mabuti. Oo o hindi? Help me. Ang hirap magdesisyon. Isang solution ang masasayang kapag naghindi ako. Eh ano namang mangyayari kapag umoo ako? Madami. Madami ang mangyayari.

"No." lakas loob kong sagot.

"Why?"

"Naalala ko ang sinabi ni Ma'am Clara. Maids are maids. Wala dapat mamagitan sa atin. Naalala ko din ang sabi sa akin ni Auntie. Hindi din daw siya munang makakapayag na magkaboyfriend ako. So yeah, I won't be yours." Sagot ko.

"Then we'll hide it. Hindi natin sasabihin sa kanila ang about sa'tin. My mom's busy, your Auntie's busy. They'll won't know." Sagot niya.

Grabe. Ganon ba talaga niya kagusto ang solusyong 'yon? Ano bang mangyayari sa kaniya kapag pumayag ako? Ang labo niya. Hindi ko siya maintindihan sobra.

Umiling ako sa sinabi niya.

"No. Ayoko. Ayo'kong magtago. S-Sige, labas na ako. Magtratrabaho pa a-ako."

Wala siyang sinabi. Tinignan lang ulit ako ni Alfred.

Umiwas ako ng tingin. Humakbang na ako at nagsimulang maglakad papunta sa pintuan ng kwarto ni Alfred. Bubuksan ko ab aka ang pintuan ng mapatigil ako ng magsalita si Alfred.

"Go on and walk out that door with 'no' as your answer and your secret's going to be out too."

Napatigil talaga ako sa paglalakad sa sinabi niya. M-My secret...

Dahan dahan ko siyang nilingon.

"Go on." Sabi niya pa.

"S-Sabi mo, hindi mo ipagkakalat." Sabi ko sa kaniya.

"I said I'm not gonna tell your secret 'if' pumayag ka kapag may pabor na ako. At mukhang hindi ka pumapayag sa pabor ko ngayon. So face the consequence. Bukas na bukas sa internet man o sa school. Your secret will be out." Matigas niyang sabi.

Fudge! Kapag napagkalat niya ang sekreto ko sa school, madadagan ang problema ko. Gugulo ang buhay ko sa paaralan. Hindi magiging payapa ang pagaaral ko.

"Huwag please." Mahina kong tugon.

"You only have to do is say yes and your secret's still safe with me."

Napagbuntong hininga ulit ako. Malakas ang blackmail ni Alfred para sa'kin. Fudge. I can't believe I'm doing this.

"Fine. I-I'll be yours." Mahina lang ulit ang pagkakasabi ko niyan. Pero sapat para marinig ni Alfred.

Nakita kong ngumiti siya. Ay hindi pala. Smirk pala. Tss. He got what he wanted. Siya ang nanalo sa usapang 'to.

"So you're mine then." Sabi niya.

Hindi ko siya sinagot.

"Don't worry because of that your secret's safe." Sabi niya pa.

"Thanks." Pasasalamat ko.

Hindi ko siya tinignan habang sinasabi 'yan. Thankful naman talaga ako. Hindi niya ipagkakalat ang sekreto ko and I felt relief.

"We'll talk more tomorrow. Tomorrow's Saturday. You only work at night right? Hihintayin kita sa unang waiting shed nitong village. 8:00 in the morning sharp. Go there or else." Sabi niya.

"Pero baka---"

"No buts. Umalis ka na before my mom sees us."

Pinutol niya ako sa sasabihin ko. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kwarto niya. Aba't! Tinulak tulak pa ako sa labas. Pagkalabas ko sinarado niya agad ang pintuan. Nandito na ako ngayon sa labas ng kwarto niya. Fudge.

What just happened? Pwedeng pakireplay ang nangyari sa loob ng kwarto niya? So... may boyfriend nanaman ako. Weird thing pero hindi ko mahal. Pero boyfriend ko. Hindi niya din ako mahal. Pero girlfriend niya ako. Oh fudge! Ang gulo.

I hope this helps me on moving on from you Lucas. Sana... I went downstairs. Magaayos ako ngayon ng malawak na sala nila. Again kumuha ako ng tools sa room ng mga panlinis at pumunta ng sala nila. At nagsimula na akong maglinis.

"Oh Chloe naglilinis ka pa pala dito."

Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko si Auntie.

"Ah oo nga po e. Pauwi na din po ako pagkatapos ko po dito." Sagot ko.

"Ah ganun ba, ako pauwi na. Ha sige tulungan na lang muna kita para makauwi ka na din." Sabi ni Auntie.

"Ay teka, ano yang nasa gilid ng labi mo? Bakit may pasa kang bata ka?! May nambully ba sayo?"

Alalang alala ang mukha ni Auntie habang sinasabi yan. Lumapit din siya sa'kin at hinawakan ang baba ko. Tinignan niya ang nasa gilid ng labi ko.

"Wala po 'to. Natamaan po kasi ng bola kanina P.E. time namin." Sagot ko.

"Haynako kang bata ka. Sa susunod kasi mag-iingat ka na ha." Sermon ni Auntie.

"Opo." Sagot ko kay Auntie at tumango.

"O siya, maglinis na tayo." Sabi pa ni Auntie.

Tinanguan ko nalang ulit siya.

"Sige po." Sagot ko.

Kumuha si Auntie ng duster at nilinisan ang mga nakalagay sa ibabas ng isang table. Ako naman nagwawalis. Naglinis lang kami ng naglinis.

Hanggang sa matapos na kami sa paglilinis. Binalik namin ni Auntie ang mga tools sa room ng mga panlinis. Sabay na din kami ni Auntie na bumalik ng apartment namin.

"Chloe masakit ang katawan ko ngayon. Magpapahinga muna ako sa kwarto ha. Ikaw nalang muna ang magluto ng panggabihan. 'Sensya na."

"Okay lang po. Ano po bang ulam?" sagot ko kay Auntie.

"May dalawang lata pa naman diyan ng cornbeef. 'Yon nalang muna ang iulam natin. Sige sa kwarto muna ako."

Tumango ako kay Auntie.

Nakita kong pumasok na siya ng kwarto. Agad akong naupo muna sa sofa. Maaga pa naman para maggabihan. Mamaya na ako magluluto.

Sinandal ko ang likod ko sa sofa at naipikit ko ang mata ko.

"So you're mine then."

Bumalik sa isip ko ang sinabi ni Alfred kanina. Yes. Totoong totoo. Sakanya na ako. Pumayag ako sa pabor niya. Ahh. Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko. Pero atleast. Atleast ligtas ang sikreto ko kasi pumayag ako. Dahil sa pagpayag ko sa pabor niya naligtas ko ang sikreto ko. That's a good thing.

Pero I don't clearly know kung paano ako matutulungan ng solusyong 'yon sa pagmomove on kay Lucas. Bale, bukas tatanongin ko kay Alfred.

Bukas. Naalala ko. Magkikita kami sa unang waiting shed nitong village na'to. We'll talk more sabi niya. Ano naman kayang pag-uusapan namin?

Ang daming gumugulo sa isip ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin ko. Bakit kasi napakahirap mabuhay sa buhay na mayroon ako ngayon.

Naisipan ko nang tumayo. Binuksan ko na ang mata ko. Pumunta na akong kusina at kinuha ang sinasabi ni Auntie na dalawang lata ng cornbeef. Nagluto na ako. Buti may kanin pang natira. Hindi na muna ako magsasaing.

After kong magluto nilagay ko na ito sa isang plate. Kumain na din ako ng panggabihan. Nagtira din ako ng ulam para kay Auntie. Tinabihan ko din siya ng kanin. Tinakpan ko yon matapos 'kong kumain. Tapos nagtooth brush na ako. Gabi na din. Matutulog na ako.

Pumasok ako ng kwarto at naabutan ko si Auntie na nakahiga. Nakapikit na siya. Tulog na ata. Tinabihan ko siya. Nung tinabihan ko siya medyo gumalaw si Auntie. Napamulat siya at tumingin sa akin.

"Auntie... tinakpan ko nalang po kayo ng pagkain sa kusina. Kainin niyo na lang po kapag kaya niyo na bumangon." Sabi ko.

"Sige Chloe... Salamat." Sagot ni Auntie.

Umusog ng konti si Auntie sa kama para may space ako. Nakita kong pinikit ulit ni Auntie ang mga mata niya. Siguro pagod na pagod talaga ngayon si Auntie.

Nahiga nadin ako. Inayos ko ang posisyon ko yung komportable ako. Nagkumot na din ako ng hanggang leeg ko. Malamig kasi e. Naisip ko bigla, bahala na... bahala na kung anoman ang mangyari sa'min ni Alfred bukas.

Tumagilid na ako at ipinikit ang dalawang mata ko.

Ilang minuto pa ay nakatulog na din ako.

------
Thanks for reading guys :) Also, try reading Spiddykams_' "Wanted Boyfriend" You might like that story too :) Wait for the next UD of jbm! ~DiamondAlpha


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen4U.Com